♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 14

16.4K 166 18
By nyghtdreamer

Chapter Fourteen

Lianne's POV

Maghapon akong nagbasa at ganoon din si Myleen. Pero ewan ko na naman kung may naiintindihan siya sa binabasa niya. May kausap din kasi siya buong araw sa phone. Naririnig ko pa nga kung paano siya makipag-away sa kausap niya, tapos maya-maya magiging sweet!

Grabe ang mood swings!

Napabuntong hininga ako. Wala pa akong natatanggap ni isang text ngayong araw galing kay Mark. And it irritates me! Sobrang busy niya ba ngayong araw kaya hindi niya ako mai-text? Pero linggo ngayon! Napagod na ba siya kaka-text sa akin dahil hindi naman ako nagre-reply?

Nalungkot ako sa huli kong naisip at binitawan ko ang librong binabasa ko.

Ako naman kaya ang mag-text sa kanya? Ugh! No... ayoko pa. Masama pa rin ang loob ko sa kanilang lahat dahil itinago nila iyon sa akin. Kapag lumipas na ang sama ng loob ko, saka ko ulit sila kakausapin.

I sighed once again.

Maghapon ding nandito sa unit ni Myleen si Ejhay. Hinatid niya kasi kami kagabi at dahil maghahating-gabi na, dito na rin siya natulog. Tapos bukas, ihahatid niya ako sa unit niya. Pero mamaya ay uuwi muna ako sa bahay para kumuha ng mga gamit. Isasabay rin ako ni Ejhay. Para ko na siyang personal driver.

Nakakahiya pero he's really kind to offer me a ride. Wala naman akong pera para mag-inarte pa.

Good luck na lang sa akin pagkauwi ko! I just hope na kayanin ko silang harapin. Kukuha lang talaga ako ng gamit at aalis rin kaagad.

"Uy, bruh!" tawag sa akin ni Myleen.

"What?" tanong ko na hindi siya nililingon.

Umupo rin siya pasalampak sa mamahaling carpet ng sala niya. Okay, everything here is expensive. What do I expect from a Myleen Cate Rodriguez Zerna?

"May date ako mamaya! Yih!" kinikilig niyang sabi na kulang na lang ay mangisay siya.

Nilingon ko siya saglit at dinanompot ko ulit ang librong binabasa ko.

"Okay, have fun..." walang kabuhay-buhay kong sagot.

Narinig ko siyang umungot. Malamang ay naasar sa response ko.

Naiinis siyang tumayo at pabulong-bulong na naglakad palayo sa akin. "War kasi sila ng love life niya ngayon kaya ang bitter! Hmp! Buti pa ako... rich na sa money, rich pa sa guys!"

Natatawang napailing na lang ako at titinuloy ang pagbabasa. Ito lang kasi ang magagawa ko sa ngayon para maging occupied ang isip ko nang maiwasan ko munang isipin sila.

Nakaka-stress kung sila nang sila ang iisipin ko! Ayokong pumangit!

Seryoso lang akong nagbabasa at naka-focus talaga ang isip ko sa mga nakasulat sa libro nang mapukaw ang atensyon ko ng isang platito na may chocolate cake.

Umangat ang tingin ko at nakita ko si Ejhay.

"Merienda muna. Masyado kang seryoso diyan," sabi niya at ngumiti.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Salamat."

Bakit kaya ang bait ng lalaking ito? Ang cute pa ng dimples! Ay, ano ba 'yan?! Dimples na naman niya! Palagi na lang dimples niya ang napapansin ko! Sana talaga dimples na lang siya.

"Ikaw kumain ka na?" tanong ko sa kanya matapos kong sumubo.

"Hindi pa." Nakangiti pa rin siya.

Gusto ko ng kurutin ang pisngi niya! Nanggigigil na ako sa napakaguwapo niyang mukha.

"Sabayan mo naman ako. Hindi ako sanay kumain mag-isa," alok ko sa kanya.

