♡ Playing Love Games ♡

Af nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... Mere

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30

15.8K 180 45
Af nyghtdreamer

Chapter Twenty-Nine

Lianne's POV

Kung kanina, kalmado at tahimik lang ako. Ngayon naman, hindi ako mapakali dito sa practice namin. Para akong batang may bulate sa pwet.

Tingin ako nang tingin sa orasan para malaman kung ilang minuto pa ba ako pwedeng maghanda sa pag-uwi ko. Excited na kinakabahan ako. Hindi ko tuloy alam kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung dahil ba sa excite o sa kaba ay hindi ko alam. Siguro both? Ah, ewan... baka dahil kay Mark kaya kumakabog! Charing!

Mabuti na lang at break namin. Nakakapag-relax ako ng kaunti.

"Boo!"

"Ay, buteteng laot!" Napatalon pa ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat.

Kasasabi ko lang nakakapag-relax ako, may umistorbo na kaagad! Tumawa pa nang tumawa ang buteteng laot na nanggulat sa kagandahan ko.

Pagharap ko sa kanya, hinampas ko kaagad siya ng hawak kong payong. Oo, may hawak akong payong. Props namin ito kanina, ngayon ko lang napansin na hawak ko pa hanggang ngayon at nagpapasalamat ako dahil useful siya.

"A-aray!" sigaw ng hinampas ko.

Wala akong pakialam kung sino siya. Hahampasin ko pa sana ulit siya pero nahawakan na niya ang payong.

"Masakit!" malakas niyang sabi at pinanlakihan niya pa ako ng mata.

Pero parang mas nanlaki yata ang mga mata ko nang malaman ko kung sino siya.

Totoo ba itong nakikita ko? Hindi ba ako nananaginip? Hindi ba ako namamalik-mata? Parang feeling ko, nitong mga nakaraang linggo, naglaho na lang siya na parang bula, eh. Tapos ngayon makikita ko siya? Hindi kaya ako nag-iilusyon lang ngayon?

"Natulala ka? Naguwapuhan ka na naman sa'kin? Nagsisisi ka na bang kay kuya ka na-in love?" Inilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

Tinampal ko nga ang mukha niya palayo sa mukha ko.

"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka!" pabulyaw kong sabi sa kanya. "Akala ko, patay ka na at pinalitan mo na ang pamumuno ni Satanas sa impyerno! Bakit nandito ka—"

"Sobra naman ang pagka-miss ko sa'kin, Best! Ilang linggo lang naman tayong hindi nagkita. 'Tsaka pinapasundo ka na ni Satanas kaya ako nandi—"

"Ang sabihin mo, ilang linggo kang hindi nagpakita sa'kin!" Pinalo ko ulit sa kanya iyong payong dahil lumuwag ang pagkakahawak niya.

"Aray sabi!" reklamo na naman niya na halos lumuwa na ang mga mata niya sa sobrang pandidilat na para bang pinipigilan niyang gumanti sa akin.

"Saan ka ba nagsususuot at ngayon ka lang nagpakita sa'kin?!" Idinuro ko pa talaga sa kanya ang dulo ng payong.

Ngumiti naman siya bigla. Parang baliw lang! Anong nakakangiti sa mga sinabi ko at kung makangiti siya, wagas?!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?!" Tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Wala..." Inakbayan niya ako. "Tara, ilibre mo ko sa canteen."

"Hoy! Ang kapal mo talagang lalaki ka! Ako pa ngayon ang manlilibre? Ikaw nga itong hindi nagpapakita sa'kin!" Talak na lang ako nang talak sa kanya habang naglalakad na kami papuntang canteen. At siya parang wala lang naririnig na ang cool lang sa paglalakad. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao habang naglalakad.

Pagdating namin sa canteen, doon lang ako tumigil sa pagtalak sa kanya dahil mas maraming tao at ayokong may mabilaukan dahil sa ingay ko.

"Oh, ano? Tapos ka na sa speech mo?" mapang-asar na tanong ni Renz at huminto kami sa tapat ng stall ng mga pagkain.

Umamba akong babatukan siya.

