Happy yet Sad Ending [HySE <3...

By unpredictablefe

17.2K 85 19

Hindi ibig sabihin na masaya tayo sa pagsisimula ng araw natin ay magiging masaya pa rin tayo sa pagtatapos n... More

Important Note:
List of The Models and Characters:
HySE <3 Beginning
HySE <3 1.
HySE <3 2
HySE <3 3.
HySE <3 4. Knowing Him!
HySE <3 5. Princess, wake up!
HySE <3 6. They're Drunk
HySE <3 8. Give Me A Smile
HySE <3 9. KathLil Chap.
HySE <3 10. basketball
HySE <3 11. KathQuen
HySE <3 12. JuliEgo Moments
HySE <3 13. Bakit ka absent?
HySE <3 14. Ako na lang!
HySE <3 15. The Graduation and Fiancee
HySE <3 16. Princess and Prince
HySE <3 17. Her Birthday
HySE <3 18. You Belong with me!
HySE <3 19. The Break up
HySE <3 20. We are here for you!
HySE <3 22. [Happy Birthday To ME!!!!] Happy Ending??
HySE <3 23. Away?
aHySE <3 24. We will miss Her!
HySE <3 Epilogue. Happy yet Sad Ending

HySE <3 7. KUYA???

554 3 0
By unpredictablefe

Thanks for reading wattpaders...hehehe.. Hope you like this chapter.

=============================================================================

Maaga akong nagising ngayon dahil sa kailangan ko mag-aral ng leksyon namin dahil magkakaroon kami ng quiz. Pagkatapos kong mag-aral ay naligo na ako agad at nag suot na ng aking uniform. Pagkatapos ay aking inihanda ang aking mga kakailanganin sa ekwela at bumaba na.

"Good morning princess." bati ni mommy sa akin ng makita niya ako. Nakaupo sina mommy, daddy, at ang kambal sa veranda. 

"Guten Morgen, mutti." bati ko rin kay mommy sabay halik sa pisngi niya.

"Buongiorno mia principessa." bati rin ni daddy sa akin sabay abot ng tasa ng tsaa. Part na kasi ng morning routine ng family na umunom ng tsaa every morning pagkompleto kami.

"Guten Morgen, vati." Humalik na rin ako sa pisngi niya at umupo sa tabi niya.

"Gandang umaga ate." bati rin sa akin ni Tian na umiinom rin ng tsaa.

"Morning sis." sabat rin ni Tine.

"Guten Morgen, zwilling." bati ko rin sa kambal. Sabay kaming uminom ng tsaa at kumain ng pandesal. Si Tian at Tine ay nakabihis na dahil ngayon ang field trip nila.

Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano-anong bagay. Sabi rin nila maaga raw na umuwi sina DM, Nel, PJ, at Kuya TJ. Si Gelay rin raw ay hindi pa gising siguro dahil sa kalasingan kagabi. Si Ate Cheska naman ay di pa rin gising dahil siguro nasanay yun sa kanila na di gumising ng maaga.

"Good morning po." napalingon rin kami agad sa bumati sa amin. Si Ate Cheska pala.

"Good morning rin Che. Upo ka muna." sabay turo ni mommy sa upuan, sumunod naman agad si Ate Cheska. Ipinagtimpla ko na lang rin siya ng tsaa.

Kinumusta ni mommy si ate kung okay lang ba ang tulog niya. Kahit ano na lang ang pinagkwentohan namin. Tinanong rin siya ni dad kung ilang taon na silang magkarelasyon ni kuya TJ, sabi naman ni ate na di raw talaga sila, nagbibiro lang raw siya kagabi. Mga ilang minuto pa ay inihatid na muna nina mommy at daddy yung kambal papuntang eskwela dahil malapit na raw sila umalis.

Kami na lang ni ate yung naiwan. Nagkwentuhan lang rin kami tungkol sa kanila ni Kuya TJ at tungkol sa mga magulang niya. Mabait naman pala si ate eh. She's so sweet. Humingi na rin siya ng pasensya sa mga pang-iinis niya sa akin last time.

