GANGSTER ROYALTIES: Love and...

By Kirudesu

1.8M 52.4K 8K

Trouble wasn't unusual in Khali Vernon's life. Being the trouble herself she was penalized and was sent back... More

GANGSTER ROYALTIES: Love and Misadventures
PROLOGUE
CHAPTER 1. I'M BACK
CHAPTER 2. MARVEL HIGH
CHAPTER 3. NO ESCAPE
CHAPTER 4. ACQUAINTANCE
CHAPTER 6. A RED FLAG
CHAPTER 7. THE FOUR DRAGONS
CHAPTER 8. A FALLEN ANGEL
CHAPTER 9. THE KING
CHAPTER 10. GIRL FROM NOWHERE
CHAPTER 11. AWE
CHAPTER 12. TROUBLE
CHAPTER 13. BLACK ORDER
CHAPTER 14. BEWILDERED
CHAPTER 15. DOMAIN
CHAPTER 16. SUDDENLY
CHAPTER 17. FISHY
CHAPTER 18. NEED
CHAPTER 19. YOU WILL KNOW
CHAPTER 20. WAITING
CHAPTER 21. FOUND
CHAPTER 22. THE QUEEN
CHAPTER 23. STAR RANKED
CHAPTER 24. A DATE?
CHAPTER 25. CONFESSION
CHAPTER 26. UP AND DOWN
CHAPTER 27. WORRIED
CHAPTER 28. FLATTERED, FLUSTERED
CHAPTER 29. PROTECT
CHAPTER 30. WATCHING OVER
CHAPTER 31. POWERLESS
CHAPTER 32. HINDRANCE
CHAPTER 33. MOVE
CHAPTER 34. ALWAYS AROUND
CHAPTER 35. ENVY
CHAPTER 36. PSEUDO
CHAPTER 37. INTENTION
CHAPTER 38. SHE'S NOT COLD
CHAPTER 39. MISSING YOU
CHAPTER 40. EYES, EYES BABY
CHAPTER 41. CHILL
CHAPTER 42. JEALOUSY
CHAPTER 43. MEMENTO
CHAPTER 44. CLOSER
CHAPTER 45. HIDE AND SEEK
CHAPTER 46. RUN, DEVIL, RUN
CHAPTER 47. I LIKE YOU
CHAPTER 48. WITHOUT HIM
CHAPTER 49. DISTRICT XII
CHAPTER 50. STRANGE
CHAPTER 51. MEN IN BLACK
CHAPTER 52. INTERHIGH
CHAPTER 53. THAT KIND OF GAME
CHAPTER 54. THAT GIRL
CHAPTER 55. REASON
CHAPTER 56. UNCONTROLLABLY FOND
CHAPTER 57. MVP
CHAPTER 58. BWISITORS
CHAPTER 59. SHE CARES
CHAPTER 60. REMATCH
CHAPTER 61. RESTRAIN
CHAPTER 62. WARMTH
CHAPTER 63. ALMOST
CHAPTER 64. TEARS
CHAPTER 65. CHANCE
CHAPTER 66. SUSPICIONS
CHAPTER 67. GAME OF LOVE
CHAPTER 68. SURREAL
CHAPTER 69. RING
CHAPTER 70. IN OR OUT
CHAPTER 71. SAFE NOT
CHAPTER 72. RUSH
CHAPTER 73. WRATH
CHAPTER 74. CALL OF DEATH
CHAPTER 75. ANTICIPATED
CHAPTER 76. OPERATION: BREAK THEIR BONES
CHAPTER 77. SURPRISE
CHAPTER 78. BITE THE BULLET
CHAPTER 79. SHE'S GONE
CHAPTER 80. PLEASE, COME BACK
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 5. AGAIN

24.4K 822 130
By Kirudesu

CHAPTER 5. Again

KIANNA HURTLE‘S POV

Kinakabahan ako...

KINAKABAHAN AKO!!!

Because I‘m about to talk to Khali Vernon, the cool transferee in our class! I‘m so excited! But the thing is...

She‘s freaking intimidating!

The way she stared back at me gave me a cold feet. I couldn‘t keep up with her stares, so I always quickly look away whenever she catches me staring at her.

Hindi ko tuloy siya magawang kausapin! Kahit mag-smile man lang sa kaniya!

