There Was You (Completed)

By random_insight

458K 35.6K 7.4K

Have you ever wondered how different your life will be if you haven't met someone? Our lives are defined by t... More

Prologue
1 Kayod Kuwarenta-Anyos
2 - Welcome Home, Tita Terrie
3 - My Pemily
4 - All In A Day's Work
5 - Mr. Dimple at Ms. Cleft Chin
6 - Sa Iyong Ngiti
7 - Reality Check
8 - What ever will be, will be
9 - Seen-Zoned
10 - Tuliro
11 - So It's You
12 - Banana-Q
13 - Miss Maine
14 - Ginoong Richard
15 - Two Friends and A Suitor?
16 - #Paano?
17 - And The Winner Is...
18 - #Anyare?
19 - Pride and Principles
20 - Dress Rehearsals
21 - Dinner is Served
22 - You Wish
23 - Humble Pie, You Want?
24 - Doon Po sa Amin
25 - Bahay Kubo
26 - Sa Kabukiran
27 - Just Pure Talk
28 - Countdown Begins
30 - Kasal, Kasali, Kasalo
31 - Operation Maine-bow
32 - It's a Date
33 - Daddy's Home
34 - The Plot Thickens
35 - Lull Before The Storm
36 - It's Storm Signal No?
37 - Muntik na Kitang Minahal
38 - Hindi Ko Kaya
39 - Pagdating ng Panahon
40 - Changes
41 - Begin the Begin
42 - Indifference
43 - A Tangled Web
44 - It's Complicated
45 - Moment Of Truth
46 - Kung Ako'y Mag-aasawa
47 - Reawakened
48 - Puso-sa-Pusong Usapan
49 - Absence makes the heart...
49-1 .... Grow Fonder?
50 - Legalities
51 - #TWYLigaw
52 - One Day Isang Araw
53 - Let the Love Begin
Patalastas (Hindi po Update)
54 - A New Beginning
55 - Adjustments
56-1 Compromise
56-2 And More Compromise
57 - Communicate, Communicate
58 - Breaking Down Walls
59 - Wedding Prep
60 - Hanggang
61 - Bottom of the Barrel?
62 - Cavalry
63 - Love Never Fails
64 - Ikaw
65 - There Was You
Epilogue

29 - This is The Moment

5.1K 505 88
By random_insight



It's a garden wedding. Even if the event is a secret civil wedding, she appreciates that the arrangement is still simple and elegant. There's an aisle lined up with yellow carnations mixed with a few pinks and whites. At the end are two posts topped by a wild boquet of baby pink and white roses with highlights of yellow gerberas on top.

There's only few people present, mostly the clerks of courts assisting the solemnizing officer and of course, Joon-mo who is silently watching from the sidelines. At the other side is Ate Kai who took pains with her appearance tonight, excitedly cheering for her.

And she, Maine, dressed in a simple white off-shoulder gown, her hair arranged in an elegant bun, holding a very simple boquet, started walking down the aisle. This is it. She knows that her father won't be here. Instead, it's Tita Terrie who will walk, not with with her but behind her, and will gave her away to him.

Richard, looking extra handsome and dashing in a simple embroidered Barong Tagalong, stood noble and dignified at the end of the path. His gaze followed her every move and finally capturing her eyes, stayed there as if no one else exists around them, encouraging her, giving strength to her wobbly knees.

So she walks alone, forward, slowly, her steps sure, closer and closer towards the man who's starting to become the center of her universe. She chose to walk alone symbolizing that she's coming to him of her own free will. Drowning in his stare, her smile now turned into a full grin, she didn't notice that she had already reached the end of the aisle. Tita Terrie then stood by her side and Richard kissed her hand. He finally turned and offered his hand to her.

She started to reach out only to see his hands slowly disappear, disintegrating. She looks up in panic and see the same happening with the rest of his body, then his head until he's gone. She run after him, calling out his name.

Maine woke up from her dream, her hearbeat fast, her hands cold.

A/N: Okay people, it's a drill. I repeat, it's a drill. PANAGINIP lang po. Pero, disintegrating talaga?

What kind of dream is that? She knows that tomorrow is her pretend wedding day. What's this, she's having the gitters? Come on!

