Split Again

By JellOfAllTrades

1.5M 42K 9.4K

Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nas... More

Split Again (GirlXGirl)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
From the Author

Chapter 18

24.3K 750 123
By JellOfAllTrades

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 18

"Gene!"

Sinalubong ako ni Rhian sa paglabas ko ng elevator.

"Oh, bakit?"

"Ingat ka kay Mam Rina ngayon. Mejo good mood siya."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, parang mali kasi. "Good mood? Hindi bad mood?"

"Good mood na nakakatakot. Yung tipong parang may masamang balak tapos naghihintay na lang ng magandang tiyempo?"

"Wow ha," napailing na lang ako kay Rhian, "sige na. Salamat sa pag-warn sakin."

Pumasok na kami ng opisina namin at sa pag-upo ko sa desk ko ay siya namang labas ni Mam Rina sa opisina niya dala ang tatlong makakapal na file binder. Huminga akong malalim at kinundisyon ang sarili kasi malamang, para sa akin yung trabahong iyon.

"Beltran," tumigil si Mam Rina sa tapat ko at pa-bagsak na ibinaba ang file binders, "pumunta kayo ni Jordan doon sa file room at paki-hanap yung folders ng mga taong naka-lista dito. I-record niyo kung kumpleto na ba yung requirements nila o kung anong kulang nila."

Kinuha ko yung isang binder at binuksan iyon. Ang inaasahan ko ay may page para sa isang tao pero parang lahat ata ng empleyado ng Rodriguez Corporation ay naka-lista doon.

"Lahat 'to? Hindi ba naka-lagay sa system natin kung may kulang pa silang requirements? Bakit kailangang isa-isahin yung records nila sa file room?"

"Kasi, hindi mo lang irerecord kung kumpleto yung requirements nila. Kailangan mo din i-check kung may files sila na kailangan i-update." Ngiting tagumpay na sagot ni Mam Rina sa akin.

Ini-scan ko yung listahan na tila nang-aasar kasi maliit ang font size at hindi naka-alphabetize. Aabutin ako ng maghapon o ng ilang araw para ma-check lahat ng files ng mga taong naka-lista dito.

"Jordan!" Tawag ni Mam Rina sa isa naming kasamahang lalaki na katabi ng table ni Rhian.

Agad na lumapit si Jordan. "Yes, mam?"

"Samahan mo si Gene sa file room at tulungan mo siya sa pag-record ng requirements ng employees natin."

"Sige po." Tango ni Jordan at nginitian ako. "Tara, Gene?"

Gusto kong umayaw sa utos ni Mam Rina kaso di ko alam kung paano lulusutan to. Pinagtinginan na nga ako noong minsang sinagot ko siya, pero noon may valid reason ako para tanggihan siya. Ngayon kasi wala.

Napabuntong hininga na lang ako. "Sige, tara."

Kinuha ni Jordan yung file binder sa kamay ko at humakbang na papuntang file room. Napailing na lang ako at kinuha yung dalawa pang binder. Mukhang hindi alam ni Jordan na nadamay siya sa pangti-trip ni Mam Rina sa akin.

"Ano yan?" Tanong ni Jordon nang mapansin yung karagdagang binders na hawak ko.

"Kasama to sa gagawin natin."

"Hala, shet. Ang dami pala."

Napangiti na lang ako sa expression niya. "Ano, game ka pa?"

"Bakit hindi? Tinatamad na din naman na ako dun sa presentation na pinapagawa sa amin ni Rhian."

"Presentation lang naman pala eh. Bakit ka tatamarin dun?"

"Na-try mo na ba mag-proof read ng gawa ni Rhian? Sumasakit ulo ko minsan sa wrong grammar niya."

"Ang hard mo kay Rhian ah!"

"Totoo naman eh!"

"Gene!"

Napalingon kami ni Jordan at nakita si Rhian na papalapit sa amin. "Pinapa-abot ni Mam Rina sa inyo 'tong susi."

Binigay sa akin ni Rhian yung susi para sa file room. "Salamat,"

"Sa file room kayo ngayon?" Tanong pa niya.

"Oo,"

Tiningnan ni Rhian si Jordan. "Pano yung presentation na pinapagawa sa'tin ni Mam Rina?"

"Kaya mo na yun. May bagong utos si boss eh."

Parang gusto kaming pigilan ni Rhian. "Seryoso ka? Di mo ba pwedeng i-check mamaya kahit saglit lang kung tama yung gagawin ko?"

"Kay Kuya RJ mo kaya ipa-check? Tutulungan ka nun." Offer ni Jordan. "Pasensya na ah?"

Parang hindi masaya si Rhian sa suhestiyon ni Jordan pero wala na din siyang magawa. "Sige sige. Okay lang."

Naglakad na si Rhian pabalik ng opisina namin, at tumuloy na din kami sa file room. Pero hindi pa siya nakakalayo ay tinawag niya ulit kami.

"Gene, harangan niyo pala yung pinto ng file room. Sira kasi yung doorknob nun. Baka makulong kayo sa loob."

"Sige sige! Salamat!"

Nasa second floor yung file room ng human resources, sa likuran ng security at ng generator room kaya mejo tago siya. Isang beses pa lang ako nakapunta doon noong minsang isinama ako ni Rhian para kumuha ng ilang files.

