OPERATION: Make Her Jealous [...

By maricrisvm

170K 4K 163

❝Naranasan mo na bang mahalin este gamitin ng taong mahal mo para pag selosin ang babaeng mahal niya?❞ Pagsel... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 4.5
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue
AUTHOR'S NOTE
PART 2: SNEAK PEEK

Chapter 3

6.4K 147 1
By maricrisvm

By the way, I think I forgot to introduce myself. I'm Bryle Nickolo Sevilla, hindi naman sa pagmamayabang pero kilala ako sa school namin dahil sa sandamakmak kong fangirls. Kung kasalanan ba naman ang maging gwapo, sorry na agad. Kahit din naman ako eh nahihirapan din, kaya nga nauso ang pogi problems dahil sa akin. Hindi ko naman kasi kasalanang ipinanganak akong gwapo. Minsan naiinis na din ako sa magulang ko kung bakit sa akin na naipon ang lahat ng kagwahupan, yun siguro ang dahilan kung bakit wala akong kapatid. Ang unfair naman kasi sa akin na napunta yung handsomeness, kindness na lang matitira sa kanya hahaha. Anyway, sa dami ng mga babaeng nabibighani sa aking pagmumukha, isa lang talaga ang nakabihag ng puso ko, si Natasha. She's absolutely perfect. Kaya nga ang swerte ko sa kanya at syempre ganon din siya sa akin. Gusto niyo bang ikwento ko sa inyo kung paano kami nagkakilala?

Kababata ko si Natasha. Parang simula pa ata nung ipinanganak ako, siya na ang unang dyosang nakilala ko. Nagkahiwalay kami nung mag aral ako sa ibang bansa tapos pagbalik ko naman dito sa Pinas, siyang alis naman niya. Luckily, pinagtagpo pa rin kami ng tadhana. Though, hindi na siya tulad ng dati. Syempre may mga bagay na nagbago. Siguro sa pananamit? pananalita? o pag uugali niya but I don't care kung ano pang magbago sa kanya dahil para sa akin, siya pa rin yung Natashang nakilala ko many years ago.



Naglalakad kami ngayon ni Natasha pabalik sa room namin since kakatapos lang ng recess. Habang naglalakad kami nakita ko ulit yung babae kanina, yung tinulungan ko at-- HAHAHAHA okay basta siya yun. Nginitian ko siya at ngumiti din naman siya sa akin.

"Hey, who is she?" alam niyo bang pinaglihi sa agila si Natasha kaya lahat ng kilos ko nakikita niya. Agad niyang ipinihit ang mukha ko paharap sa kanya.

"Ha? Sino ba?'' tanong ko. Syempre, sa dami ba naman ng babae sa hallway hindi ako sigurado kung sino sa mga yun ang tinutukoy niya.

"Sino pa ba? Edi yung nginitian mo!"

"Ahh. Wala yun, siya yung sinasabi ko sayong tinulungan ko kanina. Remember?"

Wala naman siyang dapat ipagselos, kahit maraming umaaligid, loyal pa rin ako.  Saka ni-hindi ko nga alam ang pangalan nung babaeng yun. Hindi ko manlang naitanong yung pangalan niya, kung bakit kasi nakalimutan ko pang itanong yun kanina. Napansin ko na sumimangot ang muka ni Natasha.

"Walang ka-class class, wala naman pala akong dapat ipag-alala."

"Anong sabi mo babe?" napansin ko na parang may binubulong si Natasha habang nakatingin sa babaeng dumaan kanina pero medyo mahina kaya hindi ko gaanong naintindihan.

"Ahh wala. Sabi ko male-late na tayo sa next class. Let's go?"

Sabi niya sa akin sabay hila papunta sa room namin.




--






Jessa's POV:

Nag didiscuss ngayon si Mr. La Torre ang teacher namin sa Math. Since hindi naman ako magaling sa math, hindi ako nakinig. Nahihirapan kasi akong magfocus lalo pa't may mga gumugulo sa aking munting utak.