Pretend wedding. It's a pretend wedding. Something that she had been repeating like a mantra every hour for the past two days. Only in her dream, it was as real as it can get

Bakit gano'n? Kahit ilang beses kong sabihing kunwari lang 'to, bakit ganon ang feelings? Hindi! Overthinking kills, repeat after me, overthinking kills.

She started pacing the room. Or is it because he has not been in touch with her for the past two days? No calls, no text. The only indication that he's still around was when he gave to Tita Terrie the signed documents asked of him early yesterday and today when he acknowledged the receipt of the message, again from Tita Terrie, with the venue and time of the wedding.

Hindi man lang ba kami mag-uusap kung ano plano bukas? Tinotoo niya na business meeting nga at doon na kami magkikita?

A/N: Ms. Maine, itanong po natin sa buwan.

------------------

Wala siyang kamalay-malay na ang lalaking iniisip niya ay hindi magkanda-ugaga sa paglilinis at pagliligpit ng mga nagulo at nasirang gamit sa apartment niya na nagagawa lang niya pag-uwi galing sa office. Hindi niya nagawang magligpit nang dumating siya sa pagod at dahil kinuhanan pa niya ng pictures. 

Kailangan niyang ipakita sa kaibigan niya at hingin ang opinyon nito.

"Amigo, aba hindi na nakakatuwa 'tong nangyayari sa 'yo! Mukhang seryoso sila dito. Ano ba kasi hinahanap nila? Bakit hindi mo pa ibigay? Saka dapat yung ganito, pinapakita at inirereport na sa mga pulis." Isa-isang pinulot ni Tope ang mga nagkalat na piraso ng sirang lampshade na bumagsak.

"Ayokong tumawag ng mas maraming atensyon. At sa hinihingi nila, eh kung lumalapit ba sila sa akin at hinihingi ng maayos, bakit hindi ko ibibigay? Anong magagawa ko, ayaw nila."

"Nagpabibo ka kasi. Ayan! Bidang-bida ka sa kanila ngayon. Anong balak mo, brader? Alam mo, kung noong una, i-encourage kita na lumaban, mukhang ngayon, agree na ko sa messenger n'yo. 'Mas mabuti ang buhay na aso kesa patay na leon.' Una, kung sakali, cute ka naman na aso. Pangalawa, tingnan mo, pag buhay na aso ka, hindi lang kakampi mahahanap mo, pati ebidensiya. Di tulad ngayon, dami mong blind spots. Ni hindi mo alam kung ilan kalaban mo."

A/N: Tisoy, 'actually' may point ang kaibigan mo.

"Ang iniisip ko, kailangan ko na sigurong iparating 'to sa higher ups sa office."

"At sino lalapitan mo pards? Masisiguro mo ba na hindi sila involved?"

"Bakit ba iba-iba tawag mo sa 'kin?"

"Naglevel up ka kasi. Kaya level up din ang tawag ko sa 'yo. At mukhang gusto ko ang brader."

A/N: at sa lahat ng mag-best friend, kayo ang magulo ang tawagan. O ako ang magulo?

"Bahala ka sa buhay mo." Binalikan niya ang kahon nang biglang may pumasok na text.

Kinabahan siya, baka si Maine. Dalawang araw niyang iniwasang tumawag o mag-message. Nagbabaka-sakaling baka naman ma-miss siya nang beri beri slight. Baka lang naman.

Tiningnan niya ang message. Napangiti siya. The only bright spot of his day. "Just in case you're interested, I'll be wearing a simple baby pink dress."

Si Maine nga. Yes! Nauna siyang mag-message. "Copy, will take note of that. See you tomorrow."

At dahil ipinaalala niya na rin, inilabas ni Richard mula sa kuwarto ang biniling Barong Tagalog at light yellow na long sleeves kahapon. "Pards, tingin mo, alin ang mas okay dito?"

"Hindi ka nilalagnat brader? Ukay-ukay ba yan? Bakit paglalamayan ka na ba?"

"Anong ukay-ukay sinasabi mo? Divisoria yan! May pupuntahan lang ako bukas."

"Alam ko yang ngiti na yan. Si Miss Maine yan no? May date kayo? Magbabarong-tagalog ka sa date? Ano ka ba naman, baka puwedeng huwag mo munang siputin. May problema ka o."

