Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 33 ♥ Consequences

32.9K 380 65
By wistfulpromise

Chapter 33

Jace's POV

Sa bawat mabilis na paghinga. 

Sa pagtagaktak ng pawis sa noo.

Pakiramdam ko matutumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang pagod. Iginala ko ang paningin sa buong paligid at ganun din ang mga kasama ko. Kanina pa kami naglalaro ng basketball-- kami, laban sa mga grade twelve students na syang papalitan namin next year. Nakayuko ako habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa magkabilaang tuhod. Hinahabol ko ang hininga ko, napakabilis ng tibok ng puso ko. 

"Jace okay ka lang?" nilingon ko ang tumapik sa likod ko at nakita si Nathan. Tulad ko ay hingal na hingal na rin sya dahil sa pagod. Halos mamula pa ang mukha nya dahil sa walang tigil naming pagtakbo. 

"Okay lang." tumayo ako ng maayos kasabay nito ay ang pagpito ng P.E teacher namin para sa ilang minutong break. Bagsak kaming umupo ni Nathan sa may upuan para magpunas at uminom ng tubig. 

Napakaraming estudyante ang nanonood. Sa totoo lang ay magmula pa noong magsimula ang game ay nagsisihiyawan na ang mga babae sa paligid. Hindi ba sila napapagod? Practice game pa lang ito pero ganyan na sila. Paano pa kapag totoong game na?

 Nilagok ko ang tubig na iniabot sa akin. Kung saan saan gumagala ang mga mata ko. Lumilingon lingon sa paligid dahil baka sakali, makita ko ang hinahanap ko. 

"Jace hoy!" may biglang tumulak sa akin mula sa likod. Sa sobrang gulat ay napaubo pa ako dahil sa iniinom kung tubig. Iritado kong nilingon ang may gawa nito sa akin.

"Ano ba! Kita ng umiinom yung tao eh!" 

"Whoa, whoa there Jace! Chillax dude! Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman lumilingon." taas kamay na sagot ni Rico sa harap ko. Biglang nagliwanag ang mukha nya at saka ako binigyan ng nakakalokong ngiti. "Aah. Hinahanap mo si Serene noh?" 

Hindi ko kinumpirma ang iniisip nya. "Bakit ba kasi?" tanong ko. 

Kabado nyang iniabot sa akin ang hawak nya noong mapansin na naiirita pa rin ako. "Bibigyan lang sana kita ng lollipop. I-ito o," 

Hinawakan ko ang noo ko at napailing. Gayunpaman, kinuha ko na sa mga kamay nya ang iniaabot. Lahat ng team mate ko ay kumakain na ng lollipop. Napailing ako ng makita ito. Ibinulsa ko ang akin. 

"Grabe lang, kung makapaglaro ang mga grade twelve parang galit na galit sila sa atin. Tsk." Tumingin ako kay Shane na nakatayo sa tabi ko. Nakatupi ang mga braso nito at tahimik na pinagmamasdan ang mga kalaban namin sa kabilang dulo ng gym. 

"Sinabi mo pa! Ilang beses kaya akong binangga nung number 14! Ang dumi nilang maglaro! Hoy Nathan tabi nga jan uupo ako." reklamo ni Rico habang pinapausog si Nathan sa upuan. Padabog syang umupo rito. 

"Napaka-unprofessional." iling ni Nathan. 

"Takot yata sila na tayo ang papalit sa kanila." ngisi ni Niel. "Gusto nilang ipakita sa atin na sa huling taon nila sa Princeton, sila pa rin ang pinakamagaling." 

Marami nang nakuhang award ang Princeton at karamihan doon ay ang sport ng basketball. Sa buong district, ang school namin ang namamayagpag dito. Nakarating na ang basketball team namin sa national at international competition. Kaya hindi nakapagtataka na medjo matataas na ang lipad ng ere ng mga myembro ng team. Siguro kung may pagkakataon lang, ayaw nilang grumaduate. Ayaw nilang may pumalit sa kanila. 

"Pero practice game lang ito masyado na nilang sineseryoso!" 

Hindi ko masisi si Rico kung inis na inis sya. Hindi lang naman sya ang paulit ulit na binabangga bangga at binibigyan ng masasamang tingin ng mga kalaban naming team. Lahat kami lalo na ako. Mainit ang mata nila sa akin. 