"Sure, I'll just get myself a piece." Tapos umalis na siya.

Can we just share with my cake? Susubuan pa kita, ngali-ngali kong habol sa kanya. Hay... hanggang pantansya na lang talaga ako kay Ejhay dahil may Mark na ako. Pero hindi pa rin ako tini-text ni Mark hanggang ngayon!

Sumubo ako ng malaking cake dahil sa frustration.

Pagbalik ni Ejhay ay may dala na ulit siyang isang platito na may laman ding chocolate cake. He just smiled at umupo siya sa tabi ko. Tahimik kaming kumain.

Habang kumakain, napansin kong madalas na tumitingin sa akin si Ejhay, lalo na kapag sumusubo ako. Nako-conscious tuloy ako dahil sa tingin niya. Pero kahit ganoon ay ipinagpatuloy ko ang pagkain. There's nothing will stop me from eating this delicious chocolate cake!

But really? May mali ba sa paraan ng pagkain ko?

"Why are you looking at me?" hindi ko na napigilang itanong. I'm not looking at him but on the cake.

"I'm just wondering, why girls love to eat chocolates," sagot niyang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya ng nakataas ng bahagya ang isang kilay. Iyon lang ba talaga? Baka naman may iba pang dahilan? Like, ang cute ko kasing kumain? Or sobrang ganda ko kasi?

"'Tsaka ang cute mo kasing kumian. Well, kahit ano naman atang gawin mo, cute ka talaga," kitbit-balikat niyang dagdag at bumaling sa pagkain niya.

"Ughh—" Nabilaukan naman ako bigla!

Napahawak ako sa dibdib ko. Napatayo naman si Ejhay at tumakbo sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang baso ng tubig. Inabot niya sa akin iyon at ininum ko naman kaagad.

He caressed my back habang umiinom ako. Ibinaba ko lang ang baso nang maubos ko na ang laman na tubig.

"Sorry, wala pala akong nadalang inumin," hingi niya ng paumanhin. "And I don't know na hindi ka pala aware na cute ka." Nakangiti na namang siya but this time, it is a playful smile.

He's teasing me! I felt my face burn at sigurado akong namumula ako. Ang ngiti niya ay naging mahinang tawa and then he pinched my left cheek.

Ugh! Gusto ko siyang kurutin katulad ng ginagawa ko kay Mark o Renz kapag inaasar nila ako pero hindi ko magawa!

"Ahem!"

Napalingon kaming dalawa ni Ejhay sa tumikhim. Nakita namin si Myleen na kalalabas lang yata ng kuwarto. Huling-huli niya ang pagkakakurot ni Ejhay sa mukha ko.

Lalo pang nag-init ang mukha ko.

"Oopss! I promise, I didn't see anything!" sabi niya at tinakpan niya ang mga mata niya. "I'll just get food in the kitchen. Promise, hindi ako mag-i-eavesdrop," nakangisi niya pang dagdag at nagmamadali siyang pumunta sa kitchen habang iniiwas ang tingin sa amin.

Napakagat labi ako at binalingan ko ang chocolate cake. I don't know what got me when I ate the rest of it in one bit.

"Woah! Baka mabulunan ka ulit n'yan," pigil sa akin ni Ejhay pero huli na dahil naisubo ko na iyon.

Halos hindi magkasya ang cake na isinubo ko sa bibig ko kaya nakaumbok ang magkabila kong pisngi. Humarap ako sa kanya ng ganoon ang hitsura ko. I don't care anymore. Pero sa gulat ko ay bigla ko na lang narinig ang camera shutter ng phone niya.

"Hey--!" Sinubukan kong takpan ang mukha ko pero mukhang huli na rin. Nakuhaan na niya ako ng picture na ganoon ang hitsura ko.

"There..." wika niya habang nakatingin sa screen ng cellphone niya. "Cute!" At hinarap niya sa akin ang screen.

