♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 8

18.1K 190 47
By nyghtdreamer

Chapter Eight

Lianne's POV

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa loob ng kwarto ko mula sa nakabukas na bintana. Bumangon ako paupo sa kama at nag-unat-unat habang humihikab. Napahinto ako nang may mapansin akong isang tangkay ng bulaklak na kulay pula na hinaluan ng puti sa bedside table ko.

Kinuha ko ang iyon at pinaikot-ikot ko ang stem niyon sa gitna ng dalawa kong daliri habang tinitingnan. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bulaklak at ang ganda nito.

May maliit na note na nakasabit sa tangkay ng bulaklak kaya binuksan ko iyon at binasa ko ng tahimik ang nakasulat.

Good morning, Babe! :)

This Amaryllis symbolizes your worth beyond beauty.

I hope you like it.

I will not be around all day, so take care.

I love you. Hugs and kisses.

- Your Mark

Napangiti ako at inamoy ko ang bulaklak. Ang aga-aga naman, nilalanggam ako sa ka-sweet-an ni Mark!

Nag-text ako sa kanya ng 'thank you' at ang reply niya sa akin ay ang napakahabang smileys!

Adik talaga! Adik talaga kaming dalawa.

Bumaba ako sa kusina para kumain. Dala-dala ko pa rin si Amaryllis flower habang inaamoy iyon at kinikilig pa rin sa note na kalakip niyon.

Pagdating ko sa kusina ay may nakita na naman akong isang pumpon ng maliliit na bulaklak na kulay pink. Parang Santan lang pero alam kong hindi. Kinuha ko rin iyon at inamoy.

May nakita na naman akong note na nakasabit. Hindi ko pa man nababasa ang nakalagay roon ay kinikilig na ako. Binuksan ko ang note at binasa.

Hello, Babe!

This Bouvardia connote that you're the zest of my life.

Eat a lot! Para mabusog din ako. :)

- Your Mark

Ay, naku! Naku, naku, naku talaga!

Busog na ako sa kilig, umagang-umaga pa lang! Paano pa ako kakain? Grabe talaga si Mark... kahit wala siya ngayon dito, pinapakilig niya pa rin ako!

I'm such a lucky girl to have him...

Kahit busog na busog na ako sa kilig ay kumain pa rin ako dahil iyon ang sinabi niya at hindi lang ako basta kumain, kumain talaga ako ng marami! Heavy breakfast! Parang hindi na ako kakain mamayang tanghalian sa dami ng pagkaing inilagay ko sa plato ko.

Kumain akong mag-isa habang napapangiti. Kapag kasi napapatingin ako sa mga bulaklak na nasa harap ko, kinikilig ako.

Sweetness overload talaga si Mark. Gaano kaya karaming asukal kinakain niya? Pero hindi siya mahilig sa matamis! Matamis lang talaga siya magsalita. Tipong pati buto ko kinikilig! Like kilig to the bones talaga!

Halos hindi na ako makatayo sa sobrang busog pagkatapos kong kumain-slash-lumamon, pero pinilit kong pa ring tumayo para pumunta sa sala habang hawak-hawak pa rin ang mga bulaklak na galing sa sobrang ma-effort kong boyfriend.

Kalalabas ko pa lang ng kusina ay may napansin na agad akong bulaklak sa center table ng sala.

"Ahhh!" impit na napatili na lang ako. Sa lahat ba ng sulok ng bahay naming ay may nakaabang na bulaklak para sa akin?

Excited na lumapit ako sa center table at kinuha na naman ang bulaklak. It's a Daisy. Sa tatlong bulaklak na nakuha ko ngayon, ito pa lang ang kilala ko! Kasi naman iyong naunang dalawa ay hindi ko alam kung mayroon ba rito sa Pilipinas! Ngayon lang ako nakakita at nakatanggap ng ganoong bulaklak.

Katulad ng dalawang naunang balaklak, may note din sa tangkay ang Daisy.