Pagkabukas namin ng pinto ng file room ay hinarangan namin iyon ng upuan para hindi kami makulong sa loob.

Malamig sa loob ng file room at maalikabok. May ibang mga ilaw din na napundi na kaya may ibang parts ng room na mejo madilim. Kung matatakutin ako'y di ko gugustuhing tumambay dito kasi parang may susulpot na multo mula sa mga bookshelf maya-maya.

"Ngayon na lang ulit ako bumaba dito." Sabi ni Jordan.

"Ako din,"

"May sinabi ba si mam Rina kung kailan niya kailangan yung kumpletong records?"

"Wala naman,"

"So, ibig sabihin ba nun pwede tayong magtagal dito?" Pilyong ngiti ni Jordan.

"Bakit, anong nasa isip mo?"

"Eh kasi kung babagalan natin, makakaiwas tayo sa trabaho sa itaas."

"Ay, wow."

"Totoo naman ah? Saka di nila tayo pwedeng pagalitan kasi ginagawa natin yung trabaho natin."

"Alam mo, instead na mag-pantasya ka jan, simulan na natin to para mabawas bawasan yung gagawin natin."

"Ang sungit mo talaga," kumento ni Jordan.

"Napaghahalataan naman yung katamaran mo." Balik ko sa kanya. "Pag ikaw nahuli kong kung ano anong ginagawa mamaya babatukan kita!"

"Wala pa nga may banta ka na agad?"

"Syempre." Inilapag ko yung dalawang binder sa isang bakanteng table at lumapit kay Jordan. "So, pano strategy natin?"

Binuksan ni Jordan yung binder na hawak niya at ini-scan yun. "Mukhang by year yung pagkaka-lista nito so simula tayo sa pinakaluma."

"Okay,"

"Kunin muna natin yung folders nila tapos saka tayo mag-record ng requirements nila."

"Sounds good. Game."

Pinahawak sa akin ni Jordan yung listahan ng mga pangalan habang siya naman yung kumukuha ng folders.  Nang makarami na kami ng folders ay ibinaba iyon ni Jordan sa bakanteng table, katabi ng dalawa pa naming binders.

"Sige na, magsimula ka na jan. Kukuha pa ako ng folders. Isigaw mo na lang yung mga pangalan nila para makuha ko."

"Sige,"

Nagsimula na kaming mag-trabaho.

Since matagal na sa kumpanya yung mga empleyadong nasa listahan ay may ilang files sila na kailangan na naming i-update.

Habang naglilista ako ay isinisigaw ko din yung mga pangalan ng ibang nasa listahan para makuha ni Jordan yung folders nila. Nang ma-kumpleto na yung folders ng mga tao sa first page ay sinamahan na ako ni Jordan sa table para tulungan akong mag-record.

Nang ma-upo siya sa tabi ko ay biglang may lumagabag sa direksyon ng pintuan at laking gulat ko nang makitang nakasarado na ito.

"Oh, shit!" Napatayo si Jordan.

"Nasan yung harang natin?!" Mejo nagpa-panic kong tanong.

Tiningnan ako ni Jordan na parang may ginawa siyang isang malaking pagkakamali. "Gene, wag mo ako sasaktan ah?"

"Nasaan nga yung upuan na ginamit nating pang-harang? Imposible naman atang hinangin lang---"

Napatingin ako sa upuan na hinila ni Jordan para makatabi sa akin sa table at na-realize kung bakit siya mukhang takot sa akin.

"Kinuha mo yung harang?"

"Sorry na, Gene!" Pagmamakaawa ni Jordan. "Di ko naman sinasadya eh! Nawala lang talaga sa isip ko. Saka yan yung pinakamalapit na upuan dito oh!"

Huminga akong malalim para pakalmahin yung sarili ko. Ayokong manakit ng ibang tao ngayon.

"May cellphone ka?" Tanong ko kasi iniwan ko yung akin sa bag ko.

Umiling si Jordan. "Iniwan ko sa drawer ko yung phone ko."

"Patay tayo jan. Pano tayo makakahingi ng tulong sa itaas?"

Lumapit si Jordan sa pinto at pinihit yung doorknob pero ayaw bumukas. Kinalampag niya yung pintuan at ilang beses sumigaw ng tulong pero dahil nga nasa likuran kami ng generator room, mukhang matatagalan kami dito sa loob. Sana lang may makaalala sa amin sa opisina at hanapin kami. Ayokong ma-stuck dito mamayang gabi.

Mga ilang minute din sumisigaw at kinakalampag ni Jordan yung pintuan, umaasang may security guard sa malapit na opisina ang makakapansin sa ginagawa niyang ingay pero sa pagtagal ng sigaw niya ay siya namang paghina ng boses niya. Nang mapagod ay hinarap na lang niya ako at ilang beses na nag-sorry.

"Kahit patawarin kita o hindi, stuck pa rin tayo dito sa loob."

"Sorry na talaga, Gene."

"Oo na, oo na." Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng iba pang paraan para makalabas kami dito. "Anong plano?"

"Ewan ko."

