The Basketball Jerk [Ongoing]

By acerkim

611K 9.4K 1.5K

"Yung inakala mong one-sided love lang sa part mo, yun pala mas mahal ka pa niya." - Louise Anne Gabriel All... More

Chapter 1: Darned!
Chapter 2: Oh he's got to be kidding me!
Chapter 3: That moment when...
Chapter 4: Lub dub! Lub dub!
Chapter 5: He cares.
Chapter 6: Crap! Akala ko yun na yun!
Chapter 7: Bawi-bawi lang!
Chapter 8: What my heart yearns...
Chapter 9: The Thing I Do Best
Chapter 10: Weak lang kasi ako eh...
Chapter 11: Coincidence?
Chapter 12: And she cried...
Chapter 13: The TV episode!
Chapter 14: That moment to dare! ^__^
Chapter 15: "I don't think so..."
Chapter 17: Girlfriend?
Chapter 18: Let it go
Chapter 19: Heat vs. Spurs
Chapter 20: It stings!
Chapter 21: Missing you...
Chapter 22: The Restraining Order!
Chapter 23: His Little Secret
Chapter 24: Redemption
Chapter 25: The Boyfriend in Due Time
Chapter 26: The Man Behind the Arrogance
Chapter 27: The Basketball Court

Chapter 16: "Hindi siya, IKAW!"

16.9K 308 46
By acerkim

“Ha-harold…” I stammered. Takte to, di ko ma-take ang mga mata niya. Yung tipong habang tumatagal akong nakikipagtitigan sa kanya, the more na dumadagondong na  na naman ang dibdib ko. But still, at that moment, I find it so hard to look away.

“Know what, there is really something wrong with you!”  pero natauhan ako nang bigla siyang magsalita.

“H-ha?” natatarantang sagot ko na hindi pa rin makaget-over sa pagkakahawak niya sa kamay ko.  “Anong something’s wrong with me?” nalilitong tanong ko pa.

“Wala!” sabi niyang para pang biglang nahiya. “Umalis ka na nga!” at mas nagulat naman ako nang bigla na lang siyang nagsungit. Pero teka lang, pinapalayas niya ako pero hanggang ngayon hindi pa rin  niya binibitawan ang kamay ko?

“Hoy buwakaw!” masungit ko din tuloy siyang  tinitigan sabay nguso sa kamay kong mahigpit pa rin niyang hawak-hawak. Tila naman siya nataranta at agad na binitawan ang kamay kong namumula na.

“S-sorry…” sabay lihis niya ng tingin. Naweirduhan naman ako. Problema nito?

“Sige na nga po, alis na ako!” pasungit ko uling paalam at humarap  na sa pinto. Pero nang akmang bubuksan ko na eh---!

“L-louise s-sandali!” nahagip niya ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya.

“Oh! Ano na naman?” at kunwari naiiritang tanong ko at nagmaktol pa.

“Gusto mo ba yung… yung…” hindi ko mawari ang itsura niya kasi para siyang nag-aalangan kung sasabihin ba niya ang nais niya sanang sabihin.

“Yung alin?” kumunot ang noo ko.

Pero tiningnan niya lang ako na parang naninigurado at mayamaya pa’y napabuntung-hininga siya sabay suklay sa buhok niya gamit ang kanyang mga dalirii. Ako naman ay natigilan at napatitig lang sa kanya. Damn it! That gesture was HOT! And I was just stunned! Buti na lang kamo at natauhan ako agad nang muli siyang bumaling sa akin.

“Gusto mo ba yung Kurt na ‘yon?”

“Ha?” what? I paused.

“Nay naman eh, ayoko ko ng ulitin,” at para pang nagtatampong humarap na siya sa manibela.

“Did I hear you right? Tinatanong mo kung gusto ko si Kurt?” ulit ko na napapangiti na. Pero di niya ako sinagot. “Si Kurt, gusto ko? Ba’t mo naman natanong?” ngiting-ngiting tanong ko ulit. Wow, I got interested suddenly. Pakiramdam ko kasi nagseselos siya. Hehe. Is there such possibility?

