♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 28

15.6K 161 38
By nyghtdreamer

Chapter Twenty-Eight

Lianne's POV

Nagising ako na masama pa rin ang pakiramdam. Pagtingin ko sa orasan, alas kwatro pa lang ng madaling araw. Ang aga-aga pa pala! Bakit ba ako nagising ng ganitong oras?

Pinilit kong bumangon kahit nahihirapan ako pero natigilan din ako kaagad sa paggalaw ng maramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy galing sa ilong ko.

Shit!

Napatayo ako at napatakbo papunta sa bathroom pagkakita ko sa dugo. Naligo ako kahit ang lamig pa at sinadya kong malamig na tubig talaga ang ipangpaligo.

Huminto rin naman kaagad ang pagdurugo ng ilong ko. Pero nagtataka ako kung bakit ako nag-nose bleed, hindi naman mainit sa loob ng kuwarto ko dahil bukas ang air conditioner. Nagno-nose bleed lang ako kapag sobrang init ng panahon.

Hindi kaya dahil sa mainit kahapon sa field ng university at ngayon lang nag-react ang katawan ko? Tsk! Ang abnormal talaga ng katawan ko minsan. Ang weirdo ko na nga kahapon ng dahil sa flash na napansin ko sa katirikan ng araw, 'tapos ngayon ang abnormal naman ng katawan ko.

Ganito ba talaga kapag maraming life changing circumstances ang nagaganap sa isang tao? Nagiging abnormal din ang katawan?

Paglabas ko ng bathroom, sakto namang pumasok si Mommy sa kuwarto. Ngumiti siya pagkakita sa akin.

Ang tagal kong hindi nakita ang ngiti ng Mommy ko. Parang sumikat na kaagad ang araw sa loob ng kuwarto ko dahil sa ngiti niyang iyon, kahit madilim pa sa labas. At naging warm din ang paligid ng kuwarto ko, kahit na malamig.

Napangiti na rin ako.

Umupo siya sa kama ko and she motioned me to come to her open arms. Lumapit naman ako at sinalubong din siya ng yakap. Napapikit ako at sobrang dinama ang yakap niya.

Grabe... ang aga-aga, ang drama ng buhay ko at gusto kong maiyak.

Mga ilang minuto na kaming magkayakap pero parang walang gustong bumitaw sa aming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap ni Mommy. Iyong sama ng pakiramdam ko kanina, medyo nawala dahil sa yakap niya. I'm like a kid who needs her mother's caress to feel okay.

"M-mommy..." parang isang dekada ko ring hindi nasabi ang salitang iyon. Nahirapan pa akong banggitin dahil para iyong bagong salita sa akin.

Hindi siya sumagot, hinaplos niya lang ang likod ko na prang hinehele ako. Gusto ko na lang ulit matulog habang yakap niya ako.

"Nagpapasalamat ako kay Mark... napauwi ka na rin niya sa wakas." Inilayo niya ako sa kanya at pinagmasdan niya ako.

Gusto ko sanang sabihin na hindi naman dahil kay Mark kaya ako napauwi na lang bigla. Pero hindi ko na lang sinabi, may nagawa rin naman si Mark para mapauwi ako. Takot ko lang na hindi niya ako i-date? Joke! Of course, he also pushed me to go home.

"Mom..." tawag ko ulit sa kanya.

May gusto akong itanong pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang itanong iyon. Gusto ko lang naman malaman kung anong mga nangyari noon. Kung paano niya nagawang magpatawad kaagad at kung paano niya natanggap kahit sobrang sakit para sa kanya ng mga nangyari.

Dahil para sa akin, parang napakahirap gawin niyon. Napakahirap na tanggapin lahat. Kung hindi pa siguro sinabi sa akin ni Ejhay ang mga sinabi niya noong nakaraan, baka hanggang ngayon hindi ko pa rin matatanggap at baka nga hindi ko na tanggapin kahit kailan.

"H-how did you... how did you accepted everything?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang mga kamay ko.

"At first, nahirapan din akong tanggapin. Gusto ko din magalit sa Daddy mo, pero hindi ko magawa. But I love you dad so much at..." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Hindi kasi kita naibigay agad sa Daddy mo." Nakangiti pa rin siya habang nagkukuwento.

Nakaramdam ako ng lungkot sa huli niyang sinabi. Paano pala kung hindi ako nabuhay? Edi, si Hannah pala talaga ang nandito ngayon. Paano na si Mommy? Baka araw-araw siyang nasasaktan dahil hindi siya ang nakapagbigay kay Daddy ng anak.

Parang may namumuo na namang sama ng loob sa dibdib ko para sa ama ko.

"Bago ka pa dumating, nagkaroon ng affair ang Daddy mo sa office mate niya. Pero kahit alam ko na may affair siya, hindi sumagi sa isip ko na makipaghiwalay sa kanya," patuloy niya pa sa pagkukwento.

Parang wala na lang kay Mommy ang mga nangyari noon. Siguro dahil natanggap niya na talaga ang lahat. Pero kahit ganoon, parang ako ang nasasaktan para sa kanya.

To think na may affair na ang asawa niya sa ibang babae pero hindi man lang sumagi sa isip ng mommy ko na makipaghiwalay kay Daddy? Uso pala talaga sa mga babae ang pagiging martyr.

Kapag sa akin siguro nangyari iyon, hindi ko kayang magpaka-martyr. Kapag nagkaroon ng kabit si Mark at naanakan pa niya, babalatan ko siya ng buhay at ilulubog sa kumukulong asido. Yes, napaka brutal ko pero hindi ko yata talaga makakaya ang mga ginawa ni Mommy dati.

I wonder kung gaano ba kamahal ni Mommy si Daddy.

"Noong nalaman ng ka-affair ng Daddy mo na ipinagbubuntis niya na si Hannah, sinabi niya sa Daddy mo na hiwalayan na ako. Pero nang hindi pumayag ang Daddy mo, hindi na siya nagpakita, kaya hindi kaagad nakuha ng Daddy mo si Hannah." Tumingin siya sa mga kamay namin.

Napalunok ako. Muntik pa pala silang maghiwalay dati dahil sa Mommy ni Hannah. Wala pala talaga ako sa mundo ngayon, kung nagkataon na maspinili ni Daddy ang babae niya at si Hannah.

Thank god, Dad chose my Mom...

"Nakuha lang siya ng Daddy mo nang mamatay sa isang car accident ang Mommy ni Hannah. Seven years old na si Hannah noon at five years old ka."

"P-patay na ang Mommy ni Hannah?" tanong ko pa.

Tumango ng marahan si Mommy. Nakaramdam naman ako ng guilt sa mga ginawa ko kay Hannah noon. I didn't know that she just lost her mom when she arrived here in our house. I shouldn't have treated her that way.

Hindi ko tuloy maisip kung paano niya kinaya ang pagkawala ng Mommy niya at ang pang-aalipusta ko sa kanya.

I feel worse about myself.

"Saan siya tumira noong wala siya dito sa bahay?" tanong ko na naman.

"She was with Manuel, Helaine's husband. Hiniling ni Helaine na tanggapin niya si Hannah bago siya mamatay. Ayaw ng Daddy mo na ibigay si Hannah kay Manuel, so he decided to bring her home and I agreed. Pero nang makita namin ang reaksyon mo at sa pag-aalala rin ng Daddy mo sa kalagayan ni Hannah, napilitan siyang ibigay na lang siya kay Manuel. Pero hiniling niya na kung maaari ay madalaw niya pa rin si Hannah. Pumayag si Manuel and since then, most of the out of the country business trip of your Dad, he's with Hannah. Hannah needs specialist and she got all her treatments outside the country," mahaba niyang kuwento. "At minsan ay sumasama talaga ako para maalagaan ko rin si Hannah."

Kung dati ko siguro nalaman iyon ay baka nadagdagan na naman ang galit ko. Baka pati kay mommy ay nagtapo ako ng sobra. Pero ngayon, sobrang nagi-guilty ako sa pinaggagawa ko kay Hannah. Kapatid ko siya, I'm supposed to be her closest friend, someone she can count on. But I was too selfish.

