The Basketball Jerk [Ongoing]

By acerkim

611K 9.4K 1.5K

"Yung inakala mong one-sided love lang sa part mo, yun pala mas mahal ka pa niya." - Louise Anne Gabriel All... More

Chapter 1: Darned!
Chapter 2: Oh he's got to be kidding me!
Chapter 3: That moment when...
Chapter 4: Lub dub! Lub dub!
Chapter 5: He cares.
Chapter 6: Crap! Akala ko yun na yun!
Chapter 7: Bawi-bawi lang!
Chapter 8: What my heart yearns...
Chapter 9: The Thing I Do Best
Chapter 10: Weak lang kasi ako eh...
Chapter 11: Coincidence?
Chapter 12: And she cried...
Chapter 13: The TV episode!
Chapter 14: That moment to dare! ^__^
Chapter 15: "I don't think so..."
Chapter 16: "Hindi siya, IKAW!"
Chapter 18: Let it go
Chapter 19: Heat vs. Spurs
Chapter 20: It stings!
Chapter 21: Missing you...
Chapter 22: The Restraining Order!
Chapter 23: His Little Secret
Chapter 24: Redemption
Chapter 25: The Boyfriend in Due Time
Chapter 26: The Man Behind the Arrogance
Chapter 27: The Basketball Court

Chapter 17: Girlfriend?

16.6K 246 36
By acerkim

“Hmmm…” Natigilan ako at napalunok. Halla naman, di ko alam kung ano isasagot ko. Ni hindi ko naman kasi naiisip na darating pala ang ganitong pagkakataong tatanungin niya ako ng ganito. Pero sandali nga, bakit nga ba kasi hindi pwede?

Muli akong napatingin sa kanya na umaasang palalagpasin niya ang tanong niyang iyon, kaso hindi eh.  His eyes seemed to be longing for an acceptable reason. Pero hindi pa rin ako makahagilap ng isasagot.

“Is it because you don’t see me as a man?” and I wasn’t expecting that at all. “Dahil ba hanggang ngayon, ang nakikita mo lang sa akin ay gagong kaibigan mo dati?” hindi ko ma-explain ang itsura niya habang tinatanong niya ako. Yung parang may lungkot sa mga mata niya habang nakatingin siya sa akin pero hindi ko naman ma-justify kasi pangiti-ngiti naman habang tinatanong niya yun.

“Siguro?” pakunot at patanong na sagot ko. In fairness ha, kahit papaano I suddenly had the guts to answer his questions.

“Siguro?” ulit niya, at sadyang ayaw niyang palampasin yun. “Di ka sigurado? May iba pa bang dahilan?” at biglang sumeryoso pa siyang tumitig sa akin. Teka lang, iba na ‘to ah. Ba’t kelangan niyang malaman?

“Ahm,” at kunwari tumingin pa ako sa itaas at nag-isip. “Kasi nga, imposible namang magkagusto ka sa akin di ba?” nakangisi kong sinalubong ang mga mata niya. “Kilalang-kilala na kita Harold, I know exactly what kind of women you go out with. At wala akong binatbat sa mga yun. Sabi mo pa nga, katawan ko pa lang bagsak na di ba? Kaya imposibleng magustuhan mo ako,” at kunwari pailing-iling pa daw ako. Pero what the hell was that?  Anu-ano na ba ‘tong pinagsasabi ko? Hindi ba parang ang bitter lang ng dating?

“You’re so confident about that, huh?” at biglang nagbago ang reaction niya. Para pa kasing mas nalungkot pa siya sa pinagdadakdak ko.

“O-oo k-kaya,” tuloy bigla akong na-distract.

“’Nay, masyado mo naman atang minamaliit ang sarili mo,” sabi niyang pilit na ngumiti saglit. “Hindi mo ba alam na pamatay yang appeal mo?” at biglang nangingiting dagdag niya. “Nakikita pa nga lang kita, napapangiti mo na ako eh,” ano daw? At wala sa oras ay nag-init naman na ang mukha ko. Grabe, kahit alam kong nanggagago lang siya eh di ko talaga mapigilang magblush. Tuloy, mas napangiti pa siya.

