♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 27

16.1K 176 46
By nyghtdreamer

Chapter Twenty-Seven

Lianne's POV

"Mark..." tawag ko sa kanya.

On the way na kami papuntang university. Mas maaga ang klase ko ngayon kaya naisabay niya ako sa pagpasok niya. Medyo out off way nga ang university sa office niya pero ipinilit niyang ihatid ako.

If I know, ayaw niya lang na daanan ako ni Ejhay. He's still jealous. Pero kahit naman siguro ako, magseselos kung ibang babae ang hinatatid niya.

"What is it? Kanina ka pa tawag nang tawag sa akin, wala ka namang sinasabi," he said in an impatient tone.

Ang sungit! Second day siguro ng dalaw niya kaya ang sungit-sungit niya. Pero paano ko ba sasabihin sa kanya ang gusto kong sabihin?

"Ano..." huminto ako 'tapos nag-type ng reply ko kay Ejhay.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang siya sa pagda-drive.

"Mark!" tawag ko ulit sa kanya pagkatapos kong i-send ang reply ko.

"Yes? What is it?" Nilingon niya pa ako saglit at nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa pagkainip sa sasabihin ko.

"Ahm..." 'Tapos tumingin ulit ako sa cellphone ko, nag-reply na ang ka-text ko.

I heard him sighed. "Sino ba 'yang ka-text mo kanina pa?"

Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya na si Ejhay ang ka-text ko. Baka maging jelly ace na naman siya kapag nalaman niya. But should I keep it from him?

Well, pinag-uusapan lang naman namin ni Ejhay kung puwede na akong sumama sa banda sa darating na weekend. I really want to say yes, but I don't think Mark would want that. So, I need to consult him first before I give answer to Ejhay.

"Ano kasi..." Ibinaba ko ang cellphone ko pagka-send ko ng reply ko kay Ejhay.

"Ano nga kasi?" Inihinto niya na ang sasakyan dahil nandito na kami sa university.

Napakamot ako sa noo ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako magpapaalam sa kanya. Ninety-five percent akong sigurado na hindi niya ako papayagan. So, I need to make a very good reason to make that five percent chance a big yes!

Sayang naman kung hindi niya ako papayagan. Paano na ang pangarap kong sumikat? Charto! I just really want to do it for leisure and enjoyment. These past weeks have been so hard for me and maybe I need this extra activity to release all the bad vibes.

Yeah, that's it! Iyon ang idadahilan ko sa kanya!

Nagko-compose pa lang ako na magandang panimula nang bigla niyang kinuha ang hawak kong cellphone. Hindi agad ako nakapag react dahil nagulat ako. Wala na ring kuwenta kung kukunin ko pa dahil binabasa niya na ang naka-open na conversation namin ni Ejhay.

"Gusto mo sumali sa band nila?" seryosong tanong niya pagkatapos mabasa ang mga texts namin.

Tumango lang ako habang nananalangin na payagan niya ako. Hindi ko gawaing mag-fingers crossed pero at this desperate time, ginawa ko. I don't really believe that it is for good luck. Because according sa mga nabasa ko, ang mga gumagawa lang niyon ay ang mga nagsisinungaling. So, when someone said something while crossing his or her finger, he or she is lying.

Pero kahit ano pa mang ibig-sabihin talaga niyon, aasahan ko muna na for good luck ito!

Bumuntong hininga siya. "Paano kung ayoko?"

My crossed fingers loosen up. Sabi ko na nga ba dapat hindi ako nagpapaniwala sa mga ganoon. Now, paano na ang future career ko? Hindi pa nga naumpisahan, naunsyame na!

Totoo nga ang sinasabi ng mga artista na mahirap pagsabayin ang career at relationship.

I was about to say something pero naunahan na niya ako.

"Sige na, baka ma-late ka na," sabi pa niya na parang tinataboy na ako.

Lumabas na ako sa kotse niya nang nakasimangot at hindi na nagpapaalam. Dumiretso ako sa first class namin ng mga bruha pero pagpasok ko sa room ay wala pang tao. Masyado yatang napaaga ang pasok ko. Dapat talaga hindi na lang ako nagpahatid kay Mark. Hindi niya rin naman pala ako papayagang sumali sa banda. San pinagselos ko na lang siya ng sobra!