"Sige, batok pa!" sindak niya sa akin.

Napahinto naman sa ere ang kamay ko at ibinaba ko rin iyon agad.

Tumingin siya sa mga tao sa canteen. "Nakikita mo 'yang mga babae na 'yan?" Tinuro niya pa ang mga sinasabi niyang babae.

Ako naman itong si utu-tuo na tumingin nga sa mga tinuro niya.

"Kapag nakita nilang dumapo ni dulo ng daliri mo sa dulo ng buhok ko, dudumugin ka nila—"

Hindi ko na siya pinatapos at itinuloy ko na ang naudlot kong pagbatok sa kanya.

"Ouch!"

"Asa, Lawrence John!" Kumapit ako sa braso niya at hinarap ko siya sa stall ng nagtitinda ng hotdog.

Hindi ko na siya inutusang bumili ng hotdog. Nagkusa na siya. Takot lang niyang mapahiya sa mga babaeng sinasabi niyang dudumog sa akin kung sakaling kantiin ko siya.

Pagkatapos naming bumili ng limang hotdog—tatlo ang sa akin at dalawa ang kanya—umupo kami sa table na madalas naming puwestuhan kapag kumakain dito sa canteen.

"Ang takaw mo pa rin, Best," puna niya habang nag-uumpisa na akong lumamon. "Hindi ko na tuloy maintindihan kung bakit ako na-in love sa 'yo dati," dagdag pa niya.

Tiningnan ko siya ng masama. Nag-iwas naman siya ng tingin na parang wala siyang sinabi. Kumain na lang ulit ako kesa pansinin ko siya. Hindi niya dapat binabanggit sa harap ko na na-in love siya sa akin dati dahil nakakasuka! Sayang namang itong hotdog na kinakain ko.

Ang tagal ko kayang hindi nakatikim ng libre niya. Dati hindi ako gumagastos kapag lunch at meryenda kasi kasabay namin siya lagi ng mga bruha kumain at nililibre niya ako palagi.

And speaking of those bruhas, nakikita ko na silang papalapit. At si Faye, sa sobrang excited, tumakbo na!

"Papa Renz! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'min? ang tagal ka naming hina-hunt, huh?!" 'Tapos bumeso pa siya sa magkabilang pisngi ni Renz.

Pati si Renz hina-hunt nila these days? Bakit hindi ko alam iyon?

Bumeso rin sa kanya ang dalawa pang haliparot pagkalapit sa amin. At ang impakto ko namang best friend, tuwang-tuwa na nilalandi siya ng tatlo.

Parang bigla akong naumay sa hotdog na kinakain ko dahil sa ginagawa nila sa harap ko. Ang sarap na lang isuka lahat ng kinain ko pati na ang bituka ko.

Umupo silang tatlo sa table namin.

"Kamusta naman ang buhay, papa Renz?" malambing na tanong ni Tracy.

Ngumiti na naman ng wagas si Renz. Ewan ko kung bakit ganyan siya makangiti ngayon. Hindi ko malaman kung ngiting manyak ba o ngiting nanglalandi lang talaga. O baka naman ngiting in love?

Tsss! Lalo akong nasususka sa huling naiisip ko.

"Heto... in love," sagot ni Renz at inilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya.

Nasamid naman ako sa sinabi niya. Inubo ako. Feeling ko nalunok ko ang kalahati ng hotdog na nasa bibig ko.

Inabutan naman ako ni Myleen ng bottled water niyang dala. Tinungga ko naman kaagad iyon.

"Mamigay ka kasi!" sabi pa niya sa akin 'tapos kinuha ang isang hotdog ko.

"Oo nga, mamigay ka." 'Tapos kinuha rin ni Tracy ang isa ko pang hotdog.

Si Faye naman, walang pasabing kinuha iyong isang hotdog sa lalagyan ni Renz.

Napasimangot ako. Sakto pala ang nabili naming hotdogs para sa aming lima. Ang leche lang ng mga babaeng 'to... gutom kaya ako at para sa akin iyon binili ni Renz!

