LOVE AND PAIN(Completed)

By Wild_Amber

923K 25.5K 671

AIVAN "Sefh" GUERRERO->mahilig tumuklas ng iba't ibang uri ng inumin. Kaya naman dahil sa kanya ay mas lumawa... More

TEASER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
LOVE AND PAIN

Chapter 27

22.8K 707 20
By Wild_Amber

HALOS hindi mapakali si Rex sa kinauupoan niya habang hinihintay niya ang pagdating ng panauhin. Ng may biglang kumatok sa opisina niya ay bigla siyang napaupo ng tuwid. Pigil nito ang hininga hanggang sa bumukas ang pintoan.

"Sir, nandito na po ang besita niyo." Malumanay na anang secretary niya. Agad namang tumango si Rex biglang sagot.

Habang nakatingin si Rex sa nakabukas na pintoan ay halos hindi na siya kumurap. Nakangiting Yasmin ang bumungad sa kanya. Hindi na ito gaya ng huli silang magkausap na daig pa niya Lion sa bangis.

"Hi..."

"Hi! Have a sit." Alok ni Rex kay Yasmin. Agad naman naupo si Yasmin sa upoang nasa harap ng mesa ni Rex.

"Where is Mr. Guerrero?" Tanong ni Rex ng hindi niya makita si Sefh. "Uhm! meron daw siyang meeting, kaya ako lang ang pinapunta niya dito." Sagot dito ni Yasmin na kinatango ni Rex. Sinadya talagang hindi sumama ni Sefh kay Yasmin. Dahil gusto nitong bigyan ng privacy ang dalawa para magkausap ng masinsinan. May tiwala naman siya kay Yasmin kaya panatag ang loob niyang kausapin ng nobya ang dati nitong katipan.

***flashback***

Gaya ng pakiusap ni Yasmin kay Sefh ay agad niya itong pinagbigyan. Agad nilang tinungo lugar kung saan makikita ang kumpanyang pag-aari ni Rex. Ngunit bago pa man sila magtungo doon ay ipinaalam muna nila ito kay Rex na darating sila doon ni Yasmin.

"Akala ko ba e sasamahan mo ako?" Kunot nuong tanong ni Yasmin kay Sefh ng marating nila ang kumpanyang pag-aari ni Rex.

"Cinderella, gusto kung magkausap kayo ng masinsinan ni Rex. Don't worry may tiwala naman ako sayo. Isa pa may meeting akong kailangan puntahan." Saad ni Sefh kay Yasmin na ipinagbukas niya ng pinto ng sasakyan.

"Okey! sinabi mo e." Nakapuot na ani Yasmin. Kaya agad itong dinampian ni Sefh sa labi ng halik. "Trust me, mas makakabuting hindi muna ako haharap kay Rex sa pagkakataong ito." Paliwanag nito sa nobya na napabuntong hininga.

"Come on, ngumiti kana mia regina." Pangungulit nito sa dalaga na agad napangiti. Hindi talaga ito matitiisbkahit magtamputampuhan siya dito ay siya rin ang unang bibigay. "Fine." Pagsuko na lang nito.

"That's my girl. I love you kaya may tiwala ako sayo. Isa pa mas gwapo ako kay Rex at meron na tayong anak at magkakaanak ulit." Saad dito ni Sefh na inismiran ng nobya. Dahil hindi talaga mawawala ang pagbubuhat nito ng sariling upoan.

Kaya matapus magpaalam ni Yasmin sa nobyo ay agad siyang pumasok sa gusaling pag-aari ni Rex. At ang hindi alam ni Yasmin ay hindi pala umalis kung saan niya iniwan si Sefh. Nanatili ito doon at doon niya hinintay ang nobya.

***End of flashback***

"I see. What drinks do you want?" Tila nahihiya pang tanong ni Rex kay Yasmin. "Fresh juice na lang." Sagot naman dito ni Yasmin. Kaya agad na nagpahatid ng fresh juice si Rex sa opisina niya.