Matapos ikutin ang file room at maghanap ng pwedeng lusutan ay bigong naupo ako sa pwesto ko. "Wala, stuck talaga tayo dito hanggang sa may maka-alala sa atin."

"So, what do you want to do until then?"

Tiningnan ko na lang yung binders namin. "Well, since na andito na rin lang naman tayo, gawin na natin 'to. Para naman may sense pa yung pagkakakulong natin dito."

"Okay,"

Kumpara kaninang mejo tinatamad akong mag-record, parang namatayan naman ako ng loob ngayon pero pinipilit ko na lang i-push yung pagrerecord para malibang at di mapansin ang oras. Kung maghihintay lang kasi kami dito ay mas lalong wala kaming mararating.

"Gene, okay lang ba na habang nagrerecord tayo ay kinakausap kita?" Tanong ni Jordan.

"Oo naman,"

"Baka kasi galit ka sa'kin,"

"Di naman ako galit eh. Naiinis lang. "

Tumango si Jordan. "Sana maalala tayo ni Rhian bago mag-lunch."

"Lunch talaga yung naisip mo ano?"

"Syempre! Ang sarap pa naman ng baon ko ngayon."

Napangiti ako. "Ano bang baon mo?"

"Adobo," proud na sabi ni Jordan.

"Luto mo?"

"Hindi," ngiti ni Jordan, "luto ng mama ko."

Natawa ako. "Akala ko pa naman luto mo. Proud ka pa eh."

"Bakit? Masarap kaya magluto nanay ko!" Depensa niya. "Tingnan mo mamaya, pagkalabas natin dito bibigyan kita!"

"Sige na, sige na."

Natahimik kami habang nagrerecord. Pero parang di rin kaya ni Jordan na yung ingay lang sa generator room katabi ang naririnig kaya nagtanong siya.

"Kumusta pala kayo nung girlfriend mo?"

"Okay lang," pilit na ngiti ko, naaalala yung nangyari sa amin ni Oli nung nakaraan.

"Buti ka pa may girlfriend,"

"Bakit, single ka ba?" Tanong ko. "Akala ko may girlfriend ka din?"

"Sinong nagsabi sayo?"

"Si Rhian."

Natawa si Jordan. "No girlfriend since birth ako. Saan nakuha ni Rhian yung idea na may girlfriend ako?"

"Ewan ko dun. Parang naaalala ko lang na nasabi niya sakin nung minsan."

"Si Rhian talaga," napa-iling na lang si Jordan habang nagrerecord.

"Pero may niligawan ka na before?"

"Meron naman," sagot ni Jordan, "nung college ako may naging kaklase akong nagustuhan ko. Niligawan ko kaso di naman ako sinagot kasi 'studies first' daw muna siya."

"Eh nung nagtapos na kayo di mo sinubukan ulit ligawan?" Tanong ko. "I mean, kung gusto mo naman kasi talaga siya bakit hindi diba?"

Natawa ulit si Jordan. "Kung pwede lang. Eh ilang buwan pagkatapos niya akong bastedin narinig ko na lang na may boyfriend na siya."

"Seryoso?!"

"Seryoso! Sus, studies first pa daw siya." Isinara ni Jordan yung folder niya at kumuha ng panibago. "Eh ikaw, may nanligaw na sayong lalaki before?"

"Nung high school ako meron. Ilan din sila, pero di ko sinagot."

"Bakit, puro pangit ba?" Asar ni Jordan.

"Hindi naman, grabe siya oh."

"Eh ano lang? Bakit wala kang nagustuhan sa kanila?"

"Actually, may nagustuhan naman akong isa. Yung class musician namin. Kaso di ko talaga feel mag-boyfriend noon eh."

"Babae talaga gusto mo noon pa?"

"Hindi," ako naman yung natawa ngayon.

"Oh, bakit natawa ka?"

"Straight naman kasi talaga ako hanggang sa nakilala ko si Raegan."

Nginitian ako ni Jordan. "So si Raegan pala dapat sisihin kung bakit naging ganyan ka?"

"Sisi talaga?" Natawa ako. "Bakit kailangan may sisihin? May kasalanan bang nangyari?"

"Wala ah!" Depensa niya. Takot na baka na-offend niya ako.

Natawa ako sa reaksyon niya. "Joke lang, uy."

"Pero na-imagine mo ba dati na magka-girlfriend?"

Umiling ako. "Alam mo ba, may college bestfriends ako na mag-girlfriend. Dati, before ko nakilala si Raegan,  inaasar asar ko sila na nakakadiri sila. Pero alam naman nilang joke joke lang yun. Katoliko ako pero kahit mali siya sa paningin ng simbahan, okay lang sakin yung pakikipagrelasyon sa kapwa mong babae o lalaki kasi turo din naman ng simbahan na mahalin ang lahat."

"Di ka ba natatakot na di ka makapasok ng langit?" Tanong ni Jordan. "I mean, hindi sa hinuhusgahan kita o kung ano ah! Pero naisip mo ba yun?"

"Okay lang, naiintindihan kita. Actually, naisip ko din yan. Pero sino ba satin ang makakasabi kung makakapasok ka ng langit o hindi? Di ba ang Diyos lang ang makakapagsabi niyan? Besides, matatakot lang ako kung may sinasaktan o tinatapakan kaming ibang tao. Eh wala naman, so bakit mali pa rin kami?"

