Freunde Series 3: Captive Hea...

By jsusies

160K 3K 69

Haunted by her past, Joni tries to search for her lost love only to find herself in the arms of a man who is... More

Chapter 1: The Abduction
Chapter 2: Food Poison????
Chapter 3: hindi aanuhin pero inanu pa rin ^_^
Chapter 4: I love u forever
Chapter 5: Meeting Mr. Exact Replica
Chapter 6 Let go and move on
Chapter 7 start of a sinful affair
Chapter 8: Perfect Team
Chapter 9: Akin Ka Muna
Chapter 11: Ganun na lang ba iyon?
Chapter 12: Do you see him in me?
Chapter 13: The only place I want to be
Chapter 14: Confrontation
Chapter 15: It's Time to Let You Go
Chapter 16: Win Your Heart Again
Chapter 17: Perfectly Captured Heart <finale>

Chapter 10: Gusto ko tayo lang

6.7K 148 2
By jsusies

Mabilis na pumasok si Joni sa loob ng main branch ng Squisito kung saan matatagpuan din ang pinaka opisina nito. Alam niyang doon niya matatagpuan ang kanyang kaibigang si Aludy. Halos hindi na sila nagkikita-kitang magkaibigan dahil pareho na silang busy sa kani-kanilang propesyon. How times fly. Dati ay hindi sila halos magkahiwalay na tatlo sa lahat ng lakad nila pero ngayon may sari-sarili na silang buhay. Hindi na sila tulad ng dati ng mga ito na halos araw-araw kung magkasama. Ngayon marami na silang intindihin at marunong na rin silang maglihiman sa isa’t-isa. Kung siya ay naglilihim sa kanyang secret affair kay Ivan si Aludy naman  ay pinaglilihiman sila sa mga death threats na natataggap nito.

“anu meron dito?” bungad niya agad ng naabutan naman niyang kausap ni Aludy si Shyne kasama ang fiancé nito.

Binati naman agad siya ng mga ito at saglit pa silang nag-usap tungkol sa bid nila dahil na rin sa pagtatanong ni Dave.

“How much is the project worth?” tanong ulit ni Dave. Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata ni Aludy tanda na nabobore na ito sa usapang negosyo. Si Shyne naman ay napaka attentive sa bawat sasabihin ni Dave. Masaya siya para sa kaibigan at may kinahinatnan din ang mga panliligaw nito noon kay Dave.

“17.5 billion, geezz it’s a real big project and it’s a joint venture with Roxas Equity Ventures and Inc. I really need to focus on this project and win the bid para hindi ako itapon pabalik sa Canada.” Determinado niyang wika. Hindi na lamang niya sinabi na naipanalo na talaga nila ang bidding. Final draft na lamang ng kontrata ang inaayos at pirmahan na para masimulan ang project. She knew Ivan did everything just to win the bid at proud talaga siya para sa lalaki. Kaya lamang sila bumalik ay dahil sa may aayusin ang lalaki sa kapitolyo at siya naman ay sa opisina niya.

“ikaw na Joni, goodluck” biro ni Aludy sa kanya.

“hoy hindi iyan ang pinunta ko dito.” Seryosong niyang sabi dito. “Tumawag ako kanina, sabi ni Chrezzy may nagpapadala daw sayo ng ulo ng pusa kagabi. Anu okay ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong.

“kanina pa ako dito pero hindi mo man lang binanggit iyan.” Inis na wika ni Shyne pero bakas din dito sa pag-aalala para sa isa nilang kaibigan. 

Aludy bit her lip and she heard her cussed. “sorry nawala sa isip ko at isa pa okay lang ako. tinutulungan ako ni Robert. May kinuha nga siyang security guards for me at imbestigador para mapadaling malutas ito. No need to worry.” Assurance niya.

Hindi naman nagtagal at nagpaalam na rin si Shyne at Dave dahil may gagawin pa daw sila. Naiwan sila ni Aludy na nag-uusap. Joni rolled her eyes nang makita kung sino ang caller.

“Kuya Hitler, I need to take this” sabi niya at bahagyang lumayo kay Aludy para sagutin ang tawag ng kanyang Kuya.

“Yes kuya?” bungad niya sa kapatid na nasa kabilang linya.