Wala na akong hotdog... minsan na nga lang makakain ng libre, eh.

"Ate, lima pa nga pong hotdogs. May halimaw po kasi dito, eh," sabi ni Renz sa nagtitinda nang mapansin niya ang pagsimangot ko. Hindi na siya nag-abalang tumayo dahil malapit lang naman iyong stall sa table namin.

Natuwa naman ako kahit pa halimaw ang endearment na ginamit niya para sa akin. Oh, well... basta libre ang pagkain, okay lang kahit ano pa ang itawag niya sa akin.

"Sino naman ang masuwerteng babae, papa Renz?" pagbabalik ni Faye sa topic kanina.

At ayan na naman ang ngiting wagas ni Renz. Parang wala ng bukas kung makangiti, eh. Kulang na lang umabot hanggang sa tainga niya ang magkabilang dulo ng labi niya.

"Ako ang maswerte sa kanya," sabi ni Renz na sobra pa rin kung makangiti. He's dreamy... but he looks so creepy to me!

"So, sino nga?!" excited na usisa pa ni Myleen.

Bago pa makasagot si Renz, may umagaw na sa atensyon namin—actually, sa atensyon ng lahat ng tao sa loob ng canteen.

"Hay naku! Wala man lang akong guwapong nilalang na nakikita ngayon dito sa loob ng campus. Wala kasi si papable Renz, eh! Tapos graduate na si papable Mark. Si papable Ejhay naman ang good boy ng dating kaya hindi ko siya type. I'm so depressed na!" malakas na sabi ng conyong baklang pumasok sa canteen, 'tapos pabagsak niya pang ibinaba ang libro niya sa table na parang nagpayanig sa buong canteen.

Kasama niya ang isa pa niya kaibigang bakla na mas malaki pa ang hinaharap kaysa sa aming apat na magkakaibigan na tunay na babae. Hindi ko alam kung gaano karaming gamot ang itinurok niya sa katawan niya para magkaroon ng ganoon kalaking hinaharap!

"Ano ka ba naman, girl! Nandiyan naman sila papable James, papable Eric, papable Joshua, papable Xander, papable Nick, papable..." At marami pang papable na binanggit si Bernie na kasama ng unang bading na nagsalita na si Britney.

Puro ex yata namin ni Myleen ang binanggit niya, ah?

"Ayoko na sa kanila, 'no! May nakapagsabi sa akin na hindi na daw sila 'V'!" sabi naman ni Britney.

Lahat na talaga ng tao nakatingin na sa kanila at nakikinig sa usapan nila.

Ang walang hiya talaga ng mga baklang 'to. Hindi na nahiya sa mga nakakarinig ng mga pinag-uusapan nila. Pero nakakatawa ang mga sentiments nila.

"Makareklamo ka naman, girl! Kala mo virgin ka pa..." Inirapan siya ni Bernie.

At kung anu-ano pang kalandian ang pinag-usapan nila na rinig na rinig ng mga tao sa paligid.

Nang mapatingin ako kay Renz, may nakatakip na sa mukha niyang libro. Malamang nagtatago na siya sa dalawang bakla dahil isa siya sa pinaghahanap nila ngayon na akala mo siya na lang ang guwapong nilalang sa loob ng campus.

Medyo natawa ako at nakaisip ako ng kalokohan.

"Hoy, Renz! Nasaan ka?!" malakas kong sabi na umagaw din ng atensyon ng iba at ng dalawang bakla.

Nanlaki ang mga mata ni Renz dahil sa ginawa ko. Gusto niya mang umalis sa kinauupuan niya para tumakas ay hindi niya magawa dahil nakatingin na sa amin ang dalawang bakla. Nagtago pa siya ng maigi sa librong hawak niya, and if I'm not mistaken, kay Tracy iyong libro dahil siya lang naman sa aming apat ang palaging may dala ng libro kahit saan.

At dahil best actress ako, itinapat ko ang cellphone ko sa tainga ko. "Ano?! Nagtanan ka na kasama si Wendy?" malakas ko ulit na sabi.

Laptrip na naman 'to!

