Happy yet Sad Ending [HySE <3...

By unpredictablefe

17.2K 85 19

Hindi ibig sabihin na masaya tayo sa pagsisimula ng araw natin ay magiging masaya pa rin tayo sa pagtatapos n... More

Important Note:
List of The Models and Characters:
HySE <3 Beginning
HySE <3 1.
HySE <3 2
HySE <3 3.
HySE <3 5. Princess, wake up!
HySE <3 6. They're Drunk
HySE <3 7. KUYA???
HySE <3 8. Give Me A Smile
HySE <3 9. KathLil Chap.
HySE <3 10. basketball
HySE <3 11. KathQuen
HySE <3 12. JuliEgo Moments
HySE <3 13. Bakit ka absent?
HySE <3 14. Ako na lang!
HySE <3 15. The Graduation and Fiancee
HySE <3 16. Princess and Prince
HySE <3 17. Her Birthday
HySE <3 18. You Belong with me!
HySE <3 19. The Break up
HySE <3 20. We are here for you!
HySE <3 22. [Happy Birthday To ME!!!!] Happy Ending??
HySE <3 23. Away?
aHySE <3 24. We will miss Her!
HySE <3 Epilogue. Happy yet Sad Ending

HySE <3 4. Knowing Him!

543 6 0
By unpredictablefe

"Jazztine Ryan's POV"

"Magandang umaga po."

Bati ko sa isang kostomer na pumasok dito sa tindahang binabantayan ko. Kasisikat pa lang ng araw ay nandito na ako sa tindahan ni Doña Maria. Siya yung may ari ng tindahang pinagtratrabahuan ko. Siya rin ang nagpapaaral sa akin Kaibigan siya ni mama simula pa noong mga bata pa raw sila.

Siyanga pala, ako si Jazztine Ryan, kung nakilala niyo na po si Jazzper Ryan, eh siya lang naman po ang bunso kong kapatid. May isa pa akong kapatid na babae. Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon, pero hindi na siya sa bahay umuuwi dahil may asawa na rin siya. Malapit kami ni RJ (Tawag ko kay Jazzper) sa isa't-isa. Siya ang nakakaalam ng lahat ng sikreto ko.

Halos magkamukha na kami ni RJ. Tall, medyo dark, and medyo may itsura rin naman kami kahit na mahirap lang. Matalino rin kami parehas. Grumaduate ako ng elementary at high school ng Valedictorian. Si RJ naman ay palaging pumapangatlo sa klase nila, hindi dahil mas matalino ako sa kanya, kundi kaklase niya kasi si Althea Mary Andrea Joy Bautista, o mas tinatawag kong Drey. Magkaiba rin kami ni RJ ng pinapasukang paaralan noong elementary at secondary dahil nga sa nagtratrabaho ako. Ngayong kolehiyo ay magkatulad na kami.

Kung tungkol naman sa buhay pag-ibig ko ang pag-uusapan, eh, magulo eh. May gusto akong babae pero di ko talaga maligawan. Hindi dahil sa torpe ako, kundi nahihiya akong ligawan ang nag-iisang babaeng pinakagusto at parang mahal ko na ata talaga. Mayaman siya pero hindi yun dahilan para magustuhan ko siya, maganda siya, mabait, matalino, at higit sa lahat she is perfectly imperfect. Gusto niyo ba siya makilala?

"Kuya!" nabigla naman ako dito kay RJ. Bigla bigla na lang sumusulpot!!.

"Ano na naman ba kailangan mo? Bakit ka andito?"

"Toh naman. Bawal na ba kita dalawin?" dalawin?? eh, kanina pa kaya kami nagkita sa bahay. Binigyan ko na lang siya ng "dalawin-mo-mukha-mo-look".. "Tss. Pumunta kasi yung girlfriend mo sa bahay!"