"Good morning." napalingon kami ni ate kung sino ang bumati. Si Gelay pala. Nginitian lang namin siya at pinaupo. Ano ba nangyari sa babaeng toh?? Bakit parang bagong tuli siya kung maglakad??

"What happened Angel? Bakit ganyan ka maglakad?" napansin rin pala ni Ate. Umupo na muna si Gelay bago kami sinagot.

"Masakit kasi yung pagkababae ko." diretso niyang sagot habang nagtitimpla ng tsaa niya. Nagkatinginan lang kami ni ate sa bigla dahil sa sinabi niya.

"Ano ulit sinabi mo? Pakiulit." tanong ulit ni ate sa kanya.

"Masakit yung bandang ibaba ko." sagot niya tapos uminom ng tsaa. Bigla may nagflashback sa aking isip ng marinig ko yung sagot niya. Napaluunok na muna ako bago magsalita. May nangyari kaya talaga sa kanila??

"Gelay, wag mong mamasamain ha. May nangyari ba sa inyo ni PJ kagabi?" napansin kong mukhang nabigla si Gelay sa tanong ko. Totoo nga kaya? May nangyari nga ba talaga sa kanila?

"A-anong ibig mong sabihin Andi?" nabubulol na tanong niya ulit sa akin. Namumutla na nga siya.

"Angel, did you do it with Jazzper last night?" si Ate Cheska naman ngayon ang nagtanong sa kanya. Napayuko na lang si Gelay at nagnod. She really do it!! May nangyari nga sa kanila ni PJ!!

"Andi, wag mo sasabihin kina tatay at nanay, pati na rin kay kuya, please." mahinang tugon ni Gelay kahit nakayuko. Di pa rin ako makapagsalita. Hindi ko akalaing magagawa ni Gelay ang bagay na iyon. Tama nga siguro talaga ang sabi ni grandma sa akin noon na hindi ibig sabihin na mabait ang isang tao ay wala na itong magagawang hindi tama. "Andi, naging masaya naman ako ng gawin naman yun eh. Yung kagabi na ang pinakamasayang gabi ng buhay ko." iniangat niya na ang ulo niya at humarap na sa akin. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang kasiyahan kahit na may mga namumuong luha dito.

"Gelay ang bata mo pa para gawin yung mga ganung bagay. Hindi mo ba naisip yung mga pwedeng mangyari sa iyo pagkatapos nung mga nangyari kagabi? Hindi mo man lang ba inisip ang iisipin nina nanay at tatay?" tumungo na ulit siya habang nagsasalita ako. Si ate Cheska naman ay nakayuko na rin. (Ang sitting arrangement ay si Cheska, Angel, tapos Althea.) "Gumamit ba kayo ng protection?"

"Hindi." diretsong sagot ni Gelay.

"Ano?? Paano na lang kung magbunga??" nabigla si ate sa sagot ni Gelay kaya napatayo siya at napalakas ang boses. Buti na lang wala dito sina nanay at yung mga maids kundi lagot na. "Angel your too young to get pregnant."

"Hindi naman siguro ako mabubuntis. Isang gabi lang naman eh." nakayuko pa rin si Gelay pero mapapansin sa kanyang boses na nagsisimula na siyang umiyak. Umupo na lang ulit si Ate.

"Pero paano kung mabuntis ka Gelay. Paano mo sasabihin sa mga magulang mo at sa kapatid mo? Paano niyo sasabihin sa mga magulang ni PJ? Paano niyo bubuhayin ang magiging bunga ng kapusukan niyo? Ang bata niyo pa pareho." sabi ko kay Gelay habang tinatap ang likuran niya dahil yumakap na siya sa akin habang umiiyak.

"Hindi ko rin alam Andi. Di ko kasi yan inisip."

