The Creepy Statue of Kasandra...

由 JTMLover

249K 6.7K 312

Si Assunta ay ang nakababatang kapatid sa ina ni Kasandra. At sya ang sumunod na nakaalam ng lihim ng kanila... 更多

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
Chapter 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Final Chapter
Author's Note
PS 2
PS 3

Chapter 11

6.7K 177 9
由 JTMLover

Samantala...

Nangunguha ng video si Jake, kinukuhanan niya ng video si Gail at ang buong kapaligiran.

"Bakit mo ba ako vini video dyan?" 

"Birthday ko naman eh, gusto ko maging memorable to."

"Nakuhanan mo ba yung nagkabanggaan kanina, yung babaeng nagtaray ?"

"Hindi ah!"

"Hay!"

"Don't tell me na pati yung muntik nag-away kanina gusto mong i broadcast haha!"

"I know right! Ganito na ako ka desperate my gosh!I need some freaking news!" Desperadong sabi n Gail.

"Pero ang ganda ng babae kanina no, napansin mo ba?" Sabi ni Jake.

"Ah yung naka suot ng white?"

"Yeah ang ganda ng babae na yun grabe, parang anghel na bumaba sa lupa."

"Umh oo nga, ang ganda talaga, kaso pwede ko ba i broadcast ang kagandahan nya?" medyo nagseselos na sabi ni Gail.

"Haha ikaw naman nagselos agad o."

"Ikaw talaga Jake, lets eat na nga,"

...

Habang nasa rest room si Assunta ay minasdan niya ang sarili sa salamin,

hindi pa rin makapaniwala sa taglay niyang kagandahan."Hindi ko akalain na gaganda ako ng ganito, para akong nananaginip na kasama ko si Jerico ngayon," sabi sa kaniyang sarili habang walang sawang masdan ang sarili sa salamin.Makalipas ang ilang sandali  ay biglang narinig niya ang himig ng nag-pipiano. Nagtayuan ang kaniyang mga balahibo sa kaniyang naririnig at biglang huminto ang himig. At nakita niya sa replekto ng salamin ang statwa ni Kasandra na nakatayo sa kaniyang likuran. Napasigaw sa takot si Assunta at napaharap siya sa statwa.,

"Ano ang kailangan mo sa akin? Layuan mo ako!"

Masamang nakatingin lamang ang statwa sa kaniya at maya-maya ay humakbang ito at biglang natulala si Assunta.Hindi siya makakilos at makapagsalita, patuloy pa din lumalapit si Kasandra sa kanya hanggang nakapasok ang katauhan nito kay Assunta.

Biglang dumilat ang mga mata ni Assunta at tumingin sa paligid, masama ang kaniyang mga tingin na parang may masamang binabalak.At binuksan nito ang kanyang bag at kinuha ang garapon ng enigma at kumuha ng isang talutot.

Maya-maya ay lumabas na sya ng cr at dahan dahang naglalakad at tumitingin sa kapaligiran...At una niyang nakita ang babaeng bumangga sa kaniya.

Tinitigan niya ito habang  abala itong kumakain, maya-maya ay hinipan niya ang hawak niyang talutot ng enigma at nilipad ito papunta sa baso ng babae.

Pinagmasdan ni Assunta ang inumin ng babae at nakita niyang natunaw na ang enigma, biglang umalis na ang katauhan ni Kasandra kay Assunta.

Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Kasandra sa kaniyang katawan.

Bumalik sa normal si Assunta.

...

Nang nakita ni Jerico na papalapit si Assunta ay inalalayan pa niya itong makaupo.

"Okay lang ako Sir,"

"I really can't believed that there's a such beautiful woman like you, ang dami ko ng nakikitang mga magagandang mga babae pero ikaw ang pinaka naiiba sa lahat!"

Sinuklian lamang siya ng matatamis na ngiti ni Assunta at labis na nasisiyahan siyang kasama niya si Jerico ng mga oras na 'yon.

Samantala nainom ng babae ang kanyang inumin na may enigma, masaya pa din silang nag uusap ng kaniyang kasintahan.

Makalipas ang ilang sandali ay biglang natulala ang babae, kinakausap siya ng kasama niyang lalaki ngunit di na siya pinapakinggan nito.

