Split Again

Από JellOfAllTrades

1.5M 42K 9.4K

Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nas... Περισσότερα

Split Again (GirlXGirl)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
From the Author

Chapter 21

25.6K 897 336
Από JellOfAllTrades

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 21

"Ano 'to?"

Tiningnan ko yung papel na inilapag ko sa harapan niya.

"Resignation letter ko."

Tinaasan ako ng kilay ni Mam Rina at sumandal sa upuan niya para mas makita ako sa

pagkakatayo ko sa harap ng desk niya. "Mag-reresign ka na?"

"Di ko na kasi kayang magtrabaho para sa isang mang-aagaw na katulad mo."

Natawa si Mam Rina sa sinabi ko. "Wala akong inagaw, Gene. Kinuha ko lang yung matagal nang sa akin."

Gusto ko siyang sabunutan, sapakin, sampalin, sipain at pagmumurahin. Kung pwede lang ay buksan ko ang isang bintana sa likuran niya at ihulog siya doon. Pero hindi ako ganoong klaseng tao. Hindi ko ibababa ang level ko para sa kanya.

Kung gusto niya si Raegan, well, magsama sila. Pagod na akong intindihin si Raegan at ang malisyoso niyang split personality.

"Effective immediately?" Basa ni Mam Rina sa resignation letter ko. "Gene, I can let you go if that's what you really want. Pero kailangan ka pa namin hangga't hindi kami nakakahanap ng ipapalit sa'yo."

May ipinalit naman na si Raegan sa akin.

Focus, Gene. Tigilan mo na muna ang pag-alala kay Raegan.

"Pwede namang gawin ni Jordan yung trabaho ko habang hindi pa kayo nakakahanap ng kapalit ko. Kinausap ko na siya. Willing naman siya eh. Kung madaming trabaho pwede sila mag-share ni Rhian."

"But I want you to hire and train the person na ipapalit sayo."

Napapikit ako. Alam ko kung anong ginagawa niya. Gusto niyang ipa-mukha sa akin na masaya siya kaya hindi niya ako basta bastang paaalisin dito.

"Okay."

"Okay?"

"I'll stay. Pero one week training lang ibibigay ko sa papalit sa akin. After that, aalis na ako."

Napangiti si Mam Rina. "That's great to hear. Sige na, arrange mo na yung kailangan for hiring."

Lumabas ako ng office niya at agad na dumiretso sa CR. Nagtago ako sa cubicle at doon hinayaang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.

Ang hirap. Ang hirap harapin ang babaeng ipinagpalit sa akin ni Raegan. O ni Oli. O ni Roli.

Kainis. Hindi naman importante kung sino ang katauhan niya noong mga oras na iyon. Si Oli o Roli ay si Raegan pa rin. Maaaring magkaiba sila ng personality pero iisang tao pa rin sila.

Kaya ko 'to. Maaaring naagaw nga ni Katarina si Raegan sa akin. Pero hindi ko ipapakita sa kanya na talo na ako. Si Raegan lang yun. May rason kung bakit Sky ang tawagan namin. At yun ay dahil hindi namin gustong maging mundo ang isa't isa. Kaya kong mabuhay na wala siya. Nabuhay naman ako ng nineteen years na hindi siya kilala. Kakayanin kong magpatuloy sa buhay ko na wala na siya.

Kaya ko to!

Pinunasan ko na ang mga luha ko at lumabas ng cubicle. Humarap ako ng salamin at ngumiti sa sarili ko.

Masakit, oo. Pero wala naman atang hindi nakaramdam ng sakit pag nagmahal. Saka sa una lang to. Makaka-move on din ako kay Raegan.

Huminga akong malalim at bumalik na sa trabaho ko.

Tahimik naman ang umaga ko kaso pagdating ng lunch break, dumaan sa tapat ng desk ko si Mam Rina na may kausap sa cellphone niya.

"Okay, Roli." Malakas niyang sabi, tila gustong iparinig sa akin yung usapan nila. "I'll see you later. I love you."

Pinigilan kong wag magpakita ng emosyon. Kunwari na lang wala akong narinig. Kasi baka masaktan ko talaga tong babaeng to pag nagkataon.

Pagkaalis ni Mam Rina ay agad na lumapit sa akin si Rhian at Jordan.

"Okay ka lang?" Agad na tanong ni Rhian. "Anong sabi pala ni Mam Rina dun sa resignation letter mo?"