Actually, kanina ko pa siya gustong kausapin dahil gusto kong malaman kung siya na nga ba ang tinutukoy ni Jaemin na friend niya!

Kung bakit naman kasi dalawa pa ‘yung transferee ngayong araw. Hindi ko tuloy matukoy kaagad kung sino sa kanilang dalawa si ‘Lily.’

Coincidentally, pareho pa silang may ‘Li’ na sound sa pangalan and they both came from abroad.

Jusmio. Sa susunod magbigay ka ng complete information Jaemin!

Ngayong PE ko lang na-confirm kay Jaemin kung sino talaga ‘yung friend niya at walang iba kundi si Khali Vernon nga!

Hindi na ako nagulat na siya nga kung magbabase ako sa mga kwento ni Jaemin. Because if it‘s Ashley? Hmp! Hindi kapani-paniwala!

Nevertheless, I‘ve already told myself that I‘ll make Khali Vernon as my friend whether she‘s Jaemin‘s friend or not. Kahit alam kong mahihirapan ako dahil sa cold and intimidating aura nito.

Nakita ko siyang paalis na nang gym kaya hinabol ko siya at humarang sa kaniya.

“Hi, Khali!” bati ko.

Binati niya ako pabalik pero parang walang-buhay ito.

HETO! HETO NA TALAGA!

“I‘m Kianna Hurtle, nice to meet you again!” masiglang pagpapakilala ko.

“I‘m Khali Vernon.” she answered.

Then, we ended up staring at each other again, as if she was waiting if I have another thing to say.

“May kilala ka bang Jaemin Santiago, 4th year student din from Class A?” paniniguro ko.

Nakuha ko ang atensiyon niya sa tanong na ‘yun.

“How did you know her?” tanong... tanong nya. But doesn‘t sound like a question at all.

Sobrang plain ng pagkakasabi niya. Monotone lang talaga. At saka parang may authority sa boses niya, na dapat mong siyang sagutin dahil nagtatong siya.

Jeez! She‘s really intimidating! Lalo na ngayong wala na siyang salamin. Mas kitang-kita ko ‘yung mata niya at kabuuan ng mukha niya.

Isa lang ang masasabi ko... She‘s really expressionless o kahit ano mang synomymous sa word na ‘yan.

“Hay! Buti nalang talaga at ikaw ‘yung tinutukoy ni Jaemin na kaibigan niya at hindi ‘yung Ashley na ‘yun!” nakangiwing sabi ko.

Ang taray kasi! Naka-usap ko siya kanina nung di ko pa alam kung sino ‘yung hinahanap ko.

Hinead-to-foot ba naman ako? Hinayaan ko nalang dahil baka may problema siya sa utak!

“Kaibigan ko si Jaemin. Naging magkaklase kami last year.” ngumiti ako. Pero siya nanatiling poker face. “I hope maging magkaibigan din tayo!” I said cheerfully.

She just stared at me again using her very cold eyes.

“I hope so.” aniya.

Gosh. Pero dahil sabi ni Jaemin na mabait naman daw ‘yung kaibigan niya, ayos lang naman siguro kung ayain ko siyang mag recess?

“Tara! Sabay na tayo mag recess! Para makilala pa kita.” pag-aya ko sa kanya tapos sabay hila sa braso niya.

I‘m trying my best to be friendly here kahit na nanlalamig ako sa kaba. Haha~

Pagdating namin sa caf, um-order muna kami ng pagkain bago naghanap ng mauupuan.

Habang kumakain kami ay tinatanong ko siya ng mga kung anu-anong gusto kong malaman. Sinasagot naman niya ito.

“So, galing kang Japan? Sabi ni Japanese ka eh! Kaya nagtaka ako ba‘t walang Japanese na transferee! By the way, you‘re so pretty! Just like me!” sabi ko tapos tumawa ako.

Hindi ako baliw ah, masaya lang XD

“In fairness ang galing mo kanina. Sali ka kaya sa women‘s basketball team?” tanong ko.

Ang bilis niya! Hindi nga ako makapaniwala. Ang lakas kasi ng dating niya, she looks so strong during the game.

Biruin mo naman, former women‘s b-ball varsity ang ilan sa kalaban nila kanina pero parang wala silang laban sa team ng Class 4-B kanina.

May kakaiba talaga sa kaniya na hindi ko maipaliwanag!

“Not interested.” lamang ang sagot niya.