Kung hindi ako nagkakamali, yung nakita kong kasama ni Bryle kanina, yun siguro yung Natasha na girlfriend daw niya. Grabe ang ganda, mukhang barbie doll. Kaso may isa pang gumugulo sa isip ko eh, para kasing may narinig ako kanina..

"Walang ka-class class.."

Hindi ako masyadong sigurado sa narinig ko at sa kung sinong nagsabi non, pero parang bigla kong naramdaman na para yun sa akin. Hayy, ewan ko ba, siguro naiistress lang ako ngayon kaya kung anu-anong naririnig ko.

"Psssstt! bes" sabi ni Christine na panay kalbit sa likuran ko kanina pa.

"Oh?"

"Siguro hindi ka makapagfocus dahil sa ngiti ni super-fafable Bryle kanina noh?" panunukso ng supportive kong bestfriend sabay tusok sa tagiliran ko.

"Grabe bes, kasama pa niya si Natasha nun pero nginitian ka pa rin niya. May hindi ka ata naikukwento sa akin Ms. Pajanilla?" pagpapatuloy niya.

"Magtigil ka nga."

Dito magaling ang bestfriend ko, sa panunukso sa akin sa mga lalaki dito sa school since alam niya na hindi pa ako nagkakalovelife. Pero seryoso, bakit sa tuwing ngumingiti sa akin si Bryle parang may kakaiba akong nataramdaman. Kumalma kayo dahil hindi ako kinikilig. Ewan ko ba pero kinakabahan ako na para bang may masamang mangyayari sa akin. Iba dun sa ngiti niya kaninang mala anghel na parang iiiwas ka sa anumang kapahamakan,yung ngayon kasi parang.. parang may darating na panganib. Hahaha ewan ko ba naloloka nanaman ako.

"Kayong dalawa sa likod. Kung wala kayong planong makinig, tumahimik na lang kayo."

Nagulat ako nang biglang tumahimik at nangibabaw ang boses ni Mr. La Torre. Namalayan ko na lang na nakatingin na pala sa amin ang buong klase. Ganon na ba kami kaingay? Sorry naman. Napatungo na lang kaming dalawa at maya maya pa ay ipinagpatuloy na ni Sir ang discussion. Hindi lang naman kami ang nagdadaldalan, halos lahat kaya. Sa ingay ng buong klase, kami lang ang sinita tsk. Kamalasan nanaman, kasalanan mo ang lahat ng 'to Bryle Nickolo Sevilla.







--







Bryle's POV:


*RIIIIINNGGGGG*

"Okay class, half day lang tayo ngayon, may meeting kase kaming mga teachers with the principal so hindi namin kayo maiintindi kaya mas minabuti namin na iannounce nalang na half day. Okay Goodbye!" sabi ni Ms. Bigalbal

"Goodbye and thank you Ms. Bigalbal, see you tomorrow!!" chorus naming lahat.


Then lahat ng kaklase ko sumugod sa pinto since masikip ung pinto, may tulakan gitgitan at syempre hindi mawawala ang siksikan.

"Babe, samahan mo ako sa mall ah?" pangungulit ni Natasha.

"Sure babe" sagot ko.

Nakalabas na kami sa masikip na pinto at kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse. Syempre kotse ko noh! Hahaha, as usual Mall Of Asia ang punta namin.

Traffic kaya 25 minutes ang byahe na dapat 10 minutes lang. Tsk!

Pagkarating namin nagpark lang ako saglit at pumasok na agad kami at syempre dumeretso agad kami sa mga damit na pangbabae. Makakaangal pa ba ako?


"Babe, bagay ba sa akin to?" tanong ni Natasha sabay turo sa isang red na dress.

"Lahat naman bagay sa iyo." sagot ko. Pero ang pinaka ayaw kong ginagawa namin ay ang pag shoshopping. There are times that I feel irritated and annoyed because she always ask me to carry all of her shopping bags, of course I can't refuse her. Never mind I love her so I should accept her attitude and hobbies. Okay lang naman sa akin na magbitbit ng mga pinamili nya ang ayoko lang is bukod sa ako nagbabayad ay sobrang tagal ng proseso ng pamimili bago pa kami makarating sa cashier, nakakagutom. Sa mga boyfriend dyan na dama ang sitwasyon ko, kaway kawaaay!

