Montalban Cousins: New Genera...

Por DianeJeremiah

1M 22.7K 2.8K

Ashley "Ash" Gray - The firstborn among the second generation of Montalban Clan. A role model to her cousins... Más

Author's Note
Prologue
Chapter 1 Samantha Frances Chavez
Chapter 2 Strike One
Chapter 3 Keeping You A Secret
Chapter 4 What I Have
Chapter 5 Show Off
Chapter 6 The Present and the Past
Chapter 7 Thinking of You
Chapter 8 Make Love To Me
Chapter 9 Can't Help
Chapter 10 Next to You
Chapter 11 Honesty
Chapter 12 A Part of Me
Chapter 13 Ruined
Chapter 14 The Broken Vow
Chapter 15 Terms
Chapter 16 Sweet Dreams or Nightmare
Chapter 17 The Wrath of Ash
Chapter 18 Ultimate Goal
Chapter 19 In Her Arms
Chapter 20 Lost in Love
Chapter 21 Love & Sacrifice
Chapter 22 Not Ready
Chapter 23 Ashley's Property
Chapter 24 See Me Not
Chapter 26 Bewilderedness

Chapter 25 Whirlwind

20.3K 814 346
Por DianeJeremiah

"The dumbest thing ever is when you both love each other but aren't together."


Sam POV


"Sandali lang!"

Sigaw ko sa kung sino man ang nasa pintuan ko ng gabi ng Biyernes na iyon. Magte-ten na yun ng gabi.

Kung bakit gising pa ako? Well, I can't sleep because of some reasons I really don't know.

Sumilip ako sa peep hole at nasorpresa at nagtaka ako kung anong ginagawa niya sa labas ng pintuan ko.

Puzzled man ako, pinagbuksan ko pa din siya ng pintuan. Bumungad sa akin ang naka-party dress at medyo tipsy na diyosa.

"Oh!" She exclaimed as she put her hand to her mouth. Nag-perfect shaped pa yung labi niya ng napa-oh siya.

"Mrs. Abegail Montalban?" I can't believe she's here, in my door steps.

She giggles. "Ssshhhh." She placed a finger in her lips hushing me. She even giggled. Halatang medyo lasing na siya. "Quiet."

Napansin ko yung damit niya na may mantsa at mukhang natapunan ng kung ano mang inumin iyon at medyo amoy alak din.

"Sorry to disturb you, Miss -?." She can't remember my name.

Or simply she doesn't know me? Hindi ko pa kasi siya nakakasalamuha sa dalawang taon ko ng pagtuturo sa MGU. Iisang beses ko pa lang siya nakadaopang palad. Foundation day noon ng school. Pero brief lang yung pagkakasama namin.

At sa dinami-dami ng empleyado nila at guro sa school, for sure di na nila matandaan kung sino ka at kung anong pangalan mo.

"Samantha Chavez." And it's an honor to finally meet the great Abegail Montalban. And I must say, hindi exaggerated ang sinasabi nila na napakaganda niya. Underrated pa nga eh. Hindi mo ma-described kung gaano siya kaganda sa malapitan. "Isa po akong guro sa MGU." Pakilala ko.

"Really?" My accent pa yung tono niya.

Every inch of her is screaming how rich she is though simply lang naman ang suot niyang party dress. Mamahaling relo na may mumunting diamonds, earrings at yung wedding ring lang din niya ang suot niyang alahas.

Napadighay siya ng malakas saka tumawa. Napailing iling ako sa loob loob ko, nalalasing din pala ang diyosa?

"I'm sorry." Nakatawang sabi niya na nagpakita lalo sa dimples niya sa magkabilang pisngi. "Can I come in?"

"Sure, ma'am." Sabi ko saka niluwagan yung bukas ng pinto at nagbigay daan para makapasok siya.

Kung di ako nagkakamali, kasing tangkad lang niya si Ashley. Plus, nakasuot pa siya ngayon ng heels.

Animo isa siyang modelo na naglakad papasok sa loob ng bahay ko. She scanned my living room.

"Nice place you have here." Saka niya ako hinarap.

Isinara ko naman sa likod ko yung pintuan. "Thank you, ma'am."

"Oh, please." She waved her hand. "Just call me Abegail or Abby."

Napangiwi naman ako. Para namang ang bastos kapag sa first name ko lang siya tatawagin.

"I know I looked like a mess right now." Sabay dismayadong tumingin sa suot. "Aaarrgghhh!" She exclaimed.

"Saan ka po ba galing?" Takang tanong ko. And why are you here? Yun sana ang gusto ko pang itanong sa kanya. But it seems like she read what's on my mind.

"Galing ako dun sa may bandang dulo." She replied. "Party." She confirmed. Hindi ko alam na may party pala dun. Sabagay bago yata yung nakakuha dun tinutukoy niya at di ko pa kilala. "Hindi ko naman alam na hard drinks pala ang sineserve nila." Kwento pa niya. "I haven't drink hard liquors since Ana and I got married." Natawa siya ng bahagya. "She'll scold me like a kid. And at my current state, no doubt she will do more than that."