Umupo ako sa upuan ko 'tapos naglabas ako ng isang yellow ruled paper at nag-umpisang mag-doodle. Dahil sa inis ko, si Mark ang napag-trip-an kong i-drowing.

Alright, I maybe being unfair. But he should have listened first to what I'm going to say before he said no. Technically, hindi pa naman siya humindi. Pero enough na iyong tanong niya para sabihin na ayaw niya.

Natapos ko na siyang i-drawing. Itinaas ko pa ang aking obra para matitigan ko iyon ng mabuti at napasimangot ako. Masyado yatang maganda ang pagkaka-drawing ko sa kanya. Kailangan kong papangitin ng kaunti.

Ibinaba ko ulit sa desk ko ang papel at binaboy ko na ang drawing kong baboy naman talaga. Ganoon pa rin ang ginagawa ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng classroom. Dumarating na siguro ang mga classmates ko.

"Bruha!"

Napaangat ang ulo ko dahil sa nagsalita at nakita ko si Faye na nakadungaw sa unahang pinto ng classroom namin.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya. "Wala kaya tayong klase!"

Huh?! Wala na naman kaming klase? Bakit parang ang tatamad ng mga professors namin ngayon semester? Malapit na ang prelims pero halos wala pa kaming natututunan!

But why I am not informed na wala pala kaming klase? Hindi man lang ako sinabihan ng tatlong bruha at mukhang kanina pa sila magkakasama!

"Tara na, bilis!" aya ni Faye.

Napakunot ang noo ko dahil sa pagmamadali niya. Ano bang mayroon at parang agitated siya? Or maybe, she's excited about something. I really don't know.

Tumayo ako at iniwan na lang ang papel na may drawing ng mukha ni 'Mark' doon sa upuan ko.

"Bakit walang klase?" tanong ko kay Faye nang makalapit ako sa kanya.

"Ang ganda mo kasi!" 'Tapos hinawi niya ang buhok ko na nakapatong sa balikat ko kanina. "At ang hot ko, siyempre!" Then she motioned her body.

Tumawa pa siya nang tumawa. Ang baliw talaga nito. Anong kinalaman ng ganda ko at ka-sexy-han niya sa kawalan ng klase namin ngayon? Magkaibigan nga kami!

"Bakit nga kasi?" tanong ko ulit habang naglalakad na kami.

Kapag hindi siya sumagot ng matino, sasabunutan ko siya!

"'Tsaka nasaan si Myleen at Trace?" Lumingon pa ako sa paligid pero wala akong nakita kahit anino ng dalawang bruha.

"Nandoon sa bitterlandia, naghahanap ng fafa," sagot niya sa pangalawang tanong ko.

"Eh, bakit nga wala tayong klase?!"

"Kasi nga... ang ganda mo! Kulit mo... ilang beses ka ba inire ni tita Lea?" 'Tapos inirapan niya ako.

At ako pa ngayon ang makulit?! Eh, siya nga itong ayaw sumagot ng maayos. 'Tsaka ano na naman ang kinalaman kung ilang beses ako inire ng Mommy ko?!

"Faye, sasabunutan na kita?!" banta ko sa kanya.

"Oh, no! Naka-wig lang ako." Tapos humawak pa talaga siya sa buhok niya.

Ang baliw talaga nitong kaibigan ko. Siya talaga ang pinakabaliw sa aming lahat. Hay... wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya kaya mabuting manahimik na lang. Baka masabunutan ko pa siya at maging wig na talaga ng buhok niya sa mga susunod na araw.

Nakarating kami sa bitterlandia at 'ayon nga ang dalawa pang bruha, nagbo-boy hunting. Nakisama agad sa kanila si Faye, habang ako ay nilabas ko ang cellphone ko. Nag-text pala si Trace sa akin kanina na walang prof sa first class namin. Bakit kaya hindi ko napansin iyon kanina? Siguro kakaisip kung papayagan ako ni Mark na sumali sa banda.

Napabuntong hininga ako and I started typing a message for Mark.

Hi, babe! iyon lang and I sent it.

Hindi niya naman ako pinaghintay ng matagal at nag-reply agad siya. Mukhang hindi siya busy, ah?

Yes? iyon lang ang reply niya.

Nag-isip ako ng panglambing sa kanya. Kailangan ko muna siyang lambingin bago ko ulit i-open ang topic about sa band.