"Wag ka muna umiyak ngayon Angel. Maligo ka na dun, malapit na mag 7:00, di ba 8:00 ang klase niyo?" pamputol ni ate sa amin. Kaya tumayo na agad si Gelay. Naiwan na kami ulit ni ate. Nginitian niya lang ako at tumayo na rin siya para makaligo na rin. Tumayo na rin ako para pumunta na sa kwarto ko para kunin ang mga gamit ko sa eskwela.

*fastforward*

Nandito na kami ngayon ni Gelay sa room namin. Si Ate naman ay pumunta na sa room nila. Dumiretso na kami ni Gelay sa mga upuan namin. Nandito na rin si PJ. Nabigla na nga lang ako ng biglang halikan ni PJ si Gelay sa mga labi nito, pero di na lang ako nagpahalata at dumiretso na sa pag-upo sa upuan ko.

Di rin nagtagal at dumating na ang instructor namin sa English. Wala naman kami masyadong ginawa dahil sa sinabi niya lang sa amin na gagawa kami ng research paper at kami na ang bahala sa kung sino ang mga kagrupo namin basta 4 na myembro lang per group. Syempre tatlo na kami kaya isa na lang ang kulang.

"Pwede bang dito na lang ako sa grupo niyo? Wala na kasing ibang group eh." sabi ng isa kong kaklase. Si Barbara Forteza o mas tinatawag naming Barbie dahil yun raw ang palayaw niya.

"Sure." ako na ang sumagot. Titig na titig lang siya kay PJ kahit na ako lang ang sumagot sa kanya. Umupo rin siya sa tabi ni  PJ. Nagform kami ng circle, bale si PJ, si Barbie sa right niya, ako, tapos si Gelay naman sa left ni PJ.

Nag-usap-usap lang naman kami at pinagdesisyonan na ang magiging title ng aming research ay *Grammatically Erronous Text and Reading Comprehension*, napagdesisyonan rin na ako ang gagawa ng Chapter 1, si Gelay ang Chapter 3, at naiwang si Barbie at PJ sa chapter 2.

After nung english ay pumunta na kami sa biology room namin. Sa subject na ito kami magkakaroon ng quiz. Medyo, nahirapan si Gelay at PJ sa quiz dahil na rin hindi nakapag-aral ang dalawang ito kagabi. After naman ng Biology ay nagmath na kami. Sinabi lang din ni sir na gaganapin raw namin ang aming Final exam next next week Friday which is March 2, 2012.

After ng subject sa umaga ay sabay kaming tatlo na naglunch. Nandito kami ngayon sa canteen, nandito rin sina Kuya TJ at Ate Cheska.

"Kailan niyo balak dalawa na ipaalam kay nanay at tatay na kayo na?" panimula kong tanong kay Gelay at PJ. Kanina pa kasi ako naiinis sa kanilang dalawa, lalo na kay PJ pinipigilan ko lang.

"Hindi pa ngayon." sagot naman ni PJ.

"Matapos ng mga nganyari kagabi? Wala pa rin kayong balak ipaalam sa kanila?" tinaasan ko na ng kilay si PJ. Hindi naman sa si PJ ang sinisisisi ko sa mga nangyari sa kanila dahil ayun kay Kuya RY, sa bawat nangyayari raw sa isang relasyon ay yung dalawang tao raw talaga na involved ay mag contribution rin sa mga nangyari.

"Andi, ayaw ko muna ipaalam sa kanila baka kasi magalit sila sa amin. Baka mapahinto ako sa pag-aaral." pagpapaliwang rin ni Gelay.

"Pero, sapalagay ko Gel, mas maganda na habang maaga pa ay alam na ng mga magulang mo na may relasyon kayo ng kapatid ko. Atleast, hindi nila ito marinig mula sa iba." hirit pa ni kuya TJ. Siguro alam na rin niya yung mga nangyari.

"At kung sakali mang magbunga yung kapusukan ninyo eh, alam na nila kung sino ang ama." hirit rin ni ate Cheska. Sasagot pa lang sana si Gelay ng maybiglang magsalita.

