♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 24

16.3K 157 73
By nyghtdreamer

Chapter Twenty-Four

Lianne's POV

It's Monday morning at may pasok na naman. Nakakatamad pang bumangon dahil hindi ako halos nakatulog. Ang peste kasi ng mga bruha! Dalawang gabing nakitulog dito. Ayaw raw nilang solohin ko ang tatlong papable na nadito ngayon.

As if naman, 'di ba? Isa lang kaya ang gusto kong masolo sa kanilang tatlo. And I know, Mark wanted the same dahil ilang beses niyang binanggit ang muntil nang mangyari sa amin kapag nagkakasarilinan kami. Kung wala siguro ang mga kaibigan ko ay baka itunuloy niya na talaga!

I liked it too, pero hindi pa ako ready sa mga consequences kung sakali. Kaya I have to try hard to delay it. Pinagdadasal ko lang na sana ay makayanan ko!

Hindi ko rin alam kung paano kami nagkasyang apat sa iisang kama. Napaka sikip! Para kaming sardinas na walang sarsa at siyempre, hindi malansa. Noong isang gabi ay sa sala kami natulog at kinabukasan, nagsisi rin kami dahil masakita sa katawan. Kaya nagsiksikan kami ngayon dito sa kama.

Bumangon na ako dahil mukhang hindi na rin naman ako makakatulog. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Qinn at Zideyn na natutulog pa sa may sala na magkayakap! Ewan ko na talaga sa iisipin ko sa kanilang dalawa.

Teka... nasaan ang babe ko? Nasa gitna ba nilang dalawa at inipit? No, hindi nila magagawa iyon dahil hindi hamak na mas malaking lalaki si Mark sa kanila.

Dumiretso ako sa kusina at doon ko nahanap ang lalaking gusto kong mamulatan kada umaga. Hindi niya napansin ang presensya ko kaya malaya akong napagmasdan siya habang umiinom siya ng gatas.

Funny... habang ako, kape ang madalas inumin, siya naman ay gatas. I don't know but he always chooses to drink milk instead of any other drink.

Pero katulad ko, mukhang hindi rin maayos ang tulog niya. Ano kayang kababalaghan ang ginawa sa kanya nila Qinn? Napailing na lang ako dahil ayoko ang namumuong tagpo sa isip ko.

Tuluyan na akong pumasok sa kusina at umupo sa isang upuan. Noon siya napatingin sa akin.

"'Morning, babe," nakangiti kong bati. "Can I have a cup of coffee?" Well, hindi libre ang ngiti ko sa umaga.

Hindi siya nagsalita pero tumayo siya at sumunod sa utos ko. Ni hindi man lang nag-good morning. Ang sungit! May dalaw ba siya ngayon?

Pagkaabot niya ng mug sa akin ay hindi naman kape ang laman niyon.

"Kailan pa naging gatas ang kape?" I pouted.

"Wala ka namang coffee na ititimpla."

Oo nga pala! Walang coffee dito. Bakit kasi walang kape doon sa mga groceries? Si Mommy talaga... Napapabuntong hiningang ininom ko na lang ang gatas.

Ilang araw na rin pala akong hindi nagkakape at ngayon ko lang napansin.

"Anong oras pasok niyo?" tanong ni Mark maya-maya.

Nag-isip ako sandali dahil hindi ko pa kabisado schedule ko ngayong semester. "Ten o' clock yata?" hindi ko pa siguradong sagot.

"Mauuna pala ako sa inyo umalis," sabi niya at tinitigan niya ako.

Mukha pa siyang nalungkot. Napangiti ako kasi sa hitsura niya ay parang isang dekada kaming hindi magkikita.

"Sunduin mo na lang ako mamaya?" I said in a suggesting tone.

"Alright..." At last, ngumiti na rin siya. Hinalikan niya pa ang kamay ko na lalong nagpangiti rin sa akin.

Napaka-sweet ng boyfriend ko.