Nakita kong napasinghap ang dalawang binabae na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi malabong paniwalaan nila ang sinabi ko dahil alam naman yata ng lahat ng nakakakilala sa amin na mag-best friend kami ni Renz.

"Renz, umuwi ka na! 'yong anak mo, wala ng panggatas!" sabi ko pa ulit.

Damn! Ang hirap magpigil ng tawa, ha! Ang sakit sa tiyan. Baka mamaya mag-fart na lang ako bigla dito.

Pabiglang tumayo ang dalawang bakla na gumawa na naman ng ingay at patakbong lumabas ng canteen na parang nanliligaw at hindi alam kung saan pupunta.

"Wala na! Hindi na rin 'V' si papa Renz!" Narinig pa naming ngawa ni Britney bago pa sila makalayo sa canteen.

Hindi ko na napigilan ang tumawa nang malakas nang hindi na namin sila matanaw at ganoon din ang tatlong bruha. Nakahingan naman ng maluwag si Renz pero hindi maitatanggi ang sama ng tingin niya sa akin.

So ungrateful ass! Pinaalis ko na nga ang mga baklang palaging naghahabol sa kanya, 'tapos ganyan pa siya makatingin?

"Salamat, ha?" yamot niyang sabi. "Tsk! Niligtas nga ako sa mga bakla, sinira naman ang image ko," bulong pa niya.

Lalo naman akong natawa. Anong image ang pinagsasabi niya? Mayroon ba siyang magandang image na kailangan ingatan?

"Alis na 'ko," paalam na lang niya bigla na halatang inis na inis pa rin sa ginawa ko.

"Hoy, anong aalis ka na kaagad?!" pigil ko naman sa kanya.

Natigil kami sa pagtawa nang tumayo siya. Aalis na talag siya kaagad? Hindi pa nga kami nagkakakuwentuhan ng mahaba! Ang dami kong gusto ikuwento sa kanya at marami rin akong gusto maalaman sa kanila ngayon ni Wendy!

"Susunduin ko si Wendy. Itatanan ko na siya," nakairap niyang sabi at hindi na talaga siya nagpapigil pa sa pag-alis.

Hindi ko na rin siya pinigilan dahil si Wendy naman pala ang pupuntahan niya. Akala ko naiinis lang talaga siya sa ginawa ko. Maybe we'll catch up some other time.

Napangit ako. Tinamaan na rin talaga ang best friend ko. Masaya ako para sa kanya kahit pa halos nakalimutan na niyang may best friend siya.

"Who's Wendy?" tanong ni Myleen at nasa mukha niya ang curiousity.

∞∞∞

Chapter Thirty

Lianne's POV

Shuffle. Shuffle.

There! Naka-spot din na magandang kanta sa iPod ko. Kanina pa ako shuffle nang shuffle sa mga tracks na nandito at ngayon lang ako nahinto kantang Brown Eyes ng Destiny's Child.

Gusto kong ma-relax. Ang lakas na naman kasi ng kabog dibdib ko dahil on the way na ako pauwi.

Alam kong wala naman akong dapat ipag-alala dahil lahat sila ay gusto ang nangyayari ngayon. Kahit naman ako. Pero hindi ko pa rin alam kung paano ako kikilos o kung ano ang mga sasabihin ko.

Kinuha ko cellphone ko nang marinig ko ang pag-beep niyon at binasabi ko ang message.

I miss you, babe... iyon lang at may kiss na icon sa dulo.

Galing kay Mark ang message kaya napangiti ako. Iyong ngiting in love na katulad ng ngiti ni Renz kanina. Hindi pa nga pala kami nagkikita ngayong araw.

Nag-reply ako ng, I miss you too, babe. At nilagyan ko rin ng kiss icon sa dulo iyon.

Kase-send ko pa lang ng message ay tumunog na ang phone ko. He's calling! Tinanggal ko muna ang headphones sa tainga ko bago ko sinagot ang tawag niya.

"I miss you, Babe," bungad niya.

Napangiting in love ulit ako bago ako sumagot. "I miss you, too, Babe."

"Pauwi ka na ba?" tanong niya naman.