Siguro nagtataka kayo kung sino ibig niya sabihin. Isa pa ito sa ikinagulo ng love story ko. May isang babae kasing umaastang kasintahan ko kahit hindi ko naman talaga siya nililigawan. Nakakainis na nga minsan eh. Pasalamat na lang siya anak siya ni Doña Maria. Siya lang naman ang nag-iisang anak at sobrang spoiled siya sa ama niya. Kaya para di masira ang pagtingin nila sa akin ay kailangan kong pakisamahan ang prinsesa nila!

"Pwede ba! Di ko siya girlfriend noh!"

At wala rin akong balak maging girlfriend yun. Oo nga, mayaman sila, maganda siya, matalino naman kahit papaano, pero yung ugali niya kasi minsan hindi ko kayang tiisin, lalo na sa tuwing inaapi niya ang babaeng mahal/gusto ko. Gaya mga pinaggagawa niya kahapon! Tss.

"I know bro. Paano mo naman yun magiging girlfriend eh, may iba kang gusto!" kilala ni RJ ang babaeng mahal ko. Kaklase niya ito mula elementary hanggang high school. Malapit rin siya dito at kaibigan niya ito. Siguro naman kilala niyo na ang babaeng tinutukoy ko?? "Ligawan mo na kasi!"

"Mag tigil ka nga!! Sige na, umalis ka na. May pasok ka pa ngayon di ba? Ikumusta mo na lang ako sa kanya." nakangiti kong sabi kay RJ. Tumango lang ito at umalis na. Pero bago siya makaalis, sumigaw muna siya. "TORPE MO!!"

Tss. Bumalik na rin ako sa trabaho pagkaalis ni RJ. Mamaya pa kasing hapon ang klase ko ngayon. Inintertain ko na ang mga mamimili.

Maayos naman ang takbo ng tindahan buong umaga. Pagdating ng tanghali ay nag-out na ako. Kumain na rin ako. Pagkatapos ay dumiretso na sa skwelahan.

Mga eksaktong ala-una ay nagsimula na rin ang klase namin. May dalawang subject lang kami ngayon. PE 4 at English 4.

Pagkatapos ng klase mga 5:30 ay lumabas na ako ng room para sana pumunta sa room nina RJ, para sundin yung sinabi niya kanina. Pero, napahinto ako ng paglalakad ng biglang may humawak sa braso ko.

"Baby Jazz, where are you going ba?" maarteng tanong ng babaeng to. Nakakainis naman siya eh. Kailangan ko makahanap ng paraan para di ito sumama sa akin. Masisira lang ang mga plano ko kung sasama siya!

"May importante lang akong gagawin. Mauna ka na umuwi."

"No! I want to come with you." kainis talaga itong babaeng toh! Masasampal ko ito ng di oras eh.

"No you can't. Mauna ka na umuwi sa inyo o gumala ka kasama ng tropa mo,"

"Eh, I want to be with you eh. Let's have a date?" nakangiti niyang sabi. WOW!! DATE??? Ayaw ko!!

"Look Cheska. I really need to do some important things. At bawal ka sumama. Sige na. Bye!" Pinilit ko tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa akin pero di ko matanggal. Para kasing tuko makakapit itong babaeng to eh!

Oo nga pala, si Cheska ang tinutukoy kong anak ni Doña. Spoiled brat itong babaeng toh. Nakakainis siya kasi pinagpipilitan niya na girlfriend ko siya at may gusto ako sa kanya. 

"But??" pag-angal niya.

"No more BUTs okay?" tapos huminga na ako ng malalim. Ala na kasi akong choice kundi gawin toh. "But, pwede tayo gumala ng tayo lang dalawa bukas, okay ba yun?"

"Okay. Ingat ka baby Jazz." at umalis na siya ng nakangiti. Kainis talaga oh! Baby ng baby, ano akala niya sa akin sanggol??! Tss... Dumiretso na ako agad sa room nina RJ.

Pagdating ko sa room nila, ay kakatapos lang din ng kanilang klase.

"Bro!" pagtawag sa akin ni RJ ng makita niya ako. Lumingon rin sa akin ang babaeng dahilan ng pagpunta ko dito at ang kaibigan niyang si Angel na nililigawan ng kapatid ko.