"May point ka jan."

Natapos na namin yung first page kaya inayos na namin yung folders para ibalik sa bookshelf.

"Parang ngayon lang tayo nakapag-usap ng ganito, Gene."

"Si Rhian lang kasi madalas kong kasama."

"Hang out naman tayo minsan, parang masaya ka kasama eh." Sabi ni Jordan. "I mean, kung okay lang sayo saka kay Raegan. Selosa ba siya?"

Nappaisip ako sa sinabi niya. "Err, di naman selosa si Raegan. Okay lang."

"Bakit parang di ka sure?"

"Actually, ngayon ko lang din kasi naisip kung selosa ba siya o hindi."

"Wala pa ba siyang pinagselosan before?"

Naalala ko si Katrina. "Ewan ko kung selos yun pero inasar niya ata yung dating manliligaw ko kasi sinubukan niyang ihatid ako sa tinutuluyan ko."

"Ayos," natawa si Jordan, "at least di ka inaway."

"Di pa naman kasi kami nung time na yun,"

"Kaya naman pala," tumango tango si Jordan.

"Bakit?"

"Eh kasi hindi pa kayo noon kaya di siya makapag-selos ng maayos. Wala pa siyang claim sayo eh."

"Wow ha, claim. Big word. Ano ako, Spratlys?"

Pareho kaming natawa ni Jordan sa sinabi ko.

"Gano na ba kayo katagal?"

"Five months pa lang."

"Bago pa lang pala kayo."

Nakita ko na yung posisyon ng folder na hawak ko at isiningit yun sa bookshelf.

"Eh ikaw, Gene. Selosa ka?"

"Ewan ko."

"Anong ewan mo?"

"Eh kasi, di naman ako nagseselos unless may valid reason ako."

"So basically, hindi ka masyadong selosa."

"If you think so," kibit balikat ko.

Nagpakabusy lang kami ni Jordan sa trabaho namin hanggang sa lumipas ang ilang oras at nakaramdam na kami ng gutom.

Dahil nga gutom na kami, bumagal na yung pag-gawa namin kasi tinatamad na kami. Maya't maya na din ang pagkalampag ni Jordan sa pintuan at pagsigaw ng tulong.

Lumipas ang alas dose, ala una at alas dos ng hapon pero wala pa ring nakakaalala sa amin. Parang lahat na ng pwede kong ikwento naikwento ko na kay Jordan. Tinamad na nga din kami magtrabaho kaya hinila na lang namin yung upuan namin sa tabi ng pintuan.

"Sa tingin mo, sinong makakaalala sa atin?" Tanong ni Jordan habang kumakatok sa pintuan, umaasang may makakarinig sa mumunting ingay na ginagawa niya.

"Si Rhian o kaya si kuya RJ."

"Si Mam Rina kaya?"

"Sus, asa ka pa dun."

Napatingin sa akin si Jordan. "Oo nga pala, bakit parang ang init ng ulo sayo ni Mam Rina recently? Dati naman parang friends kayo?"

"Mahabang kwento, Jordan."

"Well, we're not going anywhere."

"Gusto mo talaga malaman?"

"Oo nga,"

"Ex ni Raegan si Mam Rina."

Nanlaki yung mga black eyes ni Jordan. "Seryoso ka?"

"Oo nga,"

"Jino-joke time mo lang ako eh!"

"Tingnan mo to, magtatanong tapos pag sinagot hindi maniniwala."

"Weh? Di nga?"

"Oo nga!"

"Grabe naman, ang liit ng mundo." Di makapaniwalang sabi ni Jordan. "All this time akala ko may nagawa kang mali kaya nag-away kayo ni Mam Rina."

"Pero oy, secret lang natin yan ah? Kayo lang ni Rhian nakakaalam nito."

"Wala naman akong ibang pagsasabihan."

Kinalampag pa ulit ni Jordan yung pinto.

"Gutom na ako, Gene."

"Ikaw lang?"

Natahimik na lang kaming pareho habang patuloy siyang kumakatok sa pinto.

"Kwento ka nga," sabi ni Jordan.

"Anong ikukwento ko?"

"Anong reaksyon mo nung nalaman mong yung bagong boss natin ay ex pala ng girlfriend mo?"

Inalala ko yung araw na nalaman kong si Mam Rina at si Katarina na ex ni Raegan ay iisa. "Matatawa ka lang sa katangahan ko."

Pero instead na mawalan ng interes si Jordan ay parang na-excite pa siya. "Oh, dali! Kwento mo na! Gusto kong malaman kung pano ka naging tanga."

"Wow ha,"

"Sige na, please?"

"Fine." Huminga akong malalim. "Nung dumating si Mam Rina dito sa office at ipinakilalang bagong boss natin, hindi ko talaga alam na siya yung ex ni Raegan. Although, alam kong Katarina din yung name ng ex ni Raegan, hindi ko maalala yung last name niya."

"Pero alam ni Mam Rina na ikaw na yung bago ni Raegan?"