"Di daw ako pwede mag-resign until may mahanap akong kapalit ko at ma-train ko siya." Balita ko.

"Ganun?" Napailing si Jordan. "Well, at least makakasama ka pa namin."

"Yeah," binigyan ko sila ng isang ngiti bilang pasasalamat, "kain na tayo?"

"Tara."

Bumaba na kami ng canteen. Mukhang gusto nila akong idistract sa sakit na nararamdaman ko kasi kanina pa nila ako pinapatawa tapos kung ano anong kalokohan ang kinukwento nila sa akin.

"Salamat."

Napatingin sa akin si Rhian. "Ha?"

"Salamat, sabi ko."

"O, bakit ka nagpapasalamat?" Tanong naman ni Jordan.

"Kasi pinapatawa niyo ako."

Binigyan ako ni Jordan ng isang matamis na ngiti. "Sus, wag kang feeling Gene. Good mood lang talaga kami ni Rhian."

Tinapik pa ni Jordan si Rhian para sakyan siya sa trip niya. "Oo nga, Gene. Wag kang feelingera! Di kami nagpapaka-clown para sayo no!"

Natawa lang ako sa kanilang dalawa. Halata masyado eh.

"Well, kung di niyo man intention o ano, salamat pa rin."

"Labas kaya tayo mamaya?" Biglang suhestiyon ni Jordan. "Kain tayo sa labas?"

Sinamaan siya ng tingin ni Rhian. "Di pwedeng sa Friday na lang? Wala pang sweldo, naghihingalo na yung wallet ko!"

Natawa kami ni Jordan. "Palagi namang naghihingalo wallet mo eh!"

Ilang araw ang lumipas at may nahanap din kaming ipapalit sa akin. Pero sa susunod na Lunes pa siya magsisimula dahil sa ilang requirements niya kaya medyo matatagalan pa ako sa pagpapasensya sa higad kong boss.

Pakiramdam ko nageenjoy si Mam Rina na tawagan si Raegan pag nasa tapat siya ng desk ko o kapag malapit ako kasi parang yun na lang ang palagi niyang ginagawa. Minsan nagagawa ko siyang dedmahin pero noong isang araw nang marealize niyang hindi ako naaapektuhan ng ginagawa niya ay nagbago siya ng taktika. Ang gawa niya ngayon ay may gagalawin siya sa desk ko habang kausap sa cellphone si Raegan para makuha niya ang atensyon ko at masigurado niyang nakikinig ako sa kalandian niya.

Minsan gusto ko siyang buhusan ng kape o kaya ng nagyeyelong tubig para naman mahimasmasan siya. Minsan gusto ko din siyang patirin habang naglalakad para naman mabalian siya dahil ang taas taas ng heels niya. Akala mo araw araw rarampa sa fashion show eh.

Minsan kapag malapit na ang uwian at nakasarado ang opisina niya gusto kong harangan yung pintuan niya para makulong siya sa loob tapos magsisimula ako ng sunog. Yung tipong walang makakatulong sa kanya kasi nakauwi na kaming lahat. Para masunog na siya ngayon pa lang.

Aaminin ko minsan din nagi-guilty ako sa mga naiisip kong gawin sa kanya, pero wala pa naman akong ginagawa sa mga naiisip ko kaya pakiramdam ko okay lang. Besides, napapakalma ko ang sarili ko sa mga naiisip kong karahasan kay Mam Rina. Yun lang naman ang kayang kong gawin eh, ang pag-isipan siya ng masama. Kasi hindi ko kayang manakit ng iba. Kahit pa gaano siya ka-hayop.

Pero hindi sa lahat ng oras ay galit lang kay Mam Rina ang nararamdaman ko. Madalas pag nawawalan ako ng ginagawa ay nalulungkot ako at naaalala ko yung sakit ng pagtataksil nila sa akin.

Namimiss ko din si Raegan.

May mga pagkakataong napapatingin ako sa cellphone ko at naghahanap ako ng text niya o kaya ng missed call niya. Ilang beses ko nang pinag-isipang i-delete yung number niya pero alam ko namang wala din akong mapapala pag ganun kasi kabisado ko yung number niya.

Nang dumating ang Sabado ay dumating sa bahay yung mga gamit ko galing sa mansyon nila Raegan at ang unang naisip ko ay kung siya ba ang nag-lagay ng mga iyon sa mga kahon na kinalalagyan nila at kung maaamoy ko ba siya sa mga damit ko.