Hindi rin naman nagtagal ng dumating ang pinahatid ni Rex na juice sa opisina niya. Nakangiti naman iyong inabot ni Yasmin ng iabot sa kanya ng secretary ni Rex ang fresh strawberry juice.

Lumipas ang segundo at tila hindi alam ng dalawa kung sino ang unang magsasalita. Biglang nagkaroon ng pagkailang ang dalawa sa isa't isa. Ngunit agad din naman binasag ni Rex ang namumuong katahimikan sa pagitan nila ni Yasmin.

"Congrats nga pala sa inyo ni Sefh, magkakababy ulit kayo." Ani Rex.

"Thanks," tipid na sagot ni Yasmin. "Uhm! Thank you nga pala sa pagdala sa akin sa hospital. Kung hindi dahil sayo ay baka tuluyan akong nakunan." Buong pusong pasalamat nito kay Rex.

"Wala yun, ginawa ko lang ang alam kung tama." Anito sa kaharap sabay hinga ng malalim. "So, kumusta ka naman?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Ayos lang, I'm happy with Sefh. His a good guy." Sagot nitong kinatango ng binata sabay ngiti ng mapakla. Kung naririnig lang siguro ang isip ni Rex na nagsasalita ay baka narinig na ni Yasmin ang sinasabi ng isip nitong, 'gago ka kasi. Kaya nawala sayo ang babaeng mahal mo.'

"Good to hear that." Naiilang parin ditong saad ni Rex. Halos hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Yasmin sa tagpong ito. "Yasmin?"

"Hmmmp?"

Huminga muna si Rex bago siya muling nagsalita. "I know mahirap ang hihilingin ko ngayon sayo. Pero gusto ko na kasing matahimik Yasmin. Sana kahit kunting pagpapatawad ay mabigyan mo ako. Ang hirap dalhin dito e," sabay turo nito ng dibdib. "Ang sakit-sakit, hirap kang matulog sa gabi dahil dinadalaw ka ng kunsensya mo." Anitong hindi makatingin kay Yasmin dahil namumula na ang mata niya.

"Rex, unti-unti na kitang napapatawad. At tuloyan lang kitang mapapatawad kung gagawin mo para sa akin ang isang bagay na gusto kung hilingin sayo." Ani Yasmin na kinatingin ni Rex sa mukha niya.

"Ano yun Yasmin, mapatawad mo lang ako ay gagawin ko. Hindi na ako umaasang mapapasakin kang muli. Dahil alam kung mahal na mahal mo si Sefh at ganun din siya. Pero ang pagpapatawad mo lang ang gusto kung makamtan mula sayo." Anitong biglang naging emosyonal sa harap ni Yasmin.

"Simple lang naman ang hihilingin ko sayo Rex ang mahalin mo muli ang sarili mo. Magmove-on ka at maging ama sa anak mo." Ani Yasmin na kinakunot ng noo ni Rex.

"I know naguguluhan ka, pero tama ang narinig mo. Gusto kung maging mabuti kang ama para kay Drake. At alam mo bang kamukhang kamukha mo siya. Matanda lang siya ng ilang buwan sa anak ko." Ang nakangiting ani Yasmin.

"Sana magpakita ka sa kanila, ayaw kung lumaki ang anak mong walang kinikilalang ama. Walang kamuwang-muwang yung bata. Napakainosente pa niya. Please, kausapin mo si Lara." Anitong kinagulat ni Rex.

"Lara?"

"Oo, si Lara ang ina ng anak mo. Nagbunga ang nangyari sa inyo. Pero hindi niya sinabi sayo dahil alam niyang baka ipagtabuyan mo lang siya. Kaya nanahimik na lang siya at inakong mag-isa ang anak niyo." Kwento dito ni Yasmin.

"Nagkausap kayong dalawa?" Ang hindi makapaniwala nitong tanong kay Yasmin. At hindi siya makapaniwalang meron na siyang anak na isa narin siyang ama pala ngayon.

