Train to Daegu | bts m.yg

By VANlLLAZEN

240K 12.5K 9.9K

Magagawa mo kayang bumaba sa lugar na matagal mo ng gusto, kung paglabas mo.. lahat ay hindi na kagaya ng ina... More

Train to Daegu
Station ● 1
Station ● 2
Station ● 3
Station ● 4
Station ● 5
Station ● 6
Station ● 7
Station ● 8
Station ● 9
Station ● 10
Station ● 11
Station ● 12
Station ● 13
Station ● 14
Station ● 15
Station ● 16
Station ● 17
Station ● 18
Station ● 19
Station ● 20
Station ● 21
Station ● 22
Station ● 23
Station ● 24
Station ● 25
Station ● 26
Station ● 27
Station ● 28
Station ● 29
Station ● 30
Station ● 31
Station ● 32
Station ● 33
Station ● 35
Station ● 36
Station ● 37
Station ● 38
Station ● 39
Station ● 40
Station ● 41
Station ● 42
Station ● 43
Station ● 44
Station ● 45
Station ● 46
TALK
Station ● 47
Station ● 48

Station ● 34

4.4K 220 111
By VANlLLAZEN

   Humikab ako habang pinagmamasdan yung paligid. May iilang nagtatanim sa paligid at may mga bata din na busy sa paglalaro, medyo napapikit pa ako dahil sa nararamdaman kong antok pero hindi ako makatulog. May isang bagay na patuloy na hindi ko maalis sa isip ko simula pa kahapon.

Sino yung nagligtas samin kahapon? Sino yung bumaril sa zombie para hindi kami makagat?

Paulit-ulit ko yang tinatanong sa sarili ko kung bakit bigla na lang may babaril dito at tutumba sa sahig. Hindi ko alam kung sino o kung saan galing yung bala pero siya yung nagligtas sa buhay namin.

Magtatanghali na pero hindi pa din ako makatulog. Sigurado akong mas mataba na kay Nathan itong eyebags ko, nakakabawas ng pogi point. Pero kahit gan'on, mas gwapo pa rin talaga ako kay Nathan.

Ininom ko na yung lumamig kong kape sa tasa ko at saka ako yumuko. Tinignan ko uli yung paligid, maganda ngang tignan pero iisa lang pala ang totoo ngayon. Nakakulong kami dito at wala nang ibang mapupuntahan.

Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong mga yabag na parang papalapit sakin. Isa pa itong masamang epekto ng pagkakaroon ng mga halimaw sa labas, yung pagkatakot mo sa mga tunog.

Nang may makita akong tao ay agad akong nagbow sa kaniya. Ngumiti ako ng tipid pero hindi niya ako pinansin matapos kitang yumuko din nang bahagya sakin.

Parang nagtaasan nanaman yung mga balahibo ko dahil sa aura niya. Akala ko kaya siya parang nakakatakot kasi may mga estranghero kahapon pero mas nakakatakot pa pala siya sa malapitan.

Yung babae kahapon na nakipagtutukan ng baril kay Clarice, nandito siya ngayon sa tabi ko at umiinom din ng kape. Hindi ko inaasahan na magagawi siya dito dahil nandito din ako, pero mukhang malakas talaga yung loob niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at medyo umusog nang kaunti sa sulok, baka kasi bigla na lang akong sakmalin nito papunta sa pader. Nakakatakot na.

Good, Cody Min. Natatakot ka sa isang babae. Very good.

Tumikhim ako saglit dahil pakiramdam ko natutuyot na yung lalamunan ko dahil sa kaba, sobrang lakas din ng tibok ng puso ko. Iba yung dating sakin ng babaeng ito.

Sinubukan kong huminga nang malalim para ipunin yung lakas ko ng loob para tanungin siya, lumunok na din ako kung sakaling bigla akong mautal. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ito na, Cody.. tanungin mo na siya. Magpakalalake ka naman! Napakagwapo mo, tapos duwag ka?