"Sabay na tayo umuwi." nakangiting kong saad. Hindi naman talaga si RJ gusto ko kasabay eh, kundi si Ms. Imperfect(tawag ko sa babaeng crush na crush ko). Lumapit na sa akin si RJ kasama yung dalawa.

"Pasensya na bro." tapos umakbay siya kay Angel. Ambilis talaga nitong kapatid ko, talo ako pagdating sa mga babae!. "May pupuntahan pa kasi kami ni Angel eh."

"Oo nga kuya. Kayo na lang ni Andi magsabay." nice suggestion mula kay Agel. Ngumiti lang siya kay Drey. Si Drey naman ay ngumiti lang sa kanya at lumingon sa akin.

"Kuya, hayaan mo na muna itong dalawang magdate. Sumabay ka na lang sa akin sa restaurant ko." SIGE!! SIGE!!! SIGE!!!

"Hindi ba nakakahiya sa iyo Drey?" syempre kailangan kong magpakipot noh!

"Ano ka ba kuya. We are friends." nakangiti nitong sabi sa akin kaya tumango na lang ako. I'm very happy today!! Tumabi na sa aking pagtayo si Drey at sina RJ naman at Angel ang kinausap niya. "PJ, iuwi mo ng maaga si Gelay ha! Atsaka, wag niyong kalimutang dalawa na hindi pa kayo. Gelay, wag mo muna siyang sagutin hanggang di pa siya pumunta ng bahay para manligaw sayo, okay?" This is one of the reasons why I like her. Di na siya bata mag-isip.

"Opo boss." sabay na sagot ng dalawa at nag salute, tinaasan lang sla ng kilay ni Drey. Ang taray niya! At ayun ay nagsimula na kaming maglakad na apat papuntang gate. Yung dalawa ay nag commute na lang. Kami naman ay hinintay na muna ang sundo nila.

"Kuya, question lang ha." at nilingon ako ni Drey, syempre ngumiti lang ako at tumango. "Girlfriend mo ba si Ate Cheska?" NOPE, As in capital N-O-P-E, NOPE!! Pwede ba ikaw na lang girlfriend ko??

"Hindi. Bakit mo naman nasabi?" kainis talaga yung Cheska na yun!!

"Eh kasi, baby ang tawag niya sayo eh. Tapos kung makayakap siya sa mga braso mo eh, ang higpit." tama nga naman siya. Marami na rin ang nagsasabing girlfriend ko si Cheska.

Dumating na rin ang sundo ni Drey. Sumakay na kami agad sa van nila.

"Tay, resto po tayo." sabi nito sa driver. Sa pagkakaalam ko, ama ito ni Angel.

Nagdrive na ang driver (syempre alangan naman ang pasahero ang magdrive diba??). Nagkwentuhan lang kami ni Drey, nakikisali rin minsan si Tatay Ben (sabi kasi ng driver ay tatay Ben na lang daw tawag ko sa kanya dahil kaibigan raw ako ni Drey at Angel).

Hindi nagtagal ay huminto na kami sa "Happy yet Sad Ending Restaurant.." mahina kong sabi. Ang weird naman ata ng pangalan ng restaurant na ito. Tapos bumaba na kami ni Drey. Sabi niya kay tatay na tatawag na lang daw siya kung magpapasundo na. Tumango lang naman si tatay at umalis na rin.

Pumasok na kami ni Drey sa restaurant. Maganda ang labas ng restaurant. May parang garden ito at may mga bench, may fountain rin dito. Dito naman sa loob ay combination of pink and dark blue na ang mga kulay. Puno ito ngayon ng tao. May mga circle na tables rin.

"Good afternoon, young lady." bati ng guard sabay bow ng pumasok kami. Wow! young lady ang tawag sa kanya dito. Ngumiti lang naman siya at dumiretso na sa loob.

"Magandang hapon young lady." sabay bow ng bawat staff ng restaurant sa tuwing dumadaan kaming dalawa. Siya naman nginingitian lang sila.

Lumapit naman kami sa may cashier. "Baked maccaroni and a glass of pineapple juice for two. Bring it to my office please."