Sobrang miss ko na siya. Isang linggo na simula noong nakita namin ni Alexa si Raegan at Katarina sa condo namin--niya. Napailing ako. Hindi ko pala condo yun. Kay Raegan lang. Nakitira lang ako doon noon.

Nang maipasok ko sa kwarto ko ang mga kahon ng gamit ko hindi ko napigilang umiyak ulit.

Hindi ko pa rin matanggap na nagawa ni Raegan ang balikan si Katarina dahil lang sa sobrang selos niya. Hindi ko pa rin matanggap na nakita ko yung kahalayang ginawa nila. Hindi ko din matanggap na nagawa kong makipag-break sa kanya.

Akala ko kasi si Raegan na ang makakasama ko sa pagtanda.

Maling akala.

Napailing ako at nagpunas ng mga luha ko. Pero kahit ganito ang nangyari sa amin ni Raegan hindi ko siya macoconsider na isang malaking pagkakamali. Alam kong minahal niya ako at minahal ko din naman siya.

Kaso ayun, baka sila lang talaga ni Katarina ang nababagay sa isa't isa. Ano ba naman kasi ang binatbat ko sa mala-modelo kong boss diba?

Napabuntong hininga ako. Kailangan ko ng distraction. Kailangan kong lumabas para di na ako magmukmok dito sa bahay.

Tinawagan ko sila Rhea, Jenna at Chloe para ayaing lumabas. Kaso busy silang lahat. Si Rhea may lakad daw tapos sila Jenna at Chloe ay pupunta ng Pampanga para bisitahin yung pamilya ni Chloe.

Lumabas ako ng kwarto ko at kinatok ang kwarto ni mama. Matagal na rin simula noong huli kaming lumabas na kaming dalawa lang.

Naka-ilang katok na ako pero wala pa rin akong sagot na naririnig kaya binuksan ko na yung pintuan. Tulog si mama. Gigisingin ko ba siya?

Sinarado ko na lang yung pinto at napabuntong-hininga. Mukhang wala akong ibang pwede gawin kundi ang i-date ang sarili ko ngayon.

Tawagan ko na lang kaya si Alexa?

Napailing ako. Hindi pwede. Malamang binabantayan niya si Raegan ngayon. Weekend kasi. Wala silang pasok pareho.

Gusto kong lumabas. Bahala na kung saan ako mapadpad.

Nag-ayos na ako ng onti at kumuha ng isang notebook at isang libro para may pwede akong gawin kapag nagsisimula na akong maghanap ng makakausap. Mas matino naman kasi talaga kausap ang mga libro kaysa sa mga tao minsan. Nadadala ka nila sa iba't ibang lugar, napaparamdam ng kung ano mang nararamdaman ng character at may natututunan pa ako.

Saan kaya ako ngayon?

May pera naman ako. I can treat myself sa kung anong pagkain ang gusto kong kainin. Kaso parang ang lungkot naman na kumain mag-isa. Kahit pa sabihin kong treat ko yun sa sarili ko, mas masarap pa rin kumain kapag may kasama kang kaibigan--actually mas masarap kapag kasama mo yung mahal mo kaso may iba na kasing mahal si Raegan.

Solo flight ako ngayon. A first in years. Simula kasi noong nakilala ko si Raegan ay palagi na akong may nakakasama sa pag-labas ko. Either siya, si Alexa o sila Manong Elmer. Hindi ako hinahaayan ni Raegan na lumabas na mag-isa. Palagi akong hatid sundo noon.

Never ko naman naramdaman na nakakasakal si Raegan. Palagi ko namang naiintindihan na kaya niya lang ako pinapasamahan kasi ayaw niyang mapahamak ako sa daan. Gusto niya safe ako. Ayaw niyang nasasaktan ako.

Gusto kong matawa. Bakit nga ba kung sino pa yung pinakamamahal natin ay sila din yung kayang saktan tayo ng sobra sobra?

Sumakay na lang akong jeep papuntang Market Market. At nang makarating ako doon ay na-realize kong dito kami unang nagpunta ni Raegan noon pagkatapos namin sa clinic.

Dalawang taon na rin ang nakakaraan simula noong nagkakilala kami. Parang ang bilis na ang bagal ng panahon.

Anong gagawin ko dito?

Nagikot ikot na lang ako hanggang sa mapadpad ako sa Booksale. Nagtingin tingin ako ng mga libro pero wala din akong nagustuhan. Muli ay nagikot lang ako. Nagtitingin ng mga damit na hindi ko kailangan, ng mga laruang wala akong pagbibigyan, ng mga gamit sa bahay na hindi magugustuhan ni mama.