This Daisy conveys my loyal love for you, Babe.

- Your Mark

Oh, come on! Sagad-sagad na hanggang sa bone marrow ko ang kilig!

Napaupo ako sa sofa at wala sa loob kong nayakap ang isang throw pillow habang nasa mga kamay ko ang mga bulaklak. Nasa ganoon akong state ng halos sampung minute.

Hindi ako maka-get over sa mga flowers na binigay ni Mark sa akin ngayon, lalo na sa mga sweet notes na kasama ng mga ito. Kahit hindi siya ang direktang nagbigay sa akin ay sobrang kinikilig ako! Paano pa kaya kung siya mismo ang nagbigay sa akin ng mga ito?

Napailing ako. I don't know. Hindi naman si Mark ang unang lalaki na nag-effort sa akin ng ganito pero sobra-sobrang ligaya ang nararamdaman ko. Maybe because this time, I love the man who made the effort.

Kaloka much! Napatayo akong bigla. Baka meron pa sa ibang parte ng bahay namin!

Nagsimula akong maghanap pa ng bulaklak. I surveyed the living room first. Tiningnan ko ang estante ng TV at hinawi ko ang mga kurtina ng binta at throw pillows pero wala na akong nakita.

Bumalik naman ako sa kusina. I opened each cupboard and even looked inside the ref and under the table. None...

Okay... I'm expecting too much. Maybe itong tatlo lang ang ibinigay niya sa akin today. At malay ko, sa mga susunod na araw ay bigyan niya pa rin ako ng mga bulaklak with those loves note and all.

Okay, okay... I know, I'm asking too much kahit sobrang kilig na kilig na ako sa tatlong mga bulaklak ay gusto ko pa ring madagdagan ang mga iyon.

Napapabuntong-hininga akong umakyat ulit sa kuwarto ko habang nangingiti. I have all day to cherish these flowers and notes from Mark.

Nang buksan ko ang pinto ng kuwarto ko ay napangiti agad ako. There's this white flower on my window na hindi agad mapapansin dahil nagmukha iyong dekorasyon.

Huminga ako ng malalim at hinanda ko ang sarili sa kilig na mararamdaman ko. Dahan-dahan akong naglakad at kinuha iyon. With the excitement in my heart, I read the note that comes with the flower.

This Queen Anne's Lace symbolizes a haven.

You're my haven, Lianne.

- Your Mark

"Ahhhh!" napatili na naman ako sa sobrang kilig.

Puwede bang puntahan ko si Mark sa office niya? Nang masuntok ko siya ng kiss at mabugbog ko siya ng pagmamahal?!

Mahihimatay na yata ako sa sobrang kilig sa mga short love notes niya! Pero kahit halos himatayin na ako sa kilig ay naghanap na naman ako ng iba pang bulaklak. Baka dito siya maraming inilagay sa kuwarto ko!

Hinawi ko pa ang mga curtains sa kabilang bintaan at may nahulog na blue flower mula roon. Pinulot ko iyon at agad na binasa ang note na nakasabit.

This blue Iris is the sign of my faithful love for you.

And hope that we'll last until the end of time.

- Your Mark

Napasandal ako sa gilid ng bintana at naitapat ko sa puso ko ang mga bulaklak.

Me too, Mark... I want our love to last. I prayed silently.

Grabe na talaga! He really made the effort to find these different flowers and match it with the appropriate love notes! Nakakaloka!

Gosh... pinaghiwa-hiwalay niya pa talaga ang mga bulaklak, puwede namang isang bouquet na lang na may iba't ibang klaseng flower ang ibigay niya, para isang note na lang din ang ginawa niya. Pero pinahihirapan niya pa talaga akong Makita isa isa ang mga bulaklak!

Oh, well... maybe he knows that I'm so bored and he wants to make my day a little exciting.

Kibit-balikat kong inikot pa ang mga mata sa kuwarto ko at may napansin akong naiibang bulaklak sa mga bulaklak na nakalagay sa flower vase na nasa ibabaw ng chest.

