Emong Alembong

By vincentmanrique

107K 5.7K 660

Hindi siya nagbibinata. Hindi rin nagdadalaga. NAGBIBINAKLA! Rank 88 in Gen Fiction - Dec 20, 2017 Rank 17... More

Emong Alembong
Acknowledgment
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Announcement
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five

Chapter Eleven

2.3K 136 14
By vincentmanrique

"GOOD MORNING!" Masaya ang mukha ng doktor nang pumasok sa silid ni Emong. Naroon din sa kuwarto si Aling Rosita.

"Good morning din po, doc." Sinabayan ng nanay ni Emong ng ngiti ang pagbati sa manggagamot.

"May magandang balita po ako sa inyo. Nakita ko na ang resulta ng MRI at iba pang lab tests ng pasyente at maayos naman lahat. Wala na kayong dapat pang ipag-alala sa kalagayan niya. Maaari na siyang lumabas bukas at sa bahay na lang magpagaling," pagbabalita ng doktor. "Bibigyan ko na lang siya ng reseta para sa mga gamot na iinumin niya at iba pang instruction sa paglilinis ng sugat niya sa binti."

"Naku, maraming salamat, doc." Bumaling si Aling Rosita sa anak. "Narinig mo iyon, anak? Makakalabas ka na bukas."

"Opo, 'nay. Excited na rin akong lumabas. Gusto ko na nga pong pumasok sa school, eh."

"Hindi ka pa puwedeng pumasok. Siguro, next week pupuwede na," sabi ng doktor.

"Okay po, doc."

"Eto po ang mga bagong reseta niya." Iniabot ng doktor kay Aling Rosita ang kapirasong papel.

"Sige po, doc."

"Pupuntahan ko po muna iyong iba kong pasyente. Kapag may kailangan po kayo, sabihin n'yo na lang po sa nurse."

Tumango ang ina ni Emong.

Pagkaalis ng doktor ay kinausap ni Aling Rosita ang anak. "Lalabas lang ako sandali para bilhin itong mga gamot mo."

"May pera ka pa po ba, 'nay? Kailangan pa natin ng pambayad sa ospital bukas."

"Huwag n'yo na pong alalahanin iyong hospital bill, binayaran ko na po ngayon lang."

"Altaire?" gulat na sabi ni Emong pero masaya naman ang kanyang puso.

"Naku, ang batang ito. Bakit mo naman ginawa iyon? May madedelihensyahan naman siguro ako," nahihiyang sabi ni Aling Rosita.

"Hayaan n'yo na po, Aling Rosita. Tulong ko na lang po sa inyo ni Emong."

KINABUKASAN nga ay nakalabas na ng ospital si Emong. Si Altaire ay nananatiling nakaalalay pa rin sa mag-ina hanggang sa makauwi ang mga ito. Hiyang-hiya man ang ina ni Emong sa binatang seminarista ay hindi naman niya ito mapigilan sa pagtulong sa kanilang mag-ina. Kaya nang araw ding iyon, habang nagpapahinga si Emong sa kuwarto ay lumabas ng bahay si Aling Rosita at nagtungo sa bahay ni Altaire.

"Aling Rosita napasugod po kayo," sabi ng binata nang pagbuksan niya ng pinto ang kapitbahay.

"Maaari ba kitang makausap?" seryosong bungad nito.

"Sige po. Pumasok po muna kayo."

Pumasok ang nanay ni Emong sa loob ng bahay.

"Umupo po muna kayo at maghahanda lang ako ng maiinom."

"Huwag ka nang mag-abala, saglit lang naman ako. May sasabihin lang sana ako sa'yo."

"Ano po ba iyon at parang napakaseryoso naman yata?" Ngumiti si Altaire sa kausap.

"Pumapayag na akong magtrabaho bilang kusinera sa bahay n'yo sa Maynila," aniya.

Nagliwanag ang mukha ng binatang seminarista. "Talaga po? Naku, matutuwa si mommy kapag ibinalita ko 'yan sa kanya. Maraming salamat po, Aling Rosita.

Nahihiya kasi ako sa'yo. Napakalaki ng naitulong mo sa gastusin namin sa ospital. Kaya naisip kong tanggapin na iyong trabahong iniaalok ng mommy mo para naman makabayad ako ng utang na loob sa'yo.

"Naku, Aling Rosita hindi mo naman po kayo obligadong palitan ano mang naitulong ko. Ayoko naman po na magtrabaho kayo sa bahay namin dahil kailangan ninyong magbayad ng utang na loob," matapat na sabi ni Altaire.

Nginitian ni Aling Rosita ang binata. "Hindi. Sigurado na ako sa pasya kong tanggapin ang trabaho. Iniisip ko rin na gagawin ko ito para kay Emong. Para dire-diretso ang pag-aaral niya."

"Salamat po kung ganoon..."

"May isa lang sana akong ipapakiusap, Altaire."

"Ano po iyon?"

"Maaari ko bang isama rin sa Maynila si Emong?" tanong ni Aling Rosita. "Wala kasi siyang makakasama rito. Gusto ko sanang isama siya sa Maynila para mabantayan ko pa rin siya. Alam mo naman, kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay."

"Wala pong problema. Ako na po ang bahalang kumausap kay mommy. Siguradong papayag iyon." Hindi nawawala ang maaliwalas na ngiti ng binata.

Napangiti na rin ang nanay ni Emong. "Maraming salamat, Altaire. Napakabuti mo. Napakabuti ng pamilya n'yo."

"Kelan po kayo puwedeng lumuwas ng Maynila?"

"Puwede kayang pagtapos na lang ng klase ni Emong? Hindi ko kasi siya puwedeng iwan ngayon dahil magpapagaling pa siya."