"Yup, ikaw?"

"May ginagawa pa ako, eh. Ingat ka sa pag-uwi. Punta ako mamaya sa inyo pag-uwi ko."

Nakaramdam ako ng excitement na makita siya. "Okay, ingat ka rin mamaya pag-uwi mo."

"Alright... Good luck, Babe."

Iyon lang at ibinaba niya na ang call. Medyo nawala ang kaba ko dahil sa pag-good luck niya sa akin. Hindi ko ma-imagine dati na may taong makakapagpakalma sa akin sa mga ganitong sitwasyon. Feeling ko, sa mga libro, palabas at sa pag-arte ko lang iyon mararamdaman.

But now that Mark can take away most of my worries, it makes me feel that everything will be alright.

Pagdating ko sa bahay ay nasa kuwarto na raw si Hannah. Medyo na-disappoint ako kasi feeling ko, ayaw niya akong makita. Hindi niya man lang ako hinintay makauwi. Akala ko pa naman gusto rin niya ako makausap. Sayang lang ang sobrang kaba ko kania!

Pero hindi dapat ako mag-demand ng mga bagay-bagay... ako itong dapat bumabawi kaya hindi dapat ako mag-inarte.

"Hindi pa 'yon tulog..." sabi ni Mommy nang mapansin niyang medyo nawala ang sigla ko. "Baka nahihiya lang din sa'yo kaya umakyat ulit sa kuwarto niya pagkakain."

Tumango na lang ako.

"Iinom pa siya ng gamot. Gusto mo bang ikaw na ang mag-akyat sa kuwarto niya?" tanong ni Mommy.

Parang nabuhayan naman ako ng loob. Tumango ako at agad kong kinuha ang tray na may gamot at baso ng tubig na naihanda na ni Mommy. Mabilis akong umakyat sa taas. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto niya, huminga ako ng malalim bago ako kumatok.

Bumukas din naman kaagad ang pinto at nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako.

"Hi, a-ate Hannah," awkward kong bati. "Med time mo na raw." Inangat ko pa ang dala kong tray. "P-puwedeng pumasok?"

Nahihiyang ngumiti siya at nilakihan niya ang bukas ng pinto. "S-sure, pasok ka."

Ang hinhin niya magsalita na kabaliktaran ko dahil napaka taklesa ko. Pero at least, pareho kaming maganda! Oh, 'di ba? Share na talaga kami s title ko?

Naglakad ako papasok at ipinatong sa bedside table niya ang tray. Isinara niya naman ang pinto at sumunod din sa akin.

Umupo kami pareho sa gilid ng kama, magkaharap sa isa't isa at nagtitigan lang muna. Pero napaiwas agad ako ng tinginn dahil hindi ko iyon matagal.

Ugh! Daig pa ng kaba ko ngayon kaysa noong umamin sa akin si Mark na mahal niya ako at umamin ako sa kanya ng mahal ko rin siya. Ano ba ito? Wala pa nga akong ginagawa o sinasabi, naiiyak na ako. Palagi na lang akong umiiyak these days. Napakaiyakin ko na yata...

Ibinuka ko ang bibig ko para sana magsalita pero bigla niya na lang akong niyakap. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa pagkabigla. Pero saglit lang at niyakap ko na rin siya. Kung gaano kahigpit ang yakap niya, iyon rin ang iginanti ko.

"A-ate..." That couldn't almost scape my mouth and then I felt my tears rolled down my face.

Sa dami kong gustong sabihin sa kanya ngayon, parang gusto ko na lang iiyak ang lahat... na para bang sa bawat patak ng luha ko nakalakip ang mga busto kong sabihin sa kanya. Ang mga pagsisisi ko sa mga ginagawa ko noon at nitong mga nakaraan. Ang mga sinabi ko na nakasakit sa damdamin niya. Lahat iyon, gusto kong ihingi na tawad pero hindi ako makapag salita.

I shouldn't have treated her that way. I should have accepted her before. I shouldn't have sent her away. I should have loved her because she's my sister.

Napahikbi kami pareho at noon ko nalaman na umiiyak din pala siya.