Inis na ginulo ni Nathan ang buhok nya. "Hayst! Kapag ako hindi nakapagpigil, uumbagin ko sila isa-isa!"

"Hindi ako fan ng mga ideya mo Nathan pero dito, sasang-ayon ako." sabi naman ni Shane

"Maglaro na lang tayo, hayaan nyo sila kung ano ang gusto nilang gawin." suhestyon ni Niel. "Ipakita natin na pagdating sa basketball, kahit na Junior pa lang tayo sa paningin nila, tayo ang professional. We need to play fair." 

"Psh. Fair ka jan, sila nga hindi fair." inis ulit na untag ni Nathan. "Kung ayaw nilang maglaro ng malinis, wala akong balak na magpakabait."

Hindi ko inalis ang tingin sa kabilang team na hanggang ngayon ay matalim ang tingin sa amin. Tapos na ang break kaya bumalik ulit kami sa pwesto namin. Gusto kong burahin ang ngisi sa mga mukha nila. Kanina pa sila pero pinagbibiyan lang namin. 

Pumito ang coach kaya nagsimula muli ang laro. Sa amin ang bola kaya ilang beses kaming nagpasahan sa isa't-isa. Takbo rito, takbo roon. May humarang sa harap ko pero mabilis akong nakatakas sa mahigpit nyang depensa. Inihagis sa akin ni Nathan ang bola kaya napatalon ako sa ere. Pagkalapag sa sahig ay sandali ko pa itong ipinatalbog bago muling tumalon para ishoot ang bola.

Tatlong puntos agad ang naidagdag sa score namin kaya nag-apiran kami ng mga kasama ko.

Muling naagaw ng team namin ang bola kaya panay ulit ang takbo namin. Masyadong mainit ang labanan kaya kahit pa may naramdaman na akong sumiko sa tagiliran ko ay hindi ko na ito pinansin. 

"Rico!" sigaw ni Shane sa kanya sabay hagis ng bola. Malinis itong nasalo ni Rico kaya tumatakbo na sya ngayon papunta sa pagshoot-an. Hinarang ko ang isa sa mga kalaban namin para makadaan si Rico ng walang umaagaw ng bola. Akala ko ishoshoot nya na ito pero nagulat ako ng ihagis nya ito papunta kay Niel na malapit sa ring. 

Masasalo na sana ito ni Niel pero may biglang may pumatid sa kanya. Bumagsak sya sa sahig kaya lahat kami napahinto. Nakahawak ang kamay nya sa paa nya at dumadaing sa sakit dahil sa natamo. Pumito ang coach namin at hindi na kami nag-atubiling lumapit sa kanya. 

"'Tol ayos ka lang?" kabadong tanong ni Shane sa kanya.

"Y-yung paa ko," pigil hiningang sagot ni Niel. Nakakuyom ang mga kamay nya dahil sa sakit.

Nakita kong napakuyom din si Nathan ng mga kamay nya. Tumayo sya sa pagkakaluhod sa harap ni Niel at mabilisang itinulak ang lalaking pumatid kay Niel. 

"Ano bang problema nyo ha? Kanina pa kayo ah!" tulak nya ulit dito. Hinawakan ko ang braso nya para ilayo rito pero ayaw nyang magpa-awat. Pati si Rico ay nakisali na rin. 

"Chill lang kayo mga bro, aksidente yun! Hindi nyo ba nakita?" taas noo na sagot ng isa sa kanila. May nakakalokong ngisi sa mukha nya.

"Kami bang ginag*go nyo?" tulak din ni Rico sa kanya. "Aksidente? Hindi kami bulag. Halata namang sinadya nyong ipatid yung tao eh!" 

"Rico tama na." pigil ko sa kanila pero ayaw nilang magpaawat. Alam ko na si Rico at Nathan ay pinakaclown ng grupo. Laging silang palabiro at laging tumatawa pero kapag napupunta sa ganitong sitwasyon, nag-iiba ang mga ugali nila. Nawawala ang palabirong aura at nagiging seryoso. 

Imbes na humingi ng tawad ay nagsitawanan pa ang kabilang grupo.

"Aba, kasalanan ba naming lampa iyong kaibigan nyo? Kung sana nag-iingat sya, hindi nangyari sa kanya yun!" 