"Kung iyon po ang gusto n'yo, Aling Rosita. Masaya po ako na magtatrabaho kayo sa amin."

"Salamat, Altaire."

"Wala pong anuman. Ayaw n'yo po ba talagang ipaghanda ko kayo ng maiinom?"

"Naku, huwag na. Pauwi na rin naman ako. Tinakasan ko lang si Emong. Baka magising na iyon at hanapin ako."

Napangiti si Altaire. "Eh, sige po. Kung ayaw n'yong magpapilit."

"Tutuloy na ako." Naglakad na siya papalabas ng bahay. Inihatid siya ni Altaire hanggang sa makalabas ng pinto.

"SAAN po kayo galing, 'nay?" Nadatnan niyang nakaupo sa sofa sa salas si Emong.

"Diyan lang kay Altaire. Bakit ka lumabas? Hindi ka ba nahirapang maglakad?"

"Hindi naman po. Naiinip na kasi ako sa kuwarto. Kaya lumabas muna ako," sabi ni Emong sa ina. "Ano kaya kung pumasok na ako bukas, 'nay? Kaya ko naman po, eh. Nakakainip dito sa bahay, walang ginagawa."

"Naku, huwag kang matigas ang ulo. Sabi ng doktor, next week ka pa puwedeng pumasok," sagot ni Aling Rosita.

"Eh, bakit po kayo pumunta kina Altaire? Anong ginawa n'yo po roon?"

Kaswal na sumagot ang ina, "Sinabi kong tinatanggap ko na iyong alok ni Mrs. Torres na magtrabaho ako bilang kusinera sa bahay nila sa Maynila."

Nanlaki ang mata ni Emong. "Totoo po? Iiwan n'yo po akong mag-isa rito?"

"Hindi naman. Nakiusap ako kay Altaire kung puwedeng isama kita..."

Nagliwanag kaagad ang mukha ni Emong. "Ano pong sabi ni Altaire?"

"Sasabihin daw niya sa mama niya. Sigurado raw siyang papayag si Mrs. Torres."

Ang lawak ng pagkakangiti ni Emong. Kapag nagkataon mas mapapalapit siya kay Altaire. "Kelan po tayo pupunta sa Maynila, 'nay?"

"Aba, eh ang sabi ko kay Altaire pagkatapos na lang ng klase mo. Pumayag naman siya."

"Excited na ako, 'nay," kinikilig na sabi ni Emong. "Makakarating na rin ako sa Maynila. Doon na rin ako mag-aaral, 'di ba 'nay?"

"Oo, anak. Ayoko kasing maiwan kang mag-isa rito. Igagapang ko para makapag-aral ka sa Maynila."

"Magandang hapon po!"

Kapwa napatingin sa may pinto ang mag-ina.

"O, bespren! Salamat naman at dinalaw mo ako," masayang sabi ni Emong pagkakita kay Maya. Kasama nito si Aldrin. "Pumasok muna kayo."

Pumasok sa loob ng bahay ang dalawa.

"Magandang hapon po, Aling Rosita." Si Aldrin. "Kumusta ka, Emong?"

Inirapan ni Emong ang kaklase. "Okay lang."

"Maupo muna kayo riyan at ipaghahanda ko kayo ng meryenda, sabi ni Aling Rosita."

"Huwag na po, Aling Rosita. Hindi naman po kami magtatagal," sambit ni Maya.

"Kinukumusta lang po namin si Emong," segunda naman ni Aldrin.

"O, siya maiwan ko muna kayo riyan at may aasikasuhin lang ako sa kusina." Iniwan na silang tatlo ni Aling Rosita.

"Kelan ka makakapasok?" tanong ni Maya. Ang dami mo nang na-miss na lessons."

"Next week papasok na ako. Gusto ko nga sana bukas na, ayaw lang pumayag ni nanay. Sabi raw kasi ng doktor, next week pa ako puwedeng bumalik sa school."

"Hiramin mo na lang ang mga notebook ko. Kumpleto ako ng notes," pagboboluntaryo ni Aldrin.

"Kay bespren na lang ako hihiram. Huwag ka nang mag-abala," nakasimangot na sagot niya.

"Ang hard mo talaga kay Aldrin. Ang bait-bait nung tao eh, sinosopla mo na lang lagi," pagtatanggol ni Maya sa kaklase. "Sige ka, baka dumating ang panahong mami-miss mo rin si Aldrin."

Pinaikot lang ni Emong ang kanyang mga mata tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan. "Baka ako pa ang ma-miss niyan kapag umalis na kami rito ni nanay. Magtatrabaho na kasi si nanay sa bahay nina Altaire sa Maynila, at pumayag na si Altaire na isama ako ni nanay sa kanila. Ibig sabihin, doon na rin ako titira at sa Maynila na ako mag-aaral."

Kapwa napatanga sina Maya at Aldrin sa sinabi ni Emong.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 241 38
Perry Payne Wise knows something is different in him, especially when he feels excited just by the mere presence of a certain someone named Ariston S...
99.9K 4.5K 28
Taong 1356, Itinakdang koronahan ang bagong hari ng kahariang Thesalus ang bata at makisig na Prinsipe Brandon. Sa kanya lahat ay napapahanga dahil s...
21.6K 784 13
CINCO MARIO BOOK 3 Francis: Destined to be Yours Francis Mario Guevarra, 23 years old na empliyado ng isang companya. Regular na lalaking ginawan...
6.1K 330 23
We often feel like we're paperplanes, trying to fly high with hopes. But just like paperplanes, we easily get broken as we land at the surface of gr...