“Just wondering,” maiksing sagot niya nang di pa rin humaharap sa akin.

“Just wondering? Uy, curious ka sa love life ko?” at bigla akong na-excite na parang tanga lang.

“Hindi ah!” napapitlag naman siya at agad nagprotesta. Nainis tuloy ako sa sagot niya. Bwisit lang, akala ko naman kung interesado siya. Eisshh!

“Eh naman pala eh, eh di huwag mo na akong tanungin kung gusto ko nga ba siya. Magkukwento pa man din sana ako!” pasimangot ko namang sagot. Bad trip kasi. Pero dahil sa sinabi kong iyon eh napaharap agad siya.

“You really like him, don’t you?!” at biglang napalakas naman nang tanong niya. Yung itsura pa niya, para niya akong susunggaban na ewan.

“Teka lang! Akala ko ba… Sandali nga, ba’t ba paulit-ulit mong tinatanong ya ha? What made you think I like him?”

Pero di niya agad ako sinagot. He seems to be weighing what he’s going to say. “Kanina kasi, why did you let go of my hand?” and then he looked straight into my eyes.

“H-ha?” I didn’t see that coming. Biglang ako naman tuloy ang di makasagot.

“Ayaw mo bang isipin niyang ‘tayo’?” at isa pa. Bumilis na naman tuloy ang kabog ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Alangan naman kasing sasabihin ko  ang totoong dahilan, na natakot ako sa sarili ko.

“I was just… Ah…” Shit! What am I supposed to say? Pero buti na lang, an idea came up. “Ah kasi alam kong hindi siya maniniwala. Alam naman niya kasing magkakababata lang tayo at imposible kasing maging tayo di ba?” There there!

Pero dahil sa sinabi kong yun eh saglit lang siyang napatitig sa akin at mayamaya pa’y nagulat na lang ako kasi bigla na lang siyang napangisi.

“Ah, okay…” sabay ayos sa upo niya at bumaling sa may bintana. “Sorry, I didn’t think about that before doing that stupid move,” and I noticed his face hardened nang lumunok siya. Wait lang, is he mad?

“Harold,” I suddenly felt uncomfortable. “Galit ka ba?” naglakas loob akong nagtanong. Pero di siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na parang ayaw niya akong harapin. “Uy…” sabay hila ko sa balikat niya para harapin ako. Nagtagumpay naman akong paharapin siya pero biglang parang matutunaw ang puso nang makita ko ang mukha niya.

Namumula ang gilid ng mga mata niya at halatang he’s been gritting his teeth again. He seems to be in so much pain pero halatang nagpipigil siyang huwag mapaiyak.

“H-harold…” at yun lang lumabas sa bibig ko. It’s just that, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Is this my doing? At paulit-ulit ko pang tanong sa sarili ko habang nakatitig lang sa kanya. Hindi ko pa rin maintindihan.

Pero agad din lang siyang yumuko. At ako naman, di ko naman na namalayang naiiyak na rin naman ako. Ewan ko ba, I have no idea what’s going on pero di ko rin talaga siya kayang nakikitang ganito.  It’s just that whenever he’s in pain, it feels like it everything is reflecting on me.

“Harold naman eh,” sabay mahinang palo sa balikat niya. “Ano na naman ‘to?”  di ko mapigilang itanong.

At mukhang narinig naman niya ako kasi nag-angat na siya ng ulo at hinarap ako. Tinitigan lang niya ako at mayamaya pa’y seryoso lang siyang napasandal sa upuan.

“G-galit ka ba?” mahinang tanong ko sabay punas sa luha kong kanina pa ayaw papigil. Buti na lang kasi this time, he responded. Umiling lang pero siya. “Masama loob mo?” tanong ko ulit. Pero di siya nag-react this time. That would probably mean yes, and so I continued. “Sa akin?” Hindi siya umimik agad, he just looked at me.

“Hindi,” and at last he talked. “Napahiya lang kasi ako,” seryosong dugtong niya.

“Saan?”