"Ate Hannah, I'm sorry..." umpisa ko sa pagitan ng mga hikbi.

"Shhh..." saway naman niya sa akin. Lumayo siya at tinitigan na naman niya ako. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"Bakit ka ba umiiyak?" para may pagkainis niyang sabi habang patuloy sa pagpunas sa mga luha kong ayaw huminto sa pagpatak.

"Ikaw rin kaya umiiyak," sabi ko naman.

Nagkatawanan na lang kami dahil ang awkward namin pareho. But that broke the awkwardness between us. Nag-usap kami saglit at pagkatapos ay iniwan ko na siya dahil kailangan na niyang makapagpahinga.

She looks tired. May ibang araw pa naman para makapagkuwentuhan kami. Sa ngayon ay sisiguraduhin kong maaalagaan ko siya ng maayos.

Maagaan ang pakiramdam ko habang naglalakad pababa ng bahay. Parang nawala ang mabigat na nakapatong sa dibdib ko. Isa na lang ang kailangan kong kausapin... si Daddy.

Parang pinagbibigyan naman ako ng pagkakataon, dahil nakita kong gising pa si Daddy at nagbabasa siya sa sala. Tinitigan ko siya saglit at napansin kong parang nangayayat siya. He must be stressed because of me and ate Hannah's condition.

Guilt rush in me again. May sakin na ngang malala ang isang anak niya, naging suwail pa ang isa. I'm so mean for not trying to understand the situation lately. Pero hindi ko na dapat pa iyong isipin. What I need to do right now is to make things up with Dad too.

Huminga muna ulit ako ng malalim bago ko siya nilapitan. I sat beside him and put my arms around his body. Ibinaba naman niya kaagad ang binabasa niya.

"Daddy..." I whispered. Napasinghot pa ako dahil naiiyak na naman ako. Pero pinigilan ko ang mga luha ko. Ayokong pumasok bukas nang namamaga na naman ang mga mata.

"I understand..." sabi na lang ni Daddy kahit wala pa naman akong sinasabi at hinalikan niya ako sa ulo. "Alam kong ako ang may kasalanan ng lahat."

"Dad!" saway ko na sa kanya kasabay ng bahagya kong paglayo.

Ayoko na sabing umiyak! Pero sa sinasabi niya, baka maiyak na naman ako. I just want to hug him and make him feel that I'm really sorry for acting out the past weeks.

Tuluyan na akong humiwalay sa kanya. "Matulog ka na... masama sa mamatanda ang pagpupuyat," sabi ko sa kanya. But it's just my way of telling him to take a rest. "Basta bati na tayo," parang bata ko pang dagdag.

Natawa lang siya sa sinabi ko at tumayo na. Nang tumayo rin ay ikinulong niya ako sa mahigpit na yakap. Parang pinaparamdam niya rin sa akin how sorry he is for hurting me and that he missed me so much.

"Dad, ano ba 'yan?!" naiinis kong sabi dahil naiiyak na talaga ako. "Take your rest now. You look so tired. Hindi ka na yata nagpapahinga sa pagtatrabaho!"

Tumawa siya ulit. "Alright... goodnight, princess." Then he kissed my forehead. "I love you so much."

"I love you too, Dad..."

Umakyat na siya sa taas. Lumabas naman ako para maghintay kay Mark.

Ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko ngayon. Sa sobrang gaan, feeling ko lumulutang na ako sa ulap. Para akong adik na high na high sa bawal na gamot. And sayang ko lang. Tama nga si Ejhay... I'd be very happy when I let go of the anger and I don't feel hurt anymore.

Naglakad-lakad lang muna ako sa bakuran namin habang naghihintay kay Mark. Maiksi ang pasensya ko kapag naghihintay pero hindi ko naman alintana na matagal-tagal na rin akong naghihintay sa kanya.

Na-excite ako nang may marinig akong humintong sasakyan. Siguradong si Mark na iyon! Lalabas na sana ako ng gate namin para salubungin siya pero napigilan ako ng yumakap sa akin mula sa likod. Muntik pa akong mapatili.