"S-sino ka?"

Para akong natunaw na jelly nang masabi ko yung dalawang salita na yun, feeling ko ang galing ko na. Ang tapang-tapang ko pa, gusto ko sanang matawa.

Pero nawala lahat ng saya sa loob ko nang bigla siyang tumingin sakin. Feeling ko para akong salamin na bigla na lang nabasag dahil sa tigas ng tingin niya sakin.

"Seri, Seri Park." Yun na yung huling salita mula sa kaniya bago siya uminom sa tasa niya. Yumuko na siya habang pinagmamasdan yung mga bata sa ibaba.

Gusto kong maglakas loob na magtanong pero mukhang wala siya sa mood para makipag-usap. Wala sa aura niya yung tipo na gustong makipagdaldalan, mukhang nakahanap siya ng katapat kay Clarice. Kaya siguro sila nagkainitan ng ulo kahapon.

Napansin kong gumagalaw yung bibig niya kahit wala naman siyang nginunguya. Naalala ko tuloy bigla yung hikaw niya kahapon sa dila, naalala ko yung hitsura nito. Para itong skull na may kung ano sa gilid, yun yung pagkakaalala ko.

Hindi ko maiwasang tignan siya, para talaga siyang rockstar na ewan sa pormahan niya. Pero kahit papaano, may dating naman siya. Siguro self counterattack na lang niya yan dahil may sakit siya.

Napabuntonghininga na lang uli ako at ginulo yung buhok ko. Ang bigat sa pakiramdam kapag hindi mo talaga kakilala yung katabi mo and worse, nakakakilabot pa.

Biglang napadako yung paningin ko sa gate nitong resthouse. Dyan kami kamuntik-muntikan nang mamatay kahapon, hindi ko na lang talaga alam kung bakit at paano kami nabuhay.

Madaming zombies sa labas ng gate, oras na makapasok yang mga yan sigurado pa sa sigurado na mamamatay kaming lahat. Kukulangin kami sa sandata, hindi naman kami pwedeng gumamit nang gumamit ng mga baril dahil kakaunti lang yung may silencer. Hindi kami pwedeng makatawag ng atensyon.

Sa muli, sumipat ako ng tingin kay Seri. Tumama yung paningin ko sa tattoo nanaman niya, hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin nyan pero ayan yung pinakanakakakuha ng atensyon ko. Siguro dahil ngayon ko lang ito nakita..

Teka, ano bang paki ko?

"Hyung!"

Napapapikit ako nang nakarinig ako ng bagyong paparating. Hindi ko alam kung ano bang meron sakin at nagiging magnet ako ng mga human version ng sakit ng ulo. Kahit saan ba naman kasi ako pumunta ay nakasunod sakin yang mga yan.

Haharap na sana ako nang makarinig nanaman ako ng isa pang asungot na padating. Yung bigat pa lang ng paa habang naglalakad eh, sigurado akong siya 'yon.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito, aber?" Inis na sabi ko.

Paano ba naman kasi? Itong dalawang ugok na 'to, mukhang galing pa sa pool... Ay hindi, talagang d'on sila galing! Hindi man lang muna nagbanlaw bago umakyat dito. May kinakain pa silang kung ano na mukhang si Alex hyung din naman yung nagluto.

"Tatambay lang, bakit? Masama?" Ngumunguyang tanong ni Nathan. Tumatalsik pa yung laman ng bibig niya habang nagsasalita, bastos pwe!

"Oo, masama. Ang sama ng mukha mo." Sagot ko. Hindi naman siya sumagot at kumain na lang. Basta talaga may nilalamon, wala siyang pake sa sasabihin ng iba.

Tinignan ko naman si Timothy na nakatingin din sakin. "Ano? May sasabihin ka?" Agad naman siyang umiling-iling.