Hay... Pasalamat ka talaga, Mark, at sobrang pinapakilig mo ako! Kundi, nunca na hanapin ko pa ang iba pang mga bulaklak!

Napapailing na kinuha ko iyon na may kinikilig na ngiti sa mga labi.

This Arbutus is my way of saying

"Thee only Do I love"

- Your Mark

Ahhh! 'I only love you' lang naman ang gusto niyang sabihin pero gimamit pa talaga siya ng old English. Kahit naman simple lang ang words niyang gamitin, kaparehong kilig pa rin naman ang mararamdaman ko.

Tumingin pa ako sa lahat ng sulok ng kuwarto ko pero wala na akong nakita hanggang sa napatingin ako sa closet ko. Isa-isa kong binuksan iyon at sa pangatlong pinto ay nakakita na naman ako ng bulaklak.

It's a Hyacinth.

Hyacinth means play in the language of flowers.

But this blue Hyacinth means sincerity.

We played but we end up falling in love with each other.

- Your Mark

I smiled again.

Oo nga, noong una ay naglalaro lang kami at hindi ko inakalang mai-in love ako sa kanya. Sa sobrang sweet niya, sino'ng hindi mai-inlove sa kanya? Although, akala ko ay nagpapanggap lang siya, nahulog pa rin ako sa kanya. But I'm glad that everything he did is real.

Huling bulaklak na ang Hyacinth. Wala na akong nakita kahit sa kasuluk-sulukan ng kuwarto ko. Ito na siguro ang lahat.

Nahiga na lang ako sa kama at inilagay sa tabi ko ang mga flowers. Isa-isa ko iyong tinitingnan habang nakahiga ako. Pangiti-ngiti pa rin ako. Hindi ko talaga mapigilan. How can I?! Napaka-sweet ng boyfriend ko!

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ngayon lang ako na-in love kay Mark. Puwede namang dati pa. Edi sana, dati pa ako nakaramdam ng ganitong saya. But maybe this is just the right time. At least, I had tried other guys and I can differentiate the way I feel about them to what I feel to Mark.

Naisipan kong i-text ulit siya. Kinuha ko ang celphone at nagsimulang mag-type ng message.

If I get see your smile today, I don't need flowers. But I really appreciate those beautiful flowers and wonderful meanings. I love you, too. <3

Ang cheesy ko na rin! But whatever... he deserves a sweet message from her pretty girlfriend too. I sent the message.

Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame. Makakatulog na sana ako pero naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko.

May tumatawag. Tiningnan ko ang screen at nakita kong si Mark ang tumatawag. Isang ngiti na naman ang namutawi sa mga labi ko bago ko pa sagutin iyon.

"Hello, Babe," bati ko pagkasagot sa tawag niya.

"Have you collected eight flowers?" tanong niya agad.

Tumingin naman ako sa mga bulaklak at binilang ko ang mga iyon gamit ang mga mata. "Seven lang kaya," pagkuwa'y sabi ko.

Tsk! May isa pang kulang. Tumayo ako sa kama at nagsimula na namang maghanap sa kuwarto ko. Nasaan pa ang isa?

"Eight 'yan. May hindi ka pa nakikita."

"Nasaan ba 'yong isa?" tanong ko. Kailangan makita ko na agad iyon at para mabasa ko na ang kalakip na mensahe niyon.

"Lumabas ka na ba sa garden?" tanong naman niya.

"Hindi pa," sagot ko at agad akong naglakad palabas ng kuwarto ko, bitbit pa rin ang mga bulaklak sa isang kamay habang ang isang kamay ko naman ay nakahawak pa rin sa cellphone na nakatapat sa tainga ko. "Really, pinahirapan mo talaga akong makita lahat ng flowers, Mark."

"Just go there and get the last flower," utos niya sa 'kin.

" Yes po. Ito na po, pababa na."