“How’s everything in there?” tanong agad nito.

“Everything’s fine kuya Hit. We won the bid.” Masaya niyang balita

“Good. I’ll be in Manila soon. I need you to find me a maid. I got to go princess I have a meeting. Love you.” Hindi pa man siya makasagot ay nawala na ito sa linya. Hindi niya naiwasang mapamura. Kung darating ang Kuya niya paano na sila ni Ivan? Or maybe it’s just right na darating ang kuya niya para matigil na ang kahibangan niya. Napangiwi siya sa kaisipang iyon dahil agad na tumutol ang puso niya. Paano niya titigilan ang isang kahibangan kung iyon naman ang muling bumuhay sa kanyang damdamin pagkalipas ng halos limang taon. Napailing na lamang siya at inamin sa sariling hindi niya kayang layuan si Ivan.

Pupuntahan na sana niya si Aludy nang makita niya itong sumisigaw at buhat-buhat ni Robert. Napailing na lamang siya at muling tiningnan ang celphone na tumutunog. Automatically her lips formed into a smile at bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makitang si Ivan ang tumatawag. Noong isang araw pa itong bumalik samantalang siya ay kanina lang. Sinadya niyang magpaiwan para makaiwas na rin sa mga bali-balita. Nag ingat lamang siya.

“hello” kagat labi niyang sagot dahil baka tumili siya sa saya.

“I missed you so bad sweetie.” Malambing nitong bungad.

“I missed you too.” Walang patumpik-tumpik niyang sagot dito.

“really?” naninigurado nitong tanong. Alam niyang nakangiti ito kahit hindi niya ito nakikita.

“really.” She bit her lip to suppress her giggle. Kung bakit naman kasi kinikilig siya sa simpleng tawag nito.

“Well if you really missed me eh di makipagkita ka sa akin ngayon.” Malambing nitong wika.

“Huh? Saan?” tanong niya. Pupunta talaga siya dahil gusto niya itong makasama. Miss na miss na niya ito at kahit madalas itong tumawag sa kanya ay hindi pa rin sapat.

“I’ll text you the place. I love you.” Sabi nito at nagpaalam na sa linya.

Excited naman siyang makita at makasama itong muli. Papalabas na sana siya ng mapansin niyang medyo nag-iingay sa loob ng restaurant. Napansin niyang nakatingin ang mga tao sa entrance at kaya naman pala ay papasok si Aliyah ang sikat na artistang asawa ni Ivan. Ayaw man sana niya itong kausapin dahil nagiguilty siya sa pinagagawa niya pero huli na kasi nakita na siya nito at nginitian .

“Kumusta ka na Joni? It’s good to see you again.” Sabi nito sabay halik sa kanyang pisngi.

Ginatihan na lamang niya ito ng halik. “mabuti naman. Ikaw kumusta?”

“I’m good. Medyo hirap lang maglihi lalo at laging wala si Ivan sa tabi ko kasi busy sa trabaho.” Medyo malungkot nitong wika. Napalunok siya ng laway dahil sa sinabi nito. Mas lalo tuloy siyang na guilty. Ito ang asawa at buntis pa pero siya ang laging kasama ng asawa nito at wala itong kaalam alam na bukod sa trabaho ay siya ang inaatupag ng asawa nito.

“Ahm ganun ba. I really have to go Aliyah may  important meeting pa kasi ako eh.” Sabi niya upang makaiwas sa usapan. Naninikip kasi ang dibdib niya sa sobrang guilt na nararamdaman. Wala siyang ibang gawin kundi ang takasan ang presensiya nito.

“oh sige pasensya sa abala. Mag-ingat ka Joni. Hope to catch you next time.” Nakangiti nitong wika.

“ikaw din ingatan mo ang baby mo.”  Sabi niya at halos takbuhin ang pinto palabas ng Squisito.

Paglabas niya sa restaurant ay agad siyang nag buga ng hangin at napahawak sa kanyang dibdib.

“Anyari?” bati ni Chrezzy na nasa labas pala ng Squisito at kausap nito si Emerald na nag papart time sa Squisito. Malapit itong kaibigan ni Chrezzy kaya kilala niya ito.