Inirapan ko na lang sila dahil wala akong ganang makipag-usap sa mga taong lutang. Tumalikod na lang ako at muling napatingin kay Seri na walang pake sa dalawang kakarating lang.

"May regla ata yang lolo natin, kaya pala hindi sumama sa swimming."

"Oo, baka walang pambili ng napkin."

"Baka nga tissue lang ginagamit nyan kapag nireregla siya. Kaya siguro ang sama ng timpla ng mukha."

"Pinaglihi yan sa sama ng loob ni auntie kaya ganyan."

Agad akong humarap sa kanila at dali-daling hinagis yung tsinelas ko pero sadyang mga bulate yung mga loko, nakatakas pa rin.

Magsasalita na sana ako nang biglang dahan-dahang naglakad si Seri, agad namang napahinto yung dalawang ugok dahil nakaharang sila sa dadaanan niya. Nang mukhang nahimasmasan na sila ay wala pang isang segundo eh umiwas na sila.

"Hyuuung!"

Homaygad.

Napanganga ako nang bigla na lang sumalampak si Seri kay Theo nang hindi inaasahan. Sumakto pa kasing papalabas na siya at papasok na si ilong. Hindi talaga maiiwasan na magkabangaan, sa laki ba naman ng ilong-este ng katawan ni Theo eh. Akala mo tinubuan ng pandesal.

Agad na humalagpak ng tawa yung dalawa dahil sa hitsura ni Theo. And worse, kakagaling lang din niya sa pool. At may mas malala pa! Topless si kuya mo Theo. Sumakto yung mukha ni Seri sa dibdib niyang akala mo tinaniman ng mga bato. May abs pa!

Ganyanan? Kailangan talagang ipakita na may abs siya tapos ako, wala? GG masyado. Ang laki naman ng ilong.

"Sorry, miss!" Biglang sabi ni Theo, hahawakan niya saka si Seri pero agad naman siyang napaatras. Napansin ko namang pulang-pula yung tainga ni Theo at pati yung pisngi ni Seri, uy. Parang kakaiba na yun ah?

Agad naman akong lumapit sa kanila at isinalampak sa kaniya yung towel ni Nathan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako kung ano dahil sakto talagang sa dibdib ni Theo yung mukha ni Seri o maiiyak na lang kasi pinipigilan ko yung tawa ko.

"Noona, sorry po talaga. Sorry." Sabi ko at sunod-sunod na nagbow. Hindi naman na siya pinansin ni Seri at mabilis pang sa alaskwatro lumabas nitong veranda.

Siguro kung close lang sila, baka naihulog na siya ni Seri dito sa veranda.

"Nako! Flat na nga, naging flat pa lalo!" Sinaman ko ng tingin si Nathan dahil sa kagaguhan niya. Pati ba naman yung future ni Seri eh napansin niya? G na G lang? BASTOS, MANYAK, ANIMAL! HAMPAS LUPA! MAHABA ANG BABA!

"Jusko! Epic! Pader sa pader!" Tawa ni Timothy na akala mo wala ng bukas. Hindi na mahiya samin kahit na may pagkain pa siya sa bibig.

Agad naman akong lumapit sa kanila at binigyan sila ng tig-isang hampas. Muntik pa silang magkauntugan dahil sa kakatawa nila kahit nahampas ko na yung mga pagmumukha nila.

"Mga manyak kayo." Suway ko pero wala pa ring nangyayari.

Kapag pinagsama talaga itong dalawang animal na 'to, akala mo isang tumpok ng mga zombies eh. Mas malala pa sa bagyo.

"Pulang-pula na si Theo oh!" Pang-aasar ni Timothy kay Theo na namumula nga.

Nakabalot na din sa kaniya yung tuwalya na akala mo turon. Akala mo naman magagahasa siya, baka si Timothy lang gumawa n'on sa kaniya.