"Aba't talagang--!" susugod na sana si Nathan pero hinila ko sya. Itinulak ko silang dalawa ni Rico palayo sa harap ko para makita ang hambog na lalaki na nagsabi ng mga salitang yun. 

"Ano kamong sabi mo?" tanong ko. Iniangat ko ang malamig na tingin sa kanya.

"Kailangan ko pa bang ulitin? Sigurado naman akong narinig mo eh." Ako naman ang nanulak sa kanya ngayon.

"Kung may lampa man, hindi si Niel iyon, kayo."

Itinulak nya ako pabalik.

"Hoy, bata. Baka nakakalimutan mo kami ang senior dito, junior lang kayo kaya matuto kayong gumalang sa mas nakakataas sa inyo." galit na buska nya. 

Natawa ako dahil sa sinabi. "Senior kayo? Then why don't you act like one?"

Pero hindi yata sya natuwa sa inasal at sinabi ko. Kwinelyuhan nya ako sa damit. 

"Hoy bata anong tinatawa tawa mo jan ha? Kanina ka pa nang-iinsulto. Akala mo ba sa game kanina hindi namin napapansin? Ang talim ng tingin mo sa amin. Ano bang pinagmamalaki mo ha? 'Yang kasikatan mo sa banda nyo? 'Yang gwapo mong mukha na marami nagkakagusto? O yung girlfriend mong maganda't mayaman na may ari nitong school?"

Biglang nawala ang ngisi sa mukha ko. Binigyan ko sya ng masamang tingin. 

"Tama na yan 'tol. Bitawan mo na, mapapagalitan tayo nyan ni coach eh!" sabi ng mga kaibigan nya sa gilid pero hindi nya pinakinggan. 

"Ang yabang yabang mo, kayong lahat. Ha! Porket mayaman lang kayo at porket sikat akala nyo makukuha nyo na ang lahat ng gusto nyo. Hindi kayo magaling, alam nyo ba yun? Hindi nyo kami mapapalitan." 

Ikinuyom ko ang mga kamay ko. "Bitawan mo ako." 

"Bakit takot ka na? Bakit natatamaan ka na ba? Di ba totoo naman? Puro lang pagpapagwapo at pagpapabango ng pangalan ang ginagawa nyo kaya kayo sumali ng basketball team." 

"Bitawan mo ako." I said through gritted teeth.Sobrang higpit na ng pagkakakuyom ko sa kamay. Hindi ko man nakikita ang reaksyon ng mga kaibigan ko, alam ko alam na nila ang ibig sabihin nun.

May humihila sa kanya pero ayaw nya talaga akong bitawan. Pati sa akin ay may humihila na rin pero hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko. Tinitigan ko sya sa mata ng walang takot. 

"Hoy! Bitawan mo nga si Jace!" galit na utos ng isang boses. 

"Sabi ng lumayo kayo eh!" sabi ng taong kumukwelyo sa akin sabay malakas na hampas ng isang kamay sa hangin para mapaalis ang sino man na lumapit sa kanya. 

Sa sahig ay nakita kong bumagsak si Rico, hawak hawak nya ang kabilang pisngi dahil sa hindi inaasahang paghampas. Matapos makita ito ay hindi na ako nakapagpigil. Hinawakan ko ang kamay nya at saka sya ibinalibag sa sahig. Nag-umpisa ng magkagulo sa paligid, pati sila Nathan at Rico ay nakikipagsuntukan na rin sa ibang kasama ng lalaki. 

Sa harap ko ay hindi ko binitawan ang kumwelyo sa akin kanina. Nakapatong ako sa kanya at paulit ulit syang sinuntok sa mukha. 

May naramdaman akong humihila sa braso ko pero hindi ako nagpapigil. Kanina pa namin sila pinagbibigyan sa pandaraya nila sa laro kanina pero ngayon, punong puno na ako. Wala silang karapatang saktan ang kahit sino sa mga kaibigan ko at mas lalong wala syang karapatan na idawit si Serene dito. 

"Jace tama na yan!"

"Hilain nyo si Jace dali! Kawawa yung sinusuntok nya!" 

"Pigilan nyo! Hoy Jace! Tama na yan!" 

Marami akong naririnig na sigawan sa paligid pero wala akong pinakinggan. Masyado nang nagdilim ang paningin ko sa galit kaya kahit ano pang gawin nila, wala nang makakapigil sa akin. 

Umabot ng halos limang tao ang humila sa akin maihiwalay lang sa lalaking halos duguan na ang mukha. Idinala na sa clinic si Niel kasama si Shane para may magbabanstay sa kanya samantalang si Rico at Nathan naman sa ikalawang banda ay nasa tabi ko. Pumalag ako sa pagkakahawak nila sa akin, hingal na hingal ako pero hindi ko inaalis ang tingin doon sa lalaki. 

"All of you! To the office, now!" dumagundong ang isang boses sa gym kaya lahat kami ay napatingin dito. Doon lang namin nakita ang galit na galit na pigura ni principal Reyes. Pagkatapos sabihin ito, tumalikod na sya at mabilis na naglakad papunta sa office. 

"Jace saan ka pupunta? Sa office raw tayo," tawag sa akin ni Rico noong makitang kinuha ko ang mga gamit ko papunta sa labas ng school. May kinuha ako saglit sa bulsa at ng makapa ito, agad ko itong inihagis sa kanya. Muntik pa nya itong hindi nasalo kaya napailing ako. "A-ano 'to?" taka nyang tanong habang pinagmamasdan ang inihagis ko.

"Ipahid mo yan sa mukha mo para hindi ka magkapasa." sagot ko.

Ibinulsa ko ang isa kong kamay habang ang isa naman ay hawak hawak ang nakasukbit kong bag sa balikat. Naglakad ako papalabas ng pinto. 

"Pero Jace hindi ka pwedeng lumabas! Sa office raw tayo!" habol sa akin ni Nathan. Hingal na hingal syang huminto sa harap ko. "Mas lalo tayong mapapatrobol nyan eh. Tara na!" 

Tumingin ako sa malayo at dinaan sya.

"Jace." 

"Gusto kong magpahangin."

"Mamaya na. 'Tol baka mapahamak ka pa nyan kay principal eh. Nakita mo naman di ba? Galit na galit na yung tao?"

Ibinalik ko ang tingin sa kanya.

"Ayokong makasama ang mga lalaking iyon sa iisang kwarto. Mas lalo na ang makita sila. Kaya kung ayaw nyong makapatay ako ng tao, hahayaan nyo akong lumabas." 

Nagbuga sya ng isang malalim na hininga at napahawak sa buhok nya.

"Fine then. Pero saan ka pupunta nyan? Masyado pang maaga para umuwi saka masyado pang mainit iyang ulo mo para lumabas." 

"Oo nga." sabat naman ni Rico. Busying busy syang nagpapahatid ng binigay kong gamot para sa mukha nya. 

"Dyan dyan lang." iniba ko ang tingin at tumingin sa mga puno sa labas. 

"Dyan dyan na naman? Saan ba yun at makapunta nga." binatukan ni Nathan si Rico. 

"Hayst! Ikaw talaga Rico hindi nakakatulong!" 

"Bakit? Nagtatanong lang naman ah! Wala na bang freedom of speech ngayon? Republika ang Pilipinas at hindi Komunista ng tulad sa China. Malaya ang kahit sino na sabihin at ipahayag ang kanilang damdamin at saloobin. Kahit sino ka pa, kahit ano ka pa, malaya ka."

"Ewan ko sayo Rico! Sumasakit ang ulo ko dahil jan sa walang connection mong sagot. Dyan ka na nga!" 

Kanina pa sila salita ng salita kaya hinayaan ko na sila. Halos nakalayo na ako kung tutuusin hindi man lang nila napansin.

"Hoy Jace 'tol sandali hintayin mo ako sasama ako sayo! Huwag mo akong iiwan dito kay Rico! Jace!" 

"Hoy Nathan sandali! Hindi pa tapos yung speech ko!" habol naman ni Rico sa kanya. 

Noong makalabas na ako ng school, may humintong kotse sa harap ko-- isa sa mga driver ko. 

Itinaas ko ang isang kamay sa hangin para magpaalam. Hindi na ako lumingon sa kanila. 

"Alis na ako." binuksan ko ang pinto ng kotse. 

"Saan ka ba kasi pupunta?" 

Sandali akong natahimik. Saan nga ba ako pupunta? Sa totoo lang.. hindi ko alam. Ayokong umuwi sa condo unit ko, mababagot akong mag-isa. Ayoko rin naman sa office, baka mas lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa patong patong na problema. 

"Kay Serene." bulong ko dahil ito ang unang pumasok sa isip ko. 

"Ano? Hindi ko narinig." hingal na sagot ni Nathan na nasa tabi ko na. 

Lumingon ako sa kanya at saka tinapik ang balikat nya.

"Kayo ng bahala ni Rico ang mag-excuse sa akin ah."

"Teka sandali," hinawakan nya ako sa balikat. "May sasabihin lang sana ako. Sasabihin ko sana sa inyo kanina kaso ang daming nangyari eh kaya sayo na lang." sandali syang napakamot sa may batok.

"Ano ba yun?"

"Magpapaalam sana kami ni Rico." 

Napakunot noo ako. "Bakit?" 

"Baka kasi hindi na kami laging makakasama sa mga hang-outs natin ngayon."

Itinupi ko ang mga braso sa may dibdib at humarap sa kanya. Ipinasok ko na ang bag ko sa loob ng kotse. 

"Napatrobol ka na naman noh?" 

"Hindi! Hindi sa ganun! A-ano kasi," kamot nya ulit

"Ano?" 

"May detention kasi ako for the whole two weeks after school. Hassel nga eh. Pero pupunta pa rin ako sa band at basketball practice pramis! Yun nga lang, sa loob ng dalawang linggo, wala munang gala." Bagsak ang balikat nya at napakahaba ng nguso nya. Sa sobrang haba nga parang sasayad na ito sa sahig. 

"Psh." Akala ko kung ano na. Malungkot lang pala dahil hindi makakapaghunting ng mga babae sa clubs na madalas nyang ginagawa. "Eh bakit kasama si Rico?" 

Nagliwanag ang mukha nya matapos kong tanungin iyon. Sumilay ang nakakalokong ngisi sa mga labi nya at panaka naka pang lumingon sa likod para siguraduhing hindi sya nito maririnig. 

"Alam mo kasi 'tol, sa dalawang linggo na iyon, wala kaming ibang gagawin kundi maglinis. Kailangan ko ng back-up at sidekick kaya isasama ko si Rico." sabi nya sabay tawa. 

"Sira ulo ka talaga 'tol. Idadamay mo pa ikaw lang naman ang may detention." iling ko. 

"Hindi ah! Na-late rin kaya sya sa isang klase kaya ngayon parehas na kaming may detention haha! Saka isa pa, meron kasi akong kasamang babae na nakakainis. Mas mabuti nang kasama ko si Rico kaysa naman sa dalawang linggo na iyon mabwisit lang ako." 

May sumilay na maliit na ngisi sa mga labi ko.

"Iyon ba yung Dora na kwinkwento sa akin ni Rico?" 

Halos nanlaki ang mga mata nya matapos marinig iyon.

"Jace pati ba naman ikaw?!" 

"Bakit? Totoo naman di ba?" 

Ginulo nya ang buhok nya at saka ako inis na tinuro. Napaatras ako ng konti.

"Hindi yun eh! Yung ngiti mo- ay mali, yung ngiti nyong lahat sa tuwing sinasabi nyo yung Dora na yun! Nakakainis! Ugh!" 

Hindi ko na napigilang matawa dahil sa reaksyon nya. 

"Wala nga ba?" 

"Wala ano! Grabe lang, pare-parehas kayo ng nasa isip. Pare-parehas din ng ngiti. Psh. Hindi ko gusto yun." Tumingin sya sa malayo. "Iba ang gusto ko." bulong pa nya sa hangin. 

Ang tagal ko ng kaibigan si Nathan. Ni minsan hindi sya nagkaroon ng interes sa kahit sinong babae kahit marami na syang nakarelasyon. Kaya nga nagulat ako matapos marinig ang ibinulong nya. I wonder kung sino. Kailangan na rin kasi nya ng babaeng magpapatino sa loko loko nyang isip. Akala ko hindi darating ang panahon na tatamaan sya ng pana ni kupido. Nagkamali ako. 

Tinapik ko ulit sya sa balikat. "Sige ako na ang magsasabi kanila Shane. Punta na ako." 

Tumango sya at pagkatapos, pumasok na ako sa loob ng kotse at isinara ang pinto.

"Saan po tayo boss?" tanong sa akin ng driver ko. Tiningnan ko ang relo na suot at saka tumingin sa bintana. 