"I miss you..." bulong niya sa akin at inamoy niya pa ang buhok ko.

"Saan ka dumaan?" nagtataka kong tanong.

"Secret!"

Tinanggal ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin at humarap ako sa kanya. "Sabi na nga ba, may pagka-akyat-bahay ka, eh..." pabiro kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya. Ngiting in love din! Parang iyong ngiti ni Renz kanina. Uso yata talaga ang mga ganoong ngiti ngayon.

"Ikaw nga snatcher, eh..." sabi naman niya.

Kumunot naman ang noo ko. Paano naman ako naging snatcher? Wala namang akong ninanakaw, ah?

"Na-snatch mo kaya ang puso ko." Hindi pa rin nanawala ang ngiting in love sa mga labi niya nang sabihin niya iyon

Humagalpak naman ako ng tawa sa kakornihan niya. Pero ang totoo, sobrang kinikilig ako kahit gaano pa kakorni ang sinabi niya.

Sabay kaming kumain ng hapunan ni Mark. He asked me what happened, and I told him everything. I can see that he's happy about it kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.

"Can I sleep in your room?" tanong niya habang nagliligpit kami ng pinagkainan.

"Uhmm..." nag-isip ako kunwari. "I haven't asked ate Hannah if you're available tonight," pabiro kong sabi.

"Well, I can give you VIP pass now," sabi naman niya na may kasama pang kindat.

Nagkibit balikat ako. "Maybe I'll use it some other time."

"Hey..." protesta niya.

Natawa naman ako. Ayoko lang talaga na makasama siya sa kuwarto ng kami lang. dalawang beses na may muntik na mangyari sa amin at baka magtagumpay na siya ngayon. O kung hindi man ay baka sila Mommy ang makakita sa amin.

I will not take that risk!

"Go home, babe," seryoso kong sabi dahil tapos na rin naman kaming magligpit. "Ihatid mo na lang ako bukas pagpasok."

Lumapit naman siya sa akin at hinapit ako. "Okay but give me a good kiss before I go."

Bago pa ako makatanggi, lumapat na ang labi niya sa mga labi ko. Kahit pa kinakabahan ako na baka makita kami nila Mommy ay kusang pumulupot ang mga braso ko sa kanya at tinugon ko ang halik niya.

We're both panting when we stop. Hahalikan niya pa sana ulit ako pero lumayo na ako sa kanya.

"Mark!" I eyed him.

"But it's not enough..." reklamo niya at pinapungay niya pa ang mga mata niya.

Natawa lang ako sa hitsura niya. Parang sira lang... mukha siyang manyak na ewan. Pero kahit mukha siyang manyak, kinikilig ako. Ewan ko ba? Nababaliw na naman yata ako.

"Come on..." Itinulak ko siya papuntang front door.

Nagpatulak naman siya at humarap lang sa akin nang nasa front door ka kami. "Won't you really change your mind?"

Umiling ako. "Nope! See you tomorrow, babe!"

Hindi ko na siya hinintay makalabas. Tumakbo na ako sa hagdan paakyat bago pa magbago ang isip ko at hatakin ko siya papunta sa kuwarto ko. Narinig ko na lang ang pagsara ng front door nang nakaayat na ako sa second floor.

Pumasok ako sa kuwarto ko at napasandal pa ako sa pinto nang maisara ko iyon. Napangiti ako. Parang hindi ko kinakaya ang saya na nararamdaman ko ngayon. Kahit pa nagsisimula pa lang na maging okay ang relationship namin ni ate Hannah at kakaayos pa lang namin ni Daddy, alam kong magiging okay ang mga susunod na araw. Idagdag pa na okay rin kami ni Mark at nagpakita na ulit sa akin si Renz.

Salamat talaga kay Ejhay... kung hindi dahil sa kanya, baka nagmumukmok pa rin ako sa unit niya hanggang ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko at humiga ako sa kama. Then I texted Ejhay.

Thank you! Lunch tayo bukas. My treat!

>>> Next Chapter >>>

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

9.3K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
260K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...
32.5K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...