Have you ever been in love to someone and been into a relationship? But in an unfortunate manner, it didn’t last longer and you had been wondering “why on earth we didn’t last forever?” Well, some people might say that a relationship could last forever. These are just words, theoretically speaking yes they are, but you could actually make these words into something exceptional, something that you could cherish for the rest of your life. We cannot really assure for a great story, but we can work for a happy ending story.
There are three essential things that you have to maintain in order to have a strong or better relationship. These are trust, understanding and a lifetime commitment.-
In relationships, sometimes love is not enough. How you treat and value each other is sometimes the most important thing to make it stronger.
CHAPTER 45 - TEARS
NAMI’S POV
Monday na. May pasok na ulit. Kakatapos lang kasi ng All Saint’s Day at kapag ganun ehh hindi ba walang pasok? So ayun. Papasok na ako ng room ko ngayon hoping to see Chalton. I scanned the whole room. Eto yung room naming kapag first subject. Pero hindi ko siya nakita. Patuloy ko siyang tinetext at tinatawagan nun eh, pero wala pa ring reply. Iniisip ko kung yun ba talaga yung dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin ngayon.
Buti pa yung mga multo, nagpaparamdam, ikaw hindi. Hanggang kailan mo pa ba ako hindi kakausapin? Hanggang kailan ba ako manghuhula ng mga rason kung bakit hindi mo ako tinatawagan man lang o tinetext? Naga-alala na ako sa’yo, Chalton. Sana naiisip mo na may naga-alala sa’yo. Kahit mga kaibigan mo, tinext ko na at tinawagan pero wala rin silang balita. Kahit sila, ehh naga-alala na sa iyo.
Hayyy, Chalton. Miss na miss na kita.
Sabi nila, sa isang relasyon dapat dalawa kayong kumikilos kung gusto niyo itong mag-work. Pero bakit ganun, ngayon ako na lang ba ang patuloy na kumakapit? Ano ba talagang nangyayari? They say that the couples that are meant to be are the ones who go through everything that’s designed to tear them apart and come out even stronger. Bakit tayo? Unang problema pa lang ba, susukuan na natin? Please lang...don’t make me get tired of this bullsht.
Dahil masyado pa akong maaga, hinintay ko na lang yung ibang magsidatingan. Ilang minute pa ang lumipas, hindi ko pa rin siya nakikita. Padami na nang padami ang tao sa room, pero wala pa rin siya.
“Nami! Pinsan, na-miss kita swear!” Bati sa akin ni Rae pagkapasok na pagkapasok niya sa room. Nakangiti siya pero halata kong may problema rin siya. Tatanungin ko na sana siya nang maalala kong hindi ko pa nga pala siya nababati. November 1 kasi ang birthday niya at November 4 na ngayon. Hindi ko siya nagawang batiin dahil hindi na siya pumupunta sa unit ko, tapos nung ako naman yung nagpunta sa kanila, wala daw siya. Hindi ko rin siya nagawang batiin dahil nakapatay yung phone niya since nag-end yung first semester.
“Belated happy birthday, insan! Ano ka ba! Bakit hindi mo sinasagot yung phone mo tapos hindi rin kita naaabutan sa inyo! Ayan tuloy, hindi kita nabati.” Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Umupo ito sa tabi ko at inilapag ang bag niya sa may likod niya. “Thanks. Sorry, nasira phone ko eh. Tsaka, I need to think...about...things...” At pagkasabi niya nun ehh tumahimik siya saglit at yumuko pero nagawa rin niyang ngumiti agad sa akin. Sabi ko na nga ba, may problema siya eh. Sa lahat ng pinsan ko, siya ang pinaka-close ko. Bestfriend slash pinsan ko nga siya diba?
“May problema ba???” Tanong ko sa kanya with that worried face.
“I heard Christian and that girl talking...” Yumuko na naman siya tapos ngumiti ng isang pilit na ngiti. Inantay ko lang siyang ituloy ang sasabihin niya. “Yung girl na ipinalit sa akin ni Christian...buntis siya...narinig kong buntis siya...” Hindi naman siya umiiyak pero alam kong malungkot siya. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag nakabuntis yung boyfriend mo diba? “Si Christian daw ang ama...”
“Rae, okay ka lang ba???” Alam kong wala akong karapatan para pagsalitaan ng masama yung boyfriend niya. Afterall, mistakes do not define us, right? Pero kung sa akin nangyari yun? Masasaktan rin ako. Pero sa storya ko, ako ang mali. Nagkamali ako kay Chalton. I want to fix everything. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin.