I felt my cheeks turned into crimson again. Nandoon ang mukha ko na ang magkabilang pisngi ay nakalobo dahil sa dami ng pagkain na nasa bibig ko. I might be really cute in the photo but...

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko nang naramdaman kong mailuluwa ko na ang pagkain na nasa bibig ko pa rin. Tumakbo ako papunta sa sink ng kusina at doon iniluwa ang pagkaing nasa bibig ko.

"Hoy, ano 'yan?!" gulat na tanong ni Myleen. "Anong nangyayari sa 'yo, bruh?!"

Hindi ako sumagot. I washed the mouth and poured water on the sink.

Naramdaman kong may humawak sa likod ko. "Okay ka lang?" Sumunod pala sa akin si Ejhay.

"Oh, my...! Naglilihi ka na agad, bruh?!" Hinarap ni Myleen ako sa kanila dahil nakatungo pa rin ako sa sa lababo.

God... nakita na naman ako ni Ejhay on my worst self. Why do I have to be at my worst everytime he's around?

"Sinong ama?! Si papa Mark o itong pinsan ko?!" exaggerated pang tanong ulit ni Myleen na ikinasamid ko na naman.

Papatayin ba ako ng magpinsan na 'to sa pagkasamid? Oh, my god!

Inabutan na naman ako ni Ejhay ng isang baso ng tubig. Ininum ko naman ulit iyon. Para akong naging bloated dahil sa dalawang basong tubig.

Humarap ako kay Myleen pagkatapos kong uminom. "Hoy, babae! Anong pinagsasabi mong naglilih at sino ang ama?!" wika ko na may pag-amba pang susuntukin siya.

"Huh? Bakit? Ano ba ang dapat kong itanong? Sino ang ina?" maang niyang tanong. "Ako ba? Ako ang ina?"

"Oh, god..." iyon na lang nasabi ko at iniwan ko sila doon sa kusina.

Hiyang-hiya ako kay Ejhay kaya idadaan ko na lang sa pagwo-walkout ang lahat. Mabuti na lang at hindi na nila ako sinundan. Kundi hindi ko na alam kung ano pang kahihiyan ang magagawa ko.

∞∞∞

"Let's go?" tanong sa akin ni Ejhay paglabas ko ng kuwarto ni Myleen.

Kanina ko pa siya pinaghihintay. Paano ba naman kasi, naaliw ako kababasa after ng kahihiyan ko sa kanilang magpinsan. Nakalimutan ko tuloy na five o' clock kami aalis. Tapos siya hindi man lang niya ni-remind sa'kin. Pinabayaan niya lang din akong magbasa. Kala niya daw kasi kailangan ko talagang mag-aral.

"Tara na," sabi ko tapos hinila ko na siya sa kamay. Ayokong gabihin kami masyado.

Wala sa loob na hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya hanggang sa makakababa kami sa parking lot. Napansin ko lang iyon nang bitawan ko ang kamay niya pagkasakay ko sa kotse niya.

Hindi na lang ako nagsalita ng tungkol doon. I don't know what to say, anyway and it seems that he doesn't mind too. And it's just holding hands! Puwede naman siguro iyon sa magkaibigan, 'di ba?

Renz and I do that that. Okay, I'm being defensive. Pero wala naman talagang ibig-sabihin iyon. I didn't even notice it.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Iniisip ko na kung ano ang maaabutan ko sa bahay at nakaramdam ako ng kaba. Napahinga ako ng malalim. Gusto ko lang rin talaga makita si Mommy at sabihin sa kanya na okay lang ako. And I'll let her know about my plans.

Bahala na si Batman...

Pumasok sa villa namin ang sasakyan ni Ejhay pagkaraan ng ilang minuto. Nadagdagan naman ang kaba ko.

Calm down, Lianne...