Are you at work now?

Pagkatapos kong i-send ang text ko, tumingin ako sa mga bruhang naglalandi. May lalaki silang kinukuhanan ng picture.

"Uy, bluetooth mo sa 'kin, bilis!" sabi ni Tracy at inilabas niya agad ang cellphone niya.

Ganoon din ang ginawa ni Myleen. Pagkatapos ipasa sa kanila ni Faye sa kanila ang stolen shot ng guwapong lalaking ninakawan nila ng picture, naghagikgikan na sila na parang mga baliw.

Ginawa pa yata nilang wallpaper at screensaver ng phone nila iyong picture. Mga adik. Akala mo walang boyfriend itong si Tracy at Faye.

Mabuti pa ako, si Mark ang screensaver ko. Napapangiting tinignan ko ang cellphone ko at sakto naman na nag-beep iyon. Nag-reply na si Mark.

Yep! iyon lang at may smiley pa sa dulo ang reply niya.

Ang iksi naman niya mag-reply.

Nag-rpely ulit ako kaagad ng, Date tayo mamaya...

It's been a while since we last dated. Nakailang away at bati na kami, pero hindi niya pa rin ako dini-date! Nakaka-miss 'yong mga dates namin sa park. Kahit fishballs lang kinakain namin, 'yong kilig ko ng mga time na iyon, abot hanggang langit.

For some reason, napakabilis niya ring mag-reply. Mukhang wala yata siyang ginagawa sa office ngayon umaga... or maybe iyong ginagawa niya kagabi iyong dapat gagawin niya ngayon? Ginawa niya na so he can slack off for today!

You should ask my secretary for appointment.

What is talking about? May pa-secretary pang nalalaman! As if namang mayroon siyang secretary. Pero dahil kailangan ko nga siyang lambingin para mapapayag ko siya sa gusto ko, sasakyan ko na lang ang secretary thingy niya.

Wala ba akong VIP pass, since I'm your special girl?

Wala pang isang minuto, natanggap ko na ang reply niya.

Hmm... how about you ask my secretary for VIP pass if you really want an exclusive date with me?

Jeez... sino ba ang secretary na sinasabi niya?

How can I contact you secretary? sakay ko pa rin sa secretary thing niya.

Go home for easy communication. She lives in your house now, mabilis niya na namang reply.

Oh... I get him now. Napakagat labi ako. Gusto na niya akong umuwi at makipag-ayos kay Hannah. Ready na ba akong gawin iyon? Pero dapat hindi ko na pinapatagal pa dahil nakakatakot ang sinabi ni Ejhay noong nakaraan.

I won't wait until it's too late.

Will you help me make things up with her? I sent it at napabuntong-hininga ako.

"Bruh! Punta kaming canteen, sama ka?" tanong ni Tracy.

I shrugged. "Tinatamad ako. Ibili mo na lang ako ng snacks, Trace, please." pakiusap ko kay Tracy.

"Sure! Basta libre mo kami!" sabi naman ni Myleen.

Napakakuripot talaga nitong rich kid na 'to. Kaya yumayaman lalo, eh!

"Hindi ako sa'yo nakikisuyo." Inirapan ko siya tapos binigay ko kay Trace ang pambili ng pagkain ko.

Nagsilayas na sila at naiwan akong mag-isa. Hinintay ko ang reply ni Mark kaso naiinip na ako kaya nag-text ulit ako sa kanya.

Busy ka na?

Wala pa ring reply makalipas ng ilang minuto. Kakahintay ko sa reply niya, hindi ko namalayan na may tumabi na pala sa aking guwapo nilalang.

"Hi! Hindi ka na nag-reply. Ayaw mo ng sumali sa band?" tanong niya sa akin.

"Hi... Ah... Hindi naman, kaya lang si Mark kasi..." nahihiya kong sabi.

"Ayaw niya ba?"

Obvious ba? Malamang kasi jelly siya sa 'yo. Bakit kasi mas guwapo ka sa kanya, eh?! gusto ko sanang isagot sa kanya.

Sasagot na sana ako nang ma-distract ako sa mabilis na liwanang na dumaan. Napahinto ako at napatingin ako sa paligid. Wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa iilang naglalakad.

"Oh, bakit?" tanong ulit ni Ejhay. Napansin niya sigurong natigilan ako.