Nauna na ngang pumasok si Mark dahil alas y otso raw ang pasok niya sa opisina. Too early, kaya kahit gusto ko sanang sumabay sa kanya ay hindi na lang. Isa pa, nandito pa ang mga bruha at sila Qinn.

Nagising na rin ang mga bruha pagkaalis ni Mark at ginising nila si Qinn at Zideyn na ang sarap-sarap pa ng tulog. Ang sasama talaga. Puyat kaya 'yong dalawa kakanood ng cartoons.

"Zideyn, can you make me milk?" Qinn asked in a childish tone.

Sobrang cute ni Qinn! Iyong mga singkit niyang mata halos guhit na lang, parang nakapikit na siya! Ang sarap kurutin!

"Ako na lang!" sabay-sabay na prisinta ng tatlong bruha. Nag-unahan pa sila sa pagputa sa may counter ng kusina.

Hindi ko na lang sila pinansin at naghanda na lang ako ng gamit ko. Maliligo na ako dahil ayokong ma-late at paniguradong magmamadali kaming lahat mamaya. Mabuti nang maghintay ako sa kanila kaysa makipagsabayan sa pagmamadali nila.

Thirty minutes had passed, nasa loob pa rin ako ng banyo at ni hindi pa nga ako matatapos sa pagligo. Pakanta-kanta pa ako, like I used to.

"Bruh! Ang tagal mo naman d'yan! Na-flush ka na ba sa bowl?!" Kinalampag pa ni Myleen ang pinto.

Uh-oh...

"Malapit na akong matapos," I answered kahit hindi pa naman talaga.

Another ten minutes passed.

"Hoy, ano?! D'yan ka na titira?" Si Faye naman ngayon ang nasa labas ng at kumatok sa pinto ng bathroom.

"Nagbibihis na!" Kahit nagpupunas pa lang talaga ako.

Gusto kong matawa. Normal lang naman na ganito ang kilos ko sa umaga. Well, hindi lang pala sa umaga. Ganito talaga ako katagal kumilos!

After five minutes.

"Lianne! Bibigyan ka na ba namin ng unan at kumot?! Baka kailangan mo rin ng kulambo d'yan?! Natutulog ka na yata, eh!"

Oops! Galit na si Trace! I need to get out now. Ibang klase pa naman magalit ang mababait.

Hindi na ako sumagot at lumabas na lang ako ng bathroom bago pa man mahuli ang lahat at makatikim ako ng galit niya. Masasamang tingin naman nila ang sumalubong sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanila. "Sabay-sabay na kayong maligo, ha? Male-late na tayo." Then I ran to the bedroom.

∞∞∞

At dahil late kami ng fourty-five minutes sa first class namin, hindi na kami pumasok. Naghintay na lang kami sa second class namin dito sa bitterlandia habang pinagti-trip-an ang mga dumadaan.

"Psst!" sitsit ko doon sa dumaan tapos yumuko ako.

Lumingon sa amin 'yong lalaking padaan. Nagkanya-kanya kami ng tingin sa mga libro naming nakabulat.

"Trace, may sagot ka na ba sa number five?" tanong ni Faye kay Tracy.

Ewan ko kung sa anong subject ang tinatanong niya niya pero sumagot ako. "Letter A ang sagot."

Lumagpas sa amin iyong lalaki at naghagikgikan kami. Nang-trip lang kami ng mga dumadaan habang naghihintay sa susunod naming klase. Wala kasing magawa at bored na bored kaming apat.

Nang nasa room na kami, may ibo-bore pa pala ang araw na ito dahil sa Filipino subject namin. Well, ayoko talaga kasi ng subject na ito. Pero ang nagpalala kasi talaga ay itong professor namin.

Matandang dalaga siya pero puro love life niya noong kabataan niya ang ikinukuwento niya sa buong klase. Halos lahat na yata ng naging boyfriend niya, naikuwento na niya sa amin. Simula sa kung paano sila nagkakilala, paano siya niligawan, kung paano naging sila hanggang sa kung paano sila naghiwalay. Pati mga lines nila noon, sinasabi niya at with feelings pa!