Maya-maya pa ay nasa tapat na kami ng bahay namin. This is it! Huminga ulit ako ng malalim at lumingon ako kay Ejhay nang nakangiti.

"Thank you, Ejhay," malumanay kong sabi. "I'll see you tomorrow?"

"No problem." Gumanti siya ng ngiti sa akin. "See you tomorrow." Siya pa ang nagbukas ng pinto sa side ko.

Hindi ko naiwasang maamoy siya dahil sa ginawa niya. Parang saglit na nawala ang kaba ko dahil doon at ang mabangong amoy niya ang saglit na namutawi sa isip ko. Saglit akong napatanga pero agad rin akong natauhan.

Tama na ang mga kahihiyan ko sa harap ni Ejhay sa araw na ito!

Bumaba na ako at dumiretso papasok sa bahay. Nakita ko si Hannah na nakaupo sa sala. Ang kabang naipon sa dibdib ko habang papunta ako dito sa bahay ay agad napalitan ng galit at inis. Dinaanan ko lang siya at umakyat ako papunta sa kuwarto ko. Ni hindi ko siya makuhang tingnan ng matagal.

Pagpasok ko sa kuwarto ko, napansin ko kaagad na parang may gumalaw ng mga gamit ko. Hindi ito ganito noong isang araw na umalis ako. Ang mga picture frame sa bedside table ko ay iba na ang pagkakaayos.

Sinong pangahas ang pumasok na lang sa kuwarto ko?! Isipin pa lang na maaaring si Hannah iyon ay sobrang naiinis na ako.

Lumapit ako sa kama at naupo. I arranged my side table to the way it used to be. I even open the cabinet para tingnan kung may gumalaw rin niyon pero mukhang wala namang naiba. Pagkatapos ko iyon gawin at pabagsak ako nahiga sa kama ko.

I miss my room...

Pero wala pang sampung segundo ay may pamilyar na amoy akong napansin. I rolled and sniffed the comforter.

Naamoy ko ang sarili ko roon pero may humalong ibang amoy. Siminghot pa ako ulit habang nakasubsob pa rin sa comforter.

It's Mark's scent...

Bakit amoy Mark itong comforter ko? Is he sleeping in my room? O baka guni-guni ko lang ito? Sobrang miss ko lang siguro siya kaya naamoy ko siya.

Inamoy ko pa iyon at si Mark pa rin talaga ang naaamoy ko. Then I grabbed my pillow at inamoy rin iyon.

Amoy Mark talaga.

Niyakap ko ang unan at comforted. For the record, I really miss Mark. Maybe I'll text him later at papapuntahin ko rito sa bahay.

I want a hug from him. Maybe I need that para mawala ang tampo ko sa kanilang buong pamilya. Or maybe, a kiss is better.

Natigil lang ako sa pag-amoy sa unan ko nang may narinig akong mahinang katok.

"Lianne, anak? Nandiyan ka ba?" It's my Mom.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. "Come in, Mom."

Pumasok nga si Mommy at isinara niya ulit ang pinto ng kuwarto ko. Hindi ko na siya hinintay na lumapit sa akin. Tumayo na ako at sinalubong ko siya ng yakap.

"I missed you, Mom," naiiyak kong sabi sa kanya habang magkayakap pa rin kami.

Humiwalay siya sa akin matapos ang ilang sandali at mataman akong tiningnan. Hinaplos niya ang nuhok ko.

"I missed you too, anak." And then she held my shoulders. "'Buti at hindi ka nangangayayat," puna niya habang tinitingnan ng mabuti ang katawan ko.

"Mom, paano naman ako papayat? Alam mo namang pag-stress ako, pagkain ang katapat ko," katuwiran ko.

Siya naman ang tinitigan ko. Parang siya nga itong pumayat at mukhang stress. Nakaramdam agad ng guilt. It's my fault. Kung hindi siguro ako umalis ay hindi siya mangangayayat.