"Sa Maeda Mora High." tahimik kong sagot.

"Boss may pinapasabi po pala si Aiden. Kailangan nyo raw pumunta sa opisina ngayon para pag-usapan kung ano pa ang gagawin nyong hakbang para makuha ang sagot ni Mr. Tolentino." 

Sumandal ako sa upuan at huminga ng malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko. 

Si Mr. Tolentino ang nag-iisang myembro ng board na hindi pa bumoboto kung sino nga ba ang pagbibigyan nya ng ten percent share na hawak nya sa kumpanya na pinag-aagawan namin ni Pietr. Ilang linggo na ang nakalipas magmula ng matapos ang meeting at botohan pero wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Maraming beses na namin syang tinawagan at marami na ring naipropose ang panig ko para lang makuha ang matamis nyang 'oo' pero kahit anong gawin namin, hanggang ngayon ay nanatiling tikom ang bibig nya. 

Ang higit na ikinababahala ko, ang matatamis na salita ni Pietr sa kanya. Pakiramdam ko unti unti na nyang nakukuha ang loob nito kaya mas lalong sumasakit ang ulo ko sa mga posibilidad na maaring mangyari. 

Hindi nya pwedeng makuha ang sampung porsyento na hawak ni Mr. Tolentino dahil kung hindi, mawawala sa kamay ko ang kumpanya na pinaghirapan ni dad. 

"Boss." Hindi ako sumagot. Hinawakan ko ang noo ko at saka bahagyang minasahe. Wala na akong ibang ginawa nitong mga huling linggo kundi school, work, bahay. Minsan na lang kami lumalabas ni Serene sa tuwing may pagkakataon ako. Akala ko ngayong araw na ito ay buong araw ko syang makakasama. 

Paano ko ba makukubinsi si Mr. Tolentino nang sa ganun ay matapos na ang problema ko sa opisina? Pero alam kong hanggat nanjan si Pietr, hindi mawawala ang problema ko. 

"Boss? Saan po tayo? Sa Maeda Mora o sa opisina?" 

Huminga ako ng napakalalim. Ilang sandali pa ang pinalipas ko bago sumagot.

"Sa opisina." kinagat ko ang labi ko. Nakalayo na kami sa Princeton at ngayon ay tinatahak ang daan kung saan nag-uumpisa ng magkaroon ng traffic. Mabagal na ang pag-andar ng sasakyan kaya wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan ang linya linyang kotse sa paligid na naghihintay para umusad ang trapiko. 

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Kailangan kong umisip ng paraan. 

"Hoy bata! Bawal jan, alis! Baka magalit yung boss ko." 

Idinilat ko ang mga mata para makita kung ano ang nangyayari. May batang kumakatok sa bintana. Mapayat, madungis ang mukha pati na rin ang suot na damit. May dala dala syang mga lobo.

"Eh kuya sige na po bili na kayo ng paninda ko. Wala pa po akong benta eh. Hindi pa po ako kumakain pati na yung mga kapatid ko. Kaya sige na po kuya bili na kayo kahit isa lang po parang awa nyo na." 

"Sabi ng hindi eh. Alis! Naku ako pang mapapahamak nyan eh." 

Mula sa bintana ay tahimik kong pinagmasdan ang mga lobong paninda ng bata. Iba't-ibang kulay, iba't-ibang hugis at higit sa lahat, iba't-ibang korte ng mukha ng mga hayop. Isang lobong may kulay puti at itim ang nakakuha ng atensyon ko. 

"Anong ginagawa mo?" tanong ko roon sa driver.

"A-ah b-boss. Pinapaalis ko na po yung bata. Pasensya na naistorbo pa po kayo." humarap ulit sya sa bata na patuloy sa pagkatok sa bintana. "Sabi na kasi sayo eh, alis na! Ako ang malilintikan eh." 

"Bumili ka." utos ko sa kanya. 

Kabado syang lumingon "P-po?" 

"Kailangan ko pa bang ulitin?" walang pasensya kong tanong.

"Hindi po! Hindi po! A-ah eh, hoy bata halika dali balik ka rito bibili raw yung boss ko!" 

Sabik na bumalik ang bata sa tabi ng kotse at saka nag-abot ng isang lobo. Kukunin na sana ito ng driver ko pero nagsalita ako.