Naisip kong kumain pero wala naman akong gana. Saka masyado pang maaga para mag-dinner ako.

Sa paligid ko ay may mga pamilyang namamasyal, mga magkakaibigang nagtatawanan at mga mag-syotang nagkukwentuhan. Parang ako lang ata ang naglalakad sa mall na ito na nag-iisa. Parang lahat ay may kasama.

Gusto ko mainis sa kanila kasi bakit ako lang ang nasasaktan ngayon? Bakit wala akong makitang katulad ko na broken hearted o kaya ay nag-iisa?

Gusto ko mainggit sa kanila kasi gusto ko din na palaging masaya. Pero paano nga ba ako sasaya ngayong pinutol ko na ang ugnayan namin ni Raegan? Sa dalawang taong magkakilala kami ay siya na ang naging rason ko para maging masaya. Ayaw ko magpaka-OA pero kahit sabihin kong may ibang source of happiness naman ako ay si Raegan pa rin ang nakapagbigay sa akin ng higit na ligaya kaysa sa ibang mga sources na iyon.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Pagod na akong maglakad-lakad. Gusto ko na lang maupo. Magbasa o di kaya'y magsulat ng onti.

Napatigil ako sa labas ng Starbucks. Dito kami unang pumunta ni Raegan noon. Dito din kami nakita nila Jenna at Chloe noon.

Pumasok ako sa loob at nag-order ng Java Chip. Palagi namang iyon ang inoorder ko sa bibihirang pagpunta ko ng Starbucks.

Pagtingin ko sa paligid ay occupied lahat ng mga upuan. Pinagiisipan ko nang sa labas na lang siguro mag-stay nang umalis ang dalawang magkaibigan sa isang table at di na ako nagdalawang isip na maupo agad doon.

Nakuha ko na ang order ko at nakabalik na sa pwesto ko nang ma-realize ko na ang pwesto ko ay ang pwesto ko din noong unang punta namin ni Raegan dito.

Lechugas naman. Si Raegan na naman ang naisip ko. Ganito ba talaga ako ka-attached sa kanya na hindi ko kayang mag-isip ng ibang bagay o ibang tao maliban sa kanya?

Hindi. Kaya ko to. Kaya kong patunayan sa kanila na kaya kong mabuhay na wala si Raegan. Sa benteng taon na pamumuhay ko sa mundong ito, dalawang taon ko lang siya nakasama. Kaya kong magpatuloy na wala siya. Hindi ko siya kailangan.

Pero kailangan niya ako.

Napailing ako sa naisip ko. Kung kailangan nga talaga niya ako, hindi siya magtatago sa katauhan ni Oli. Lalabas siya at haharapin ako.

"I wish I was your coronary artery, so I could be wrapped around your heart. You look lonely. Mind sharing a seat?"

Napatingala ako sa nagsalita at napatitig. Siguro mga tatlong segundo din bago ko narealize na nakatitig ako sa kanya. Pero bago pa man ako mapahiya ay tumango na lang ako at nag-focus sa bag ko. Di ko na lang muna pinansin si ate na naupo sa tapat ko at nilabas ko na lang yung notebook at libro ko at inilapag yun sa table katabi ng frappuccino ko.

Pinagiisipan ko pa kung magbabasa ba ako o magsusulat nang maglapag ng isang stack ng bond paper yung babae sa tapat ko. Sinubukan kong huwag pansinin yung ginagawa niya kaso hindi ko mapigilang mapansin na may mga diagram ng brain na naka-print sa mga papel niya.

Nang makasigurado akong busy siya sa binabasa niya ay pahapyaw ko siyang tiningnan muli.

Mahaba ang buhok niya na kulay platinum blonde. Naka-shave ang left side ng buhok niya na pa-undercut kaya agad mong mapapansin yung sandamukal na piercings niya sa tenga.

Med student siguro siya. O baka doktor na. Hindi ako sure. Mukha pa naman siyang bata. Saka parang masyado siyang nakakatakot tingnan para maging doktor. Mukha siyang gangster sa get up niya. Pero looks can be deceiving.

Naramdaman siguro niyang nakatitig ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

"The way you're looking at me makes me dyspneic and tachycardic."