"I'm sorry, Mom," iyon na lang ang nasabi ko.

Ngumiti siya at hinawakan ako sa siko. "Halika na muna sa baba at nang makakain tayo nang sabay-sabay."

Nag-alinlangan naman ako kaagad sa sinabi ni Mommy. Isipin ko pa lang na makakasabay ko ang parents ko at si Hannah sa pagkain, naghahalo-halo na ang emosyon ko.

Hindi ko naman magawang tanggihan si Mommy dahil mukha ngang pumayat siya sa ilang araw ko pa lang na pag-alis dito sa bahay.

"S-sige po..."

Sabay na kaming bumaba ni Mommy. Pagdating namin sa dining area ay nakita kong nakaupo si Hannah sa kaliwa ni Daddy. Sa puwesto ko mismo.

Agad akong nakaramdam ng paninibugho. Hindi lang ang puwesto ko sa hapag-kainan ang inagaw niya. Pati ang papel ko rito sa bahay. I am like a dethroned princess.

Nang makita ako ni Daddy, bumaling kaagad siya kay Hannah. "Hannah, lumipat ka ng upuan," utos niya sa anak niya.

Tatayo na sana si Hannah pero natigilan siya sa pagsasalita ko.

"No need," walang emosyon kong sabi at umupo ako sa tabi ng upuan ni Mommy.

I don't need that seat. I don't need that thrown.

Umayos na ulit si Hannah sa pagkakaupo at umupo na rin si Mommy sa gitna namin ni Daddy. Kumain lang kami ng tahimik. Halos hindi ko malunok ang pagkain ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Nang nasa kalagitnaan na kami ng paghahapunan ay ibinaba ko ang mga kubyertos hindi pa man ubos ang pagkain ko.

Hindi ko na talaga kaya.

"Mom, lilipat ako bukas sa unit ng friend ko," pagbibigay alam ko kay Mommy at sinadya kong talagang ipaalam sa mag-ama.

Lahat sila ay napatingin sa akin.

"Anak—"

"Let her," putol ni Daddy sa sasabihin ni Mommy.

I greeted my teeth because of what I Heard.

Hindi ko inaasahan na pipigilan niya ako pero mas hindi ko inaasahan na pababayaan niya lang ako ng ganoon. Pakiramdam ko, mas matindi pa sa pagpapalayas ang ginagawa niya sa akin ngayon. Kulang na lang, ipagtabuyan niya ako paalis ng bahay namin.

Oh, well... he almost gave you to Mark, Lianne. What do you expect? It's not like magbabago pa ang kagustuhan niyang umalis ka dito sa pamamahay niya, lalo na't nandito na ang totoo niyang prinsesa.

Tumayo ako. "Nagbago na ang isip ko..."

"Lianne..." Hinawakan ako ni Mommy sa braso.

"Ngayon na ako aalis." Then I stormed out.

Pagka-akyat ko sa kuwarto ko ay agad akong nag-text kay Ejhay na ngayong gabi na ako lilipat sa unit niya. Hindi na pumasok sa isip ko ang hiya. I just need to get out of this house immediately.

Inayos ko ang ilang personal kong gamit. Ang mga kailangan ko lang muna sa school ang kukunin ko. Sa susunod ko na lang siguro kukunin ang iba ko pang mga gamit. Bumaba na ako kaagad pagtapos kong mapuno ang katamtamang laki na bag. Nakasalubong ko pa si Daddy pero hindi ko siya tinapunan ng kahit isang sulyap.

I'm so mad at him, I don't want to look at him, or else I'll break down.

Paglabas ko ng gate namin ay naghihintay na ang kotse ni Ejhay sa labas. Sumakay ako at walang salitang pinaandar niya ang sasakyan.

Ito ang isa ko pang nagustuhan kay Ejhay simula ng gabing hinatid niya ako sa condo ni Myleen. Hindi siya nagtatanong ng kung ano pa man at alam kong hindi dahil wala siyang paki, dahil kung wala talaga siyang paki ay hindi siya mag-aaksaya ng oras at effort para sa akin.