"Hindi rin. Nung nag-break kasi si Raegan saka si Mam Rina, lumipad ng Espanya si Mam Rina tapos nawalan sila ng komunikasyon. Kaya nung kararating pa lang ni Mam Rina, friends pa kami kasi nga di namin alam."

"Teka, kung ex naman na si Mam Rina, bakit mainit ulo niyo sa isa't isa?"

"Ayun yung problema. Nung friends pa kami ni Mam Rina, kinukwento niya sakin yung ex niya, pero hindi Raegan ang tawag niya kay Raegan, Roli yung tawag niya sa kanya."

"Bakit Roli?"

"Yung initials niya."

"Okay." Tango ni Jordan. "Tapos?"

"Well, kinukwento ni Mam Rina na kaya siya bumalik sa Pilipinas kasi gusto niyang balikan yung ex niyang 'pinagsawaan' niya."

"Kaya naman pala,"

"So basically, nung nagkaalaman na, napunta na kami sa hit-list ng isa't isa." Huminga akong malalim, pilit kinakalimutan yung gutom na nararamdaman ko. "Simula noon, pag nakakakita ng pagkakataon si Mam Rina pinapahirapan niya ako. Eto ngang utos niyang ito pakiramdam ko naisip lang niyang ipagawa kasi gusto niyang mahirapan ako."

"Grabe naman, bakit damay ako?"

Kinalampag pa ulit ni Jordan yung pintuan.

"Alas tres na, Gene. Gutom na gutom na ako."

"Di lang ikaw gutom, Jordan."

"Sa sobrang gutom ko gusto na kita kagatin."

"Hala siya,"

Sumandal ng onti sa akin si Jordan. "Pakagat ako sa braso mo."

"Sapakin kita, gusto mo?"

"Joke lang." Umayos na ng upo si Jordan. "Pero seryoso na talaga, gutom na gutom na gutom na ako."

May sasabihin pa sana ako kaso narinig ko ang pangalan ko sa kabilang side ng pinto.

"Gene?!"

"ANDITO KAMI!" Sigaw ni Jordan.

"RHIAN, IKAW BA YAN?!" Sigaw ko din.

"Oo, ako 'to. Asan yung susi?!" Sigaw ni Rhian sa kabilang side.

Kinuha ko yung susi at inilusot yun sa ilalim ng pintuan. "Sa ibaba!"

Naramdaman kong hinila ni Rhian yung susi at matapos ang ilang Segundo ay bumukas din yung pinto.

Halos yakapin ni Jordan si Rhian sa sobrang tuwa niya. "THANK YOU RHIAN! WHOOO!"

"Kanina pa kayo?" Tanong ni Rhian.

"Wala pa kaming thirty minutes dito nang aksidenteng sumara yung pintuan." Sinamaan ko ng tingin si Jordan para maalala niyang kasalanan niya din kung bakit gutom na gutom na kami ngayon. "Buti naalala mo pa kami?"

"Pasensya na kung ngayon lang ako pumunta. Napagalitan kasi ako ni Mam Rian kasi di daw maayos yung presentation na ginawa ko. Inulit ko kaya di na ako nakapag-lunch."

"Speaking of lunch, tara na sa taas. Gutom na ako. Ayoko na dito."

Kinuha na namin yung binders namin at sama samang umakyat. Habang naglalakad ay ikinukwento ni Rhian yung mood swings ni Mam Rina sa opisina namin. One moment daw galit na galit at iritable tapos nung naipasa na niya yung pangalawang presentation na ginawa niya, tuwang tuwa naman na daw si Mam Rina.

Pagkaakyat namin sa floor namin, dedma lang si Mam Rina. Ni hindi niya pinansin na alas tres na pero magkakasama pa kaming tatlo nila Jordan at Rhian na pumunta ng canteen para kumain.

Di na muna kami bumalik ulit ni Jordan sa file room. Ginawa na lang muna namin yung trabaho sa desk namin hanggang mag alas cinco. Bago kami umuwi ay si Jordan na ang pumunta sa opisina ni Mam Rina para ireport yung progress namin sa utos niya. Mukha naman daw masaya si Mam Rina kaya pinaalis na niya kami pero sabi niya doon daw ulit kami bukas.

Sabay sabay na kami nila Jordan at Rhian na bumaba ng building. Uwing-uwi na din naman na kasi kami. Sa paglabas naming ng building, natanaw ko ang isang matangkad na babae na nakasandal sa isang Mini Cooper.

"RAEGAN!" Tili ni Rhian sabay takbo para mayakap ang girlfriend ko.

Lumapit kami ni Jordan sa kanila.

"Wow, Rhian. Nahiya naman si Gene sayo." Sabi ni Jordan.

"Paki mo ba," belat ni Rhian kay Jordan, "saka okay lang naman diba, Gene?"

"Ako talaga tinanong mo eh si Raegan ba tinanong mo kung okay lang na salubungin mo ng ganun?"

Pabebeng hinarap ni Rhian si Raegan. "Sorry, Raegan."

Natawa lang si Raegan. "Okay lang."

"Tingnan mo! Okay lang kay Raegan!" Belat ulit ni Rhian kay Jordan.

"Oo na, oo na." Ngiti ni Jordan.