Ibinilin na lamang niya ang restaurant kay Chrezzy dahil nga tinangay ni Robert si Aludy. Nasabi rin niya na kailangan niyang maghanap ng katulong para sa kapatid. Nagkataon naman na naghahahanap pala ng trabaho si Emerald at nag volunteer na ito na kung pwede ito na lang ang kunin. Pumayag naman siya at alam niyang kailangan din nito ng trabaho.

Pagkatapos ay agad siyang nagpaalam para puntahan ang hotel na sinabi ni Ivan sa kanya.Pagdating niya doon ay agad siyang hinila nito at siniil ng halik na agad naman niyang tinugon.

“I missed you so damn much sweetie.” He murmured between kisses. Napangiti na lamang siya dito sa pagitan ng kanilang mapupusok na halik.

“I missed you too.” Sagot niya na unti-unti na namang tinatangay ang kanyang lohikal na kaisipan dahil sa tawag ng damdamin at pisikal na kapusukan.

Pagkatapos ng isang mainit na tagpo ay pareho silang nakahiga ni Ivan sa kama ng magkayakap habang ang kanyang ulo  ay nakaunan sa dibdib nito at malayang pinakikinggan ang malakas na tibok ng puso nito. Napaangat siya ng tingin ng maramdaman niyang pinasasadahan ng palad nito ang kanyang mukha.  Tipid niya itong nginitian.

“Nagkita nga pala kami ni Aliyah.” Sabi niya na ikinakunot-noo nito.

“saan?” walang gana nitong sagot.

“Sa Squisito. Paalis na ako ng dumating siya.”

“Okay.” Tipid nitong sagot.

“sabi niya wala ka na…”

“ssshhhhh” saway nito sa sanay sasabihin niya. “I don’t want to hear about it okay. Pag tayong dalawa lang ayaw kung isipin mo siya. Gusto ko tayo lang.” sabi nito at ramdam niyang pinaglalandas ng mga kamay nito at humahaplos sa kanyang likod pababa na naghatid na naman sa kanya ng kakaibang kilabot. He pulled her waist closer to his body and started kissing her neck. She let a moan when he did that at dahil sa masyadong magkadikit ang kanilang mga katawan ay ramdam niya agad ang matigas na bagay na nakatusok sa kanyang puson.

“Again?” wika niya na nanlalaki ang mga mata.

“Can’t help it when I’m with you.” Nakangisi nitong wika at siniil siya ng halik sa mga labi na agad naman niyang tinugon.

Sa bawat sandaling kasama niya ito simula ng may mangyari sa kanila sa Cebu ay  Iniiwasan niyang isipin na hinihiram lamang niya ang lalaki dahil sa tuwing gagawin niya iyon ay kinakain lamang siya ng guilt at lungkot. Para sa kanya silang dalawa muna ang mahalaga. Sila lang at wala ng iba. Ivan always makes her feel wanton at pinararamdam nitong mahal siya nito. Aaminin niya na sa kabila ng maling sitwasyon ay masaya siya sa piling nito. After almost five years she felt happy again.

Napag usapan rin nilang personal na asikasuhin nilang dalawa ang trabaho nila sa Cebu para makasama  nila ang isa’t-isa lalo na sa Cebu kung saan mas malaya silang makagalaw. Nag-iingat din naman silang dalawa para hindi sila mahuli. There are times na umaayaw na siya kaya lang no matter how try she stopped herself of not seeing him ay hindi naman niya magawa. Sa bandang huli natatagpuan pa rin niya ang sarili niyang kasama ito. She is happy with him lalo at kamukha ito ni Carl. She love the thought na kahit na wala na ito ay may pumalit naman dito para pasayahin at mahalin siya. Sayang nga lamang at may asawa na ang kapalit ni Carl sa puso niya.

She suddenly felt his hands on her bare breast. His lips made its way to her breast and gently suck on it like a hungry child. Napaungol na lamang siya sa kakaibang hatid na kiliti na dulot ng mga ginagawa nito. Again she surrendered herself to him.

Nagising silang pareho sa ingay ng tunog ng cellphone ni Ivan. Inabot niya ang cellphone nito para ibigay sa lalaki at nakagat na lamang niya ang labi ng makitang si Aliyah ang nasa kabilang linya. Mabilis niyang inabot dito ang cellphone.