Hindi ko alam kung paano niya nilalabanan ang pagiging curious, pero mabuti na rin na hindi siya palatanong. I hate explaining myself to anyone. Hindi dahil takot ako ma-judge. I just hate it because I am always to true myself and others. Wala akong tinatago. Kapag galit ako, I'll show it. Kapag masaya ako, I'll laugh even I look like crazy.

I never kept what I feel. I never fake emotions.

But what I hate the most is being vulnerable. That's what I am afraid of. To let others see that I am weak.

Dumaan pa ang ilang mga minuto. Hindi ko alam kung anong daan ang tinatahak namin. Maya-maya pa ay huminto na lang kami sa gilid ng daan.

Napatingin ako kay Ejhay ng nagtataka. Tahimik pa rin siyang bumaba pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Dito na ba ang condo niya? Pero nasaan? Wala naman akong makitang building dito sa hinintuan namin.

"Come..." Inilahad niya ang kamay niya.

Kahit pa nagtataka ako ay inabot ko na lang ang kamay niya at bumaba rin ng sasakyan. Naglakad kami ng kaunti papunta sa pinaka gilid ng daan. Nang tumingin ako sa baba at nakita kong bangin pala iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Ejhay.

"You can shout here all the things you want to say... all the things that are hurting you right now," he said.

Nakita ko ang lungkot ng mga mata niya, kung pakikiramay ba iyon sa akin ay hindi ko alam. And then he pulled my and gave me a warm hug.

Napasinok ako dahil sa pagpipigil umiyak. Ayoko nang umiyak. Pero hindi iyon ang pinaparamdam sa akin ng yakap niya. It's like he really wanted me to cry everything out.

"H'wag ka lang tatalon bigla, ha? Hindi ka mabubuhay," bilin pa niya sa akin at saka ako binitiwan. "Doon lang ako sa loob ng kotse para hindi ko marinig ang mga sasabihin mo."

Iniwan niya na ako at naglakad pabalik sa nakaparada niyang kotse. Pero lumingon muna siya sa akin bago binuksan ang pintuan ng sasakyan.

"Tandaan mo, h'wag kang tatalon. Dinala kita rito para mailabas mo ang lahat ng sama ng loob mo at hindi para magpakamatay." At saka siya tuluyang pumasok sa sasakyan.

Nanatili akong nakatayo lang roon ng ilang saglit. Maya-maya ay narinig ko ang malakas na sounds ng stereo ng sasakyan. He doesn't really want to hear what I'll shout in here.

Tumingin na ulit ako sa bangin. Mula sa pagkakayuko roon ay inangat ko ang mga mata ko at nakita mula roon ang mga nakabukas na ilaw ng mga bahay sa hindi kalayuan. Humugot ako ng malalim na hininga para maghanda sa pagsigaw kong gagawin. Isa lang naman ang gusto kong isigaw dahil iyon ang pinaka nararamdaman ko ngayon.

"I HATE YOU, DADDY! I HATE YOU SO MUCH!"

Pagkatapos kong isigaw iyon ay tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. I just let them stream down my face. Nakaramdam ko ang unti-unting paggaan ng dibdib ko.

Nang matapos ako sa pag-iyak ay bumalik na agad ako sa sasakyan. Naka-recline ang upuan ni Ejhay nang buksan ko ang pinto niyon. Agad naman siyang umayos at pinatay ang radio.

Sumakay ako.

"Feeling a little better now?" he asked.

Ngumiti ako at tumango bilang sagot sa tanong niya.

Then he started driving again.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
6M 75.4K 102
SIGNED STORY UNDER DREAME! Dreame Account: GandangSora ---- After more than 2 years, may kanya-kanya na silang career. And until now, hindi pa rin na...
660K 14.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.