Click the external link and see some of their vacation pictures in thailand :)
=========================>
Sab’s POV
========================
Wew ! at last balik pilipinas na naman sila. Nakakapagod ang bakasyon nila. Pero it was so memorable kahit wala ang isang bestfriend niyang si Kim. Door-to-door silang hinatid ng ama ni Avery.
“Bye, girl. I’ll text you na lang kung gagala tayo. Mwaah!”-ani Avery.
“Bye. Ikaw rin john. Bye!”-sabi niya kay John at hinalikan ito bago lumabas ng kotse.
“Okay. Sigurado ka bang ‘di na kita ihahatid sa loob?”-tanong nito.
“Okay lang. wala naman akong masyadong dala.”-sabi niya.
“sige. Mag-iingat ka. Bye.”-sabi ni John. At umalis na ang mga ito.
*********
Pagpasok niya sa bahay nila. Nagulat siya nang makitang nandoon ang kuya niya sa sala at nakaupo sa sofa. Nakayuko ito at parang may malalim na iniisip. Nagtaka agad siya.
“Kuya, andito na ako. Bakit nandito ka? Wala ka bang pasok?”-tanong agad niya. Nilingon siya nito. Seryoso pa rin ito.
“How’s your vacation nag-enjoy ka ba?”-sa halip ay tanong ng kuya niya sa kanya.
“Oo naman, kuya. Ang ganda-ganda nga doon, eh. Daig pa ang boracay. Napakaganda kuya. Sana sumama ka rin sa’kin para makita mo rin kung gaano kaganda doon. Ang nagkita kami ni Bryle.”-pagmamalaking sabi niya.
“Good. Mabuti naman at nag-enjoy ka. Magpahinga ka muna. And then let’s talk.”-seryoso pa ring sabi nito at pumasok na sa kwarto nito.
Naiwang siyang nakatunganga sa sala.
“May ginawa ba akong masama?”-tanong niya sa sarili.
Hmm .. wala naman siguro.
Nagpasya siyang pumasok na sa kanyang kwarto. Pasalampak siyang nahiga sa kama. Pagod na pagod ang katawan niya kaya agad siyang nakatulog.
JD’s POV
======================
Pagdating niya sa bahay nila ay hindi agad siya nakapgpahinga. Nag-usap sila ng daddy niya. Nasa tabi niya ang mama niya. At nasa tapat naman ang daddy niya.
“how are you, son?”-sabi nito.
Son? Nababaliw ba ‘to? Kalian pa siya naging anak nito?
“I’m doing great.”-sagot naman niya.
Hindi siya tumitingin dito. Nakatuon ang mga mata niya sa isang sulok.
“Well, good to hear that.”-sabi naman nito.
Naiinis siya. bakit pinapatagal pa nito ang conversation nila.
“Pwede bang diretsuhin mo na kung ano ang kailangan nyo sa’kin. Dad, I’m tired.”-sabi niya sa daddy niya. Ayaw niyang sagutin sa ganoong paraan ang ama niya. Pero talagang mainit ang ulo niya dito.
“Geuge! I’m here para sabihin sa ‘yong dadalhin kita sa Korea.”-sabi ng papa niya.
Nilingon naman niya ang mama niya. Nakayuko lang ito.
“For what? For vacation? Hah! ‘wag na. nakapunta naman na ako doon.”-sabi niya. Nakapunta na siya doon nung bata pa siya.
“No! you’re staying there for good.”-sabi naman ng daddy niya.
“Mwurago?! ani, nan anga !”-tangi niya.
( what did you say?! No, I’m not going with you! )
“Waeyo?”-tanong naman nito.
( Why? )
“Because I don’t want to. And that’s final!”-sabi niya dito. At umalis sa harap nito.
Narinig pa niyang nagsalita ang mama niya.
“Hayaan mo muna siyang pag-isipan ‘yun.”-sabi nito.
Napailing na lamang siya. Ayaw niyang sumama rito dahil mas gusto niya talaga rito. Ayaw niyang iwan ang mama niya at kapatid. Lalo na si Sab.
Pagkapasok niya sa kwarto niya ay nahiga agad siya. Sumasakit ang ulo niya. Nagpasya siyang magpahinga muna.