"Okay, young lady."

Pagkatapos nun ay dumiretso kami sa isang room dito sa rstaurant. Mukhang mini office ata ito.

"Kuya, upo ka muna diyan ha." sabay turo niya sa couch dito sa office. Umupo naman ako agad. Siya umupo rin sa upuan dun sa may table, at may mga kinuhang papel. "Nood ka muna ng TV kuya. May gagawin lang ako sandali." nakangiti niyang sabi. Ngumiti lang ako sa kanya. Binuksan niya ang TV. Tapos ay bumalik na siya sa trinatrabaho niya.

-tok-tok-tok-

"Come in." sabi ni Drey. Tpos bumukas na ang pinto at pumasok ang babaeng may dala nung inorder niya kanina. 

"Here is your order young lady." sabay lapag ng babae nung mga dala niya sa table ni Drey at sa mini table sa tapat ko.

"Thank you. You can go out now. I'll just call you kung may kailangan pa ako." at ayun lumabas na ang babae. Ang yaman pala talaga nitong pamilya ni Drey! "Kuya, kain ka lang ha. I'll just finish this. Kailangan ko kasing magpasweldo ngayon." WOW! Siya magpapasweldo?

"Okay lang Drey. Tuloy mo lang ginagawa mo." ngumiti lang siya pagkasabi ko nun at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Ako naman nakaupo lang sa couch, kumakain, umiinom, nanonood ng TV, at paminsan minsan sinusulyapan siya.

Pagkatpos niyang magsulat dun sa papel ay lumapit siya sa isang vault at kumuha ng isang envelope doon at ini-lock ulit ang vault. Wala na ako masyadong alam sa mga ginagawa niya, ang nakita ko lang ay may mga pera mula sa envelope. Hinahati niya ang pera at ini-staple sa papel na sinulatan niya kanina.

Mga isang oras na ang nakalipas ng natapos na siya sa ginagawa niya. Natapos na rin syempre ako sa pagkain ko.

Lumabas na kami sa office niya at pumunta sa kusina. Tumulong siya doon sa pagluluto. Tumulong na rin ako. Ang kulit ni Drey sobra. Sayaw siya ng sayaw habang nagluluto. Tawa naman ng tawa ang mga tao dito sa kusina.

"Drey, pwede magtanong?" na-cu-curious na kasi talaga ako sa pangalan ng resto na ito eh. Tumango lang naman siya sa akin. "Bakit Happy yet Sad Ending Restaurant ang name ng resto na ito?"

"Ahh. Gift kasi ito ni daddy sa akin nung nag high school ako. Mahilig kasi talaga ako sa mga restaurants at mahilig rin ako magluto. Happy yet Sad Ending ang ipinangal ko dito dahil nung natanggap ko ang restaurant na ito ay napakasaya ko, subalit nung matapos ang araw ay nalungkot ako kasi yun rin yung day na umalis si daddy at mommy patungong Amerika dahil na ospital ang lola ko. Then nung araw naman na bubuksan na namin ang restaurant na ito ay masaya ako dahil magsisimula na nga ang negosyo ko pero naging malungkot din ako dahil ibinalita nila sa akin na namatay na si lola." kaya pala!! Kawawa naman pala itong Ms. Imperfect ko..."Kaya Happy yet Sad Ending yung name dahil sa masaya at malungkot ako sa araw ng pagkakatanggap ko sa resto na ito sa sa pagbubukas namin dito."

"Ganun pala yun." nakangiti kong tugon. After nung conversation namin ay bumalik na naman kami sa pagluluto. Mga ilang oras pa ay lumabas na kami ng kusina.

Pagkalabas namin ay binati na naman siya ng mga staff. Nag bow sila sa tuwing dumadaan si Drey. Tapos nun ay pinatawag silang lahat ni Drey at ipinasara na niya ang resto.

Ang bait talaga niya, akalain mong inilibre niya ng dinner ang mga nagtratrabaho dito. May mga 20 katao ang staff niya lahat.