Nang makarating ko sa garden, hindi naman ako nahirapan pang hanapin ang bulaklak na tinutukoy niya. Nakalagay kasi iyon sa may duyan. Iyong duyan na nasira namin noong nakaraan. Ayos na iyon ngayon at mas matibay na ang ginamit na lubid.

"I found it," sabi ko habang tinitingnan na 'yong note na nakalagay.

It's a Sunflower!

You're like a Sunflower that has no fear of the sun.

Instead of bowing down,

it looked up to meet the rays of the sun

and let other see its beauty.

I adored you long before I've known the meaning of that word.

- Your Mark

Oh, god... napakagat labi na lang ako pagkabasa sa nakusulat sa note at wala sa loob na napahiga ako sa duyan.

"Do you like them?" he asked.

"Yes," maikli kong sagot habang pinipigilan kong mapatili sa kilig.

"All of it?"

"Yes," ulit ko. "But..."

"Why there is a 'but'?"

"But mas gusto ko iyong nagbigay."

Yay! Ang cheesy ko naman din talaga! Sa sobrang cheesy ni Mark, nahawa na rin ako.

Narinig ko siyang tumawa.

"Natututo ka na rin bumanat, Babe," mapang-asar na niyang sabi.

I rolled my eyes kahit nakangiti na naman ng malaki ang labi ko. "Whatever, Mark... don't you have work? Hindi naman break time, ah," pag-iiba ko na rin ng topic dahil baka maubusan ako ng pangbanat. Mukhang marami pa namang siyang itinatagong ganoon.

"So? I'm almost done with my work for today," sagot niya na may kasama pang pagmamayabang. "'Tsaka may gusto akong sabihin sa 'yo."

"Ano 'yun? Hindi p'wedeng mamaya sabihin?" Kasi hindi pa ako nakaka-recover sa mga sweet notes mo! Baka mangisay na ako sa sobrang kilig! Ngali-ngali kong idagdag.

"Gusto ko ngayon. Excited ako, eh."

"Uhmm..." nagkunwari akong nag-iisp.

"Tsk! Ayaw mong malaman? Sige, bye na," parang napipikon na niyang paalam.

Ang bilis mapikon! At dahil isa akong napakaganda at napakamalditang girlfriend, pagkatapos niya akong pakiligin buong umaga ay ito ang ganti ko. Ang pikunin siya.

Hindi ako nagsalita habang kagat-kagat ko pa rin ang labi ko dahil natatawa ako. Hinintay kong putulin niya ang tawag pero ilang segundo na ang nakakalipas ay hindi pa rin niya ginagawa. Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya.

Naghintay pa ako ng ilang sandal bago ako nagsalita ulit. "Akala ko ba, bye na?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hinga ulit siya. "Makinig ka na muna kasi..." parang bata niyang pakiusap.

"Oo na," natatawa kong sabi. I can imagine Mark's cute face right now. Nakanguso siguro siya at mukhang batang inapi ng mga kalaro.

"Alam mo ba kung bakit eight ang flowers na ibinigay ko sa 'yo?" he asked.

Hindi ako sumagot. Ang sabi niya kasi ay makinig daw muna ako! Kapag nakikinig, gamit ang tainga, hindi ang bibig kaya hindi ako magsasalita.

"Uy, Babe, sumagot ka naman..."

Hindi pa rin ako nagsalita. I'm a very good listener!

"Hello, Babe? Nand'yan ka pa ba?" tanong niya ulit.

I still kept myself silent.

"Babe!" sigaw na niya.

"Ay, Babe!" Nagulat ko ring sigaw. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko at ang mga bulaklak.

Buwisit! Why is he shouting? Okay, it's my fault, but he should know na pilya ang girlfirned niya.

"Naman, eh... kinakausap ka tapos hindi ka sumasagot d'yan," parang batang pagmamaktol na niya.

"Eh, sabi mo makinig muna ako," katwiran ko naman.