Tiningnan lang ako ni Raegan na parang may hinihintay siyang sabihin ko. Saka ko lang na-realize na hindi kilala ni Raegan si Jordan.

"At, Raegan, si Jordan pala. Kasama naming siya ni Rhian sa HR. Jordan, girlfriend ko, si Raegan." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

"Nice to meet you, Jordan." Inabot ni Raegan ang kamay niya kay Jordan at nag-shake hands sila.

"Nice to meet you too."

"So, gusto niyo mag-dinner? My treat." Alok ni Raegan sa amin.

"Bakit ngayon ka pa nag-aya, Raegan?" Parang nalugi naman na sabi ni Rhian. "Magkikita kami ng kuya ko ngayon eh!"

"Next time?"

"Basta next time ah!" May pa-simpleng hawak pa si Rhian sa braso ng girlfriend ko. Minsan talaga may pagka-malandi din tong babaeng to eh.

"Pass din muna ako ngayon. Pinapauwi agad ako ni mama eh." Ngiti naman ni Jordan na tila nahihiyang maimbita. "Next time na lang."

"Okay, sige. Next time ah?" Mabait na ngiti ni Raegan sa mga ka-opisina ko.

Nagpaalam na sila Jordan at Rhian at kami naman ni Raegan ay umalis na din.

"Ano, san mo gusto magdinner?" Tanong ni Raegan.

"Anong meron at nag-aaya kang kumain sa labas?"

"Well, you seemed stressed so I thought I'll treat you out for dinner tonight. Ininvite ko na din sila Rhian at Jordan because they seemed to be close to you and I want to be friends with your friends."

Hinawakan ko yung kamay ni Raegan sa gear stick at nginitian siya. "Thank you, that's sweet."

"Anything for my Sky." Saglit siyang lumingon sa akin para ngitian ako. "Anyway, saan na tayo magdidinner?"

"Pwede bang sa bahay na lang? Pagod na kasi ako eh. Parang ayoko na muna lumabas."

"Sure ka?"

"Yes,"

"Okay,"

Hindi ko alam kung dismayado ba si Raegan na ayokong lumabas ngayon pero masyado na akong pagod para mapansin pa yung tono ng boses niya. Nakatulog ako sa biyahe pauwi at nagising na lang nang binuhat niya ako papasok ng mansion.

"Raegan, you don't always have to carry me pag nakatulog ako sa kotse. Uso mang-gising."

"Eh kasi parang ang sarap ng tulog mo, ayokong istorbuhin ka."

"Ibaba mo na ako."

Nasa tapat na kami ng pintuan ng kwarto nang ibaba niya ako. Sa likuran ni Raegan ay nakasunod pala sa amin si Charlie, dala dala ang bag namin.

Inayos ko ang sarili ko at pumasok na sa loob ng kwarto namin.

"Diyan mo na lang sa couch yung mga bag, Charlie."

Ibinaba naman din agad ni Charlie yung mga bag at hinarap si Raegan, naghihintay ng utos.

"Pasabi kay Manang Yolly maghanda na ng dinner. Patawag na lang kami pag luto na yung pagkain."

"Masusunod po." Nag-bow si Charlie at umalis na.

Paakyat sana ako ng hagdan nang tawagin ako ni Raegan.

"Sky,"

"Bakit?"

"Wala man lang kiss? Namiss kaya kita."

"Bakit mo ako mamimiss eh magkasama naman tayo kaninang umaga?"

"It was a long day. Sige na, kiss mo na ako."

Napailing ako kay Raegan. Minsan talaga gusto din niyang nilalambing siya. Lumapit na lang ako at binigyan siya ng isang mabilis na halik. Pero mukhang hindi pa siya nakuntento doon at hinila ako para laliman ang halik niya. Ilang segundo pa bago niya ako binitawan.

"Magbibihis lang ako ng pambahay."

"Tulungan na kita?"

Tinaasan ko ng kilay si Raegan. "Ayoko nga. Baka ano pang gawin mo sakin."

"Ayaw mo?"

Gusto ko sanang asarin si Raegan kaso baka maexcite siya masyado at biglang lumabas si Oli. Kaya di ko na siya sinagot at umakyat na lang ako papunta sa walk in closet na pinaghahatian namin ni Raegan.

Matapos magpalit ng damit ay nadatnan ko si Raegan na may kausap sa cellphone niya sa loob ng study room niya. Halata ang galit sa postura niya at parang may problema sa airlines nila. Pinanuod ko lang siyang maglakad sa maliit na study room niya na walang naririnig dahil soundproof ang kwartong iyon. 

Nang matapos ang tawag niya ay lumabas siya ng study room niya at tiningnan ako na para bang nahihiyang pinaghintay niya ako.

"I'm sorry about that. There's a bit of a problem again with the airlines."

"Okay lang, hindi pa naman bumabalik si Charlie." Inayos ko yung buhok niyang mejo magulo na.

Tumunog yung phone niya at nag-excuse si Raegan para tingnan yung na-receive niyang email.

"I got an email attachment from---" natigil si Raegan at gulat na napatingin sa akin.

"Bakit? Ano yun?" Sinubukan kong silipin yung phone niya pero agad niya itong inilayo sa akin.

"Sorry, it's nothing. Forget I said anything."