“Haha,” pekeng tawa ko saka ko siya tinaasan ng kilay. “Please don’t bother, di ako utu-uto,” basag trip ko pang sagot sa kanya.

“Ba’t ba kasi ayaw mong maniwala?” at natatawa naman na siya.

“Ewan ko sa’yo!” naiiritang tinalikuran ko siya.

And then silence. Di na siya muling nangulit pa. Buti naman dahil honestly, bigla akong na-conscious sa pinagsasabi niyang appeal ko. Tae lang, kung alam niya lang kung gaano ko kagustong sana nga tinamaan siya nun.

“Uy alis na ako!” baling ko sa kanya nang maisipan ko. Pero nagulat na lang ako when I caught him staring at me. What is it that is with him this time?

“So yun lang pala ang dahilan kung bakit naisip mong imposibleng maging tayo? Dahil akala mo di kita type?” he paused. “Parang sa akin lang nakadepende yun ah. How about you then? Do you find me---?”

“No!” agad-agaran kong sagot. “Asa ka ha, ayoko din kaya sa’yo. Hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko with you in a romantic relationship eh. It just doesn’t seem right, di ba?” mahabang sagot ko nang di makatingin sa kanya nang diretso. It’s because I know for a fact that whatever nonsense I’m blabbering right now is the opposite of what I’ve been yearning for a long time.  “Kaya quits na tayo ha, di mo ako type at ganun din ako sa’yo period.”

At mayamaya pa’y natahimik na naman siya. Hindi ko tuloy mapigilang mapag-isip-isip kung ano kayang mga nasa utak niya ngayon.

“What if I don’t agree with you?”

“Huh?”

“Panu pag… Panu pag sinabi ko sa’yong gusto kita, hindi lang bilang yung babaeng kinasanayan kong alagaan?”

 

.

.

.

What? Wait? Am I hearing this right? Pero natameme lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi niya eh. Basta nawiwindang lang na nakatitig ako sa kanya.

“Paano pag sinabi ko sa’yong  mahal na mahal kita noon pa?” seryosong-seryosong ang mukha niya as he moved closer towards me. Bigla tuloy akong ninerbyos. Totoo ba ‘to?

“H-harold…” mahinang sambit ko sa pangalan niya na sobrang kabado at bahagya pa akong napa-move pagilid kasi palapit na palapit na talaga siya sa akin.

“Panu pag inamin ko sa’yong gustung-gusto kitang yakapin at halikan?” pero dire-diretso pa rin siya sa mga wierdong pinagsasabi niya. “Na pinipigilan ko lang ang sarili ko kasi natatakot akong baka sabihin mong di tayo pwede,” at mayamaya pa’y mas nagulat ako when he cupped my face and then looked straight into my eyes. “Louise, what if?”

My goodness, what the heck is this? Naguguluhan pa rin ang utak kong di makapaniwalang sinalubong ang mga mata niya. Honestly, I don’t know what to think right now. Hindi ko siya ma-figure out kung nangaga-gago lang ba siya or totoo ang mga pinagsasabi niya. Dagdag pang inaatake pa rin ako ng kaba.

“’Nay,” pero di lang siya dun nagtapos kasi without permission at all, he held my hand. “’Nay, are you okay? You’re trembling,” oh my gosh, yeah now I noticed! Pero mas nagulat na lang ako nang bigla siyang bumungisngis at pagkatapos ay napahagalpak ng tawa. “’Nay ba’t nanginginig ka?” tawang-tawa pa rin siyang lumayo sa akin. “Naniwala ka dun?” at mayamaya pa’y nakapanggagagong tanong niya. “Wow, now I discovered I’m good in acting,” at ngising-ngising baling pa niya sa akin.

Saka naman ako natauhan sa kung ano ng nangyayari. Biglang nagsi-akyatin ang dugo ko sa ulo at mayamaya pa’y wala sa sariling pinaghahampas ko siya.

“Bastos ka talaga!” sabay hampas. “Gago ka! Nakakainis ka!”

“Aray! Uy nay, nagbibiro lang ako, sorry na oh,” pero nakangiting tinatanggap naman niya ang bawat hampas ko.