"Nitong mga nakaraang buwan, hindi talaga business trips ang pinuntahan ng Daddy mo. She was taking Hannah to Singapore for her treatments dahil sa lumalalang sakit niya." Nawala na ang ngiti sa mga labi ni Mommy pagkatapos sabihin ang huli.

Parang gusto kong maiyak sa sinabi ni Mommy. I felt partially at fault why her illness got worse. Kung nandito siguro siya sa bahay noon at naalagaan siya at natitingnan ng maayos nila Daddy, baka hindi na lumala ang sakit niya.

Sana noon ko pa siya tinanggap. Sana happy family na kami noon pa lang. Sana hindi na siya nahirapan ng mas matagal. Sana may kasama akong lumaki. Sana may ate akong magtatanggol sa akin at magiging kakampi ko kapag inaaway ako nila Mark dati. Sana hindi na din nahirapan sila Mommy at Daddy na itago siya. Sana hindi kami nag-away ni Daddy. Sana may ate akong sinasabihan kung sino ang mga crush ko sa school.

At marami pang sana...

Napabuntong hininga na lang ako sa mga 'sana' na naiisip ko. Ang daming nasayang na panahon na sana kasama namin siya.

"Mabait na bata si Hannah. Itinuring ko na rin siyang anak. Kahit hindi naman siya sa akin nanggaling, ang Daddy mo pa rin ang ama niya." Ngumiti na ulit si Mommy. "Alam mo bang kapag dinadalaw namin siya ng Daddy mo, itinatanong ka niya palagi sa amin?"

Sa narinig ko ay parang may humaplos sa puso ko. Kahit pala ang maldita ko sa kanya noon, hanggang ngayon, nagtatanong rin pala siya ng tungkol sa akin.

Eh, ako? Noong umalis nga siya, wala na lang akong pakialam sa kanya bigla. Natuwa pa nga ako nang mawala siya sa buhay namin. Napakasama ko pala talaga...

Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha pero agad kong pinunasan iyon.

"Anak, h'wag ka nang umiyak..." Hinawakan ulit ni Mommy ang mukha ko. "'Di ba, kaya ka nga umuwi dahil gusto mo nang magkaayos kayo ni Hannah?"

Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita dahil mapapahagulgol ako kapag ginawa ko iyon. Pero para namang umapaw na dam ang mga mata ko dahil nagsunod-sunod ang patak ng luha ko.

"Oh, dear..." Kinabig ako ni Mommy sa dibdib niya. "Do you know how you would make Hannah happy for coming home?"

Hindi pa rin ako nakasagot at patuloy lang ako sa pag-iyak. But deep inside, I feel so relieved.

"I thank god for opening your heart for Hannah..."

Pagkatapos na makabagbag damdamin naming pagkukuwentuhan ni Mommy, tinulungan akong mag-ayos. Parang noong elementary lang ako, noong hindi pa ako marunong mag-ayos ng sarili ko. At nang matapos ay sabay na kaming lumabas ng kwarto ko.

Pababa na sana kami pero naisip kong pumasok muna ng kuwarto ni Hannah, kaya pinauna ko na si Mommy sa baba.

Pagpasok ko sa kuwarto niya ay nakita kong tulog na tulog pa siya.

Lumapit ako sa kama niya at pinagmasdan ko siya. Napangiti na lang ako bigla. Kasi may pagkakahawig nga pala talaga kami.

Magkapatid nga talaga kami dahil pareho kaming maganda!

Natatawa ako na naiiyak. Natatawa ako dahil totoo pala ang sinabi ni Xander at naiiyak naman ako dahil may kahati na ako sa title ko.

Parang timang lang ako.

"A-ate H-hannah..." I uttered softly.

Ang sarap palang tawagin siyang 'ate'. I wonder if she'd like me to call her that.

Napapabuntong hiningang lumabas ako sa sa kuwarto niya at dumiretso sa dining parang mag-almusal.

Pumasok na rin ako ng school pagkatapos kong kumain. Sabi kasi ni Mommy huwag ko na lang daw hintayin si Hannah magising dahil baka ma-late ako sa klase ko. Hindi rin ako nakasabay kay Mark dahil nakaalis na siya, kaya si Mang Amboy ang naghatid sa akin sa university. Na-miss ko rin siya!