So may nakakapagpatiklop pala sa kanya? Si ma'am Anastacia.

"You can use my bathroom if you want to clean yourself." I suggests.

Napangiti siya. "Really?" Di makapaniwalang tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "And... can I borrow some clothes too?" She asked. "Don't worry papalitan ko na lang ng bago."

Umiling ako. "It's okay, Miss Abby." Nakangiting sabi ko.

Iginiya ko na siya sa taas, sa may kuwarto ko at kumuha doon ng malinis na pwede niyang pamalit.

"If you need anything, nasa baba lang ako." Sabi ko sa kanya ng papasok na siya sa loob ng banyo ko.

"Thank you." Saka pumasok na siya at narinig ko na lang yung pag-click nung lock.

Para pa din akong nababatobalani dahil di ako makapaniwalang nasa bahay ko si Abegail Montalban. I shook my head fervently to wake myself from daydreaming.

Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan. Nagtungo ako sa kusina para ipaghanda siya ng kape. Para man lang at least mawala yung tama nung alak sa sistema niya.

Napangiti ako ng sinabi niyang papagalitan daw siya ng kanyang asawa kapag nalasing siya. Pagkatimpla ko nung kape ay pumunta na ako sa living room para dun na lang siya antayin.

After a several minutes, lumabas na siya ng kuwarto ko suot yung damit ko na kumasya naman sa kanya. It's a simple pink t-shirt at shorts. Wala akong time para maghalungkat ng gamit na pwede ko ibigay sa kanya.

"Thank you for this." Tukoy niya sa damit ng nasa harapan ko na siya.

"Okay lang po." Nakangiting tugon ko. "Magkape ka muna bago umuwi para at least kahit konti mawala yung espiritu ng alak. And it's getting late."

Naupo siya sa tabi ko sa may mahabang sofa at humigop ng kape. "Akalain mo yun, dito ako dinala ng mga paa ko." Nakangiti at iiling iling na sabi niya. "And thanks God kasi sayo ako napadpad tonight."

Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot. Unang tingin mo sa kanya, aakalain mong masungit siya at mapagmataas, pero ika nga nila don't judge the book by its cover.

Pero madami na din naman akong nababalitaan tungkol sa kanya. Lalo na nung kapanahunan daw niya. Sobra daw ang pagiging brat nito at yung mga kalokohan niya. Pero simula daw nung ma-in love siya kay ma'am Ana, nagbago na daw siya.

Haist, nagagawa nga naman ng pag-ibig.

Nagkwentuhan muna kami habang inuubos niya yung kape niya. Inimbitahan pa nga niya ako sa party ng pamangkin niyang si Ashley.

Masarap siyang kakwentuhan, kumbaga walang dull moment. Medyo di na rin siya tipsy di gaya kaninang mapagbuksan ko siya ng pinto.

Di na rin namin namamalayan yung oras. Hanggang sa napahikab na siya.

"I think that's my cue." Natawang sabi niya. "Sorry sa abala at salamat." Sabay tayong sabi niya.

Tumayo na din ako. Inihatid ko siya hanggang sa pinto. Ako na din nagbukas nun para sa kanya.

She kissed me on my cheeks before she left.

---------------------------

Nagising ako sa malakas na pagkatok sa pintuan ko. Hindi pala katok, kundi pagbayo.

Naalimpungatan ako at napabangon sa gulat. Inaantok pa ako. Ala una na yata ng madaling araw ako nakatulog. At ang weird ng panaginip ko, nagpunta daw dito sa bahay si Abegail Montalban.

Napasulyap ako sa digital clock, alas diyes na ng umaga? Sabagay, Sabado ngayon, walang pasok sa school kaya ayos lang kahit late ako nagising.

Inaantok na bumaba ako ng kama at lumabas ng kuwarto. Buti na lang naka loose white shirt lang ako at cotton short shorts. Di na din ako nag-abalang mag ayos ng sarili. Just woke up ang drama ko.

Binuksan ko yung pinto at laking gulat ko ng mabungaran ko dun si detective Chyler dela Rosa at may kasama pang tatlong unipormadong pulis.

"May search warrant kaming dala, Miss Chavez." Agad na pahayag niya at ipinakita sa akin yung sulat na may pirma ng kung sinong judge iyon.

"Sandali lang." Naguguluhang saad ko.

Pero mabilis ng pumasok sa loob ng bahay ko yung tatlong pulis kasunod si detective.

Naguguluhan ako sa mga nangyayare. Bakit sila nandito? At anong kinalaman ko sa search warrant na pinagsasabi niya?

Parang tulog pa yung utak ko at di makapag-function ng mabuti. Ayaw gumana. Naguguluhan ako sa gilid na nakatayong nakatanga sa mga pulis na hinahalungkat lahat ng gamit ko.

"Sandali." Pigil ko kay Chyler. "Ano bang nangyayare?"

Napansin ko yung isang pulis na umakyat pa sa kuwarto ko at yung isa naman nagtungo sa kusina.