Kung nakakagulat na yung style niya ay mas nakakagulat yung kulay ng mata niya. Kulay brown ang left eye niya at green ang right eye niya. May dalawang shaved lines din yung left eyebrow niya kaya parang lalong nahighlight yung mata niya.

"Ha?" Tanong ko, hindi naintindihan yung sinabi niya. Nag-Chinese ba siya o sadyang di ko lang gets yun?

"Dyspnea pertains to shortness of breath while tachycardia pertains to the fast heart beat." Nakangiting paliwanag niya sa akin. "You look so stressed out, I'm just lightening up the mood."

"Oh, okay..."

Di ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Sure, may alam ako ng onti sa biology, human anatomy at medicine pero hindi ganun kadami ang alam ko para maintindihan yung sinabi niya.

"I'm Dr. Hailey Cadwell pala. Please call me Dr. Hail or Hail." Inabot niya sa akin yung kamay niya.

"Genesis Beltran. Call me Gene." Tinanggap ko yung kamay niya at shinake yun.

"What's that you're reading?" Tanong niya at tiningnan yung libro ko.

"Asylum by Madeleine Roux." Pinakita ko sa kanya yung cover ng libro.

"Interesting. So you're into paranormal stuff?"

Nginitian ko siya. May accent yung English niya. Di ko lang sure kung ano. Somehow, kahit sobrang magkaiba sila ay naaalala ko si Raegan sa kanya. "Hindi naman. Ni-recommend lang siya ng isang kaibigan ko kaya ko siya binabasa."

Napatakip ako ng bibig ko nang ma-realize kong nag-Filipino ako. Mukhang foreigner si Hail kaya pakiramdam ko hindi niya naintindihan yung sinabi ko.

"Maganda ba?"

Napanganga ako nang mag-Filipino din siya.

"So f-far, oo." Nakakahiya, akala ko talaga foreigner siya.

"You look confused, did I say something wrong?"

"Ah, eh, kasi I thought foreigner ka. Nung nag-Tagalog ako I didn't expect na maiintindihan mo."

Natawa si Hail. Yung tawa niya is genuine, care-free. Parang wala siyang problema sa mundo. O kung meron man ay hindi niya ipinapakita sa akin na naiisip niya yun.

Naiinggit ako sa tuwa niya. Sana ganun na lang din ako. Kung ano mang problema ay kayang kalimutan, kayang tawanan, kayang talikuran.

"I'm half Scottish. My dad has a heavy accent kaya nahawa ako sa kanya ng onti. But my mom makes sure to talk to me in Filipino para hindi kami makalimot ng kapatid ko."

"That explains."

Tumango na lang ako, naaalala ang mga kaibigan ni Raegan na sila Violet at Venus.

Gusto kong masuka nang maalala ko si Violet. Hindi niya siguro magugustuhan na ipinaubaya ko na si Raegan kay Katarina. Pinagkatiwalaan niya ako noon, pag narinig niya ang balitang break na kami ni Raegan ay may posibilidad na sugurin niya ako. Hindi ko pa alam kung paano siya magalit sa mga katulad ko na hindi miyembro ng Familia Olympia. Kung noon ay hindi ako masyado kinakabahan na baka ipa-salvage niya ako dahil protektado ako nila Raegan at Alexa, ngayong pinutol ko na ang koneksyon ko sa kanila, baka saktan niya ako o kami ni Mama.

"You okay?"

Napatingin ako sa mismatched eyes ni Hail. Gusto kong matakot sa itsura niya pero iba yung hatak ng mga tingin niya. Parang kinakausap ako ng mga mata niya, sinasabihan akong wag akong matakot sa kanya. Na mabuting tao siya.

"I'm fine. May naalala lang ako."

"Love life?"

Ganun ba ako kahalata na ang dali niyang nahulaan ang problema ko o yun lang talaga yung una niyang itinatanong sa mga kakilala niyang may mga problema?

"Love life nga." Ngumiti siya. "I can see it in your eyes."

"Anong ibig mong sabihin na 'you can see it in my eyes'?"

"Nung dumating kasi ako you looked lost. Parang hindi ka sure kung anong gagawin mo. Halatang dinidistract mo yung sarili mo."

"Hindi ba pwedeng di lang ako makapili kung magbabasa ako o magsusulat?"

Umiling si Hail. "Hindi eh. Kanina mo pa ako tinititigan. And it's not because you're trying to dissect my look but because I remind you of someone."

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Nakakabasa kaya siya ng isip?