"Can I sit with you? Wala na kasing ibang tables eh." si Barbie pala. Nakangiti lang siya kay PJ. Nagnod na lang kami kaya tumabi na siya kay PJ. Hindi na rin muna namin inumpisahan ang topic dahil baka malaman nitong si Barbie at kumalat pa sa room. Hindi na rin kami makapagsalita dahil rin sa si Barbie na ang nagsasalita, subalit si PJ lang naman ang kinakausap niya. Si PJ naman mukhang nag-eenjoy sa pakikipag-usap kay Barbie at kinalimutan na niyang kasama niya kami.

Matapos ang lunch ay nagsibalikan na kami sa aming mga rooms. Sumabay pa rin sa amin si Barbie. Medyo naiinis na nga sa kanya si Gelay. Gumawa na rin siya ng paraan para mapaalis si Barbie pero wa epek dahil siya pa ang napaalis.

Habang hinihintay namin ang aming best ever late teacher ay nag-usap muna kaming apat para sa aming research paper sa english. Napag-usapan naming dapat ay makapagpasa na kami ng aming first draft next week Wednesday para maedit na namin ngayong Friday.

*fast forward*

Nandito na ako sa loob ng kwarto ko ngayon naka black sphagetti ako sa pantaas at nakashort na maong at piit, nakalugay lang rin ang buhok ko. Wala dito sina mommy at daddy ngayon dahil pumunta na muna sila sa kompanya. Yung mga maids naman ay pinagpahinga na muna kaya nagsiuwi na muna sa probinsiya nila. Sina tatay at nanay naman ay sinundo si Kuya Ry sa airport. Si Gelay ay kasama ngayon si PJ, at si Ate Cheska ay sumama kay Kuya TJ papunta sa tindahan nila.

Binuksan ko na muna ang aking computer at nag log in sa aking FB, Twitter, at wattpad accounts. (A: Follow niyo naman ako sa twitter @unpredictblefe, add niyo rin ako sa FB monkeygurl_pink@yahoo.com) May mga ilang nag-add sa aking FB kaya naman nag-accept na lang ako. Sa twitter naman may mga nagfollow, finollow back ko naman yung mga kakilala ko. Sa aking wattpad naman ay nagbasa na lang muna ako yung estorya ni upredictablefe ang "Badgirl ni Badboy".

Mga ilang minuto lang akong nagbabad sa computer ay pinatay ko na agad ito at pumunta naman sa sala para manuod ng TV. Its already 6 pm at wala pa rin akong kasama dito sa bahay, at aaminin ko I'm already bored.

*ding-dong*

Lumabas na ako ng marinig ang pagtunog ng door bell. This why sometimes I don't like being alone kasi kailangan ako ang magbukas ng pinyo sa tuwing may magdodoorbell.

*ding-dong*

"Coming." sabi ko sabay bukas ng gate. "Kayo lang pala. Tuloy." sabay talikod ko sa dalawang ugok. Si DM pala at si Nel.

"May iba kang hinihintay?" tanong sa akin ni DM ng makapasok na kaming ng bahay at umupo na siya sa sofa. Inabot niya na rin sa akin ang dala niyang chocolates at bulaklak.

"Thanks." umupo na rin ako sa tapat niya.

"Principessa, para sa iyo. Ang sexy mo ngayon sa suot mo." inabot rin sa akin ni Nel ang dala niyang teddy bear at rambotan. Mahilig kasi talaga ako sa rambotan, at isa sa pinakamahilig kong icollect ay ang mga teddy bears.

"Thank you Nel." inabot ko na rin ang bigay niya. "Akyat na muna ako, ilalagay ko na muna itong teddy." at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. Inilagay ko ang teddy sa higaan ko. Hindi naman siya maliit at hindi rin malaki, katamtaman lang, kulay blue rin ito dahil nga favorite color ko ay blue.

