LOVE AND PAIN(Completed)

By Wild_Amber

926K 25.5K 671

AIVAN "Sefh" GUERRERO->mahilig tumuklas ng iba't ibang uri ng inumin. Kaya naman dahil sa kanya ay mas lumawa... More

TEASER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
LOVE AND PAIN

Chapter 13

25.8K 866 30
By Wild_Amber

SUMAPIT ang araw ng paglipad ni Sefh patungong Italy. Bitbit nito ang dala niyang travelling bag habang pababa ng hagdan sa bahay ng magulang niya.

"Bro, gusto mong ihatid kita sa airport?" Ani Lexx sa kanya.

"Nhaaaaa...no need, bro." Sagot nito.

"Anak, mag-iingat ka." Boses ng kanilang ina na lumapit at niyakap si Sefh. Hindi alam ng kanilang ina kung bakit tila kinakabahan siya na ewan.

"Mom, three days lang po ako doon. Pagkatapus ng meeting namin ni Mr. Di Vaio ay babalik din po ako agad dito." Nakangiti nitong saad sa ina.

"Oh! siya umalis kana at baka malate ka sa flight mo." Anang kanyang ina. "Okey! Mom." Sagot nitong nakangiti.

Matapus makapagpaalam ni Sefh sa kanyang magulang at kapatid ay agad nitong tinungo ang kotse niya. Inilagay ni Sefh sa backseat ng sasakyan ang dala niyang gamit bago siya gumawi sa driver seat. At bago nito inistart ang sasakyan ay kinuha muna nito ang kwentas ni Yasmin na lagi niyang dala-dala.

"Kailan mo kaya ito babawiin, Cinderella?" Nakangiti nitong tanong habang hawak-hawak niya ang kwentas.

Makalipas ang ilang segundo ng buhayin niya ang makina ng sasakyan at pinatakbo ito. Habang nasa kamay niya ang kwentas ni Yasmin ay ngingiti-ngiti itong nakatuon ang mga mata daan.

Habang binabaybay ni Sefh ang daan patungong airport ay wala siyang kamalay-malay sa nangyayari sa likod niya. Dahil ang atensyon niya ay nakatuon lamang sa dinadaanan niya ay hindi nito nakita ang ilang sasakyang nasa likod niya ay inararo na pala ng isang six wheeler truck. Namalayan na lang ni Sefh na lumipad na ang kotse niya sa ere ng bumangga sa likod niya ang isang SUV. Dahil lakas ng pagkakasalpok ng SUV sa bumper ng kotse ni Sefh ay ito ang naging dahilan upang lumipad ang Nexus car nitong gamit sa ere. Bumagsak ang kotse ni Sefh sa relling ng highway bago ito bumaligtad.

"Yasmin."

Bago pinikit ni Sefh ang mga mata niya at nawalan ng malay tao ay ang mukha ni Yasmin ang tumatak sa isip niya. Ang maamo nitong mukha na kailan man ay hindi nabura sa kanyang alaala.

Dahil sa nangyaring aksidente ay mabilis naman rumispunde ang mga kinauukulan. Ang bawat sasakyang inararo ng six wheeler truck ay nagkapira-piraso ang mga ito. Kaya malabong may makita kang buhay sa mga sakay nito.

"Dito-dito, humihinga pa ito. Dalhin niyo dito ang stretcher." Anang isa sa mga rumispundi sa nangyari.

"Aivan Sefh Guerrero." Basa nila sa nakita nilang driver license. "Itawag niyo sa pamilya niya ang nangyari." Anang mga ito at maingat nilang inilabas sa sasakyan si Sefh. Maingat nila itong isinakay sa stretcher ng maalis nila sa loob ng sasakyan niya si Sefh bago nila isinakay sa ambulance.