"No, Gene. I can't read your mind." Natatawa na si Hail. "Your face says it all. Saka mejo bumubulong ka."

Kung nahiya na ako sa kanya kanina noong di ko sinasadyang mapatitig sa kanya, lalo naman akong nahihiya sa kanya ngayon kasi parang ang dali para sa kanya na basahin ako.

Kinagat ni Hail yung labi niya, nag-iisip.

"Sige na, Hail. Balik ka na sa ginagawa mo. Pakiramdam ko nakakaistorbo na ako sayo. Ang kapal pa niyang babasahin mo."

Tiningnan ni Hail yung mga papel niya. "My residents gave me a case with a diagnosis of renal cell carcinoma in a nine year old patient. They've been giving me a lot of headaches. For example, would this diagnosis be the real one or just one of the differential diagnoses?"

"Umm, okay?"

"Seriously, it should be a specific metastatic renal cell carcinoma to the brain!"

Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagyayabang ba siya na doktor siya o ganito lang talaga siya pag may kausap siya, nakakalimot na hindi lahat ng nakakasalamuha niya ay medical person?

Humingang malalim si Hail at itinabi yung mga papel niya. "You know what, let's do something else."

"Ha?"

"Ever heard of the Doctor-Patient confidentiality agreement?"

Tumango ako. Eto alam ko. Tinuro sa akin ni Mama yun noong bata pa ako, noong sinabi ko sa kanya na gusto kong maging katulad niya paglaki ko.

"Let's play pretend. I'll be the doctor, you'll be the patient." Ngiti ni Hail. "Tell me kung anong masakit sayo."

Natawa ako sa sinabi niya. "Masakit talaga?"

"Come on, Gene. Humor me."

Umiling ako. Hindi ko kayang mag-open up sa isang estranghero tungkol sa mga problema ko. Kahit pa sabihin mong doktor siya.

"Ano ba yan, Gene. Libre na nga tong consultation ko eh. Alam mo bang mahal ang doctor's fee ko?"

"Wow ha. Ikaw tong nag-ooffer sa akin ng consultation tapos gaganyanin mo ako?"

"Dahil ba stranger ako?"

May hint ng pagka-insulto yung pagsabi niya noon.

"Hail, I've known you for about five minutes. Hindi ako basta basta nagkkwento sa mga hindi ko kakilala."

"Hindi ba't advantage pa nga yun?" Sagot ni Hail. "I can offer you advice na walang halong bias."

Umiling pa rin ako. "Hindi ko kailangan ng advice. Maraming salamat na lang."

Malungkot ang tingin ni Hail sa akin. "Then maybe makakagaan ng pakiramdam mo kung may pagsasabihan ka ng problema mo."

"May mga napagsasabihan naman ako."

"But you're here alone." Tinaasan ako ng kilay ni Hail. "Kung may napagsasabihan ka, nasaan sila?"

Gusto kong sabihin na nasa bahay si Mama at pwedeng pwede ko siya kausapin anytime. Si Rhea, may lakad lang sila ngayon ni Percy pero pag tinawagan ko ulit siya for sure pupuntahan niya agad ako. Si Chloe at Jenna din, kung hindi sila papunta ng probinsya ngayon ay sasamahan agad nila ako, isang tawag ko lang.

Pero kung may makakaintindi sa pinag-dadaanan ko, si Alexa yun. Kasi siya yung kasa-kasama ko noong unang lumabas si Rae at si Gan. Siya yung tumutulong sa akin na bantayan si Raegan kasi hindi siya pwedeng maiwang mag-isa ng masyadong matagal.

Kaso alam kong galit si Alexa sa akin ngayon. Galit siya kasi nagawa kong iwanan ang best friend niya. Galit siya kasi iniwan ko sa kanya ang responsibilidad na bantayan si Raegan at masiguradong hindi niya sasaktan ang sarili niya o ang mga tao sa paligid niya.

"Peso for your thoughts?" Tanong ni Hail. Sa pagkakaalala ko sa mga kaibigan ko ay nalimutan ko nang kausap ko nga pala siya.

"Sorry. Kulang kasi ako sa tulog."

"I know." Sagot niya. "Mejo maga yung mata mo. Either kulang sa tulog, umiyak ka mag-damag or both."

"Ano ulit yung tanong mo?" Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya about sa pag-iyak.

"Halata kasing may problema ka. I can guess that you want to distract yourself kaya ka lumabas pero wala ka namang kasama. So kung may napagsasabihan ka ng problema mo, nasaan sila?"