“Nung binitawan mo ang kamay ko,” and he even tried to smile para lang gumaan ulit ang usapan. Obvious tuloy na hindi lang ‘yun ang dahilan, I know it. Ako naman di na rin napaimik. “I thought I was just trying to protect you,” he continued.

“S-sorry…” napayuko ako. At bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Na-realize ko din kasi na oo nga, sino ba kasing di mapapahiya dun lalo pa’t kaaway pa niyang tao ang nakakita. Naging selfish lang kasi at di ko naisip na he was just trying to help.

“But if you really like him,” he paused for a while.  “And you did that so he won’t get the wrong idea, I totally understand,” and he even dared to smile. This time, ako naman na ang nainis.

“Why do you keep on insisting that I like him?” naiiritang napalakas naman ang boses ko. Hindi siya ang gusto ko, ikaw! Kung may lakas lang sana ako ng loob para maipamukha yun sa kanya. “Pati ka rin ba di nakakaintindi! Ilang beses ko na bang nasabi na hindi ako interesado sa kanya? Akala ko ba narinig mo ako noon? Or should I rather say I’ll give him a chance para matigil na kayong dalawa?!”

“NO!” at napabilis namang sagot niya.

“Naman pala eh!” dagdag ko. Pero pagbaling ko muli sa kanya eh ngiting-ngiti na naman siya. Yung para bang walang nangyaring dramahan kanina. Bigla tuloy akong napaisip, why is he so happy every time I say ‘no’ to Kurt?  “Harold, sandali nga,” kinakabahan ako sa naiisip kong itanong.

“Hmmm?”

“I don’t know if I’m over thinking things but is it possible na nagseselos ka? Kay Kurt?” lakas loob kong biglang tanong.

“Ha?” at mukhang this time, siya naman ang hindi handa sa tanong ko. Parang bigla tuloy akong nahiya lalo na nang mapansin kong para siyang nagpipigil na mapangiti.

“Huwag mo na nga lang sagutin, nakakainis ka!” nagtatampong sagot ko. “Baka sabihin mo pang assuming na naman ako! Tsaka mukhang alam ko din naman ata ang isasagot mo eh. You hate Kurt, at gusto mo lang akong protektahan that’s why you’re over reacting every time he’s around,” mahabang litanya ko.

“Kilalang-kilala mo na talaga ako ah,” nakangiting sagot niya pero hindi ko alam kung totoo ang ngiting yun o hindi. His smile just seemed different this time. At maya-maya pa’y natahimik na naman siya. Naninibago tuloy ako, he isn’t usually like this. Para bang medyo naging awkward ng kunti sa pagitan namin after I made him almost cry. The heck, now that I’m thinking about it, parang ang powerful ko pala, I can make this hot guy cry. “’Nay…”

“Oh, alis ka na? Bababa na ako…”

“Mamaya na lang, maaga pa naman. Dito ka muna,” hila-hila niya ang sling ng bag ko na parang ayaw na niya akong pababain.

“Uy  10 minutes na lang kaya. Baka ma-late ka pa,” sabay hila din sa bag ko pero di pa rin niya binibitawan.

“15 minutes pa, I can drive there in 5 minutes, don’t worry,” at pagkasabi niya nun eh tumagilid siya para humarap sa akin. “Nay, napapaisip lang ako. Yung sinabi mo kanina about us being impossible to be together, why’d you say so?” and that caught me off guard. What is wrong with him today, why does he keep on surprising me?

“Haha,” at parang siongang wala akong masabi.

“Anong haha?” at nangulit pa ang loko.

“Bakit, naiisip mo bang pwede?” at wala sa sariling biglang naitanong ko. Tae lang, wrong! Ba’t ko nasabi yun???

“Ang naisip ko nga, bakit naman hindi pwede?”

========================================================

Waaahhh! Gustung-gusto ko tong chapter na ‘to. Hehe. Ahh, Harold almost cried again. Haha, pasensya na kayo ha, pinapaiyak ko siya lagi dito ano?

Well, anyways, this is it! I hope you enjoyed this chapter as much as I did. ^__^

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.5M 34.4K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.7M 47.4K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...