"HINDI PUWEDE!" Inilapag niya ang mga biniling damit sa sofa at saka nagpatuloy sa paglalagay ng mga papel na nagkalat sa kahon.

"Relax, brader, nagsusuggest lang! So date nga?"

"Basta may appointment ako."

"Aha! with Miss Maine nga! Kuwento naman diyan."

"Uhm, komplikado eh."

"Complicated ang status n'yo? Bakit taken na siya"

"Ikakasal kami bukas."

"ANO?!?! Anak ng tokneneng yan! Ibaba mo yang box na yan at magkuwento ka. Hindi puwedeng hindi! Anyare sa mga plano mo?"

A/N: Ayan, sa presinto ka magpaliwanag.

---------------------

This is the Moment - (A/N: O ha! Akala n'yo mahaba pa yung countdown)

Ang mga punong abala ay abala. Siyempre! Ang lugar ng kasal, sa bahay ng isang judge sa Sta. Rosa, Laguna. Dahil ayon sa koneksyen ni Tita Terrie, mas mahihirapan sila kung sa Maynila maghahanap ng judge or mayor. Baka ipa-raffle pa at siguradong matatagalan. They are racing against time.

Ang nahanap nila ay isang kaka-retire lang na Municipal Trial Court Judge. Yes, tama ang dinig, este, basa n'yo, judge na kareretire lang. Kahapon. 70 years old. Kaya medyo, malilimutin nang kaunti.

Kahit retired na siya, sa bagal ng pag-update ng mga records sa Pilipinas, kahit maghanap pa si Jumong ng listahan ng judges, lalabas pa rin na na huwes ito. They are safe. At dahil ito na magiging huling kasal na i-oofficiate niya, pumayag na gawin sa bahay niya imbis na sa court house. Dahil 70 years old na, expired na ang lisensiyang magkasal ni Judge.

Pero para makasiguro, ang usapan ni Tita Terrie at ng kanyang amiga, i-fifill-up ang marriage certificate pero hindi totoong pirma ang gagamitin at hindi ipa-file sa Civil Registrar. Ibig sabihin, parang hindi nangyari ang kasal. As simple as that.

Remember, yan ang script. Kaya nang dumating si Judge at tiningnan ang mga document. Check.

--------

Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal. Tatlong araw niyang hinanda ang sarili para sa okasyong ito para i-convince ang sarili na kunwari lang. Matatagalan pa siguro bago dumating ang araw na tunay akong ikakasal. Pero Lord, hindi makatarungan ang ganda ng babaeng nasa tabi ko. Paano ko makaka-concentrate sa sasabihin ng Judge?

I don't even like attending weddings. Then how come my feelings are not so different in my dream last night? Why do I feel like a bride? There's no aisle lined up with flowers not even one flower arrangement but the man beside me is making it difficult for me to breath. Why does he have to look every inch the groom?

Tumayo ang lahat nang pumasok ang judge, na itago na lang natin sa pangalang Judge Jose Manalo.

"Sino ang ikakasal? Ikaw ba?"

"Ay hindi po Judge, isa lang po ako sa mga witness keme. Sila po. Yung kanina pa hindi mapakali sa upuan nila."

"E bakit ikaw ang nakatayo? Lumapit na dito ang ikakasal. Ang nakalagay na pangalan dito hawak kong papel ay Nicomaine at Richard. Aba napakaganda at kaguwapong mga bata naman nire. Kamukha ng aking mga apo. Hindi n'yo naitatanong..."

One of the clerks approached the judge. "Your Honor, start na po tayo. Saka okay lang po bang English kasi may kasama tayong taga-South Korea? Ayun po o."

Motion denied. "Hindi puwede yan! Bakit ako ang makikibagay? Pamamahay ko ito. Ako ang magkakasal. Bakit mas marunong pa kayo sa akin? Ikaw!"

Luminga-linga si Ate Kakai pero mukhang siya nga ang tinuturo ng masungit at matandang Judge.

"Tabihan mo yung singkit ang mata at ikaw ang mag-salin sa Ingles ng seremonya para sa kanya. Galingan mo!"