Binigyan ko lang siya ng malungkot na ngiti. "Busy silang lahat ngayon eh. Saka biglaan din naman tong labas ko kaya okay lang na mag-isa ako."

"Well, I'm here, Gene. You can spill anything to me. I swear on my life I won't tell anyone."

I swear on the River Styx.

Napatingin ako sa paligid, parang narinig ko yung boses ni Raegan. Si Raegan lang ang madalas na sumusumpa sa akin ng ganoon.

"Gene, okay ka lang ba talaga?"

"Wala ka bang narinig?"

"Narinig na alin?"

"I swear to the River Styx." Mahina kong sabi. "Narinig ko yun eh. Parang boses ni ano..."

"Nino?"

Umiling ako. Nababaliw na ata ako. Nakakarinig na ako ng boses na wala naman dito. "Wala. Kalimutan mo na lang na may sinabi ako."

Pinagmasdan ako ni Hail. Hindi ko mawari kung naaawa ba siya sa akin o kung ano.

"Swearing to the River Styx is something the Greeks used to do. At kapag nasira nila yung promise nilang iyon, kamatayan ang katumbas."

Napalayo ako sa table. Pano niya nalaman yun?

"Mahilig ka sa Greek mythology?" Tanong ni Hail, hindi napansin yung biglang pag-layo ko.

Umiling ako. "Hindi. Pero yung mga kaibigan ko, oo."

Tumango-tango si Hail. "May alam ako pero mostly yung family ko yung mahilig sa Greek and Roman Mythology."

"Ano bang meron sa mythology na yun at ang daming may alam nun?" Ninenerbyos kong tanong. Malakas ang kutob kong Familia Olympia siya katulad nila Raegan. Iba yung dating niya eh.

"Siguro interesting siya for some kasi the gods are like the personification of the natural elements." Sagot ni Hail. "Pero siguro yung iba natutuwa lang sa mga kwento ng mga Olympians kasi may adventure, may patayan, may revenge, may love din. Their stories vary so there's one for everyone."

"May alam ka lang ba talaga?" Kabado kong tanong, naiisip yung Familia Olympia at ang malawak na sakop ng kapangyarihan at kayamanan nila. "You don't sound like may alam ka lang."

Nagkibit balikat si Hail. "Well, I grew up in a family that relates quite well to the sun god Apollo. Alam ko sa sarili ko onti lang yung alam ko pero baka kasi mas onti yung alam mo kaya pakiramdam mo ang dami ko na agad alam."

Apollo. Tapos doctor siya. Sa dalawang taon kong nakasama si Raegan ay alam ko na agad kung anong mga usual na trabaho o business ng mga miyembro ng Familia Olympia nila.

"Kilala mo ba si Daniel Miraber?"

Nagtataka ang tingin ni Hail sa akin. "Malayong kamag-anak ko siya. Bakit?"

Lechugas. Familia Olympia nga siya!

Kinuha ko na yung gamit ko at inilagay yun sa bag ko. "Una na ako, Hail. May gagawin pa pala ako."

Ayoko na. Tapos na ako makipag-kaibigan o makisalamuha sa angkan nila.

"Ha?" Napatayo si Hail kasabay ko. "Teka, Gene. May nasabi ba akong mali? Inagrabyado ka ba ni Daniel?"

Napatigil ako sa height niya. Magkasing tangkad lang ata sila ni Raegan. Baka nga mas matangkad pa si Hail.

Umiling ako. "Hindi. Kaibigan ko si Dan."

"Then why are you suddenly running away from me?" Hinawakan niya ako sa braso dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko.

Para akong kinuryente sa hawak niya at alam kong naramdaman din niya yun kasi bigla niya akong binitawan.

"Sorry," napatingin siya sa braso ko, "static."

"Okay lang. Sige na, alis na ako. Nice meeting you, Hailey."

"And you, Genesis."

Hindi ako makahinga sa sinabi niya. Si Raegan lang at si Mama ang tumatawag sa akin sa buong pangalan ko.

Bago pa ako maiyak dahil naalala ko na naman ang pagtawag ni Raegan sa akin ay tumalikod na ako.

Gusto ko nang umuwi. Hindi ko na kayang mapalibutan ng mga taong hindi ko kilala. Ng mga taong hindi naiintindihan ang sakit na nararamdaman ko sa pagtataksil sa akin ng pinakamamahal ko.