Natapos na syang mag shopping, almost 2 hours din ang lumipas bago pa kami tulyang maka alis sa mall. Paglabas namin dumeretso na kami sa parking at ipinasok ko na ang mga pinamili nya sa kotse ko. We are now on our way pabalik sa bahay nila.

"Hindi ka ba nagugutom babe?" tanong ko.

"Ahm. Babe, paki hinto nalang jan sa may café.'' sabi niya habang nakatitig sa phone nya. Finally! Makakakain na din kami.

"May bibilhin lang ako babe, pinapadaanan kasi sa akin to ni mommy kanina pa. Uhm, wag mo na din akong hintayin. Pakidiretso na lang sa bahay yung mga pinamili natin ah? Salamat, ingat ka." sunud-sunod niyang bilin sa akin sabay halik sa pisngi ko at bago pa man ako makapagsalita ay sinarado niya ang pinto at dali daling pumasok sa loob.

Paniguradong magsosolo nanaman ng pagkain ang babaeng yun, napakadaya. Well, ganon talaga. No choice ako kundi iuwi sa bahay niya tong mga to.











--








Jessa's POV:





Papunta ako ngayon sa kung saan para maghanap ng forever-- este trabaho pansamantala. Nagbawas kasi ng tauhan ang pinagtatrabahuhan kong coffee shop sa ngayon at sa kamalas-malasang palad, isa ako sa mga maswerteng natanggal. Ohaa, Bryle Sevilla hanggang saan ba ako dadalhin ng sumpa mooo? Bihira pa naman ngayon yung natanggap ng mga working student.

Inaayos ko yung mga resume na dala ko nang biglang may sumigaw.

"Oy ate tabi!"

Napalingon ako sa kanan ko at napansin ko ang isang rumaragasang sasakyan papalapit sa akin. Napakabilis ng mga pangyayari, isa lang ang nasa isip ko. Hindi pa ako pwedeng mamatay, paano na ang kapatid ko?! May pangarap pa ako sa buhay. Napapikit nalang ako.

Ilang sandali pa at..

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, kinapa ko ang katawan ko at kinurot ang pisngi ko. Araay! Hooh. Buhay pa ako at sino naman tong lalaking muntik ng bumangga sa akin?!

"Hoy!  Ikaw, lumabas ka dyan sa kotse mo! Harapin mo ako! Walang hiya ka! Papatayin mo ba ako?!'' sigaw ko, wala akong paki alam kung pagtinginan ako ng mga tao basta ipaglalaban ko ang buhay ko.

Bumaba sya ng kotse. Naka shades pa ang gago habang papalapit sa kinatatayuan ko.




"Hoy! Ikaw ah! Ayusin mo nga ang pagmamaneho mo! Paano pag napatay mo ako?! Hah? BUBUHAYIN MO BA ANG KAPATID KO? Ano bang ipinagmamalaki mo hah? Itong sasakyan mo?" sigaw ko sabay turo sa sasakyan niyang mukhang mamahalin. Napansin ko ang plaka nito.. VMW 150? Bakit parang pamilyar sa akin ang kotseng to?

''Nagkita nanaman tayo." sabi ng isang pamilyar na boses.

Ibinaling ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko na walang iba kundi si..




"Bryle?"








_____

Continue Reading

You'll Also Like

153K 2.2K 75
Grae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to p...
633K 12.6K 49
Nash Tyson Ahn ay isang sikat na casanova sa University nila. Anong mangyayari pag isang araw, nagising na lang syang may baby na siya with a nerd? ...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
18.6K 387 25
Part 2 of ANG BOYFRIEND KONG GANGSTER Kumakain nanaman ako di na nabusogbusog tong tiyan na to pano pag tumaba ako baka iwan na ako ni Third ayokong...