"Yes, your honor." Ate Kakai made beautiful eyes as she approached Joon-mo who was overwhelmed by the beauty in front of him. (Diyosa nga diba?)

The judge resumed the ceremony. "Simulan na natin ito. Relax lang kayong dalawa. Bakit parang pareho kayong namumutla? Ikakasal kayo, hindi kayo bibitayin. "

A/N: Ang taray nitong judge na 'to. Pigilan n'yo ko.

"Ikaw naman Richard, kusang-loob ka ba na naparito para makipag-isang dibdib kay Nicomaine?"

Opo.

"Ikaw Nicomaine, kusang-loob ka ba na naparito para makipag-isang dibdib kay Richard?"

Opo.

"Ikaw Nicomaine, tinatanggap mo bilang asawa si Richard at ibibigay mo ba ang sarili mo bilang asawa sa kanya?"

Opo.

"Tinatanggap nyo ba sa sa inyong sarili ang katungkulan ng pagpapakasal ng kusang loob nang maluwag sa inyong dibdib?"

Opo.

"Nangangako ba kayong maging tapat sa isa't-isa habang kayo ay nabubuhay?"

Opo.

"Asan ang mga singsing? Bakit wala dito sa harapan?"

Nagkatinginan si Tita Terrie at Kakai. This is the detail that they forgot. Oh no!

Richard looked at Maine in assurance. He got a small box from his pocket and handed it over to the judge.

A/N: OMG, hindi ako na-orient! Hindi lang barong ang binili sa Divisoria. Palakpakan ang boy scout. Hindi siya ready, promise!

"Nasa 'yo pala yung mga singsing. Bakit hindi mo inabot agad?"

"Kinakabahan lang po Your Honor."

He leaned closer to Maine and whisphered. "Pasensiya ka na. Sa mall lang sa Divisoria ko binili yan. Nagbakasali lang ako na walang nakaalala. Hinulaan ko lang ang ring size mo, sana kumasya." He was rewarded by a nervous smile.

"Mamaya na ang bulungan. Walang kopyahan, hindi eksaminasyon ito. Ano na nga ulit mga pangalang n'yo? Ah, okay, Richard at Nicomaine. Sinusubukan ko lang kayo. Baka ibang mga pangalan sabihin n'yo. Mahirap na. Inaalis ko lang ang kaba n'yo."

"Humarap kayo sa isa't-isa. Oo, face to face, hindi back to back."

"Richard, hawakan mo ang kamay ni Nicomaine."

Kinuha ni Richard ang kaliwang kamay ni Maine at akmang isusuot na ang singsing.

"Teka, iho, huwag muna. Intaying mong sasabihin ko." Everybody laughed releasing the nervous tension.

"Sorry po, kabado lang po talaga. Ngayon lang po kasi ako ikakasal."

"Dapat lang. O sundan mo ang sasabihin ko. Gamitin mo kung ano ang tawag mo sa kanya."

"Ako, si Richard ay binibigay ko ang singsing na ito sa 'yo Maine, bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan sa 'yo ngayon at kailanman."

Lo and behold. The ring fits.

"Iha, huwag nang mahiya, puwedeng tumingin sa nobyo mo. Malapit na kayong maging mag-asawa, ilang minuto na lang."

"Ako, si Maine ay binibigay ko ang singsing na ito sa 'yo Richard, bilang tanda ng aking pag-ibig at katapatan sa 'yo ngayon at kailanman."

The ring that binds.

"Bilang huwes, kayo, Richard Faulkerson Jr at Nicomaine Mendoza Faulkerson ay ganap ko nang inihahayag na ganap ng mag-asawa."

A/N: Beyond any reasonable doubt, I now declare you man and wife. Ganon!

"Iho, puwede mo na siyang halikan."

Continue Reading

You'll Also Like

185K 3.7K 107
đŸ”¥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit...
13.6K 689 53
Bat pa Kaya napa uso ang sinasabi nilang... Pag mahal mo, Dapat mahal ka din. Pero bakit?? Minahal kita pero Hindi mo naman ako mahal. Dahil ba Maldi...
237K 21K 91
Two executive assistants connives in setting-up their grumpy and workaholic bosses in order to get a much needed break at work Inspired by the Movie...
44K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"