“Di bale wala namang women‘s basketball dito eh.” sabi ko sabay tawa. Pero siya naman nanatiling walang ekspresyon.

Psh. KJ!

The team disbanded for some reason. At feeling ko susunod na ang volleyball team...

Jusko, ‘wag naman sana!

“Kaibigan mo ba ‘yung Ashley na ‘yun?” pabulong na tanong ko. Kanina pa kasi sila magkasama, at parang close pa.

“No.” sagot niya.

Sus! Mabuti naman at hindi! Naku!

“Okay ka lang ba talaga na wala ang salamin mo?” tanong ko ulit.

“Yeah. It was just a normal eyeglasses.” tipid na sagot niya.

“Trip mo lang mag-suot, ganon?” natatawa kong tanong.

“I‘m just used to it.” sagot niya.

So, trip niya lang talaga mag-suot. lol.

I was worried when her eyeglasses fell and broke, during the game. I thought she was going to have a hard time but she didn‘t.

Her expression didn‘t even change and since she wasn‘t looking back at me, I managed to have a clearer observation on her especially at her eyes... it was really lifeless.

Okay nga lang ba talaga?

“So, bakit mo naisipang lumipat dito sa Marvel High? Don‘t tell me dahil din sa Four Dragons? Well, hindi na nakakagulat kung iyon nga.” wika ko.

Halos lahat kasi ng lumilipat dito, ang main reason nila ay Four Dragons, mapababae man o lalaki. Maybe they want their enemies closer? Pero karamihan talaga ay babae.

Girls transfer here because they admire these gangsters!

Oh my god, I swear sobrang gwapo and hot nilang apat, especially the leader! Though, hindi siya ang crush ko. Siya lang pinaka-hinahangaan ko sa kanilang apat.

Marami pa namang hottie na Marvelians, almost every popular guys here are drop-dead gorgeous devils, pero sila talaga ang nangingibabaw!

“Dragons? What makes you think that I‘d transfer school just because of those four idiots?” nagulat ako sa sagot niya tapos nagpalinga-linga para siguruhin kung may nakarinig ba.

Obviously meron, ang lakas kaya ng pagkakasabi niya! Tapos nakatingin na ‘yung mga babaeng nasa paligid namin at nagbubulungan pa!

“Shh! If you want to insult 4D, then remember to lower down your voice!” I hissed.

She just looked at me for a second with her expressionless face like telling me that she doesn‘t care at all.

“Lame.” umiiling na wika nito.

Whoa!

“You‘re really something, Khali. Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang nakilala ko na nagsabi ng ganyan tungkol sa 4D?” natatawa kong wika.

Kung isa lang ako sa mga immature fans nila, malamang nasampal ko na siya. Pero nakakatuwa siya.

She‘s fearless!

Is that why she wasn‘t even moving when Hannah and Ullysis was picking on her? Because she wasn‘t at least a bit threatened!

Kaya nga nagtataka pa ako kanina, sabi kasi ni Jaemin siya ang madalas nagtatanggol sa kaniya noon. Tapos kanina, hindi naman siya lumalaban.

“But be careful from now on, they already have their eyes on you.”

Tinignan niya lang ako na parang wala lang sa kaniya ang babala ko.

“It‘s already 4:30 PM. TLE na natin. Tara na.” sabi ko.

Dali-dali kaming lumabas sa caf at nagtungo sa Sapph upang kunin ang mga gamit namin bago pumunta sa Garnet.

“Ano nga pala ang specialization na napili mo?” tanong ko kay Khali.

“Cookery.” tipid niyang sagot.

Ang iikli ng mga sagot niya. Siguro bored siyang kausap ako?

‘Yung pangi-insulto niya lang sa 4D ang pinaka-mahaba kong narinig na sentence sa kaniya.

Pero siguro naman magiging okay na kapag matagal-tagal ko na siyang kilala.

“Really?! Dun din ako eh. Anong class?” tanong ko.

“One.”

“Classmate pa rin tayo!” I said, happily.

Mukhang mas maraming time ko siyang makakasama. I hope maging close talaga kami!

Nang makarating kami sa Garnet, kung saan ang cooking classroom ay si Jaemin agad ang hinanap ng mata ko.

“Jaemiiiiiiin!!!” sigaw ko nang makita ko siya.

“KIAAAAAAAAN!” Mas malakas niya pang sigaw pabalik. Haha. Ang ingay namin!

TLE nalang din kasi kami nagkikita eh. Minsan lunch o kaya weekends kapag may galaan.

“Magkakilala na kayo? Hindi ko na siya kailangang ipakilala sayo?” tanong niya tapos tumango ako.

Humarap naman siya kay Khali, “Please be nice to her, Lili. She took care of me when you were not around.”

Tumitig si Khali sa akin ng ilang sandali at nag-buntong hininga, tapos bigla siyang nag-bow ng konti. OMG (. ❛ ᴗ ❛.)

*♤♡*

KHALI‘S POV

Pagpasok ko, nadatnan kong magulo parin ‘yung classroom namin tapos ang iingay parin nila. It means, wala pang teacher. Akala ko late na ako eh.

“Hi, Khali!” my classmate in front of my seat greeted. “Oh! Can you see without your eyeglasses on?”

Hmm. What‘s her name again?

“Yeah.” I‘m not blind. They were curious why I was wearing an eyeglass when I didn‘t even have a bad eyesight. “I hate getting speck in my eyes.” sabi ko nalang.

Tumayo ako at naglakad palabas ng classroom.

“Oy, saan ka pupunta?” pagpigil ni Kianna sa‘kin bago ako makalabas sa pinto.

“Sa caf. Bibili.” I replied.

“Sama ako!” Lumapit siya sa‘kin at kumapit sa braso ko. Hinayaan ko nalang, kaibigan naman siya ni Jaemin eh. At saka kilala ko na naman siya.

“Anong bibilhin mo?” tanong niya habang pababa kami sa hagdan.

“Dunno.”

Napatingin ako sa kaniya nang bigla nalang niya akong itulak. Mahina lang naman. Pero muntik na akong magkamali sa pag-apak sa hagdan.

“Ang tipid mo mag-salita! Ayaw mo ba sa‘kin?” masungit niyang pagsasalita.

It‘s not like that.

I just don‘t know what to say, or what appropriate word to use when I‘m talking to her.

I don‘t really care if she gets offended, but she‘s a friend of Jaemin... I might as well watch my words if I don‘t want to upset her.

Besides, I don‘t dislike her. She‘s kind towards Jaemin. She‘s kinda sassy, but at least she‘s genuine.

“Nakausap mo na ba si Lopez?” tanong niya.

“Who?”

“Your partner in Cookery class! Baliw ka. Kausapin mo na, para maka-decide na kayo ng lulutuin at makabili na kayo ng ingredients!”

“Ah. Okay...”

We we‘re randomly paired yesterday for our next activity and I was partnered with Erin Cline Lopez which I don‘t know who...

“Do you even know her name?” pang-uusisa pa nito.

“Erin Cline Lopez, I think.” I‘m pretty sure that‘s her name.

Sabi ni Jaemin ma-swerte raw ako dahil magaling sa klase ‘yung partner ko. Might as well be nice to her.

Malay ko, baka matuto na akong magluto at makalayas na rin sa pamamahay ni Izu.

“Right! Classmate rin natin ‘yun sa regular class kaya madali mo lang siyang mahahanap.”

“Is that so.”

Kianna suddenly pouted and shot me a sulky stare.

“Magkano ba ang isang salita galing sa‘yo? Gagastusan ko talaga!” aniya.

Hindi ko nalang siya pinansin.

May mangilan-ngilan ring nag-aamusal sa caf nung dumating kami. Gusto ko sanang kumain muna, kaso malapit nang mag simula ang klase kaya bumili nalang ako ng milk and biscuit.

“Pusa ka ba?” Tumawa si Kianna sa sariling biro. “Di ka nag-breakfast?” tanong niya.

“I didn‘t have time.” I replied.

Ang totoo niyan ay hindi talaga ako marunong magluto.

“You should‘ve ordered your maid to prepare your breakfast then.” aniya.

“I live alone.”

“Really?! Whoa, buti ka paaa.” saad niya na may dismaya.

Parusa kasi sa akin ‘yun, Kianna. Mahirap mamuhay mag-isa kung wala kang alam sa gawaing-bahay. -__-

“OH!” Kianna suddenly exclaimed.

Napatigil kami sa paglalakad dahil sa kaniya.

Namimilog ang mata niya habang naka-tanaw dun sa malapit sa Sapph.