"I'm so happy dahil malaki ang iniangat ng kita natin ngayong buwan kesa last month. Kaya I think I should increase your salaries for this." wow naman! Nagpalakpakan yung mga trabahante niya. Syempre sino ba namang hindi matutuwa kung mag-i-increase yung salaries mo diba? "I'll give your money now. Please fall in line." at ayun nagsimula na siya mamigay ng pera.

After nun ay tinawagan na niya si tatay Ben para sunduin kami. Di rin nagtagal ay dumating ito. Iniuna nila ako sa paghatid pagkatapos ay umalis na sila.

Binigyan pa nga ako ni Drey ng niluto naming cake at adobong baby kanina. Sabi niya ibigay ko raw sa parents ko. Ang bait bait niya talaga.

"Mano po ma." sabi ko kay nanay pagkapasok ko sa bahay namin. Si nanay lang mag-isa. Siguro di pa dumarating si papa, at yung kapatid ko naman baka kasama pa si Angel. "Pinabibigay po pala ni Drey." sabay abot ng dala kong pagkain.

"Sinong Drey? Girlfriend mo? Akala ko ba si Cheska ang kasintahan mo?" at tumayo na si mama pagkasabi niya nun. Nilagay niya sa mesa ang dala ko.

"Mama naman eh. Alam niyo naman pong wala akong gusto kay Cheska di ba?" kainis naman kasi yung babaeng yun, kahit ano na lang sinasabi sa mama at papa ko.

"Ikaw bahala anak. Sino ba kasi yang Drey na iyan ha?" pagtatanong ulit ni mama habang inaayos niya ang hapagkainan, tumulong naman ako.

"Si Ms. Imperfect po!" napalingon ako kung sino yung sumabat. Tss. Si RJ lang pala. Ang aga ata natapos ang date ng lalaking to!! Lumapit na sa amin si RJ, nagmano siya kay mama at umupo na sa may mesa.

"Sinong Ms. Imperfect?" ayan dumating na rin si papa. Nagmano na kami sa kanya at umupo na kami sa may mesa. Kakain na kami ng hapunan. Tapos nagdasal na muna kami. Pagkatapos ay nagsimula ng kumain. "Sinong Ms. Imperfect?" tanong ulit ni papa.

"Si Drey po pa." sagot ko.

"Sino nga yang si Drey?" tanong ni mama.

"Si Young lady Althea po." sagot naman ni RJ. Ganito kami sa bahay, kahit mahirap lang kami. Masaya kaming magpapamilya.

"Aahh!!" sabay na sabi ng mga magulang ko. At ayun, kinulit na nila ako.

After naming kumain ay niligpit ko na ang mga plato. Si RJ ang naghugas. Si papa at mama naman ay pumasok na sa kwarto nila, dahil pagod daw sila.

Pagkatapos maghugas ni RJ ay pumasok na rin kami sa kwarto namin. Magkasama kami sa kwarto, pero di kami magkatabi!.

"Bro, gaano mo ba kagusto si Thea?" tanong niya ng makahiga na kami.

"Ewan bro. Basta ang alam ko, I want to take care of her. Ikaw ba, mahal mo ba talaga si Angel?" Chickboy kasi ito si RJ kahit na mahirap lang kami, pero mabait naman siya sa mga babae minsan.

"Ewan bro. Di ako sigurado eh,. Basta ang alam ko masaya ako pagkasama ko siya."

"Bro, it doesn't mean na masaya ka kapag kasama mo siya ay mahal mo na siya. Tandaan mo, kaibigan mo si Angel. Wag mong hayaan ang sarili mong saktan siya." narinig ko na lang siyang nag sigh. "Matulog ka na. Maaga pa klase mo bukas."

Nagdasal muna ako bago tuluyang ipinikit ang aking mga mata. Kailangan ko rin ng bagong lakas dahil may date ako kasama yung spoild brat na yun bukas!! Sana bago man lang kami lumabas ni Cheska ay makausap ko muna si Drey.

Continue Reading

You'll Also Like

9K 545 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...