Mapapangiwi o iling na lang kami talaga sa loob ng klase niya.

Natapos ang klase namin at nalaman naming wala ang prof namin sa Arts Appreciation. Ang ganda ng ipinasok namin ngayon. First class, late ng fourty-five minutes. Second class, pumasok kami sa pinakamatino naming prof. Third class, walang prof.

Parang free day lang. Free day na bagot na bagot kaming apat. Hindi ko rin alam kung bakit kami ganito ngayong apat. Usually, natutuwa kami at nakakalabas kami ng university para makagala sa mall. Pero hindi namin ginawa iyon ngayon.

Humiwalay na ako sa kanilang tatlo. Nagpunta na silang Student Gov't Office, habang ako naman, papunta na sa theater house. May practice na naman kami. Medyo tinatamad nga ako ngayon mag-practice. Mabuti na lang ang ganda ko.

Dahil hapon pa lang at hindi pa kami kumpleto, nag-memorize muna ako ng mga lines ko habang gumagawa ng maliliit na props.

"Hi!"

Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at nakita ko si... si... napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala. Umupo siya sa tabi ko. Ewan ko kung nagpi-feeling close siya pero ayos lang naman. Mukha naman siyang mabait. Mabait siguro ng kaunti sa akin.

"I'm Maristela..." pakilala niya sa sarili sabay abot ng kamay niya sa akin.

I'm not asking... iyan sana ang gusto kong isagot pero yaman lang din naman na super bored ako ngayong araw, why not meet a new human?

Inabaot ko ang kamay niya. "I'm Li—"

"You're Lianne!" putol niya sa akin. "Bagong member ako ng club."

Alright... napatangu-tango ako. Para sa bagong member, hindi ko siya kilala. And I should know! Why, I'm the president of this club! Sinong lapastangan ang basta-basta na lang tatanggap ng bagong member kahit wala pa naman ang audition?!

"I joined because of you... Idol kita." 'Tapos ngumiti siya.

Para namang nawala ang mga nasa isip ko dahil sa sinabi niya. Aba... kung idol niya ako, she must really be in my club!

Awkward akong napangiti. "Thanks..."

Nagkuwentuhan pa siya habang nakikinig lang ako at paminsan-minsang nagre-react. Mostly, flattered lang ako sa mga sinasabi niya, dahil napanood niya raw lahat ng play ko at sa lahat ng iyon, wala siyang hindi nagustuhan na character ko.

Halos pumapalakpak na tainga ko sa mga papuri niya sa akin. Mabuti na lang talaga, sanay ako sa papuri, kundi baka lumaki na nang lumaki ang ulo ko sa mga sinasabi niya.

Nasabi niya na rin sa akin na pamangkin pala siya ni Mrs. Villanueva and that explains why she didn't have to audition.

Maya-maya, dumating na rin ang iba naming kasama at nagsimula na kaming mag-practice. Walang humpay na rehearse at practice. Nakakapagod at minsan nakakaumay na ang mga scenes kapag inuulit-ulit dahil sa ibang hindi nagseseryoso at nagkakamali.

Mabuti na lang ang ganda ko kaya nag-break muna kami.

Kukuha pa lang sana ako ng bottled water pero may nag-abot na sa akin. Pagtingin ko kung sino ay nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makita at hindi ko gustong makita.

Napatuwid ako ng tayo at nagsalubong ang mga kilay ko.

"You're really good in acting..." may kaunting ngiti sa mga labing sabi niya.

It sounded double meaning. Kung ang ppag-arte ko ba sa stage ang tinutukoy niya o kung anuman ay hindi ko matiyak. Pero alinman sa dalawa, hindi ko gustong makatanggap ng papuri mula sa kanya.

"What are you doing here?" I asked at hindi ko itinago sa boses ko ang pagkadismaya na makita siya.