Bumaba na rin ako agad pagkatapos, dumiretso muna ako sa ref para kumuha ng maiinom. Pagkatapos ay bumalik na ako sa sala. Naabutan ko ang dalawa na nagtititigan lang at may mga galit sa mga mata nila.

"Uminom na muna kayo." sabay abot ko ng juice at umupo sa tapat nila dahil pinalipat ko si Nel para tabi sila ni DM. "Ano pakay niyo?"

"Manliligaw." sabay nilang sagot dalawa, pagkatapos ay nagtitigan na naman.

"Kumusta pag-aaral niyo?" pagputol ko sa tensyon sa pagitan nila.

"Ayos lang naman." sagot ni DM.

"Principessa, pwede ka ba ngayong Sunday?" tanong sa akin ni Nel.

"I think I'm not." baka kasi mamamasyal kami ngayon Sunday dahil nga sa kompleto kaming pamilya.

"Sayang naman. May gaganapin kasing activity sa eskwelahan ngayong Sunday." sabat pa ni DM.

"At may mga part kami sa activity." sabat rin ni Nel.

Nagpatuloy lang usapan namin. Nagkwento ang dalawa sa mga nangyari sa kanila kanina. Ibinalita rin ni DM na nakita niya raw kanina sina PJ at yung babaeng di niya kilala, siguro si Barbie yun. Tapos sabi rin ni Nel na nakita niya raw sina Gelay at PJ sa mall at dumiretso raw ang dalawa sa isang old house malapit dun. Kaya naikwento ko sa kanila na may nangyari sa dalawa kagabi, si DM nagulat dahil nga raw ang bait ni Gelay para gawin ang ganung bagay at di rin niya akalaing kayang gawin yun ni PJ dahil nga sa estado ng buhay nito. Sumabat naman si Nel, sabi niya hindi daw porket hindi mayaman ang pamilya ni PJ ay di na niya kaya gumawa ng mga bagay na iyon, at hindi na rin siya nabigla na ginawa yun ni Gelay dahil di raw sukatan ang kabait ng isang tao para sabihing palagi na itong gagawa ng mabuti. Patuloy lang kami sa pag-uusap.

"Andrea!" napalingon agad ako sa nagsalita. Nakita ko na sina mommy at daddy na nakangiti. Si Ate Cheska naman ay katabi si Kuya TJ na nakatayo, at sina nanay at tatay rin. Isang matipuno, matangkad, at maputing lalaki ang bumungad sa amin. Napatayo agad ang dalawang ugok na kasama ko. Si.....

"Kuya Ry." napatayo na rin ako at yumakap kay Kuya Ry. Si Kuya Ry ay kapatid ni Gelay na pinag-aral ni dad sa Manila. Para ko na rin siyang tunay na kapatid dahil siya yung kasa-kasama ko noong pumunta ako sa Manila para magbakasyon. "Namiss kita." bumitaw na rin ako sa yakap niya.

"Ako nga rin namiss kita. Ang laki mo na ha. Kasama mo pa rin pala ang dalawang yan." tinuro rin ni Kuya sina Nel at DM. Nag-hi lang naman ang dalawa. Pagkatapos ng batian session namin ay tumungo na kami sa hapagkainan dahil inihanda na ni Nanay ay pagkain namin. Sabay kaming lahat sa pagkain.

"Nay, asan po si Leng-leng?" tanong ni kuya Ry kay nanay at tatay. Leng-leng ang tawag niya kay Gelay.

"Ang alam ko ay kasama niya raw si Joy." sabay turo sa akin ni nanay. Tsk, di rin pala nagpaalam ng maayos yung babaeng yun. Sabi niya rin kasi sa akin ay alam raw nina tatay at nanay na magkasama sila ngayon ni PJ. "Hindi mo ba siya kasama Joy?"

"Hindi po nay, eh." simple kong sagot. Ayaw ko munang sabihin kung sino kasama ni Gelay kasi mas maganda kung siya mismo ang magsasabi nun sa mga magulang niya.