Nakalabas na ako ng coffee shop nang hinabol ako ni Hail.

"Gene! Teka, may nakalimutan ka!"

Nilingon ko si Hail. Tiningnan ko kung anong nakalimutan ko pero wala naman siyang dala.

"Nakalimutan mong ibigay sa akin yung number mo." Ngiti ni Hail.

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman niya hiningi yung number ko kanina?

"Please?"

Mabait yung ngiti niya. Walang halong biro o masamang balak.

"Sorry, Hail." Umiling ako. "I don't really give my number to strangers."

Nalungkot si Hail sa sagot ko. Pero imbis na sumuko ay inilabas niya yung wallet niya. "Okay fine, if you don't want to give me your number, here's my calling card."

Inabot niya sa akin yung kulay itim at magenta na calling card.

Hailey Dymphna Cadwell, M.D.
Neurosurgeon

"If you need a friend, just call me. Or text me. Or email me. Whichever you prefer." Paliwanag ni Hail. "You can even visit me at work kung may ipapatingin ka sa utak mo."

Natawa siya sa sarili niyang joke at natawa din naman ako. Nakakahawa kasi yung tawa niya. Pero mabilis ko din napigilan yung sarili ko.

Familia Olympia siya. Hindi niya sinasabi pero alam kong miyembro siya ng organisasyon na iyon.

"I want to be your friend, Gene. You seem like you need a friend right now eh."

"Thank you, Hail."

Nagpasalamat na lang ako kahit alam kong hindi ko siya tatawagan.

"Just ring me when you need someone to talk to, okay?"

"Okay." At naglakad na ako papalayo.

"Gene!"

Nilingon ko ulit siya.

"I mean it. I want to be your friend."

"Oo! Ang kulit!" Napailing na lang ako at muli'y tinalikuran ang doctor.

Hindi na niya ako tinawag at hindi na rin ako lumingon.

Lutang ako sa paglalakad ko papuntang sakayan ng jeep.

Nabobother ako kay Hail. Para siyang doctor version ni Raegan. Pareho silang matangkad, may certain hair style at may striking na kulay ng mga mata. Not to mention mararamdaman mong matalino sila sa saglit na pakikipag-usap mo sa kanila.

Hindi ko tuloy alam kung namimiss ko lang si Raegan o naapektuhan lang talaga ako ng saglit na pakikipag-usap ko kay Hail.

Kararating ko lang ng bahay nang tumawag sa akin si Alexa. Parang hindi pa ako ready na kausapin siya ulit kaso baka kailangan niya talaga ng tulong ko.

"Gene?"

"Alexa, napatawag ka?"

"Gene, lumabas na si Raegan." Panimula ni Alexa. "Well, actually, hindi ako sure kung si Raegan to or panibagong katauhan niya but she's crying, kagabi pa. And then she attempted to cut her wrist kanina. Buti na lang napigilan ko siya."

Natakot ako sa sinabi ni Alexa. Oo, may suicidal tendencies si Raegan but she never did any actions about it. Until now.

"Anong sabi niya? Nakakausap mo ba siya?"

"She's looking for you."

Parang hindi ako makahinga sa sinabi niya. Hinahanap ako ni Raegan. Dahil ba nagsisisi siya sa nangyari at gusto niyang mag-sorry? O dahil hindi niya masabi kay Katarina na may sakit siya?

Kung magsosorry siya, babalikan ko ba siya?

"Alexa, I don't think kaya ko na siyang harapin ulit."

"Gene, suicidal na si Raegan. Please, help her." Pagmamakaawa ni Alexa. "Kailangan ka niya."

"Kailangan ko din lumayo sa kanya, Alexa. Masyado pang masakit sa akin yung nangyari. May hangganan din naman yung pasensya ko."

"Gene, please."

"I'm sorry, Alexa. I hope you'll understand me."

Tinapos ko na yung call at pumasok sa kwarto ko. Naiiyak na naman ako sa sakit.



================

A/N:

Special thanks to my friend Fam, for helping me with Hailey Cadwell. This one's for you, future doctor! Galingan mo sa med school!

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

2.6M 102K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
2.2M 75.3K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
5.5M 178K 55
"I'll make you scream in pleasure until you realize that I am way more better than him. I will take you on my bed and I would definitely punish you f...
2.1M 92.6K 43
This is a girlxgirl love story so if you are not comfortable with it, much better na huwag mo na lang ituloy ang pagbabasa nito para hindi ka na ma-b...