Napakunot ang noo ko sa biglang pag-iwas ni Raegan. "Sure ka?"

"Yes."

Bumukas yung pintuan at pumasok si Charlie.

"Lady Raegan and Lady Gene, ready na po ang dinner." Pormal na anunsyo niya sa amin.

"Okay."

Binuksan ni Charlie ang pintuan para sa amin ni Raegan at sumunod siya sa amin sa dining area.

Pagdating namin sa dining table, handa na ang pagkain at nakapwesto na din si Azula sa ilalim ng table, sa bandang paahan ng upuan na madalas pwestuhan ni Raegan.

Kung kanina ay medyo pilya pa si Raegan ay nagbago na ang mood niya. Parang galit siya na pilit pinapakalma ang sarili. Tahimik lang ang dinner namin at natapos kami na parang walang kasamang iba sa table kasi parang di ako pinapansin ni Raegan.

Sa pagbalik namin sa kwarto ay sumabay na sa amin si Azula pero imbis na tumabi kay Raegan ay sa akin siya nakadikit.

"Mauna ka na matulog. May gagawin pa ako." Sabi ni Raegan nang makarating kami sa kwarto.

"Sure ka? Di ba pwedeng bukas na lang yan?"

"I need to finish it tonight eh."

Tumango na lang ako. "Sige, pero wag masyado magpupuyat ah? You're not allowed to stay up past twelve."

Pinanlisikan ako ng mata ni Raegan. "Sky, I'm not a child. I'll be in bed around one."

"Kukulangin ka na ng tulog."

"I'll manage."

"I know you'll manage but that's not exactly good for you especially with your condition."

Parang lalong nagalit si Raegan sa pag-banggit ko sa sakit niya pero hindi na lang niya ako sinagot. Pumasok na lang siya ng study area at hinarangan iyong sliding door at glass panel para hindi ko makita kung anong ginagawa niya sa loob.

Naghanda na lang ako para matulog at nag-alarm ng ala-una ng madaling araw para in case na wala pa rin si Raegan sa kama ng oras na iyon ay tatawagin ko siya para matulog na.

Pero lumipas ang ala-una ng madaling araw at kahit tawagin ko siya sa study room niya ay hindi na umaakyat sa kama si Raegan. Sasabihin niyang susunod daw siya pero magigising na lang ako na wala siya sa tabi ko at doon sa couch sa ibaba natutulog.

Noong una akala ko pagod lang talaga siya dahil nga nag-aaral siya at may hinahandle na malaking kumpanya, kaso noong naulit ito ng isa pang gabi, at ng isa pa, at ng isa pa, hanggang sa umabot ang Biyernes ng gabi ay naramdaman kong may problema si Raegan sa akin.

Nang sunduin niya ako sa trabaho ay ni hindi siya nag-hello kila Jordan at Rhian. Tipid ang sagot niya sa akin sa biyahe namin pauwi at ni hindi siya nagsalita habang kumakain kami ng hapunan.

Pagkatapos namin mag-dinner hinanda ko na ang sarili kong kumprontahin siya sa kwarto namin kasi never nag ganito si Raegan sa akin before. Kahit nagtatampo siya kakausapin niya ako. Kahit may problema pa siya o kung ano. Ngayon lang talaga siya nagkaganito sa akin.

"May trabaho pa ako. Mauna ka na sa kama." Anunsyo ni Raegan nang makabalik kami ng kwarto namin.

"Sky naman, buong linggo ka nang nagkukulong sa study room mo."

"I have a job to do."

"Sure ka bang may trabaho ka lang o iniiwasan mo ako?"

Napalingon sa akin si Raegan. "Iniiwasan? Pano kita iiwasan? We live in the same house."

"Ayun na nga eh, we live in the same house pero ayaw mo ako kausapin."

"What makes you think I don't want to talk to you?"

"Raegan, iniiwasan mo ako. You're not talking to me in the car, in the dining table and you're always inside your study room. Ni hindi ka na tumatabi sa akin sa kama, pag natutulog ka dito ka na lang sa couch na 'to."

Tinuro ko yung couch na naging higaan ni Raegan for the past few nights.

"Why would you want to talk to me when you've found someone else to talk to?"

"Ha?"

"Oh come one, Genesis. Don't act like you're not flirting with someone else."

Napakunot ang noo ko sa akusasyon ni Raegan. "Anong flirting with someone else?"

"Don't play dumb with me. Alam ko yung mga pinag-gagagawa ninyo ni Jordan sa opisina ninyo."

"Anong kinalaman ni Jordan dito?"

"You think I don't know that you and Jordan has been skipping work to hide in some dusty file room para maglandian?"

"Teka lang, teka lang. Saan mo ba nakukuha yang mga ideyang yan?"

"Oh, Genesis, it's not just an idea. I have a whole bunch of files sent to me by someone from the Hermes House. Files of you and Jordan together."

Kinuha ni Raegan yung phone niya at may ipinakitang picture sa akin. Mukha siyang CCTV picture namin ni Jordan sa file room, magkatabi malapit sa pintuan at mejo nakasandal si Jordan sa akin habang malapit ang mukha niya sa mukha ko.