Nakasabay ko rin mag-almusal si Daddy, pero hindi kami nag-imikan. Ang awkward pero walang nag-attemp sa amin na magsalita, though we seemed to be fine. Medyo nagkakahiyaan pa siguro kami. Hinalikan lang ako ni Daddy sa noo nang umalis siya.

Tahimik lang ako buong araw kasama ang mga bruha. Nagtataka na nga sila kung bakit hindi ako normal ngayon araw, eh. Dahil ang normal sa akin ay napakaingay ko at palaging nakikipag talo kina Myleen at Faye.

"Lianne!" tawag sa akin ni Myleen.

Tumingin lang ako sa kanya. Nakakatawa nga dahil parang naiinis sila na ganito ako ngayong araw. Pero masama pa rin kasi talaga ang pakiramdam ko. Medyo elated lang ang damdamin ko dahil sa pag-uwi ko sa bahay at mga realization ko nitong mga nakaraan.

Nagulat na lang ako ng biglang may humatak ng buhok ko mula sa likod.

"Ouch!" reklamo ko at napahawak ako sa buhok ko na hinatak ng kung sino.

Bumitaw rin naman kaagad ang may hawak sa buhok ko at umupo siya sa tabi ko. Si Faye lang pala! Siya talaga palagi ang kasabunutan ko!

"What was that for?!" inis kong tanong kay Faye pero inirapan niya lang ako.

Tumayo naman sa tapat ko si Tracy at namaywang.

"Ikaw! Nasaan ka kagabi?!" tanong ni Faye na parang sinisindak pa ako.

"Ahmm..." Nag-isip ako ng puwede kong sabihin sa kanila.

Ayoko pang malaman nila na umuwi na ako ng bahay. Mahaba-habang chikahan kasi iyon kapag nagkataon. Baka mag-cut pa kami ng classes para doon kaya huwag na muna.

"Bakit parang nag-iisip ka pa diyan?" pasindak ding tanong ni Tracy.

Gusto kong matawa dahil kahit naninindak na siya, mukha pa rin siyang mabait at demure.

"Sa ano... sa bahay ni Mark," pagsisinungaling ko.

"Sa bahay ni papa Mark?!" sabay-sabay nilang bulalas.

Ngumiti ako. "Yup... " Then I faked a laugh.

"Doon ka nagpalipas ng gabi?" tanong ni Myleen.

"Oo nga. May masama ba doon?" kunwaring nagtataka ko pang tanong.

"Wala naman..." sagot naman ni Faye na nawala ang paninindak sa tingin.

Umalis na si Faye at Myleen at naiwan si Tracy sa harap ko. Tinititigan niya akong mabuti. Ewan ko sa kanya kung bakit. Pero titig na titig siya sa mukha ko. Parang binabasa niya ang bawat anggulo mukha ko.

"What?" hindi ako nakatiis sa mga tingin niya kaya nagtanong na ako. Ang creepy niya kaya tumitig!

"Wala..." 'Tapos nakakalokong ngumiti siya. "Ninang ako, ha?"

"Ano?!" Napatayo pa ako sa bigla sa sinabi niya.

Pero hindi na niya ako pinansin. Pumunta na lang siya doon sa iba naming mga classmate kung saan nakikipagdaldalan din si Myleen at Faye.

Ang ewan lang nila! Lalo na ni Tracy!

They might think na inuuwi na ako sa bahay niya. But whatever... ni hindi ko nga alam kung saan ang bahay ni Mark na sinasabi niya. But just thinking about his house, I'm pretty sure, it's astonishing.

He graduated architecture and I saw some of his designs before. Designs pa lang ang mga iyon pero nagagandahan na ako. I even asked him to draw my dream house and he exceeded my imagination. He's good at what he does kaya sigurado akong sobrang ganda ng design ng bahay niya.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

143K 3.3K 12
Mahal kita... Mahal mo'y iba... Akala mo ba papayag akong maging masaya kayong dalawa?
6M 75.4K 102
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- After more than 2 years, may kanya-kanya na silang career. And until now, hindi pa rin na...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2M 6K 4
Saraya Kennedy Cruz was just a simple girl living her life peacefully. She has an undying love for a half-British guy named Chord Sebastian Harris. S...