"Makinig ka but answer when I asked." Bakas na talaga sa tinig niya ang pagkainis.

I laughed. "Oo na po," sabi ko. "Why did you give me eight flowers?"

Alam kong kikiligin ako sa sasabihin niya kaya hinanda ko ang puso ko. Baka kasi magtatatalon na lang bigla mula sa dibdib ko.

"It's a favorable number, associated to the prosperity. It represents the earth, not in its surface but in its volume, since 8 is the first cubic number. It is the symbol of the new Life, the final Resurrection and the anticipated Resurrection that is the baptism. Number figuring the immutable eternity or the self-destruction. It represents also the final point of the manifestation. The number 8 means the multiplicity, for the Japanese. In Babylon, it was the number of the duplication devoted to the sun, from where the solar disc is decorated of a cross with eight arms. In China, it expresses the totality of the universe. There are eight great gods of the Vedas: Surya, Candra, Agni, Yama, Varuna, Indra, Vâyu and Kubera. Plato remained with his master the Greek philosopher Socrates for eight years. In particle physics, the eightfold way is used to classify sub-atomic particles. In chemistry, it is the atomic number of oxygen. In biology, there are eight cervical nerves on each side in man and most mammals." Huminto siya saglit. "And eight is the number of perfection, the infinity. Infinity sign is represented by an eight laid down."

Napatanga ako sa mga sinabi niya. But what the heck?! Akala ko kikiligin ako? Bakit... bakit wala akong makitang connection sa amin sa mga pinagsasabi niya?!

"Like the symbol of number eight, my love for you is boundless," dagdag pa niya.

Lalo lang ako napatanga. After all he had said, iyon lang ang malinaw sa akin. Gusto kong matawa pero mas nangingibabaw ang kilig na nararamdam ko. At binabawi ko nang nabubuwisit ako.

Too corny and cheesy and yet, I don't know how to respond. My heart is full, and mu day is complete. Can I sleep now and dream of him?

Oh, no! Reality is better! I must keep myself awake from now on!

"Wala ka man lang sasabihin?"

"Ahmm..." I bit my lower lip again. Should I say na kinikilig ako?

"Tsk! Sige na. Mamaya na lang ulit. Tatapusin ko na ang trabaho ko," paalam niya na ulit

"Okay," iyon na lang ang nasabi ko, 'tapos ay nawala na siya sa linya.

Ugh! Anong magagawa ko kung wala akong masabi sa mga declaration of love niya sa akin? I'm too busy absorbing all the love he's showering me. He should understand that!

Nang mahagip ng paningin ko ang mga bulaklak na binigay niya ay napangiti na lang ulit ako. "I love you too, Mark Kelvin."

(April 11, 2020)

∞∞∞

Pagkatapos ng tawag ni Mark ay hindi ko na naman alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang bored na naman ako kaya nanonood na lang ako ng TV pero palipat-lipat lang ako ng channel. Nood ba tawag dito? Parang hindi naman yata. Trip yata tawag dito.

Gusto ko nang ibalibag ang remote control na hawak ko sa sobrang pagkainip nang may nag-door bell. Nakita kong palabas na sana si Manang ng bahay para tingnan kung sino ang nasa labas.

"Ako na lang po titingin kung sino ang nasa labas, manang Fe," prisinta ko at saka ako tumayo.

Tumango lang si manang at bumalik na sa kusina. Lumabas na ako para alamin kung sino ba ang nag-door bell. Delivery boy ang nakita ko sa labas. Naka-cap siya na may tatak ng isang pizza parlor, kaya alam kong delivery boy siya. Kumunot ang noo ko.

Hindi naman ako nagpa-deliver, ah?

Lumapit pa ako sa gate at binuksan ko iyon.

"Kayo po ba si Ms. Lianne?" tanong niya sa akin.

"Opo," sagot ko.

"Delivery po galing kay Sir Mark," nakangiti niyang sabi.