“Nakakabwisit ka!” and then I burst out. As in literal na burst out kasi biglang nagsilabasan na naman ang mga pambihirang luha ko. Tae lang kasi, wagas-wagas namang pangagago yun di ba? To the extent pa nga na I was fooled to almost believe that that was real. And the truth is, what’s even making me depressed right now is the fact that that wasn’t true at all. Dahil unconsciously umasa na naman pala ang puso ko na sana totoo yun and yet it turned out na hindi na naman. Ampootek lang talaga oh!

“’Nay…” hinuli niya ang mga kamay ko para tumahan ako. “Uy, sorry…” natatarantang pigil niya sa akin pero di ko siya pinansin at pinaghahampas ko na naman ang kamay niyang nakahawak sa akin.

“You really think this is funny huh? Nakakatuwa na ba ‘to sa’yo?” bwisit na bwisit at naiiyak ko pang tanong sa kanya. “Lagi ka na lang ganito, tinatakot mo ako lagi saka mo ako tatawanan dahil nauuto mo ako!”

“L-Louise…”

“I almost thought that was true… ” hindi ko mapigilan ang sarili kong sabihin yun. “Ang tanga-tanga ko kasi akala ko… akala ko…” at hindi ko na matuloy. Basta nag-uumapaw na lang kasi ang inis na nararamdaman ko ngayon. “Pwede ba next time, just keep your nonsense jokes to yourself,” matigas ang pagkakasabi ko nun.

Natahimik naman siya bigla at di makatingin sa akin ng diretso. Tapos mayamaya pa’y pililt siyang ngumiti at sinalubong ang mga mata ko.

“Yeah sure, I’ll keep that in mind,” and then his hand moved to my face at walang paalam na basta na lang niyang pinunasan ang basa sa luhang pisngi ko.  And then he sighed. “Napaiyak na naman kita,” sabi niyang ngumiti nang mapakla. “Pasensya na. It’s just that sometimes, I find it so hard to contain myself,” he stared at me for a moment and then looked away. “In a way kasi gumagaan ang dibdib ko pag nasasabihan kita ng mga walang kwentang jokes ko.”

This time ako naman ang natahimik. What does he mean by that?

“Don’t worry, next time di na ikaw ang pagtitripan ko,” at pilit na naman siyang ngumiti sa akin. “Sige na, alis na ako,” and then he just  patted my head.

*

“Ma, ba’t ang dami-dami niyo pong niluluto?” bungad kong tanong sa nanay ko pag-kauwi. Pagpasok ko palang kasi sa kusina eh sangkatutak naman na kasi ang inihahanda niyang dinner.

“May mga bisita si Harold anak, andiyan sa bahay nila ang team niya. May meeting daw ata,” sagot sa akin ni mama habang bising-busy sa ginagawa.

“Team niya ma nandito?” gulat na tanong ko ulit. Ngayon pa lang kasi may nangyaring ganito eh.

“Oo.  And since his mom’s not here, ako muna ang mag-aasikaso sa kanila tutal wala naman akong ginagawa,” paliwanag ni mama.

“Ah.”

“Ah Louise, wala ka pa bang gagawin? Pakidala nga tong mga sandwich sa kanila,” at nanlaki ang mga mga ko sa inuutos ni mama. Ako ang magdadala? Ewan ko pero bigla akong nahiya, andun yung buong team niya kaya.

“Ma, nahihiya ako. Baka ang dami nila doon,” di ko mapigilang angal. “Hindi ba pwedeng si Harold na lang kumuha dito?”

“Baka busy yun anak,  tsaka para makilala mo na rin yung sinasabi ng mga kaibigan niyang girlfriend niya, nandiyan din daw yata,” dire-diretsong sabi ni mama. Pero ang tanging na-trap lang sa utak ko ay ang tumataginting na salitang ‘girlfriend’.

“G-girlfriend niya ma?” di ko mapigilang ulit. “M-meron?”

=========================================

^___^Girlfriend? Tsk. Tsk. Tsk. Yan kasi Louise!

=========================================

A/N: Malapit na yung game nila Harold!!! Remember that sa oneshot? Doon na magsisimula ang lahat. I'm so excited! :D

Continue Reading

You'll Also Like

45.5K 1.9K 27
BL story. Ishan x Cedrix Sweet Serenade Series #2
3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.4M 48.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson