LOVE AND PAIN(Completed)

By Wild_Amber

923K 25.5K 671

AIVAN "Sefh" GUERRERO->mahilig tumuklas ng iba't ibang uri ng inumin. Kaya naman dahil sa kanya ay mas lumawa... More

TEASER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
LOVE AND PAIN

Chapter 16

31.8K 865 21
By Wild_Amber

MULING nanumbalik ang dating Aivan Sefh na masayahin ng makita nitong muli si Yasmin. At hindi lang yun ang nagpasaya ng buhay niya kundi ang pagdating din ni baby Sylvan sa buhay nila. Hindi siya makapaniwalang isa na siyang ama ngayon. At hindi niya maiwasang hindi matawa sa anak dahil ang liit-liit pa lang nito ay subrang likot na. Hindi pa nga lang ito nag-isang taon pero daig pa ang nag-isang taon na kung kumilos.

Maingat na inilapag ni Yasmin ang anak sa crib na nasa loob ng silid ni Sefh. Hindi alam ni Yasmin kung sino ang nagpadala nito doon. Matapus niyang mailapag doon ang anak ay agad niya itong kinumutan. Paglingon nito ay nalingunan niya ang nakamata sa kanyang si Sefh. Agad inimwertsa ng binata ang kamay na maupo si Yasmin sa tabi niya. Kaya agad naman itong tumalima at naupo sa tabi ni Sefh.

"Mia regina." Tawag nito kay Yasmin habang magkahinang ang kanilang mga mata. Mia regina sa salitang English ay My Queen.

"Yes! Signor?" Ani Yasmin na walang kakurap-kurap na nakatingin sa mga mata ni Sefh.

"Come stai?" Tanong dito ni Sefh na ang ibig sabihin sa salitang english ay 'how are you?' sabay haplos niya sa maamong mukha ni Yasmin.

"Sto bene. E tu?" Sagot ni Yasmin sa tanong ni Sefh na ang ibig sabihin ay mabuti naman. Ikaw kumusta?

"Ito, masaya dahil nakita kitang muli." Sagot nito kay Yasmin na hindi hinihiwalay ang mga mata kay Yasmin.

"Sige na, mahiga kana ng makapagpahinga ka. Kagigising mo lang sa pagkacoma. Baka mabinat ka kung magpapagud ka." Pag-iiba ni Yasmin ng usapan dahil hindi nito matagalan ang mga titig sa kanya ni Sefh. "Inumin mo rin itong gamot mo ng mabilis kang gumaling." Anito sabay kuha niya ng gamot na sinabi ni Lexx na dapat inumin ni Sefh. Agad naman yun kinuha ni Sefh at sinunod niya si Yasmin. Kung hindi lang niya gustong makalabas na ng hospital ay malabo niyang iinumin ang gamot na inabot sa kanya ni Yasmin. Sefh hate med, mula ng bata siya ay nahihirapan silang painumin ito ng gamot kung nagkakasakit siya.

Matapus uminom ng gamot si Sefh ay maingat itong tinulungan ni Yasmin na mahiga sa kama.

"Cinderella." Tawag nito kay Yasmin sabay pinagpag nito ang kama na merong spasyo sa tabi niya. "Sefh, nasa hospital tayo. Kaya hindi ako pwede dyan mahiga." Nagdudumilat nitong aniya sa binata. Mabilis namang kinuha ni Sefh ang telephone sa side table ng kama at pinindot yun.

"It's me Sefh. Wag kayong magpapasok sa kwarto ko nang kahit na sino. Natutulog ang anak ko, ayaw kung magising." Ma autoridad nitong utos na kinailing ni Yasmin. Kaya ng ibaba ni Sefh ang tawagan sa kinalalagyan nito ay walang nagawa ang dalaga kundi pagbigyan ito sa kagustuhan nitong mahiga siya sa tabi nito.

"Sefh?"

"Hmmmp?"

"Sino ang nagpahatid ng crib dito sa hospital?" Curious ditong tanong ni Yasmin.

"Maybe si David, may anak na rin kasi yun." Sagot nito sa tanong ni Yasmin.

"Pwedi na ba ako magtanong ngayon?" Ani Sefh na seryoso ang mukha. Halos ilang dangkal lang ang pagitan ng mukha nila ni Yasmin.

"Okey! go ahead." Napabuntong hiningang sagot ni Yasmin kay Sefh.

"Bakit mo ako tinakbuhan noon?" Una nitong tanong kay Yasmin. "Dahil natakot ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon." Deritsang sagot nito.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagbunga ang nangyari sa atin?" Muli nitong tanong.

"Uhm! Kasi nalaman kung buntis ako ay nasa New York ako noon. After kasi nung may mangyari sa atin ay lumipad agad ako papunta ng New York. Kinailangan kasi ako doon ng pinsan ko. Si Haide ang dumala sa akin sa clinic noon. Kaya doon ko nalaman na buntis na pala ako. So, ng bumalik ako ng Pilipinas ay nakita kung ikakasal kana. Kaya lumipad agad ulit ako papuntang Italy. Doon ko na rin ipinanganak si baby. At doon ulit ako nakita ni Haide at sinabi niya ang nangyari sayo. Kaya kami nandito ngayon ni baby." Mahaba nitong paliwanag sa tanong sa kanya ni Sefh.

"Thank you."

"Thank you, para saan?" Takang tanong ni Yasmin sa binata. "Thank you. Dahil hindi mo ipinalaglag si baby at itinuloy mo siya kahit wala ako sa tabi mo. Hindi mo siya hinayaang mawala kahit mag-isa ka lang." Saad dito ni Sefh na kinangiti ni Yasmin.

"Bakit ko naman ipapalaglag e wala naman siyang kasalanan. At sa milliong babae sa mundong ito na naghahangad mabuntis at magkaroon ng anak ngunit hindi nabibiyaan ay isa lang ako sa kanilang senwerte. Dahil binigyan ni God ng pagkakataon upang maranasan ang magbuntis, manganak at maranasan ang sakit kung pano isilang sa mundong ito ang isang anghel." Anito kay Sefh.

"Kaya hindi ko hinangad na ipalaglag siya noon. At lalo pa alam kung siya lang ang tanging magiging kakampi ko." Anito. Maingat naman hinaplos ni Sefh ang mukha ni Yasmin na dahilan upang maipikit niya ang mga mata ng lumapat ang kamay nito sa mukha niya.

"Hindi lang ang anak natin ang magiging kakampi mo at magtatanggol sayo. Dahil nandito rin ako, hindi ko man maipapangako kung hanggang saan at kailan kita maproprotektahan but i'll do my best to protect you." Ani Sefh kay Yasmin na kinamulat ng mga mata nito. Ang seryosong mukha agad ni Sefh ang namulatan ng mga mata niya.

"Sefh, bakit pala hindi natuloy ang kasal mo noon?" Curious ditong tanong ni Yasmin. "Dahil hindi ko kayang magpakasal sa iba lalo pa at hindi ko naman mahal o gusto. Itong puso't isip ko kasi ay iisang tao lang ang sinisigaw. Pero ang babaeng yun ay pinagtaguan niya ako. Muntik na akong masiraan ng ulo sa kakaisip kung nasaan kaya siya. Pero hindi hinayaan ng tadhana na mabaliw ako dahil hindi tinatanggap sa mental hospital ang mga gwapong kagaya ko." Sa sinabi ni Sefh ay biglang natawa si Yasmin. Dahil ang lakas talaga ng loob nitong ipangalandakang gwapo siya.

"Bakit ka tumatawa?" Nakasimangot nitong aniya kay Yasmin. "Wala. Gusto ko lang tumatawa. Wag munang ipagmalaking gwapo ka dahil alam kung gwapo kana." Ani Yasmin sabay pingot nito ng ilong ni Sefh ng bahagya.

"Ang haba na ng balbas mo. Ilang buwan ka ba naman kasing natulog." Puna ni Yasmin sa balbas ni Sefh. Noong una kasi niya itong makita ay manipis lang ang balbas nito. Hinawakan naman ni Sefh ang balbas niyang kinasimangot nito.

"Ibig sabihin e ang pangit ko na, na hindi na ako gwapo. Wala na akong pag-asa na magustuhan mo." Anitong nakasimangot na kinatawa ni Yasmin. Natatawa talaga si Yasmin sa inaasta ni Sefh. At pakiramdam niya ay nakalaya siya sa kahapon, na ngayon ay malaya siyang gumalaw at tumawa kung gusto niya.

Mabilis na sinapo ni Yasmin ang mukha ni Sefh at pinakatitigan niya ito. "Your still handsome. Kaya ngayon ay kailangan mo nang magpahinga kasi kailangan mong suyuin ang babaeng sinasabi mong sinisigaw ng puso't isip mo. Para magustuhan ka niya." Utos dito ni Yasmin sabay kindat nito sa binata na napangiti.

"Okey! sinabi mo e. Good night, mia regina." Anito kay Yasmin bago nito pinikit ang mga mata. Napangiti namang sinusuklay ni Yasmin ang buhok ni Sefh habang nakapikit na ang mga mata nito.

Naisip ni Yasmin na siguro nga ang lahat ay may dahilan. At bago mo makamtan ang happily ever after ay kailangan mo munang malampasan ang mga pagsubok na dadaan sa buhay mo.

Makalipas ang ilang minuto ay ramdam ni Yasmin na tulog na si Sefh. Kaya napangiti siyang pinagmasdan ang mukha ng natutulog na binata dahil naging malaya siyang gawin iyon.

Habang nakamata si Yasmin sa mukha ni Sefh ay nakarinig naman siya ng tila nagkakagulo sa labas ng kwarto ni Sefh. Kaya maingat siyang bumaba sa hospital bed ni Sefh at kinuha nito si baby Van at itinabi niya sa tabi ni Sefh. Nilagyan muna nito ng unan ang nasa gilid ni baby Van bago niya iniwan ang mag-ama niya. Maingat niyang binuksan ang pinto na siyang naging dahilan upang matahimik ang lahat ng nasa labas ng pinto.

"Mrs. Guerrero, sorry po. Nagpupumulit po kasi siyang pumasok. Eh! sabi namin ay hinabilin ni Mr. Guerrero na hindi magpapasok ng kahit sino dahil natutulog ang ang anak niyo. Pero ayaw po niyang maniwala." Anang nurse na tila takot.

Taas kilay namang tiningnan ni Yasmin ang babaeng nakatayo. Abah! marunong din naman siyang magtaray ha. At ayaw niyang ipasungkit sa iba ang ama ng anak niya. Tama na ang minsan siyang nagpakatanga at hindi niya namamalayang sinusungkit na pala ng iba ang fiance niya.

"Miss, alam mo ba kung anong oras na. It's almost late para manggulo ka pa dito? Kaya pwedi bang umalis ka na lang dahil hindi oras ng pagbisita ng pasyente sa ganitong oras na. At natutulog na ang mag-ama ko kaya ayaw ko ng maingay at nanggugulo." Anito sa babaeng nakikipagtigasan atah sa kanya. Dahil hindi man lang ito natinag sa tinuran niya.

"At hindi gawain ng babaeng matino ang bumisita sa teretory ng lalaki ng ganitong oras. Dahil babae ang pinupuntahan at sinusuyo. Hindi ang babae ang nanunuyo. Pwera na lang kung babaeng desperada." Saad dito ni Yasmin na may diin ang huling tinuran.

"Mia regina, my queen." Boses ni Sefh na tila nagising. "Yes! Hubby, sandali lang at meron akong tinataboy ditong ipis." Sagot nito.

"Hi! Yasmin. Kumusta ang mag-ama mo?" Tanong ni Lexx na sumulpot na lang bigla. "Ayun, mahimbing na ang tulog ni Sylvan. Ang daddy niya atah ang nagising." Nakangiti nitong sagot kay Lexx.

"Okey! ininom ba ni Sefh yung gamot na binigay ko sayo?" Tanong ni Lexx at isang tango lang ang sinagot dito ni Yasmin. "Good. Bukas ng umaga ko siya ichecheck. Kaya ngayon ay magpahinga ka na muna. Lock the door para walang makapasok." Malumanay nitong utos kay Yasmin. Agad namang tumalima si Yasmin. Matapus niyang mailock ang pinto ay muli siyang tumabi sa pagkakahiga ng mag-ama niya.

"Hey! akala ko ba tulog kana?" Anito kay Sefh na bahagyang hinaplos ang noo ng binata. "Narinig ko kasing may nag-uusap sa labas. Sino yun?" Kunot noo nitong tanong kay Yasmin.