Iniabot niya sa akin ang isang box ng pizza at isang styrofoam na hindi ko alam kung anong laman. Nagpa-autograph pa siya sa akin. I mean, may pinapirmahan pa siya sa akin. Feeling artista lang ako na may nagpa-autograph na fan kasi grabe iyong ngiti sa akin ng delivery boy na ito. 'Tapos may iniabot pa ulit siya sa akin card at umalis na siya.

Pumasok na ulit ako sa bahay at dumiretso sa kusina. Siyempre kakainin ko na kaagad ang pizza habang mainit pa! Pero bago ko simulang lantakan ang four-cheese pizza at baked macaroni, tiningnan ko muna ang card.

Hello, Babe! Enjoy the pizza and pasta. Meet me at the park at 7pm sharp. I love you...

- Mark

Hmm... is it a date? Napangiti ako. Napaka-sweet naman ng boyfriend ko at sa park na naman niya ako ide-date.

Kung anu-ano pa ang pinaggagawa ko buong araw at gusto ko nang hatakin ang oras para dumating na ang oras ng date naming ni Mark. At sa sobrang bored ko sa bahay at excitement ko sa date naming, two hours before seven o' clock, naligo na ako at nag-dress up.

Nakailang palit ako ng damit at nakailang hilamos din ako bago ako na-satisfy sa ayos ko. I wear a plain sleeveless yellow dress paired with black flats. Nag-pink lipstick ako at konting brush on para magkakulay ang mukha ko. OA naman kung bobonggahan ko ang damit at make up ko kung sa park lang naman kami magde-date.

I mean, there's nothing wrong with that... I actually really like our dates in the park. Pero gusto ko lang din ibagay ang ayos ko sa lugar.

Twenty minutes before seven o' clock, lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa park. Excited na talaga ako! Feeling ko kasi may surprise si Mark sa akin.

Nasa park nang ma-realize kong hindi ko pala alam kung saang parte kami ng park magkikita! Sa sobrang excitement ko, nakalimutan kong itanong! Iniwan ko pa man din ang cellphone ko sa bahay. Ayoko naming ikutin itong park.

Tumingin ako sa paligid at wala akong makitang sign na nandito na si Mark. Wala ang kotse niya sa paligid, at wala akong nakikitang mukhang 'surprise' date sa paligid. Wala pa siguro siya kaya okay lang na bumalik pa ako sa bahay.

Pabalik na sana ako sa bahay nang may batang lalaki na humarang sa daraanan ko. Yes, he deliberately stood in from of me. Then he held out a blue flower.

Tiningnan ko lang siya dahil hindi ko naman siya kilala. At malay ko ba kung nagkakamali lang siya ng pinagbibigyan? Baka may Magalit sa akin at bigla na alng hatakin ang buhok ko.

May date kami ni Mark kaya hindi ko aaksayahin ang oras ko sa pakikipag-away sa kung sinuman.

Sinubukan kong umiwas sa bata pero hinarangan niya pa rin ako. "This is for you, Lianne," sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

Kilala niya ako?

Kinuha ko na iyon dahil hindi naman niya yata ako titigilan kung hindi ko kukunin iyon. I uttered 'thank you' but he just ran away. Aalis na sana ako pero nagulat ako nang may mga bata pang lumapit sa akin.

They handed me the same flower the first boy gave me. They are all smiling while giving me the stem of blue flower. Walang salitang tinanggap ko ang mga iyon, thinking if the color is real or dyed. True blue flowers are so rare! But regardless, they're so beautiful!

"I hope I find someone like him when I grow up," nakangiting sabi ng isang bata sa akin nang iabot niya ang bulaklak. Sa tingin ko ay around twelve-year old at halatang kinikilig siya.

Hindi ko alam kung ilan na ba ang hawak kong mga bulaklak. Hindi ako nakapagbilang! Halos isang bouquet na yata ito at may ilan pa ring bata na nandito sa harap ko na may tig-iisang bulaklak. Hindi na ako magkandaugaga sa paghawak sa mga bulaklak! Thank god, they don't have thorns like roses.