Ngumiti siya at ibinaba ang bottled water na inaabot niya sa akin. Nahalata niya siguro na wala akong balak kunin iyon sa kanya. Mamaya nilagyan niya pa ng kung ano iyon at malason pa ako.

"Ahh... gusto kasi kitang makita," sagot niya sa mahinang boses. "Ang sabi kasi ni Mama, tuwing hapon daw may practice ka."

Nag-init naman agad ang ulo ko. Unang-una, wala siyang karapatang tawaging 'Mama' ang Mommy ko. Pangalawa, close ba sila?! Pangatlo, wala akong pakialam kung gusto niya akong makita dahil hindi ko naman siya gustong makita.

"Umuwi ka na. Kung gusto mo akong makita, marami naman akong pictures sa bahay. Iyon na lang titigan mo magdamag at maghapon." At iniwan ko na siya doon.

Bumalik ako sa stage at tumulong na lang sa pag-aayos ng props kesa mag-break. Nawalan na ako ng ganang kumain. Takte! Pati ang hobby kong kumain, nasisira ng dahil sa kanya!

"Idol, okay ka lang?" si Maristela. Pinanindigan niya na ang pagtawag sa akin ng 'idol'.

Tiningnan ko lang siya saglit at ibinalik sa ginagawa ko ang atensyon. Hindi ko siya gustong sagutin.

"Inaway ka ba ng babaeng lumapit sa 'yo kanina? Anong sinabi sa 'yo? Banatan na ba natin?" tulout-tuloy niya pang sabi.

Idol niya nga ako. Inaalam niya talaga ang mga issue sa buhay ko at war freak din siyang katulad ko.

"It's nothing," walang gana kong sagot at napatingin ako kay Hannah na nasa ibaba ng stage. Hindi pa rin siya umuuwi at balak niya pa yatang tapusin ang practice namin ngayong araw.

Nakakainis!

Nag-practice na ulit kami. Pero hindi na ako nakapag concentrate ng maayos sa ginagawa namin. Kung kanina, naiinis ako kapag nagkakamali ang mga kasama ko, ngayon naman ay sila ang naiinis sa akin.

Ilang beses na rin akong pinapagalitan ng advicer-com-director namin.

"Lianne, ano bang nangyayari sa 'yo? Nakailang ulit na tayo sa scene na 'yan, hindi mo pa din magawa ng maayos..." sermon sa akin ni Mrs. Vilianueva. Marami pa siyang sinabi na hindi ko na naintindihan.

Badtrip... lahat sila nakatingin sa akin. Nakakahiya! Pinahinto na rin muna ako sa pagpa-practice. Bukas na lang daw ulit ako eeksena at magpahinga na lang daw muna ako dahil mukha daw akong pagod.

Nakakaasar talaga! Ngayon lang nangyari sa akin na hindi ko magawa ang mga dapat kong gawin sa stage. Kasalanan ito ng Hannah na iyon!

Kahit gusto ko nang umuwi ay hindi puwede. Naging culture na namin dito sa club na sabay-sabay kaming uuwi. Kaya tumulong na lang muna ulit ako sa props making.

Iniwasan kong lumapit kay Hannah, o kahit mapatingin man lang. Baka kasi kung ano na namang magawa ko at magkagalit na naman kami ni Mark kapag nalaman niya. Masunurin naman akong girlfriend kahit papaano. At isa pa, ayoko nang gumawa pa ng eksena. Tama na muna ang pagkapahiya ko kanina.

Naggugupit ako ng mga papel nang lumapit sa akin si Xander. Ngiting-ngiti siya at parang ang creepy ng ngiti niya kaya naasiwa ako.

"Hi, Lianne..." bati niya.

Ikinunot ko lang ang noo ko bilang sagot.

"Sino 'yong babaeng lumapit sa 'yo kanina? Iyong nakaupo doon, oh..." 'Tapos tinuro niya ang puwesto ni Hannah.

Ugh... kaya pala ang creepy ng ngiti niya! I rolled my eyes.

"She's pretty. Medyo kahawig mo siya sa mata," puna niya.