"Ah! wala akong kausap, guni-guni mo lang yun. Itinataboy ko kasi yung ipis, baka makapasok dito. Ayaw kung mapiste ang mag-ama ko." Paliwanag nitong hindi naman naintindihan ni Sefh. "Never mind, matulog kana ulit." Utos nito sa binata na muling ipinikit ang mga mata.

SAMANTALA ng masiguro ni Lexx na inilock na ni Yasmin ang pinto sa mula sa loob ay saka nito binalingan ang taong nagpupumilit na pumasok sa silid ni Sefh.

"Look miss Elizelde, right?" Paniniguro nito sa babae. At tumango naman ito. "Binabalaan kitang mabuti pa ay lumayo-layo ka sa kapatid ko. Dahil baka hindi mo lang magugustuhan ang mangyayari sayo. Kung hindi ka pinagkaenterisan ng kapatid ko noon, ngayon pa kayang nagising siyang kasama ang mag-ina niya. At kaming lahat ay sinusuportahan namin siya kung saan siya masaya. We like Yasmin for him. Alam mo kung bakit?" Anito. Hindi naman makuha ng kausap ang pinupunto sa kanya ni Lexx.

"Ayaw namin sa babaeng buntot ng buntot sa amin kahit wala kaming gusto. At kaya gusto namin si Yasmin for Sefh ay dahil hindi siya ganun. Hindi niya pinagduduldulan ang sarili niya para lang magustuhan ng isang lalaki." Patuyang ani Lexx ngunit halos silang dalawa lang ni Miss Elizalde ang nakakarinig. "Kaya mabuti pa umalis kana dito, nagsasayang ka lang ng oras." Dugtong ni Lexx. At dahil parang natulos sa kinatatayuan niya ang kausap ay napailing itong kinuha ang tawagan sa bulsa. Agad tinawagan ni Lexx ang pinsan niyang si Brexx. Mukha atang kailangan ng kapatid at mag-ina nito ng bodyguard.

"Hey! Bro." Bungad nito sa pinsan ng sagutin ni Brexx ang tawag niya. "Napatawag ka bro?" Takang tanong sa kanya ni Brexx.

"Nhaaaa.....wala naman." Sagot nitong nakatingin kay Miss Elizalde na nakatayo parin doon. "Ah! I see. Ang saya ni Sefh kanina bro, bumalik ang dating Sefh." Kumento ni Brexx sa pinsan. Halata sa boses nito ang saya para kay Sefh. "Yeah! Bumalik ang masayahing Sefh ng makita niya ang mag-ina niya." Pagsang-ayun din ni Lexx sa tinuran ni Brexx.

"By the way bro, alam kung may kailangan ka. Tell me." Untag ni Brexx sa pinsan na masaya rin para sa kapatid.

"Oh! ano bro, pwede bang magpadala ka ng mga bodyguard mo dito sa hospital." Anitong kakamot-kamot ng batok.

May nangyari ba bro, okey! lang ba si Sefh ang mag-ina niya?" Tila nag-aalalang tanong ni Brexx kay Lexx.

"Okey naman sila bro, nothing happen. But i'll explain you tomorrow pagpunta mo dito. Kung bakit kailangan ko ng magbabantay dito sa labas ng hospital room ni Sefh." Paliwanag nito kay Brexx na tila nakahinga sa sagot niya.

"Sige-sige, magpapapunta ako dyan ng magbabantay." Anito. "Thanks bro." Matapus ang pag-uusap nila ay saka tumalikod si Lexx. Hinayaan niya ang nakatayo paring si Miss Elizalde. Dahil mukhang dumikit na ang paa nito sa kinatatayuan niya.

TBC.

➡I love you You love me
We're a happy family
With a great big hug and a kiss from me to you.....hahaha!!!! Balik bata lang. By the way, pagsisipagan ko talaga si Sefh dahil marami na kayong nagmamahal sa kanya ngayon. Kaya mahal ko kayo e. God Bless you all.

Continue Reading

You'll Also Like

546K 13.8K 24
Sheryn Lleu SamaƱego-One of AMBERS CLAN SIBLINGS a daughter of Edward Colin SamaƱego.
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
739K 22.1K 28
Lysander Kurt Monte Silva-Certified playboy. "Someday you will love me. And you can't say no for me again."
417K 10.7K 23
YUGENE EZEKIEL BELMONTE(GSB-5) Sa pagpapatuloy ng kanilang kwento. Hanggang saan nga ba nila kayang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Hanggang saa...