"Hindi ka na virgin, boy!" Sigaw ni Nathan at nakipaghigh-five pa kay Timothy. Napailing na lang ulit ako sa dalawang 'to. Kahit kailan talaga maiisip ko na lang kung bakit hindi ko talaga magawang sipain itong dalawang 'to sa isang tumpok ng mga zombies sa labas.

"Tigilan niyo na yang si Theo, mga sira-ulo kayo." Sabi ko at himala naman, tumigil nga.

"Ikaw naman kasi, bakit ka nakahubad?" Sinamaan ko ng tingin si ilong na busy sa kakapunas ng basa niyang buhok. Inosente siyang tumingin sakin na akala mo walang nangyari kanina.

"Hindi ko naman sinasadya na mabangga yung tao." Sagot niya. Dumako yung tingin ko d'on sa dalawang ogag sa gilid pero ang bilis ng transition nila, wala na silang pake sa paligid. Lamon lang sila nang lamon na akala mo mauubusan.

"Pinag-isipan ka tuloy ng kung ano ng dalawang ogag na 'to." Turo ko sa dalawa. Nagkamot lang ng batok si Theo at tumingin d'on sa dalawang takas sa mental.

"Mga bastos yang mga yan." Sagot niya.

"Hoy, ang bastos yung tumatae sa plato." Sagot ni Nathan.

"Ang bastos yung naglalakad nang nakahubad." Nababaliw na sabi ni Timothy sabay tingin kay Theo. Napadabog naman siya na akala mo batang malapit nang umiyak dahil pinipikon ng mga kaibigan niya.

"Ano nanamang nagawa ko sa inyo?" Iritadong tanong ni ilong. Tumawa lang si Timothy at nagpacute pa. Sarap sungalngalin.

"Alam niyong tatlo, bago pa kayo magkasakit, mabuti pa kung magbihis na kayo. May mga guest's rooms naman dito, for sure may mga damit d'on na sakto sa inyo." Sabi ko. Feeling ko tuloy ako yung may-ari nitong bahay kung magsalita.

"Kung sakto samin yung damit, malamang mahaba para sayo."

Napahinto ako sa pag-inom nang mapagtanto ko kung anong klaseng katarantaduhan yung narinig ko galing kay Nathan.

Umamba akong ibabato sa kanila yung tasa ko pero sabay-sabay na silang nagtakbuhan papalabas nitong veranda at sigurado akong hindi na sila babalik.

May mga bagay kasi na kapag iniwan, mahirap nang balikan.

Mapait akong tumawa at saka umupo sa gilid, pinagmasdan ko na lang uli yung hitsura sa labas. Napakapayapa kung titignan, pero hindi pala.

   Mabagal akong naglalakad na akala mo nasa buwan ako habang tinitignan yung paligid nitong bahay. Nasa tabi ko ngayon si Alex hyung habang pinapaarawan niya yung baby nila na lalake na si Trick. Busy siya sa pagkanta dito habang ako naman ay busy sa pagmasid-masid.

"Paano kaya sila nakapunta dito sa bahay nila Clarice?" Taka kong tanong. Lumingon sakin si hyung habang patuloy siya sa paghele sa anak niya.

"Siguro naligaw lang?" Patanong niyang sagot pero hindi pa din ako kumbinsido eh. Imposible na maligaw lang sila dito, mahirap mapuntahan itong lugar. Kung alam naman nila na may ganitong lugar, mahihirapan sila dahil na din sa daan.

Wala naman kaming nakitang bakas ng kahit ano sa dinaanan namin. Hindi ko talaga maintindihan yung sarili ko kung bakit ba gusto kong malaman. Malakas yung kutob kong makakatulong sila samin oras na makasundo namin sila. Iyon lang kung makakasundo nga ba namin sila? Kay Clarice at Seri lang eh, alam mo nang mahirap.

Magsasalita na sana ako nang parehas kaming mapahinto ni hyung. Parehas kaming napanganga sa nakikita namin ngayon sa harapan namin.