Napapikit ako at napahinga ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Why does he have to compare me to that girl?! Masasabunutan ko itong lalaking 'to, eh!

"Pinsan mo ba? Pakilala mo—"

Hindi ko na siya pinatapos at hindi na ako nakapagpigil, kaya hinila ko na siya palapit doon sa gusto niyang makilala.

"Woah—wait! H'wag mo akong hilain, Lianne," he complained pero hindi ko siya pinansin.

Napaka leche ng araw na ito!

Hindi na nga ako nakapagkape kaninang umaga, wala na nga akong natutunan buong araw, pinagalitan na nga ako ng drama club adviser namin, nandito na nga siya, tapos ngayon sasabihin pang kahawig ko siya at may gusto pang kumilala sa kanya?!

Binitawan ko lang si Xander nang nasa harap na kami ni Hannah.

I faked a smile. "Hannah, si Xander nga pala."

"H-hi!" sabi ni Xander na inayos pa uniform na nagulo dahil sa paghila ko sa kanya.

"And Xander, this is Hannah, kapatid ko..." then I paused. "Kapatid ko sa labas."

Hindi ko na pinansin kung ano ang naging reaksyon nilang dalawa. Umalis na lang ako. Ni hindi ko rin napansin na marami palang nakatingin sa amin. I don't really care. This day is full of crap!

Umakyat ako sa rooftop ng building at nagpahangin. Now I know how Faye feels about being hot. Ayun nga lang, hot-headed lang ako ngayon. Hindi hot ass chic.

Ugh! Whatever!

Nagpalipas ako ng ilang minuto pero hindi pa din kumakalma ang pakiramdam ko. Kumukulo pa rin ang dugo ko. Bakit kasi nagpunta pa ang babaeng iyon dito?

I so hate her for ruining my supposedly just boring day!

At ngayon, iniisip ko pa na kapag nalaman ito ni Mark, baka mag-away na naman kami. Palagi na lang kaming nag-aaway dahil sa kanya. But the thing is, lumalayo naman na ako pero siya itong lapit nang lapit.

Is she stupid?! Hindi niya ba ma-gets na ayaw ko sa kanya? O baka naman, nang-iinis lang din talaga siya? Palibhasa siya palagi ang kinakampihan ng mga tao.

Napahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng footsteps. Don't tell me hanggang dito ay sinusundan ako ng Hannah na iyon?!

Malilintikan na talaga siya sa akin!

Lumingon ako para alamin kung sinong lapastangan ang sumunod sa akin at parang gumaan ang pakiramdam ko ng makita ko siya. To the rescue na naman ang crush ko.

"Hi..." bati ni Ejhay at medyo pilit siyang ngumiti.

"Hi..." ganti ko at tumingin ulit ako sa harap ko.

"Are you okay?" he asked.

Am I okay? Ulit kong tanong sa isip ko. And I know that I'm not. Buntong-hininga lang ang isinagot ko.

"I know, you're not okay..." sagot niya sa tanong niya. "But do you really have to do that?"

Napatingin ulit ako sa kanya. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa parang judgement sa tono niya. Para akong sinampal.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ako na naman ang masama. Oh, well... maybe I'm really a bad person. I must admit.

"You know what?" patuloy niya at idinampi niya nang bahagya ang likod ng palad niya sa mukha ko. "I hate it when I see you like this. I always want to see you smile. I want to see again the way you smiled at me at Boracay last summer... the way you smiled at me at McDonald's when I first eat out with you and you friends."

Bigla akong nalito. Bakit kanina parang may judgement ang tono ng boses niya pero ngayon, naging iba? And what does my smile have to do with my actions now?

"It was a sweet genuine smile then. But these past weeks, I can't see it and now I know why," dagdag niya pa at inalis niya ang kamay sa mukha ko. Namulsa siya at tumingin sa harap namin.

"Do you?" I asked wearily.

"Well, I know some whys, maybe..." Nagkibit balikat siya.