"Ayoko nyan. Gusto ko yung isa. Gusto ko yung panda." lumingon sa akin yung driver ko pati na rin yung bata na nasa labas. Sa tono ng pananalita ko para akong bata na matigas ang ulo na nagdedemand ng isang bagay na gusto nya. Dahan dahan pang napapikit ang driver ko na parang hindi makapaniwala sa narinig. Ako, na kilala nyang boss na kinatatakutan ng lahat ay gusto ng lobo. Higit pa roon, isang lobo na hugis panda na may cute na cute na mukha. 

 

Inilayo ko ang tingin ko. Kung bahagya mang namula ang mukha ko, sana hindi nila nakita. Hinagis ko sa driver ang pera at inutos na huwag nya ng kunin ang sukli. 

"Wow! Limang daan! Maraming maraming salamat po!" sabi pa ng bata bago nagpaalan at tumakbo sa gilid ng daan. Umuusad na kasing muli ang mga kotse. 

Kinuha ko sa driver ang lobo na pinabili. Sinimulan nyang paandarin ulit ang kotse gayunpaman, hindi nakatakas sa akin ang tingin ng kyuryosidad na ibinibigay nya sa akin sa rearview mirror. Sinuklian ko ito ng malamig na tingin kaya binawi nya ang tingin.

"I change my mind. Hindi na tayo pupunta sa office, diretso tayo sa Maeda Mora." utos ko. 

***

Pagdating sa nasabing school ay halos sa tapat kami ng gate nagpark. Lunch time at nagsisimula ng magsilabasan ang mga estudyante. Lumabas ako ng pinto at saka sumandal dito. Nakatupi ang mga braso ko sa dibdib pero hawak hawak pa rin ang lobo na binili. 

"Oh my god. Ang gwapo nya! Sino kaya ang hinihintay nya? Ang cute nung balloon! Sana sa akin na lang!" 

Mabuti na lang at suot ko ang kulay itim na shades ko pati na rin ang isang sumbrero na madalas nakastandby sa loob ng kotse ko. halos lahat ng estudyante na dumadaan ay sa akin napapatingin. May humahagikgik sa kilig, sinusundan ako ng tingin o di kaya'y di sadyang napapatitig. May naglalakas loob na lumapit at nagtanong ng pangalan ko ngunit nanatiling walang emosyon ang mukha ko. Tahimik kong inilihis ang tingin sa paligid. Nagbabakasakali na makita ko ang hinahanap ko. 

"Ay ang sungit naman ni kuya. Ayaw mamansin. Hmph! Dyan ka na nga!"

Patuloy ang ganitong senaryo sa paglipas ng bawat minuto. Ilang beses ko ng chineck ang phone ko pero hanggang ngayon ay wala pa ring reply sa mga text at call ko.Napagdesisyunan kong pumasok na sa loob. Hindi pa ako nakakapasok sa pinakamain building pero napahinto ako sa kinatatayuan ko. Di kalayuan ay may tumatakbo na magkahawak kamay. Sa likod nila ay ang mga naghalu-halong naghihiyawang mga estudyante na gusto silang maabutan. 

Napakunot noo ako. Anong nangyayari sa school na 'to? 

"Pietr! Number one fan mo kami!!" 

"Oh my god! Pietr Ashen my loves! Kyaaah! Ang galing talaga nyang kumanta! The best ang 'Royals' song nila kanina!!"

Tumalikod ako at saka muling humarap. Tama ba ang narinig ko? P-pietr Ashen? Imposible. Hindi ko na sana ito papansinin nang may narinig akong panibagong hiyawan ng mga babae.

 "His eyes, oh my god. I love his blue eyes!" 

Tapos naalala ko ang mukha ng lalaking tumatakbo kanina sa unahan na may kahawak kamay. Sya nga. Muli kong ibinalik ang tingin sa palayo na na palayong mga nagtatakbuhang estudyante. Anong ginagawa nya rito? 

Maraming iba't ibang posibilidad ang namumuo sa utak ko hanggang sa bigla na lamang akong may narinig na putok ng baril. Mula ito sa direksyon kung saan papunta ang mga nagtatakbuhang mga estudyante. Mahina ngunit umaalingawngaw. Alam kong putok iyon ng baril pero nasa malayong distansya. Biglang nagkagulo ang mga estudyante sa paligid at nag-uunahang lumabas. 