Mabilis na itinakbo ng ambulance sa Guerrero hospital si Sefh. Nasa labas pa lang ng hospital e naroon na ang mga nurse na naghihintay. Ng maibaba ng mga ito ang stretcher na kinahihigaan ng walang malay taong si Sefh ay patakbo nila itong itinakbo sa loob ng emergency room.

"Sefh....," tawag ni Lexx sa kapatid niya ng makita niya itong naliligo sa dugo. "What happen?" Kalmado nitong tanong habang sinusuri niya ang kapatid.

"Sabi po ng mga police, doctor Guerrero ay meron daw ng isang six wheeler truck na nawalan ng preno at bawat sasakyan nasa unahan niya ay inararo niya at ang kotse ni sir Sefh ang isa sa mga sasakyang naararo nito." Paliwanag ng nurse.

Matapus masuri ni Lexx ang kalagayan ng kapatid niya ay agad nila isinagawa ang opirasyon. Kinakabahan man siya para sa kapatid ngunit dahil isa siyang doctor ay kailangan niyang maging kalmado.

Dahil sa nangyari ay napasugud sa hospital ang ama't ina ni Sefh. Maging ang mga pinsan nito ay napasugud din ng matanggap nila ang balita tungkol sa nangyari kay Sefh.

"Alejandro, ang anak natin. Ayaw kung mawalan ng isang anak." Takot na takot na anang ina nila Sefh sa spuso nito. "Walang mangyayari sa anak natin. Ang kuya niya ang gumagawa ng opirasyon at alam kung hindi niya hahayaang may mangyaring hindi maganda sa kapatid niya." Ani Alejandro sa asawang nanginginig na sa takot.

Halos ilang oras din ang ginawang opirasyong para kay Sefh. Kinailangan din itong salinan ng dugo. Buti na lang at nandoon ang ama nila at mga pinsan na kablood type ni Sefh. Kaya hindi na nila kinaylangan pang maghanap ng blood dunnor.

"Lexx, kumusta ang kapatid mo?" Bungad agad ng ina nila Lexx pagkalabas niya sa OR. "Mom, sa ngayon ay stable na ang lagay ni Sefh. Pero hindi ko pa masasabi kung kailan siya magigising. Dahil sa nangyari ay maari siyang macomatose sa loob ng pitong buwan. Kaya hindi muna siya pweding ilabas sa ICU para maobserbahan siya sa loob ng 24 hour. At kung hindi siya magigising sa loob ng oras na palugit sa kanya ay idedeklara siyang under comatose." Paliwanag nito sa ina. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang ina nila dahil sa naring.

"Kaya pala kaninang umaga habang paalis siya ay kinakabahan ako," anang ina nila. "Kung alam ko lang na mangyayari ito sa kanya ay hindi ko na siya hinayaang umalis." Dagdag ng kanilang ina.

"Mom, aksidente po ang nangyari. At alam po natin na ang aksidente ay kaakibat ng buhay natin yan kaya hindi natin alam kung kailan ito darating. Ang tanging magagawa po natin ay magdasal na sana ay magising siya agad." Paliwanag ni Lexx sa ina.

"Doctor Guerrero." Tawag ng isang nurse kay Lexx na kinalingon nito. "Yes?"

"Ah! Doc, nakita po namin ito sa kamay ng kapatid niyo. Hawak-hawak po niya yan. Inalis po namin ng linisan namin ang mga kamay niya." Anang nurse sabay abot nito ng kwentas kay Sefh.

"Okey! Thank you." Ani Lexx na tinanggap ang kwentas. Agad iyon pinakatitigan ni Lexx sabay napangiti siya. "Mukhang lucky charm niya ito." Anitong nakatitig parin sa kwentas.

SAMANTALA nagising si Yasmin habang natutulog na parang naninikip ang dibdib niya at kinakabahan ng hindi niya alam ang dahilan.

"Sefh."

Bigla nitong natutup ang bibig ng lumabas sa bibig niya ang pangalan ng binata.

"Dear God, please wag niyo naman pong hayaang may mangyari sa kanya." Naidalangin nito.