Hindi ako umimik. Pinagmasdan ko lang siya habang nakatanaw sa malayo.

"You're angry... you're hurt, perhaps. And that keeps you from smiling genuinely." Tumingin siya sa akin at nagtama ang mga paningin namin.

Nakita ko ang simpatya sa mga mata niya. And suddenly, I wanted to be inside his arms. Pakiramdam ko, siya lang ang nakakaintindi ng nararamdaman ko.

"And the thing is... you can't be angry and genuinely happy at the same time. I don't know kung anong nagawa niya sa iyo at nagalit ka sa kanya, but I hope, someday you'll learn to forgive her. Walang tao ang may galit sa puso ang nakakaramdam ng lubos na kasiyahan. You can still be happy, but it won't reach your eyes..." Umangat ulit ang kamay niya at hinawakan ako sa gilid ng mata.

Napapikit ako. His touch was so comforting I want to cry.

"...you'll be happy, but you won't feel it in your heart, and your soul will be forever wounded. Just because of anger... hatred... I don't want that for you. You don't deserve that. I still want to see your genuine smile."

Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko. Parang ngayon ko lang naramdaman kung gaano kabigat ang dibdib ko.

"You don't have to forgive right now... it's a long process. And when the time comes that you are ready to forgive, I hope it's not yet late."

And that struck me. It hit me big time!

"She has blood cancer, at severe na ang sakit niya." Parang umaalingawngaw ang sinabi na iyon sa akin ni Daddy nang araw na dumating ulit sa bahay namin si Hannah.

Nagmulat ako ng mga mata at napatitig ako kay Ejhay. He is right. Parang akong tulog na sinampal para magising sa mga sinabi niya.

Napalunok ako.

Hihintayin ko pa bang maging huli na ang lahat bago ko mapatawad si Hannah? Si Daddy? That day na nalaman kong kapatid ko si Hannah, para akong tinarakan ng maraming palakol sa dibdib. It still hurts. Pero...

"I hope it's not yet late."

...what Ejhay just said, hurts me more, even I don't want to admit it.

Hell! It feels like dying even I'm just thinking about it!

Naramdaman ko na lang na pinupunasan na ni Ejhay ng panyo niya ang mga pisngi ko pero nagpatuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ko.

"I just said, I want to see your smile again, and here you are, crying endlessly," sita niya sa akin sa malumanay na boses.

"I-I'm s-sorry..." I tried to my best to stop my tears.

Wala ng nagsalita sa amin sa mga sumunod na sandali. Hinayaan niya akong kalmahin ang sarili ko. Pero maya-maya, siya ulit ang bumasag ng katahimikan.

"Gabi na. Aren't you going home yet?" tanong niya.

Tumingin ako sa wristwatch ko and it says, quarter to nine. Gabi na nga. Gaano na ba kami katagal nandito?

"P'wede mo ba akong ihatid?" nahihiya kong tanong na may kasama pang pagsinghot.

Ngumiti naman siya. "Of course..."

Habang nasa sasakyan kami, tahimik lang ako at nag-iisip kung ano ba ang gagawin ko. I mean, kung paano ko ba aayusin ang mga bagay na ako lang naman yata ang nagpakumplikado.

Nang makarating kami sa unit niya, may taong nagkaabang sa labas. At noon ko lang naalala na nagpasundo pala ako sa kanya.

Good lord... why I forgot about it?

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

897K 36.6K 65
CONTINUATION OF MR. ANTIPATIKO take precautions for this is so jeje since i wrote it way back 2013 ; it has too many typos, emojis & cringe(y) cheesy...
1.5M 57.1K 46
유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon ang puso ko sa KABA? Nanginginig ang mga k...
1.4K 207 9
Paano mo naman ako makikita kung iyang paningin mo sa kapwa mo magandang lalakwe nakatingin? -Memei
684 222 75
An Epistolary | Completed Keisha WP always hiding something she is not vocal person who well confess her feelings or her displeasure to her family. U...