"Tawagan mo na lang kaya muna Ry yung kapatid mo." medyo halata na sa mukha ni tatay na naiinis siya dahil sa hindi maayos na pagpapaalam ni Gelay sa kanila. Sinunod naman ni Kuya Ry ay utos ni tatay.

"Tay, ayaw niya po sagutin yung phone niya." sabi ni Kuya Ry, habang sinusubukan muling icontact si Gelay.

"Princess, sino ba kasama ni Angel?" tanong sa akin ni mommy. Lagot, di ako pwedeng magsinungaling.

"Ah....eh.." Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko o hindi. Kalahati ng utak ko nagsasabing sabihin ko sa kanila dahil yun yung mas magandang gawin, ang kabilang utak ko naman ay nagsasabing wag kong sasabihin dahil mas magandang kay Gelay mismo manggaling ang lahat. Napatingin na rin ako kay Kuya TJ at Ate Cheska kasi alam rin nila kung saan si Gelay.

"Sa pagkakaalam ko po mam, sir, ay kasama po siya ng kapatid ko." biglang sabat ni Kuya TJ. Thanks Kuya, you save me.

"Maaari mo bang tawagan ang kapatid mo iho?" tanong ni daddy kay kuya TJ.

"Wala po kasi yung cellphone, tito." sabat rin ni Ate Cheska. Si Kuya Ry ay pinagpapatuloy pa rin ang pagcontact kay Gelay. sana naman sagutin na niya.

"Hello Leng." napatingin kaming lahat kay Kuya Ry. "Nasaan ka?" wala munang nagsalita sa amin dahil sumenyas si kuya na tumahimik kami. "Sigurado ka?" Nagtinginan lang kaming lahat sa reaksyon ni Kuya. Sapalagay ko ay hindi nagsabi ng totoo si Gelay. "Sige kita na lang tayo sa bahay. Papunta na rin kasi kami. Ingat." Pinatay na rin ni Kuya ang phone.

"Tay, nay, ihanda niyo po ang mga words of wisdom niyo." Sabi ni Kuya Ry sa amin. Siguro, naintindihan naman yun ng parents ko at parents nila kaya naman nagsimula na si nanay sa mga words of wisdom niya. Ganun na rin si tatay at ang parents ko. Sabi pa nga ni daddy, wag na wag raw talaga akong magsisinungaling kundi lagot raw ako. Sabi rin niya na wag na raw muna akong magboyfriend kasi nakakasira raw yun sa pag-aaral, napayuko na lang sina DM at Nel ng sabihin yun ni daddy, napansin ko ring napayuko si Kuya TJ at binulungan siya ni Ate Cheska habang nakatingin sa akin. Problem nilang dalawa??

Tahimik na lang kami habang kumakain hanggang sa matapos kami. Pumunta na kaming lahat sa sala pero Ako, si Ate Cheska, Kuya TJ, Nel, DM, at Kuya Ry ay dumiretso sa veranda.

"Andrea, hindi mo pa ata ipinapakilala ang pinsan mo sa akin." panimula ni kuya ng makaupo na kami. Tsk, halatang sa mga ngiti ni Kuya Ry na natitipuhan niya si Ate Cheska.

"Si ate Cheska nga pala kuya. Anak siya ni Tita Maria. Ate Cheska si Kuya Ry, Christian Ryan tunay niyang pangalan." inabot ni kuya ang kamay niya kay ate at ganun din si ate. Nagpalitan sila ng "It's my pleasure to meet you."

Nag-usap lang kami tungkol sa mga bagay bagay, like kumusta na ang panliligaw nina DM at Nel sa akin, kung nililigawan rin ba ako ni Kuya TJ, ewan ko nga ba kung bakit niya nasabi yun. Tinanong niya rin kung may nanliligaw ba kay Ate Cheska. Naputol lang ang aming pag-uusap dahil may biglang tumawag ng pansin ni Kuya Ry.

"KUYA???"

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 546 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
12.2K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
5.6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
123K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...