“Shet! Siya ‘yuuuun! Bilis Khali!” she exclaimed. She tried to pull me but she couldn‘t. “Ano ba! Bilis na. Once in a lifetime opportunity lang ‘to!”

Anong pinagsasabi nito?

Naglakad lang ako habang siya ay patakbo akong hinihila.

“Ano na naman bang meron?” tanong ko.

“Hindi mo ba nakita ‘yung pulang buhok na yun?! Siya na ‘yun! Siya ‘yun!” she said with full of excitement.

Siya, siya, siya... Who‘s siya? Hindi kasi ipaliwanag ng maayos eh.

Di kalaunan ay nag-patianod narin ako sa paghila niya. Patakbo naming inakyat ‘yung hagdan hanggang sa makarating kami sa pangalawang palapag nito.

Natatabunan ng sandamakmak na estudyante ‘yung hallway, habang nag-uusap at may pilit na sinisilip. Ang iba‘y tumitili pa. Para silang mga ambulansiya. Sirang ambulansiya.

Crazy.

“Si King kasama nila! Shit! Kyaaaaah!”

Grabe!!! Anong ginagawa ni King dito? Papasok ba siya? Shheeeeet! My ghad!”

Tangina, tabi diyan gusto ko siyang makita!!!”

“Ang 4D besh, kumpleto!”

ANG GWAPO NILA! KYAAAH BABY KEVS, BE MINE!”

“Xander myloves sorry pero nabihag ako ni King!”

“Holy shit! Ang 4D nandito sa Sapph! Kasama si King!! Shit, shit, shit! Nakita ko siya! Ang gwapo niya, OMG!” naghi-hysterical na turan ni Kianna.

Hay nako. 4D na naman pala. Basta nandiyan sila, ang ingay ng paligid.

“Fck! Are you messing with me? You said that she‘s fcking here! Where the hell is she?!” sigaw ng galit na lalaki ang narinig ko mula sa di-kalayuan.

Natahimik ang paligid dahil doon.

“Sht! Sinong ‘she’ ‘yung tinutukoy niya?! Hay bahala siya, basta ang alam ko lang lagot siya kay King!” sabi ni Kianna habang nakatingkayad at pilit na sinisilip ‘yung tinitignan ng mga estudyante banda roon.

“Relax Trev, baka wala pa. Baka late?” a familiar voice replied.

Saan ko na nga ba narinig ang boses na ‘yun? Ah, nevermind.

Maya-maya bigla nalang nahawi ‘yung kumpulan ng tao. May dumaan sa gitna nito kaya papagilid sana ako pero parang napako ‘yung paa ko sa sahig nang makita ko sila.

Hey... those guys are really familiar, especially the guy who had a red hair.

His intimidating stares, those silver hoop earrings, his perfect nose line and his reddish lips.

Siya ‘yung nabunggo ko noon sa bookstore. At ‘yan ‘yung mga kasama niya. Kaya pala pamilyar.

Is he one of the Four Dragons that they are talking about? He‘s with the other three dragons I knew yesterday.

Nagsimula na siyang maglakad palapit sa direksiyon ko. Nanatili akong nakatayo at pinapanood siya habang palapit nang palapit sa akin.

Tumigil siya sa tapat ko at napasinghap ang lahat nang mga nakiki-usyoso nang bigla nalang niya akong higitin sa kwelyo gamit ang dalawang kamay at hinila ako palapit sa kaniya habang tinitignan ako gamit ang blankong mata.

Napapadalas na yata ang paghigit nila sa kwelyo ko?

Mas lalo niya pang inilapit ang mukha ko sa kaniya at halos tumingkayad na ako dahil sa paghila niya sa akin pataas.

I stared back at him with my usual blank expression.

×××

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
11.2K 452 31
Nasubukan niyo na bang masaktan kahit Hindi Naman Kayo? Meron ka bang pangako na patuloy mo pa ring pinanghahawakan hanggang ngayon Kasi pinipilit mo...
31.7K 1.2K 53
THE ONLY GIRL OF SECTION Z SEASON 2 [DON'T READ THIS IF YOU HAVEN'T YET READ THE ONLY GIRL OF SECTION Z] After of all what happened between Tristan a...
212K 5.6K 88
Avie,a girl who grew up in the states and studied in a university for those who has an high IQ like her and was considered as a great student detecti...