"Oo, nagkausap na kami at napatawad ko na rin siya. Maybe panahon na para kalimutan natin ang nangyari kahapon. Siguro panahon na para harapin natin ang panibagong buhay. At sana maibigay mo ang hiling kung ito sayo Rex." May tunong pagsusumamo ni Yasmin kay Rex na napailing. Ang laki na talaga ng ipinagbago nito.

"Come on Rex, please. Gawin mo para sa anak mo. Kapag hindi mo ako pinagbigyan ay tatawagan ko talaga si Sefh para ipagulpi ka." Nakasimangot ditong ani Yasmin na lalong kinailing ni Rex.

"Fine. Kakausapin ko si Lara ng matahimik ka at mapatawad mo ako. Wag mo lang ako ipagulpi kay Guerrero. Dahil ayaw kung humarap sa anak kung may pasa ang gwapo kung mukha. Ayaw kung matakot ang anak ko sa akin. At ayaw ko rin na matulad siya sa gago niyang ama." Anitong kinangiti ni Yasmin ng pagkatamis-tamis.

"Thank you. Promise, hindi mo pagsisihan ang bagay na ito Rex." Masayang ani Yasmin sabay inom niya ng fresh strawberry juice na hinatid ng secretary ni Rex kanina. "Uhm! Ito nga pala ang address ni Lara. At sa kasal ko ay kukunin kung isa sa mga sponsor ang anak niyo. At si Lara ang mag-aayos sakin." Ngiting-ngiting pagbabalita pa dito ni Yasmin.

"Kamukha ko ba talaga ang anak ko?" Paniniguro dito ni Rex. "Oo, naman. Yun nga lang e mas gwapo sayo ang anak mo." Ani Yasmin na tumawa sabay kuha niya ng phone niya at may pinindot siya doon.

"Here, tingnan mo. Mas gwapo ang anak mo sayo. Mukha ka kasing sanggano. At kung ako sayo ay bilis-bilisan ko ang pagpapakita sa kanila bago ibang lalaki ang tawagin ng anak mong daddy." Ani Yasmin na kinaupo ni Rex ng tuwid.

"No way, ayaw kung may tawaging ibang daddy ang anak ko." Anitong kinangiti ni Yasmin ng lihim. "Kung ganun e puntahan mo ang mag-ina mo at wag kang magsayang ng oras. Baka mahambalos kita ng dos for dos." May pagbabantang ani Yasmin dito.

"Fine. Pero pwede bang pakitawagan si Guerrero." Utos nito kay Yasmin na agad nagtaka. Pero agad din naman niyang pinindot ang phone niya at tinawagan si Sefh. Hindi rin naman nagtagal at sinagot ng binata ang tawagan.

"Cinderella?"

"Hubby, kakausapin ka daw ni Rex." Anito sabay abot niya ng tawagan kay Rex.

"Hey! Guerrero, pwede bang pakisundo itong buntis mong girlfriend dito. Ayaw kung mapaglihian nito at paghahambalusin ng dos por dos." Deritsahang ani Rex kay Sefh na natawa.

"Good for you, men. Ng tumanda ka. Next time kapag hindi mo pinagbigyan ang gusto niyan e ako mismo ang babasag ng two balls mo." Ani Sefh na natatawa.

"Langya kayo oh! Ito na nga at pinagbibigyan ko na sa gusto niya kaya sunduin mo siya dito." Naiiling nitong aniya kay Sefh.

"Nandito ako sa labas ng kumpanya mo, dito ko na lang kayo hihintayin. Please take care of my girl, kundi tatamaan ka talaga sa akin." Sagot naman ni Sefh na may kasamang pagbabata kaya napailing si Rex na pinatay ang phone ni Yasmin.

"Shall we, nasa labas ng building ko ang boyfriend mo." Aya nito kay Yasmin na agad naman tumalima at tumayo matapus niyang maabot ang tawagan kay Rex.