Napabuntong hininga si Yasmin na muling nahiga. Ngunit tila hindi na siya dadalawin pa ng antok muli. Kaya nagpasya siyang bumangon at pumunta sa kusina. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng gatas. Hawak nito ang maumbok niyang tiyan habang umiinom ng gatas. Matapus niyang uminom ng gatas ay muli siyang bumalik sa kwarto niya para matulog muli.

Muling nahiga si Yasmin sa kanyang kama ngunit hindi na talaga siya dinalaw ng antok. Kaya ang ginawa niya ay kumuha siya ng bible at nagbasa ng bible.

IMIKOT ang takbo ng oras at patuloy na inuobserbahan ang lagay ni Sefh. Stable na ang lagay nito ngunit kailangan parin itong bantayan. Lumabas narin ang ginawang X-ray sa katawan nito kung meron bang nabaling mga buto sa kanya. At nakahinga silang lahat dahil ni isang buto ay walang nabali dito kundi tanging bubug ng salamin lang ang nakapinsala sa buong katawan nito. Kaya puno ng sugat ang buo niyang katawan maging ang ulo nito.

"Mahigit 12 hour na ang lumipas at hindi parin siya nagigising." Ani Greg sa mga ito.

"Kapag naging 24 hour na hindi siya magigising ay posibleng under comatose na nga siya." Segunda naman ni Haide sa malungkot na tuno.

"Bakit ba ito nangyayari sa kanya, kung kailan nalutas na ang isang problema ay siya namang pagdating ng panibagong problema. Wala na bang katapusan ang ganito." Ang tila naiinis na saad ni Brexx.

"Ganun talaga ang buhay, kaya habang nabubuhay ka ay sulitin mo ang lahat. Enjoy the rest of your life." Biglang sabat ni Ryne sa mga itong napakaseryoso ang mukha.

"Makinig kayo sa kanya dahil minsan lang siya kung magseryoso." Ani Wayn sa mga itong kinasimangot naman ni Ryne. "Panira ka e." Himutok nito kay Wayn na tinawanan lang ng isa.

"Lexx, kung yelow lang yang necklace na hawak mo e kanina pa yan natunaw." Sita ni Jaiden kay Lexx na tinitingnan ang hawak niyang necklace.

"Sa tingin niyo, kanino kaya itong necklace na laging hindi nawawala sa kamay ni Sefh kahit saan siya magpunta. Kahit sa pagtulog niya e nakikita ko ito sa kamay niya." Kausap ni Lexx ang mga pinsang naroon.

"Kay Cinderella." Panabay na sagot nila Wayn, Ryne at David. Kunot noo namang tiningnan nila Lexx ang tatlong panabay na sumagot sa tanong niya.

"Oh! Bakit ganyan kayo makatingin. Yun ang sinabi niya sa amin e. Kay Cinderella daw ang necklace na yan." Ani Ryne sa mga itong sinang ayunan ni Wayn at David.

"Maybe, si Cinderella at Yasmin ay iisa lang." Tatango-tangong saad sa mga ito ni Greg.

"Yeah! Yun ang tawag ni Sefh kay Yasmin ay Cinderella. Tinakbuhan kasi siya at naiwan niya ang necklace na yan." Biglang sabat ni Trexx sa usapan ng mga ito. Kaya napalingon silang lahat dito.

"Hey! Man, ibig sabihin ay may alam ka rin about Yasmin?" Paniniguro naman ni Brexx.

"Actually, yes. Dahil sa cafe ko nakita ni Sefh si Yasmin. Kaya lagi siyang bumabalik doon para itanong kung nagawi ba doon muli si Cinderella. Pero sad to say, never ng bumalik doon." Ani Trexx sabay buntong hininga. "Kumusta ang lagay niya?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Inuobserbahan pa ang lagay niya, pero stable na siya ngayon." Sagot ni Lexx.