 “Si.. si Aliyah tumatawag.” Sabi niyang inabot dito ang aparato ng hindi tumitingin sa mukha nito. Dinig niya ang buntong-hininga nito na parang nagdadalawang-isip kung sasagutin nito o hindi ang tawag. “Sagutin mo na, naiintindihan ko naman.” She said and managed a smile. Alam kasi niyang siya ang dahilan kung bakit parang ayaw nitong sagutin ang phone ito.

Kinuha nito sa kanya ang telepono at lumabas papuntang terrace para marahil hindi niya marinig ang pag-uusapan ng mga ito. Ilang saglit pa ay bumalik na ito at mukhang problemado.

“what’s wrong?” tanong niya.

He sighed and looked at her with that ‘please-understand-me-look.’ on his face. “Kailangan kong umuwi ngayon darating daw ang mga magulang namin sa bahay para bumisita.”

She smiled at him para itago ang pait at lungkot na kanyang nararamdaman. Wala siyang karapatan na pigilan ito dahil sa kanila ni Aliyah alam niyang siya ang kabit. Siya ang nanghihiram. “Ganun ba sige mauna ka na at magbibihis pa ako.”

“Ihahatid na kita.” Sabi nito.

“No.. I mean hindi na kailangan. Nasa baba ng hotel ang mga bodyguards ko kaya hindi mo na ako kailangng ihatid. Isa pa hindi tayo pwedeng makitang madalas magkasama sa labas kung hindi rin sa trabaho. Alam mo na, hindi tayo  pwedeng pag-usapan.” Paliwanag niya. Naintindihan naman marahil nito dahil hindi ordinaryo ang sitwasyon nila. Hindi nila pwedeng ilantad ang relasyon nila dahil marami ang masasaktan at natitiyak niyang hindi magiging madali kay Ivan ang lahat pag natuklasan ng kanyang pamilya ang bawal niyang relasyon sa lalaki.

“sana dumating iyong time na hindi na natin kailangang magtago.” Malungkot nitong wika. Tipid na ngiti na lamang ang isinagot niya dito dahil siya man ay iyon din ang gusto pero kung paano iyon mangyayari ay hindi niya alam.

“sige na umalis ka na dahil bibiyahe ka pa.” iwas na lamang niya sa usapan nila.

Nilapitan siya nito at hinawakan ang kanyang mga palad. “Ayaw kong iwan ka.” Masuyo nitong wika na ikinataba ng puso niya. Bakit kasi ang lambing nito lalo tuloy siyang napapamahal dito.

“Sus okay na iyon. Ako na ang bahala sa sarili ko.” Sagot na lamang niya. Kailangan nitong umalis dahil pag nagtagal pa ito baka pigilan niya itong iwan siya.  

He pulled her to him at mahigpit siya nitong niyakap na ginantihan niya naman ng mas mahigpit na yakap. “Im sorry.”

“Ayos lang ano ka ba. Naiintindihan ko naman.” Masakit man sa parte niya pero totoong naiintindihan niya ito. Hindi madali ang sitwasyon nilang dalawa.

“I love you.” Sabi nito at kinintalan siya ng halik sa labi.

“I love you too.”

“I call you later.” Sabi nito. Siniil siya muna nito ng madiin na halik bago lumabas sa silid. Napabuntong hininga na lamang siya habang tinatanaw itong umalis. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 118 19
[WARNING: RATED SPG!] MORRISON SERIES #3 Athena Vanesse Morrison and Zephyr Frost Dela Vega DATE STARTED: SEPTEMBER 13, 2023 DATE FINISHE:
40.5K 1.2K 15
Marie Claire Lorenzo is An ordinary working girl. Well,thats people thought.. But behind that, She is an Heiress for multi Billion Business Empire.. ...
195K 5.3K 17
Unang beses pa lang na narinig niya ang baritonong boses ni Vladimir ay na-curious na siya agad kung anong klaseng lalaki ito. At nang makita niya it...
139K 3.5K 13
Isa siya sa pinakabatang negosyante at meyembro ng Gentlemen's bar. Maaga siyang namulat sa paghahanap-buhay buhat sa pagkamatay ng kanyang ina. Ayaw...