Sabay nga silang lumabas ng opisina ni Rex hanggang sa makarating sila sa looby ng kumpanya ng binata. Agad niyang namataan doon si Sefh na naghihintay. Ng makita sila nito ay napatayo ito ng tuwid at sinalubong sila.

"Babasagin ko na ba ang two balls niya Cinderella?" Tanong agad ni Sefh kay Yasmin na biglang natawa.

"Tsk! Lumayas na nga kayo, at pinagtutulongan niyo lang ako. At ayaw kung mabasag ang two balls ko dahil magpaparami pa ako ng lahi." Saad ni Rex sa dalawa.

"Siguraduhin mo lang na sa isang tanim mo e tatlohan agad. Dahil uunahan talaga kita." Ani Sefh na kinalaki ng mata ni Yasmin.

"Deal, will see kung sino ang makarami agad." Sagot ni Rex na natatawa na rin. Hindi niya akalain na siraulo din pala itong si Aivan Sefh Guerrero. "Good. Balitaan mo ako sa araw ng kasal namin ni Yasmin. Ayaw kung mawala kayo sa araw na yun. Kundi ipahanap kita sa mga taohan ko at ipa-assassinate yan two balls mo." Ang natatawang ani Sefh. Napanganga naman sa dalawa si Yasmin.

"Let's go home, at ikaw puntahan muna si Lara. Puro kayo kabaliwan. Pag-untugin ko ang ulo niyo e." Nakapamaywang nitong aniya sa dalawa. Kaya natatawang inakay ni Sefh si Yasmin sa kotse nito at si Rex naman ay tinungo nito ang kotse niya. Kay lapad ng pagkakangiti ni Rex at tila gumaan ang loob niya sa pagkakataong iyon.

"What?"

Natatawang tanong ni Sefh kay Yasmin ng makasakay sila sa kotse ng binata.

"Para kayong baliw, akala niyo ang daling manganak. My God. Madaling gumawa pero mahirap magbuntis at manganak." Nakasimangot na ani Yasmin kay Sefh.

"I know, sinabi ko lang yun. Kasi ayaw kung magkailangan kami ni Rex. Unang beses kaming nagkita." Anito kay Yasmin na agad hinaplos ang mukha ng nobya. "I love you, Cinderella. At handa kung gawin ang lahat makita ko lang ang kasiyahan sa mukha mo." Ani Sefh sa nobya.

"Thanks Sefh. I love you, too." Sagot nito sa nobyo na agad tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Agad din naman itong tinugon ni Yasmin. Ilang minuto rin na magkahinang ang kanilang mga labi at kung hindi pa sila kapwa kinapos ng hangin ay hindi maghihiwalay ang kanilang mga labi.

Pakiramdam ni Yasmin ay gumaan lalo ang loob niya. Parang mas lalo siyang naging masaya sa araw na yun. Dahil napatawad niya ng lubusan ang dalawang taong naging dahilan kung bakit niya nakilala si Sefh. Siguro nga ay ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang dahilan bago makamit ang tunay na kasiyahan sa buhay. Hindi naman kasi ganun kadali ang happily ever after.

TBC.

➡Pagsisipagan ko ito ng matapus ko rin this week. Ng makabalik tayo sa GSB, I know miss niyo na ang mga abs ng mga praning na magkakaibigang iyon. Parang si writer lang praning minsan. Pero love na love niya kayo at hindi niya kayo kayang tanggihan. Kaya basta kaya niya e gora agad siya. God Bless you all.

Continue Reading

You'll Also Like

546K 13.8K 24
Sheryn Lleu SamaƱego-One of AMBERS CLAN SIBLINGS a daughter of Edward Colin SamaƱego.
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
417K 10.7K 23
YUGENE EZEKIEL BELMONTE(GSB-5) Sa pagpapatuloy ng kanilang kwento. Hanggang saan nga ba nila kayang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Hanggang saa...