"I have to tell you, guys." Anang kanina pa tahimik na si Haide. Napatingin naman sa kanya ang lahat. "Ano yun?" Tanong nila sa kanya.

"May bagay akong natuklasan noon pero hindi ko sinabi kasi natakot akong baka mas lalong mabaliw sa kakaisip si Sefh kay Yasmin." Anito. Nacurious naman ang mga kasama nito sa tinuran niya.

"Ano yun, sabihin mo sa amin." Mabilis itong tinabihan ni Ryne at Wayn na excited marinig ang sasabihin ni Haide sa kanila. Bigla naman itong napasimangot sa dalawang pinsan na parang mga chismuso lang na nakikiusyoso.

"Come on tell us." Ani Ryne na nagpuppy eyes pa kay Haide. Kaya iiling-iling ito at bago siya nagsalitang muli ay huminga siya ng malalim.

"Diba sinabi ko noon sa inyong lahat na nameet ko na si Yasmin sa New York?" Anito at tumango naman ang mga pinsan niya. "Okey! that time ay nalaman kung she is pregnant." Anitong kinagulat nilang lahat na nakarinig.

"What? Teka-teka, pano siya_

"Yes! Buntis siya at ako mismo ang nagdala sa kanya sa clinic." Putol nito sa sasabihin sana ni Wayn.

"Okey! Kung buntis siya sino ang ama?" Tanong naman ng naguguluhang si Lexx.

"Sefh."

Panabay na sagot ni Haide at Trexx.

"See, tama ang iniisip ko." Ani Trexx. Alam kasi nito ang nangyari sa kaibigan niya at si Yasmin.

"Oh! My God. Dapat talagang magising agad si Sefh ng malaman niya ang totoo." Saad sa mga ito ni Jaiden na sinang ayunan din nila.

"And one more thing," boses ni Haide na kinatahimik nila. "Bumalik ako ng New York at nagbakasali akong makikita ko siya doon ulit. Pero hindi ko na talaga nakita doon si Yasmin. Kaya pinuntahan ko ang clinic na pinagdalhan ko sa kanya para malaman ang complete name ni Yasmin. Noon ko pa sana yun ginawa kaso busy kasi ako masyado sa sunod-sunod kung photoshoot." Anito.

"Okey! So, you got her complete name?" Tanong sa kanya ni Dave.

"Yeah! Yasmin Perez." Sagot ni Haide.

"Yasmin Perez, parang narinig ko na ang pangalang yan pero hindi ko lang matandaan kung saan." Ani Greg na napapaisip kung saan nga ba niya narinig ang pangalang binanggit ni Haide.

"Parang____yeah! siya nga siguro." Biglang palatak ni Jaiden. "The Who?" Panabay ng mga ito.

"Nagtratrabaho siya sa BORA's advertising company." Sagot nito.

"Are you sure about that?" Paniniguro dito ni Greg at tumango naman ito bilang sagot. Kaya lahat sila ay nagkatinginan.

"May napapala rin pala ang pagiging lakwatsero mo, gago." Biglang sabat ni Aus sa usapan ng mga ito na kanina pa hindi nagsasalita. Tahimik lang itong nakikinig sa mga pinsan niyang nag-uusap. Katabi nito si Yuhan na gaya niya ay tahimik lang na nakikinig. Napakamot naman ng ulo si Jaiden sa tinuran sa kanya ni Aus.

TBC.

➡Akala niyo ha......pipisatin ko muna ang abs este papatubuin ko muna ng malaki ang abs ni Sefh bago daw sila magtatagpo ni Cinderella....hahaha!!! Thank you for always voting my stories.....God Bless you all.

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
532K 13K 33
I am Selene. The daughter of the moon. #1- Werewolf - July 15, 2019 #5- Fantasy - May 13, 2020
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
529K 19.4K 55
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 Mint Academy Series #2 Have you ever tried to kill someone? have you o...