"See? Ni wala kang masabi kasi totoo yung sinasabi ko."

"Raegan, sino nag-send sayo ng picture na yan?"

"Who sent it doesn't matter."

"Does it?" Tanong ko. "Would you even like to ask me my side of the story bago ka magpaniwala sa ibang tao?"

"What for? Para magsinungaling ka sa akin?"

"Bakit ako magsisinungaling?"

"Ewan ko sayo!" Tumaas na ang boses ni Raegan. "Bakit nga ba? TELL ME?"

Napaatras ako sa pagtaas ng boses niya. Parang nagdilim ng onti yung chocolate brown eyes niya. Pero kahit ganoon ay alam kong si Raegan pa rin ang kaharap ko. Hindi si Gan, si Rae o si Oli. Si Raegan pa rin. At yun yung lalong nagpasakit ng nararamdaman ko. Kasi wala sa character ni Raegan na taasan ako ng boses o pagdudahan ako.

"Sumagot ka! Tell me!"

"Hindi ikaw si Raegan."

"Anong hindi? I'm perfectly sane right now. I am Raegan."

"Then why are you acting like somebody else?"

"I don't know, why are you acting like you're somebody else?" Balik ni Raegan. "Do I even know you? Kasi pakiramdam ko hindi na kita kilala."

Natigilan ako sa sinabi ni Raegan. "Seryoso ka ba?"

"Genesis, you're going behind my back by flirting with another guy. And now you're lying to me like I don't know the truth."

"Ano nga ba yung totoo para sayo?"

"That you're cheating on me with Jordan."

"Naririnig mo ba yung sarili mo?"

Hindi sumagot si Raegan.

"Seryoso ka bang inaakusahan mo akong nangangaliwa dahil lang may nakita kang picture namin ni Jordan na nakaupo sa isang kwarto na magkatabi?"

"Magkatabi lang ba talaga kayo? Genesis, your face is like half an inch away from his! If you're not cheating on me, then what the fuck is this?!"

Itinapat talaga ni Raegan sa mukha ko yung cellphone niya na may picture namin ni Jordan. Hindi pa siya nakuntento at nagscroll sa iba pang pictures na meron siya.

"And this, what the fuck is this?"

Pinakita ni Raegan sa akin yung CCTV footage kung saan niyakap ako ni Jordan sa tuwa nang matapos namin yung tatlong binders kaninang hapon.

"Am I supposed to believe na wala lang 'to?"

"Raegan, Jordan and I were ordered by Mam Rina, your ex, to do something in the file room. Sa sobrang dami ng ginagawa namin we had to stay there for the whole week. Yang video na yan? Yan yung moment na natapos na namin lahat ng files na irerecord namin at niyakap ako ni Jordan sa sobrang tuwa."

"No guy just hugs a girl like that."

Napailing na lang ako. "Raegan, hindi ko alam kung anong nakain mo pero ang kitid ng utak mo ngayon. Hindi ka naman ganyan eh."

"Oh, so ngayon makitid utak ko? Ano pang ibabato mo sakin to make me feel like I'm the one doing something wrong here?"

Huminga akong malalim kasi hindi ko akalaing ito pala yung ikinagagalit niya simula noong Monday. Hindi ko akalain na ganito magselos si Raegan. Parang lahat ng rational thinking na meron siya nag-shut down na lang bigla.

"Raegan, sino nag-send sayo ng file na yan?"

"I told you, someone from the Hermes House."

"Ni hindi ka nagtaka kung bakit nila sinend sayo yang file na yan?"

"No. The Hermes House is loyal to me. They always provided me with information I needed."

Napakunot ang noo ko. "Raegan, not everyone can be trusted. Minsan yung iba nagbibigay ng info para makasira imbes na makatulong."

"So sinisisi mo na yung Hermes House ngayon kasi nilaglag ka nila sa akin?"

"RAEGAN, MAG ISIP KA NGA PLEASE?" Napataas na rin ang boses ko sa sobrang pagka-inis ko sa kanya. "Bakit ako mangangaliwa?"

"Ewan ko! Baka di ka na makuntento sa kaya kong ibigay sayo at naghahanap ka na ng lalaking makakapagbigay sayo ng hinahanap mo?"

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Parang sinabi na din niya na kaladkarin akong babae. Na sex lang ang hanap ko.

Kinuha ko na lang yung bag ko at umalis. Kung ganyan ka-kitid ang pagiisip niya ngayon, kahit anong paliwanag ko sa kanya ay walang mangyayari.

 




-------------
A/N:
The computer kept on autocorrecting some Filipino words into English. I think I got most of it right but just in case some slipped through, I'm sorry.


Continue Reading

You'll Also Like

223K 5.4K 14
Madalas hindi natin pinagtutuunan ng pansin ang mga malalakas. Alam mo na kasing malakas sila eh, kakayanin na nila kahit magisa. Pero yun ang isa sa...
1.6M 78.7K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
25.7K 1.3K 40
is making her the target a big mistake? ยท cover by: ryujindegrande
5.2K 91 27
University Series: 1st Year (COMPLETED) Meet Shey Santillian ang babaeng umibig noon at nasaktan, umibig sa kasalukuyan, pero mas nasaktan dahil sa n...