"Hey Alice what is wrong? Are you listening or what?, bakit nakatulala ka diyan?"

Hindi pa din nagsasalita ang babae, nakatingin lamang ito sa kaniya, at maya-maya pa ay tumingin ito sa paligid ng nakakatakot na mga tingin, nagtaka ang lalaki sa mga ikinikilos nito.

"Ano ka ba naman, this is not funny ok, look at me!"

Ngunit hindi pa din siya pinapakinggan ng babae, at laking gulat ng lalaki nang nakita niyang dahan-dahang bumubuka ang bibig nito ng napakalaki.

"What are you doing?" kinilabutang sabi ng boyfriend nito.At biglang may lumabas na tinig sa bibig nito.

"A- a--a-a-ahhhhh," nakakatakot na sambit ng babae.

Nagulat ang lalaki sa ginagawa ng babae.

"Hey ano ba nangyayari sayo, Alice, ano ginagawa mo?!" sambit ng lalaki.

At maya maya pa ay biglang yumuko ang ulo nito at lumugay ang mga buhok mula sa pagkakapusod nito.

"Alice? Ano ba nangyayari sayo, Alice?" nagtatakang sabi ng lalaki.

At iniangat nito ang ulo at tumingin sa lalaki, at nagpabaling-baling, ngunit nag mga mata ay nakatingin pa rin sa lalaki, una sa kaliwa at sumunod ay sa kanan, at biglang bumitaw ito sa hawak nitong kutsara at iniingat nag kaniyang dalawang kamay.Napatingin nag lalaki sa kamay ni Alice at nakita niyang nagkakanda pilipilit ito.

kinilabutan ang lalaki sa ikinikilos ni Alice.

"Alice please , tama na yang biro na yan ayoko na!  ano ba ginagawa mo?"

Napatayo ang lalaki sa kaniyang kinauupuan.

"Lets go home okay!" sabi ng lalaki at hahawakan niya siAlice para tumigil na ito, ngunit bago dumampi ang kaniyang mga kamay kay Alice ay biglang bumagsak ito sa sahig mula sa kaniyang kinauupuan, at doon na sila napansin ng mga taong kumakain.

Unang nakakita ay si Jake.

"Gail, tingnan mo yung babae nahulog sa silya, at tingnan mo parang nagkakabaluktot ang kanyang katawan at mga braso, at yung daliri niya nagkakapilipit!" nagtatakang sabi ni Jake.

Napatingin si Gail sa sinasabi ni Jake at nakita niya ito.

"Oh my gosh!" Bulalas ni Gail.

Maya-maya ay nakita nilang pinag titinginan na ito ng mga taong kumakain.

...

"Alice? Alice, ano ba nangyayari sayo, Alice!!" Nag aalalang sabi ng lalaking kasama niya.

"Kuhanan mo Jake ng video!"  Sabi ni Gail.

Kinuha ulit ni Jake ang kaniyang handycam sa kaniyang bag at kinuhanan niya ito.

Nakatawag pansin na rin ang nangyayari kina Jerico at Assunta.

"What's happenning?" nagtatakang sabi ni Jerico nang nakita niyang parang may tinitingnan ang mga tao. Tumayo si Jerico at kaniya itong tiningnan.

"Baka may epilepsi ang babae, kailangang madala sa ospital!" Sabi ng isang customer na lalaki nang nakita niya ang nangyayari kay Alice.

"Oo nga may epilepsi siya, nakaka-awa naman," sabi naman ng isang customer.

"Pero wala siyang epilepsi!" sabi naman ng boyfriend ni Alice.

Maya-maya ay lumapit ang manager at nag aalala ito na baka mag alisan ang mga customers.Nilapitan niya ito, ngunit paigtad-igtad ang katawan ng babae at nagkakanda balubaluktot ang katawan nito.

"Tulungan natin siya, tulungan natin girlfriend ko!" sigaw ng lalaking kasintahan ni Alice.

Nilapitan ng lalaki at ng manager si Alice, ngunit lalong nagkakapilipit ang katawan nito, kaya napaatras sila.

"My gosh anong nanagyayari sa kaniya?" Sabi ng isang babaeng customer.

"Baka sinasapian!" sabi naman ng isang customer.

"Tumawag kayo ng ambulansya !" Sigaw ng kasintahan ni Alice sa manager ng restaurant.

At maya-maya pa ay biglang nagbabago na ang mga kulay ni Alice, tinutubuan ito ng mga butlig at biglang nagingitim ito at nangungulubot at maya-maya'y naging kasing balat na ito ng puno. Mahaba ang buhok ni Alice at unti unti itong naninigas at umaangat na parang hinahangin.

Kinilabutan ang lahat sa kanilang nakikita, at bigla na lamang  dumapa si Alice na parang hayup at tumingin ito ng masama sa mga tao.

At doon na nag umpisang magpanic ang lahat at nag sigawan at nagtakbuhan papalabas ng restaurant.

"Gail halika na lumabas na tayo delikado!" hiyaw ni Jake at hinawakan niya sa kamay si Gail.

"Nakuhanan mo ba?"

"Oo tara na bilisan natin!"

Nag panic ang mga tao sa restaurant, at nang binalikan ni Jerico si assunta sa kinauupuan nito ay wala na doon si Assunta dahil natakaot na din ito nang nakita niyang nagkaguli bigla ang mga tao at natabunan siya kaya napatakbo na rin ito papalabas.Habangnnagtaakbuhan palabas ang mga tao ay di pa rin makalabas si Jerico dahil hinahanap niya si Assunta.

Walang kamalay-malay si Jerico na iilan na lang silang naiwan sa loob kasama ng manager at mga crew dahil sa kakahanap niya kay Assunta.

"A-a-a-aah!" sambit ng babae.

Napalingon si Jerico at nakita niyang nag-uumpisa ng gumapang ito.Napaatras si Jerico at di agad makagalaw.

"Ahhhhhh!" Napasigaw sa takot na sabi ng isang crew.

At sa sobrang takot ay nagkani-kaniyang tago sa loob.Biglang may humatak kay Jerico na isang crew.At nagtakgo sila sa loob ng kusina at kanilang sinara ang pinto.Samantala ang manager naman ay nakapagtago sa ilalim ng counter.Habang nagtatago ay kinuha niya ang kaniyang cp at may taong tinawagan para humingi ng tulong.At habang nakikipag-usapa ito ay narinig niyang papalapit ang mga yabag ng babaeng naging halimaw.Dahan-dahang sumilip ang manager sa may counter at laking gimbal niya ng bigoang bumulaga ito sa kaniyang haraoan at masamang nakatingin sa kaniya.

Naghihiyaw sa takot ang manager..

"Saklolo saklolo!"

Nakatingin ng masama sa kaniya ang babaeng naging halimaw at bigla siyang dinakma nito, sa kaniyang leeg at inilapit nito ang kaniyang mukha sa mukha ng manager habang mahigpit niyang sinasakal, napabuka ang mga bibig ng manager hanggat nalagutan ito ng hininga..

.......

Nag kaniya kaniyang direksyon na ng takbuhan ang mga tao sa labas ng resaturant at isa na si Assunta, hinahanap niya si Jerico ngunit hindi niya ito makita.

"Baka makalabas ang halimaw umalis na tayo rito!" Sigaw ng isang customer.

Maya-maya ay may isang van na huminto sa kanilang harapan.

"Yung mga may gustong sumabay, sumakay na kayo!" sabi ng driver ng van, at nagsakayan ang mga tao na walang makitang taxi?

Nagsakayan ang mga taong kasabay ni Assunta ngunit si Asunta ay naiwan.

"Miss sumakay ka na, baka lumabas na yung halimaw sa restaurant!"

Walang nagawa si Assunta at sumakay na din ito..

.....

Mabilis naman nakasakay si Gail at Jake sa kanilang sasakyan ngunit di pa sila umaalis, inaabangan nilang lumabas ang babaeng naging halimaw upang makuhanan ng video,

"Gail, kailangan na nating umalis!"

"Pero kailangan nating makuhanan pag lumabas yung babaeng naging halimaw!"

"Delikado Gail baka makita tayo sa loob ng kotse at baka salakayin tayo!"

"Sa tingin ko ligtas tayo sa loob nito, maraming nakaparadang sasakyan dito,"

Walang nagawa si Jake kaya naghintay sila, nandoon sila sa kabilang kalsada ng restaurant at nakikita nila ang entrance nito, inaabangan nila na lumabas ang halimaw para makuhanan ng video.

......

Samantala... habang nagtatago sa loob ng kusina si Jerico kasama ng ibang crew ay kinikilabutan silang lahat sa naririnig nilang paghingi ng saklolo ng kanilang manager ngunit wala silang magawa.

Si Jerico naman ay walang ibang iniisip kundi si Assunta.

.......

Maya maya lang, ay nagdadatingan na ang mga sasakyan ng mga pulis.

At matapos sakmalin ng babaeng naging halimaw ang leeg ng manager ay narinig nito ang mga wang wang ng mga pulis at bigla itong napatakip ng kaniyang tenga at naghanap ito kung papano makalabas.At nang nakita nito ang pintuan ay agad itong mabilis na gumapang palabas.Samantala habang nag aabang sila Jake at Gail sa kanilang kotse ay nakita nilang lumabas ng pinto ng restaurant ang babaeng naging halimaw na gumagapang na parang hayup.Kinukuhanan ni Jake ang halimaw kahit nangangatog sila sa takot..at biglang napatingin ito sa kanilang sasakyan...

"Jake! umalis na tayo lalapitan niya tayo Jake!" Takot na takot na sabi ni Gail.

Sinusian ni Jake ang kaniyang sasakyan at bumukas ang makina nito, at narinig sila ng halimaw at napatingin sa kanilang sinakyan at nag-aambang lalapit sa kanila nang lumalaks muli ang mga wang wang dahil andyan na ang mga pulis. Nang narinig ng babaeng halimaw ang papalapit na mga sasakyan ng mga pulis ay biglang gumapang ito papalayo hangga't nawala ito sa paningin.

"Jake, umalis na! "

Nakita nilang nag bababaan ang mga pulis sa kanilang sasakyan at pumasok sa loob ng restaurant, nang nakita ni Gail na ligtas na ay bumaba na rin sila at nakibalita..

Pag pasok nila sa loob ng restaurant ay laking gulat nila ng nakita nila ang pinatay na manager ng restaurant na iyon, nangingitim ang mga balat nito at naninigas at nakabuka ang mga bibig.

Kinilabutan ang mga pulis sa kanilang nakita, maya maya ay bumalik ang kasintahan ng babaeng naging halimaw, at nanlumo ito.Naglabasan na ang mga crew at nakita ni Jerico na pinagkukumpulan ng mga pulis ang napatay na manager , hindi na ito tiningnan ni jerico at mabilis siyang lumabas at hinanap niya si Assunta ngunit di na niya makita ito.Walang nagawa kundi sumakay ng kaniyang sasakyan at umalis.

...

Kinausap ng mga pulis ang kasintahan ng babaeng naging halimaw,at tinanong siya ni Gail upang sabihin nito kung papano ang nangyari.

"M-Masaya po k-kaming nag-uusap nang bigla na lamang siyang natulala, tapos......biglang yumuko ang kaniyang mga ulo at hindi siya nagsasalita, ..... S-Sabi ko sa kanya huwag siyang magbiro, ....t-tapos biglang iniangat niya ang kaniyang mukha at tumingin sa akin ng mga nakakatakot na mga tingin....at unti unti n-nagbabago ang kanyang anyo....tapos bumaluktot ang kaniyang ulo at pati na rin ang kaniyang mga daliri at sumunod ay ang buo niyang katawan at bumagsak siya sa sahig, tapos n-nagbabago ang kaniyang kulay hanggang nagbago ang kaniyang buong anyo, nakakatakot!!" Nauutal na sabi ng kasintahan ni Alice.

"Bago ba nangyari ito , may kakaiba bang kinikilos ang girlfriend mo noon?"

"Wala po, taga London po kami nagbakasyon lang kami dito,"  sabi ng kasintahan ni Alice,

"Nakuhan po namin ang mga pangyayari mula nahulog sya sa sahig " sabi ni Jake.

Ni play nila ang video camera ni Jake at kinilabutan ang mga pulis sa kanilang nakita.

Humingi ng kopya ang mga pulis para sa kanilang record..

Nagpunta sa harap si Gail at nag report ito ng exclusive.

"Isang malagim na pangyayari ang naganap dito sa restaurant Inn cafe, isang babaeng customer ang bigla na lamang naging halimaw! nasaksihan ng mga taong kumakain sa restaurant na ito, palaisipan pa din kung papano nangyari ang bagay na di maipaliwanag ng mga nakasaksi at isa ako sa mga nakasaksi ng isang kakilakilabot na pangyayari! kaya kinakailangan ng lahat na mag ingat dahil sa ngayon ay gumagala ang babaeng naging halimaw! Panoorin ninyo ang footage ng pangyayari!"

Matapos nilang mag taping ni Jake ay nagpunta agad sila sa kanilang opisina upang ihabol ang nasagap nilang balita..

Dumating ang kanilang boss at hindi ito makapaniwala sa nasagap na balita ni Gail, pinakita nila sa tv nung gabi na iyon ang actual footage ng mga pangyayari..at maraming tao ang nanood at tumutok sa news na yon, nag lipatan ng mga channel ang mga nanonood ng kabilang news station at lumipat sa news na inihahayag ni Gail, at naging usap usapan ito sa social media at nag viral ang video ni Jake.

......

Pag uwi ni Jerico sa kaniyang condo unit ay di pa rin ito mapalagay sa mga pangyayari, naiisip niya si Assunta..sinisisi sarili niya kung bakit napabayaan niya ito at nag aalala siya para dito.

Maya-maya ay nag ring ang kaniyang cellhone, tumatawag si Lara.

"Hello sweetheart, manood ka ng tv, may nakakatakot na pangyayari sa Cafe Inn, doon sa madalas nating kainan, kinikilabutan ako!"

Binuksan ni Jerico ang tv at nakita niya ang itsura ng babaeng naging halimaw, pinag uusapan ito sa tv ng live at si Gail ang nag rereport upang ikuwento ang mga pangyayari.

Hindi pa tapos ang news ay pinatay na ito ni Jerico at makalipas ang isang oras ay dumating si Lara.

Nakita niyang balisa si Jerico.

"Are you ok?"

Hindi kumikibo si Jerico.

"Hey ! Naririnig mo ba ako?"

Doon lamang nakapagsalita si Jerico.

"Sorry, nandoon kasi ako sa restaurant na iyon at nakita ko ang mga pangyayari "

"What ? At sino naman ang kasama mo doon?"

"Yung ..yung model na napili ko,"

"May napili ka na?"

"Oo "

"At bakit mo naman niyaya mag dinner?"

"Saan ka ba interesado malaman sa nangyaring napanood mo sa tv o sa trabaho ko?"

Hindi nakakibo si Lara at nagpakumbaba ito.

"Pasensya na sweetheart, ok sige gusto kong malaman ano ang nangyari? Nakita mo yung halimaw? ang sabi sa tv customer lang daw iyon at bigla na lamang nag kagayon, nakakakilabot naman my gosh, kuwentuhan mo naman ako,"

Habang kinukuwento ni Jerico ay kinikilabutan si Lara.

"Dito na muna ako matutulog ngayon, natatakot akong umuwi."

Ngunit si Assunta ang nasa isip ni Jerico.

.......

繼續閱讀

You'll Also Like

87K 2K 35
Gaano mo ba kakilala ang mga kaibigan mo?... Sapat na ba na alam mo ang ilang impormasyon tungkol sa kanila? Gaano mo sila pinagkakatiwalaan? Alam mo...
55.3K 1K 16
Masayang bakasyon sana ang plano ng limang magkakaibigan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naging karumal-dumal ito. Napadpad ang kanilang sin...
15.2K 517 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
149K 1.8K 93
"Hindi ako malandi, maganda lang ako. Nakakahaggard kayo ng beauty huh??" *Flips hair* Meet Tonyang, ang babaeng hindi daw malandi dahil maganda daw...