Nilingon ako ni Chyler. "Nawawala yung ---"

"Nahanap ko na detective!" Sigaw nung pulis na nagtungo sa kuwarto ko. Itinaas ang hawak hawak na relo.

Teka, di ba yun yung relo na suot ni Miss Abby kagabi? So hindi ako nananaginip lang kagabi, totoong nagpunta siya dito.

Napakunot noo si Chyler at tiningnan ako ng makahulugan. "Pasensya na Miss Chavez, pero kailangan mong sumama sa amin sa presinto."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. Nagulat ako ng posasan niya ko.

"Teka, anong kasalanan ko?" Natatarantang tanong ko sa kanya habang binabasahan niya ako ng mga rights ko bilang isang mamamayan ng bansa.

"Sa presinto ka na lang magpaliwanag." Saka ako maingat na hinila papalabas ng condo ko kasama yung tatlong pulis.

"A-ano?" Di ko malaman ang gagawin. Ang bilis ng mga pangyayare hindi makasabay yung utak ko.

Para akong sunud sunuran na hila hila ni Chyler sa kamay papasok ng elevator hanggang sa bumaba na kami sa lobby. Pero ang ipinagtaka ko, sa likod niya ako idinaan at di ko naintindihan yung mga pinag-uusapan nila nung mga kasama niya kanina sa loob ng elevator. In codes kasi sila mag-usap.

Isinakay niya ako sa kotse niya pagkarating namin sa parking lot. May kinausap pa siya saglit sa cellphone niya bago pumasok sa loob ng kotse.

"Ano bang kasalanan ko?" Naguguluhan pa ding tanong ko.

"Theft." Maikling sagot niya.

Nanlaki yung mga mata ko sa kanya. "Theft!" I exclaimed. "Sa tana ng buhay ko wala pa akong ninanakaw na kahit ano!"

Hindi siya sumagot at nag-concentrate lang sa pagmamaneho. My God! Anong nangyayare?

"Dito na tayo." Saad niya at di ko man lang namalayan na nasa tapat na kami ng isang malaking bahay.

Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako. Sa sobrang gulo ng isip ko, di ako makapag react ng maayos.

Muli niya akong inalalayang makababa at hawak yung nakaposas kong kamay na pumasok kami sa loob ng bahay. Ang ganda at halatang antiques yung ibang mga nandung gamit na naka display.

Tuluy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa second floor ng bahay. Huminto kami sa harap ng pinto sa may bandang dulo. At kahit nasa labas palang kami, dinig na namin yung mga boses sa loob na halatang nagtatalo.

Kumatok si Chyler at biglang natahimik yung mga boses sa loob. Narinig ko yung isa na nagbigay sa amin ng pahintulot na pumasok na.

Binuksan niya yung pintuan at laking gulat ko ng makita ko sina Danielle Gray, Alexandra at Abegail Montalban na nandun. Kasama din si Ashley!

"Chyler, take that thing off from her." May pagkadisgusto sa mukha ni Ashley na nakatingin sa mga kamay kong may posas.

Lumapit si Ashley sa akin, yung atensyon nung tatlong magpipinsan nasa akin.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya na hinawakan pa ako sa magkabilang pisngi at parang chine-check yung mukha ko kung okay lang ba ako. Tinanggal naman ni Chyler yung posas sa kamay ko.

Naguguluhan ako!!! Please someone explain everything to me!

"Nakita niyo?" Tanong ni Alexandra kay Chyler.

"Oo." Saka may inilabas sa bulsa na nakalagay sa sealed plastic. Yung relo. Pagkatapos nun ay nagpaalam na siyang lalabas.

"Oh, thanks God!" Relief na sambit ni Abegail habang mabilis na lumapit kay Chyler at kinuha yun.

"So we have the proof that she had it!" Galit na sabi ni Alexandra at itinuro pa ako.

"Would you please calm down?" Saway naman ni Danielle Gray sa kanya.

"How can I calm down, Dani?" Nag-uumalpas ang kontrol niya sa sarili. "She took that heirloom!"

"Hindi naman niya yun kinuha, ---"

"If she didn't, eh bakit di niya agad isinuli sayo nung makita niyang nasa kanya pala yan?!" Galit na putol pa ni Alexandra kay Abegail.

"Tita Alex, let's give her the benefit of the doubt ---"

"No!" She screamed. "Ipapakulong natin siya."

Nanlaki yung mga mata ko. Ipapakulong? Ako?

"Wala akong ginagawang masama at wala akong ninanakaw o kinuha na gamit niyo." Di ko napigilang sumabad.

"Shit." Sambit ni Alexandra at bigla bigla siyang bumunot ng baril at itinutok sa akin.

"Tita Alex!"

"Alex!

"Alexandra!"

Sabay sabay na sigaw nina Danielle, Abegail at Ashley. Natigagal naman ako sa nangyayare. Anytime na yata mahihimatay na ako.

Seguir leyendo

También te gustarán

2.2M 147K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
210K 4.8K 67
In the same blood, We both ended, The Forbidden Love, We both started.
169K 1.9K 78
[Completed] Mature content | SPG | R-18 | GL Stories Real Life confessions from Readers