“Oo naman...It’s just that...masakit lang isipin na naloloko na naman ata ako? Nami, how would you feel kung nalaman mo na magiging daddy na pala yung boyfriend mo?” Malungkot na tanong ni Rae sa akin.
“Syempre, masakit.” Sabi ko habang nakahawak sa balikat niya. “But life goes on.”
Ngumiti lang siya nang pilit at yumakap sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik. Nakakatawang isipin that we’re sharing the same tears of pain. Dahil hindi ko alam ehh nakikisabay na pala ako sa pag-iyak sa kanya.
Umiiyak na ako, umiiyak siya. But I managed to stop it lalo na at nasa classroom kami. Mahirap na baka may makakita pa sa amin. “Tama na nga, Rae. Bawal tayong umiyak kasi papangit tayo.” Pagbibiro ko sa kanya.
“Bakit Nami? May problema ba???” Nang mapansin niyang nagpupunas ako ng luha ehh nagtanong siya. “I’m sorry for not being there. Sorry Nami, kung wala ako para i-comfort ka...What’s the problem???”
“H-huh??? Wala ito. Ano ka ba!” Sabay pinalo ko siya nang mahina sa balikat at ngumiti. Magtatanong pa sana siya nang makita namin kung sino ang babaeng nasa labas ng classroom.
***********
OLIVE’S POV
I was actually confessing to Nami nang makita ko kung sino ang nasa labas ng kwarto. Nakita ko siya. Nakasandal sa may wall doon habang nakatingin sa akin. Bakas na bakas sa mukha niya ang lungkot. Nakita kong nakahawak siya sa may tiyan niya. Malaki na rin pala iyon. Hindi ko lang alam kung ilang buwan na ang dinadala niya. Oo, nasa labas lang naman ng classroom naming yung babaeng ipinalit sa akin ni Christian.
Lumapit ako rito matapos magpaalam kay Nami na kakausapin ko lang ito. Ngumiti ito sa akin. Diretso lang ako ng tingin sa kanya.
“Olive... You’re Olive, right?” Tanong niya habang nakangiti pa rin sa akin. Hindi ko siya nginitian or what, basta nakatingin lang ako sa kanya. Naiinis ako. Naiinis ako dahil nandito siya, gusto ko siyang sampalin, sabunutan, sipain pero alam kong hindi ko yun magagawa. Hindi ako masamang tao para idamay pa yung bata sa sinapupunan niya.
Akala ko ehh si Christian ang pakay nito, but why should I care? Nandito na rin naman ako at kinakausap niya ako. “I’m sorry... I’m sorry, Olive. I’m really sorry.” Paulit-ulit niyang sinasabi habang nakayuko. Hinawakan pa niya yung kamay ko pero tinanggal ko iyon. Nakakatawa lang isipin na yung dating palaban na babae na yun ehh nagso-sorry sa harap ko. Mukha namang seryoso ang ipinapakita niya sa akin, kaya hindi ko rin magawang sigawan siya o komprontahin.
“Anong ginagawa mo dito?” Malamig na tanong ko.
“I wanted to talk to you. Please, Olive...Nakikiusap ako...” Pagmamakaawa niya sabay hinawakan ulit ang kamay ko pero inalis ko ulit iyon. Nagi-guilty ako sa ginagawa kong pagmamatigas, pero tao lang rin ako eh. Marunong din akong masaktan at magalit.
Pero kahit galit ako, hindi ko iyon ipinakita. “Sa garden tayo.” At pumunta na nga kami doon. “Anong kailangan mo?” Tanong ko pagkarating na pagkarating namin doon.
“I won’t make this conversation long. Afterall, sa tingin ko inaaksaya ko yung oras mo...” Sabi niya. “Gusto kong mag-sorry kung nasaktan kita noon, nung inagaw ko si Christian. I just fell in love with him. Kaya nagpagamit ako sa kanya... But you know what? He’s my first love...My first heartbreak...when I found out na may girlfriend na pala siya...” Tumalikod ako sa kanya dahil hindi ko kayang makita ang nagsusumamong mukha niya.
“So?”
“But that didn’t make me fall out of love. Mahal na mahal ko siya eh. And that gave me a reason para ipaglaban siya kahit kanino...” Pareho lang kami. First love at first heartbreak namin si Christian. Kaya nakikita ko ang sarili ko sa kanya. At naaawa ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya, pakiramdam ko pareho kaming nagamit. “...kahit sa’yo. So i am really sorry... And sorry for asking you this...” Na-curious ako sa itatanong niya kaya humarap ako sa kanya and there I found tears streaming down her face... “Pwede bang...p-pwede bang...ibigay mo na lang si Christian sa akin?”