Nakakaloka! Ni hindi ko naisip itanong sa kahit isang bata kung kanino ba galing ang mga bulaklak ito. Pero kahit hindi ko na itanong, parang alam na ng puso ko kung kanino nanggaling. Kailangan na lang kumpirmahin ng utak ko.

Sa wakas, naubos na ang mga batang nasa harapan ko. I am counting the flowers na hindi ko alalm kung anong tawag. Natigilan lang ako sa pagbibilang ng may biglang tumikhim. Napaangat ang tingin ko.

At nakita ko ang nilalang na hindi naalis sa isip ko buong araw. Nakangiti siya at may hawak ding isang bulaklak na katulad ng ibinigay sa akin ng mga bata.

Dalawang dosena na yata itong hawak ko 'tapos may isa pa siyang hawak! Ayaw niya naman akong bigyan ng bulaklak, ano? But something is missing here... bakit walang note?

Lumapit na siya sa akin at nakangiting iniabot sa akin ang bulaklak. "For the most beautiful lady I ever set my eyes on."

Gusto kong tumili sa kilig! Okay lang pala kahit wala ng note dahil mas okay na sabihin niya na lang. Pero pagkakuha ko ng bulaklak ay napansin ko agad ang nakasabit na note doon.

I read the note.

Balloon flower is often a symbol for friendship... but it also symbolizes endless love. Like friendship, my love for you is endless.

I love you, Lianne, endlessly...

- Mark

Okay... super okay ang may pa-note na nga, may pakilig lines pa sa personal! Goodness... I'm going to faint any minute dahil sa sobrang kilig!

Kagat labing umangat ang tingin ko sa kanya.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" tanong niya sa akin.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. What should I say? Do I really need to say something? Sasabihin ko bang sobrang kinikilig ako na halos magiba na ang dibdib ko sa pagwawala ng puso ko?

I seriously don't know what to say!

"Tss!" he hissed. "Alam mo bang nahirapan pa akong hiramin 'yong mga bata kanina sa mga magulang nila. 'Tapos tutungangaan mol ang pala ako pagkatapos ng lahat ng ginawa ko?" Naiinis na naman kaagad siya.

Bakit ba nagiging bugnutin siya this pas few days? Nahawa na ba siya kay Renz na bugnutin?

"T-thank you..." mahinang sabi ko at napangiwi ako pagkatapos dahil parang hindi iyon ang tamang sabihin ko.

Hinawakan niya ako sa mukha. "Hindi naman 'thank you' ang gusto ko marinig." He seriously looked straight into my eyes.

Pinigil ko ang pag ngiti ko habang nakatitig sa kanya. May idea na ako kung ano ba ang gusto niya mula sa akin. But I'd like to play a little dumb.

"Ano?" painosenteng tanong ko.

"Kapag hindi mo nasabi, hahalikan kita," banta niya sa akin.

As if naman na matakot ako sa halik niya! Gusto ko kaya iyon! What is he waiting for?!

"Nag-thank you na nga ako, 'di ba?" pang-aasar ko pa pero inosenteng mukha pa rin ang ipinapakita ko sa kanya.

Pero sa isip ko, gusto ko nang isigaw sa kanya ang, just kiss me already, Mark!

"Isa..." bilang niya at inilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa akin.

Hindi ako umimik at hindi din ako kumilos para iwasan siya. I'm patiently waiting for his kiss!

"Dalawa..." Nilapit niya pa ulit ang mukha niya.

Closer please... ang tagal naman niyang magbilang! Nakakainip!

Hinintay ko ang pagsabi niya ng 'tatlo' at hinanda ko na ang sarili ko sa halik na ibibigay niya. Pero wala akong narinig. Bigla na lang niya akong hinalikan. At kahit pa nagre-ready na ako, nabigla pa rin ako sa ginawa niya.