"Kumidlat ba?" tanong ko rin sa kanya.

I know... weird ang tanong ko kaya kumunoot ang noo niya. Pero alangan sabihin kong mag-pose kami kasi parang may kumukuha sa amin ng picture? Feelingera naman ako kung ganoon. Pero kasi...

"Ang taas kaya ng araw," medyo natatawa na niyang sagot.

"Hindi mo ba napansin na parang may nag-flash?" tanong ko pa ulit.

"Wala naman akong napansin." Hindi na siya natatawa. Nakakunot na ulit ang noo niya.

Alright, I'm freaking weird! Pero parang may nag-flash talaga, eh. Napa-paranoid lang ba ako? Eh, ano naman ang ikaka-paranoid ko?! Wala naman siguro akong stalker, 'di ba? I'm such an open book! Hindi na nila ako kailangan i-stalk pa!

Tsk! Nakakainis naman! Sa harap pa ako ni Ejhay nagiging weird.

"Ahh... 'ayun nga, ayaw pa pumayag ni Mark," pagbabalik ko na lang sa topic. Nakakahiya kasi talaga. Para akong timang.

Mukha naman siyang nalungkot sa sinabi ko.

"Pero pipilitin ko pa siya. Gusto ko rin kasi," alanganing dagdag ko pa.

Ngumiti siya. "Sige... makakapaghintay naman 'yon."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Sakto namang bumalik na ang tatlo. Nagsimula kaming kumain. Habang kumakain kami, iniisip ko pa rin iyong nag-flash kanina. The feeling is so weird at parang hindi ko iyon mababalewala na lang. it's so creepy!

"Oy, bruh!" Mahinang pinalo ni Myleen ang hita ko.

"Ay, ano ba?!" gulat kong sabi. Kamuntik pang matapon ang pagkain ko.

Paglingon ko sa kanila, nakatingin sila sa akin. "B-bakit?" takang tanong ko sa kanila.

"Kanina ka pa namin tinatanong kung bakit nandito si Ejhay kanina!" sabi ni Myleen na parang naiinis.

"Huh?" napatanga ako sa harap nilang tatlo. Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Myleen. Pangalan lang ni Ejhay ang na-absorb ng utak ko.

"Ay naku, ewan namin sa 'yong bruha ka," sabi naman ni Faye na may pag-irap pa. "Tara na nga sa next class natin."

Nagsitayo na silang tatlo. Mabilis naman akong sumunod bago pa nila ako maiwan.

Damn! Nang dahil sa flash na iyon, na ewan ko kung guni-guni ko lang, wala ako sa sarili buong araw. Iyon lang ang iniisp ko hanggang sa rehearsal at pagsunod sa akin ni Mark.

Tahimik lang sa loob ng kotse niya at mukhang hindi napapansin iyon ni Mark dahil lingon siya ng lingon sa akin habang nagda-drive. Pero kahit ganoon at hindi naman siya nagtanong. Nang mapansin kong hindi ang daan pauwi sa condo ni Ejhay ang dinadaanan namin ay nagsalita na ako.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Magde-date na ba kami? Akala ko ba, kailangan ko muna magpa-schedule sa secretary niya? Mas excited pa yata siyang makipag-date sa akin.

"Uuwi..." tipid niyang sagot.

Medyo kinabahan ako bigla at nawala ang kilig vibes ko. Uuwi kami sa bahay ang ibig niyang sabihin.

"Mark, puwede—"

"Hindi pwede," mabilis niyang tanggi hindi ko pa man nasasabi ang sasabihin ko. "Uuwi na tayo ngayon."

Seryoso siya kaya hindi na ako makaapela. Hindi ko rin naman ako makakahindi. Lalo akong kinabahan. Pero at the same time, medyo naiinis ako sa kanya.

Bakit naman bigla-bigla? Wala man lang briefing? Tapos medyo sinusungitan niya pa ako ngayon! Sana man lang tinutulungan niya ako kung paano nga ba ako makikipag-usap kay Hannah. I haven't figure out that yet!

"Mark, I'm scared..." pag-amin ko. "I don't know how to do this. I don't know what to say."

Halos naririnig ko na ang heartbeat ko sa sobrang kaba at kalituhan.