Mabilis kong iginala ang tingin sa kanan at kaliwa. Hawak hawak pa rin sa kamay ang lobong dala.

Si Serene. Ang tanging nasa isip ko noong mga sandaling iyon. Bakit may putok ng baril? Saan nanggaling iyon? Nasa loob ng school si Serene. Nasaan sya? Kabadong tanong ng isip ko, hindi alam kung saan direksyon ang unang tatahakin.

Mabilis akong pumunta kung saan naggaling ang putok. Akala ko bali-balita lang na sadyang magulo at pangit ang imahe ng school na 'to pero ngayon alam ko na, totoo nga ang mga bali-balita. 

Likod pa lang alam kong sya na iyon. Tumatakbo sya papunta kung saan nanggagaling ang pagputok ng baril. Sa likod ng school ay may gubat, pumasok sya at nilamon ng makakapal na damo. Tumakbo ako para sundan sya pero agad ding napahinto matapos mapagtanto ang nangyayari sa harap ko. 

Bakit hawak nya ang kamay ni Pietr? Isang bagay na ayokong paniwalaan.

Sa bawat mabilis na paghinga. 

Sa pagtagaktak ng pawis sa noo.

Lumipad ang lobo mula sa kamay ko.

♥♥♥ 

Author's Note: 

Just want to let you know, noong inedit ko yung LTMS pinalitan ko yung age ni Aiden. Sabi ko noong nineteen lang sya but I change it into 25-ish. Pinatanda ko sya! Hahaha xD So ngayon yun na ang edad nya. Kailangan kasi talaga lalo na sya yung secretary ni Jace sa company nila. Syempre bata pa si Jace kaya kahit super genius sya kailangan nya ng supervision ng nakakatanda para mapatakbo ng maayos ang kumpanya. At si Aiden yun. Lalo na wala na yung papa ni Jace na magmementor sa kanya :)

Dedicated pala ang chapter na ito kay @gcleff17 na isa sa mga nanalo ng 'Who's your 'Leira' Contest' sa Fb. Yay! Sya ang nakakuha ng maraming likes para sa entry nya!! Congrats sayo dear at maraming maraming salamat sa pagbabasa at sa pagjoin! <3

For more future contests stay updated and Like our OfficialLTMSPage in fb 

And also, don't be shy to join our group of Listeners in LTMSOfficialGroup!! 

Ask me any question on ask.fm/akodawsijade

Follow me on twitter @wistfulpromise

Add me on FB 'Akodawsi Jade' 

(all link and infos are on my profile) 

Last but not the least, medjo kokonti na ang exposure nila Rico at Nathan dito sa LTMH dahil mangangapit bahay sila sa kabila kong estorya, ang 'The Seventh Rose!' :D Sila naman ang bibida roon and you will learn more about them in the future chapters ^O^)/ Eextra extra pa rin naman sila rito pero hindi na ako maglalagay ng another info sa kanila dito dahil ilalagay ko lahat sa TSR. Kaya sa mga hindi pa nagbabasa ng TSR lalo na sa mga babes ng ating mga chickboys, read TSR! Wag kayong magpapahuli ah dahil super linked ang estoryang TSR dito sa LTMH. Maraming mangyayari. Mangyaring sikretong mabubunyag. Maraming magpapaalam at maraming marami pa ang mangyayari! Bago matapos ang dalawang estorya na on-going ko may makikita kayong magic. Kaya stay tuned! ~___^

Love you Listeners! Keep inspiring always!! 

 P.S. Medjo dumadami ng ang slot ng mga chapters sa mga stories ko na walang dedication. Kaya kung gusto nyong mapunta sa inyo yung spot. Comment lang kayo. Hindi yung comment na 'Ako po padedic!' Yung may kinalaman naman dito sa story please xD Kung ganun lang din ang comment nyo baka dadaanan lang ng mga mata ko yun. Syempre mamimili rin ako kung sino ang deserving kaya kung feeling mo ikaw yun, pour your heart into your comment ;) 

~OLE! ~(^O^)~

.ılı.G.Jade.ılı.

Continue Reading

You'll Also Like

457K 10K 49
Blurb: Charm Moldez was a simple snatcher who was able to snatch the heart of Thunder Devoncore, a mafia boss. Snatching and stealing are so easy for...
5.9M 193K 62
Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy's adventures t...
23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
132K 3.3K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...