Hindi naman nagtagal ang halik niya at pinakawalan niya rin agad ako.

"Tatlo..."

"I love you na nga, eh..." wala sa loob kong nasabi habang nakatingin sa kanya.

Pinisil niya ako sa ako sa ilong. "That's the first time I heard it from you." Ngiting-ngiti siya.

Really? It's the first time I told him that? Pero kanina lang sinabi ko iyon... pagkatapos niyang ibaba ang tawag. Nakakapagtaka na unang beses ko pa lang iyon nasabi sa kanya... pero siguro busy akong iparamdam sa kanya na mahal ko siya kaysa sabihin iyon.

I'm just so glad to see how he smiled upon hearing those little words.

Kinuha niya sa akin ang huling flower na binigay niya at may kinuha siya doon na nakatali kasama ng note. Parkatapos ay kinuha niya ang kaliwang kamay ko.

He slid something on my ring finger. When he let go of my hand, napatitig ako doon.

It's a ring with a blue stone.

Tumingin ako sa kanya at hindi ko naitago ang kaba sa mukha ko. Nagpo-propose na ba siya? Agad-agad? Kaka-cancel nga lang ng wedding namin!

He smiled again. "Don't worry... it's just a promise ring," sabi niya at itinaas niya ang kaliwang kamay para ipakita sa akin ang singsing na suot niya rin. It has the same band as mine, but without the stone.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Let's have our dinner," sabi niya. "Alam ko namin gutom ka na, eh. Ang takaw mo pa naman." At hinila niya ang kamay ko pero hindi ako nagpahila.

Wala pa kaya akong naririnig na 'I love you, too'! This is the first time I told him that and I didn't get a reply? Hindi ako papayag!

"Wala ka ring sasabihin?" tanong ko sa kanya at binawi ko ang kamay ko.

Lumingon naman siya sa akin ng nakangiti pa rin. "I love you more."

"Hindi kaya! Mas mahal kita!" protesta ko.

"Talaga?" he proved, and he chuckled.

"Oo kaya..." Then I pout.

He shrugged. "Alright then..."

Lalo naman akong nag-pout. "When your girlfriend says she loves you more, deny it. You should fight back. Dapat hindi ka nagpapatalo. Parang hindi mo naman ako mahal niyan, eh..."

Parang adik ko lang. But really! Hindi dapat siya nagpapatalo agad sa ganoong bagay!

"Hindi ko na kasi masukat ang pagmamahal ko sa 'yo kaya hindi ko alam alam kung paano ko ipaglalaban sa 'yo na mas mahal kita," katwiran niya naman.

Leche! Bakit ang galling ng comeback niya? Sige, ako na ang talo!

"Tara na kasi... gutom lang 'yan, eh." Tapos hinila niya na ako sa table sa likuran niya.

I don't know how he set up this, or is it even allowed? Hindi ba kami mapapagalitan ng management ng villa? But who cares? He just gave me the sweetest massages today and a promise ring! No one should ruin our date tonight!

Pinagmasdan ko naman ang singsing na isinuot niya sa akin kanina habang nagpapahila ako sa kanya. Simple lang iyon pero kahit gaano kasimple iyon, napaka-espesyal pa rin niyon para sa akin. Because it's from Mark... the man I love.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

28.3K 557 41
"Hindi ako kailan mai-in love sa isang lalaki hanggat buhay pa ako," ang malakas na anunsyo ni Sunmi gamit ang megaphone sa buong paaralan. Ok? Sabih...
11.6K 878 22
Sa kabila ng magulo at puno ng misteryo na pagkatao ni Ligaya ay inibig pa rin siya ni Alfonso. Hanggang sa naisip ni Ligaya na gamitin ang lalaki up...
3M 18.4K 9
NOTE: The complete version is available on Dreame! Sa loob ng maraming taon, napuno ng pagsisisi ang buhay ni Sassy. Marami siyang desisyong pinagsis...
3.5K 171 14
Ang kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.