"Ngayon alam ko na." Sabi ko na lang at nagmadaling maglakad papunta dito.

Hindi ko alam kung bakit hindi namin ito nakita nung una pero wala na akong pake, basta ang akin lang.. kailangan magamit namin ito para mahanap pa namin yung iba.

"Nasagot na din yang tinatanong mo kanina pa." Natatawang sabi ni hyung habang nakikiusyoso din kagaya ko.

"I never thought na ganito pala yung nangyari kaya sila nakarating dito." Sabi ko habang patuloy na pinagmamasdan itong mini-plane na mukhang sumadsad pa.

"Sigurado akong sinadya nilang pumarito kasi ligtas. At isa pa, kita mo itong rest house mula sa itaas kaya na din siguro sila hindi nahirapan pang tumakbo papalayo sa mga patay gutom na mga zombies, hindi kagaya natin." Paliwanag ni hyung.

Nandito na kami sa pinakalikod na bahagi ng lugar nila, wala na ding masyadong tao dito. Meyo mapuno pero sabi ni Clarice, sakop pa din naman daw ito nung malaking pader na napapalibot dito. Ibig sabihin, ligtas pa rin dito at walang kung ano man ang magbabalak pumapak samin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Parehas kaming napalingon ni hyung sa taong nagsalita sa likuran namin.

Para akong ewan na otomatikong bumaba sa kinakatayuan ko at lumayo sa kaniya. Hindi ko alam kung ano bang meron sakin at nabubuntutan ako ng mga bagay na ayaw ko.

"Namamasyal lang." Sagot ko pero mukhang hindi siya kumbinsido.

Well, totoo naman eh. 50-50 nga lang kasi 50% na namamasyal kami at 50% pinagmamasdan itong plain na nasa likuran namin ngayon. Hindi ko naman alam na ganyan pala ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya kami dito.

"Restricted ang lugar na 'to para sa inyo. Hindi niyo alam kung anong meron dito." Walang kaemo-emosyon niyang sagot.

"Halata nga." Siniko ko si hyung dahil sa sagot niya. Tinignan niya ako with 'anong-mali-sa-sagot-ko' look. Sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit balikat lang siya.

"Mabuti pa kung umalis na kayo, may gagawin pa ako dito." Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para wag munang umalis dahil may masama akong pakiramdam sa kaniya. May hindi nanaman tama sa mga mata niya.

Matigas yung emosyon ng mga mata niya pero blangko yung ekspresyon niya. Yung mas nakakaintriga pa ay yung mga kamay niya na itinago niya pero napansin kong nangangatog. May kakaiba sa babaeng ito at hindi ako papatahimikin ng utak ko hangga't hindi ko nalalaman kung ano itong gumugulo sakin.

"Cody, halika na." Kalabit sakin ni hyung.

Sa huli ay bumuntong hininga na lang ako at nagdesisyon na wag munang usisain itong plane. Kung ipipilit ko sa kaniya ay baka mapatay ako nito nang wala sa oras.

Baka nga isang kalabit ko pa lang dito eh barilin na ako nito sa bungo.

Saglit akong lumingon kay Seri at napansin kong may isang maliit na briefcase siyang dala. Hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako o sadyang may dugo yung case. Isinawalang bahala ko na lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"May kakaiba dito." Bulong sakin ni hyung. Tumingin ako sa kaniya at tumango.

"Hindi ako matatahimik, hyung hangga't hindi ko yan nalalaman kung ano." Sabi ko. Magsasalita na sana si hyung nang biglang umiyak yung anak niya.

"Ay, sorry, anak. Nakalimutan kong buhat pa pala kita." Sabi niya sa anak niya at hinele ito. Naglabas siya ng isang bottled milk mula sa bulsa niya at saka ito ibinigay kay Trick.

"Alamin natin yan sa susunod." Sabi niya at tumango naman ako.

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 429 27
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
27.9K 1.8K 35
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
12.9K 720 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...