"You don't have to be..." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko habang nakatutok lang sa daan ang mga mata niya. "'Tsaka para makapagpa-schedule ka na ng date natin kay Hannah." Then he smiled.

Panindigan daw ba secretary niya si Hannah? Tapos kailangan may schedule?!

"What will I say to her?" kagat labi kong tanong.

"Just say whatever you really feel..." Masuyong pinisil niya ang kamay ko. "I guess, sasabihin mo naman ang lahat para lang magkaayos kayo, para maka-date ulit ako, 'di ba?" pabiro niya pang dagdag.

"Baliw..." natatawa kong sabi.

Bahala na siguro...

Pumukit na lang ako para mas makapag-relax at mawala kahit kaunti ang kaba ko. Pero hindi ko namalaya na nakatulog pala talaga ako. Naramdaman ko na lang na huminto ang sasakyan pero gustuhin ko mang imulat ang mga mata ko, namimigat talaga ang mga talukap ko. Parang sumama ang pakiramdam ko.

"Babe..." tawag sa akin ni Mark at marahan niya pang inalog ang balikat ko.

"Hmm..." I responded without opening my eyes.

"Ikaw talaga..." Kinurot niya pa ako sa pisngi. "Scaping what about to happen, huh? Tulog na naman si Hannah ng ganitong oras, you don't need to pretend you're sleeping."

And then silence followed. Pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin and I felt warm about it. Gusto kong mangiti sa kilig pero pinigil ko iyon.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paglabas niya ng sasakyan at pagbukas niya ng pinto sa gilid ko. Naramdaman ko ang init ng katawan niya sa sobrang lapit niya sa akin.

"Welcom back to your home, babe..." bulong niya at hinalikan niya ako sa gilid ng labi bago niya ako binuhat sa mga bisig niya.

Hindi ko na napigilang mapangiti habang nakapikit pa rin ako. I was a nice gesture to welcome me. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"Sabi na nga ba, nagtutulug-tulugan ka lang, eh," sabi niya pero pinagpatuloy niya lang ang pagbubuhat sa akin.

Dinala niya ako hanggang sa kwarto ko. Alam kong kuwarto ko ang pinagdalhan niya sa akin kahit hindi ko pa iyon nakikita. Pamilyar kasi ako sa amoy ng kuwarto.

Marahan niya akong ibinaba sa kama at inalis niya pa ang sapatos ko. Hinalikan niya ulit ako, but this time, sa mga labi niya. It lasted for few seconds. Nang matapos ang halik ay napangiti na ako ng todo-todo.

"Goodnight..." sabi niya at inayos niya ang kumot ko bago siya lumabas.

Gusto ko sanang magmulat ng mga mata para makita kahit ang likod niya bago ako tuluyang mahimbing pero hindi ko talaga maibukas ang mga mata ko. Magkakasakit yata ako. Kahit sa paggalaw at medyo namimigat ang katawan ko. Pero sana naman ay maging okay agad ako paggising ko.

Wala pang limang minuto na nakakaalis si Mark nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ulit ng pinto ng kuwarto ko. Nanatili pa rin akong nakapikit.

Naramdaman ko ang pag-upo sa tabi ko ng kung sinumang pumasok. Pero nalaman ko rin kaagad kung sino siya nang haplusin niya ako sa ulo.

Paano ko ba makakalimutan kung paano siya humaplos? Noong bata ako ay ang haplos niya sa ulo ko ang laging pampatulog ko.

Nag-init ang mga mata ko... kasing init ng kamay na marahang dumadampi sa ulo ko. Pinigilan kong pumapatak ang mga luha ko.

"I miss you, my princess."

Gusto kong yakapin siya at sabihin na miss na miss ko na rin siya... sila ni Mommy... pero wala pa rin akong lakas para gawin iyon.

Hinayaan ko lang siya na patulugin ako ng mahimbing sa pamamagitan ng mga haplos niya. Bago pa ako tuluyang makatulog ay naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo.

Dad...

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

315K 21.8K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.1M 49.6K 75
When the game of love finally unfolds.. How would you play the game? Magpapatuloy ka pa ba kahit alam mong talo ka na? At ipaglalaban pa...
897K 36.6K 65
CONTINUATION OF MR. ANTIPATIKO take precautions for this is so jeje since i wrote it way back 2013 ; it has too many typos, emojis & cringe(y) cheesy...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.