Pain ☑️

By Yaoistorywriter

151K 6.4K 586

An ever cliché unrequited love. Story of a 16-year-old boy named Nate, who were about to face different conse... More

First Teardrop
Second Teardrop
Third Teardrop
Fourth Teardrop
Fifth Teardrop
Sixth Teardrop
Seventh Teardrop
Eighth Teardrop
Ninth Teardrop
Tenth Teardrop
Eleventh Teardrop
Twelfth Teardrop
Thirteenth Teardrop
Fourteenth Teardrop
Fifteenth Teardrop
Sixteenth Teardrop
Seventeenth Teardrop
Eighteenth Teardrop
Nineteenth Teardrop
Twentieth Teardrop
Twenty First Teardrop
Twenty Second Teardrop
Twenty Third Teardrop
Twenty Fourth Teardrop
Twenty Fifth Teardrop
Twenty Sixth Teardrop
Twenty Seventh Teardrop
Twenty Eighth Teardrop
Twenty Ninth Teardrop
Thirtieth Teardrop
Last Teardrop
Salamat!
Special Chapter 1

Pain

16.3K 354 89
By Yaoistorywriter


I suddenly felt my heart beating very fast kaya nagising na ako.

Excitement?

Time check: 3:57 am.

Oh? Umaga na pala. Ilang oras ba ako nakatulog? 4 hours? 5? Nabu-bwisit ako kasi hindi talaga ako makatulog ng maayos kanina.

And now...

Haaaaays. Baka excited lang ako. Oo tama 'yon. Why? Hello, it's my first day of being a senior high school student.

Yes. My first day. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil nag-umpisa ang istorya ko nang walang pinagkaiba sa mga nababasa nating cliché stories sa wattpad.

First day, huh? Well, it's an element of any story naman. Hayaan nyo na si author. Wala lang yang maisip na simula kaya nakigaya na lang sa "first-day-of-school" thingybush.

Hindi ko namalayan, kusa na palang kumikilos ang katawan ko para gawin ang daily routine ko.

Nag-umpisa ako sa pagliligpit ng higaan kong hindi kama. Pfft.

Mahirap lang kami, wag kayong ano.

Sahig na kawayan lang siya na hindi pa pantay pantay ang pagkakagawa.

Kaya ang sakit lagi sa likod kapag gigising ako eh. Hahaha.

Binuksan ko na ang ilaw sa ibaba namin at nag-umpisa na akong magsaing.

Ginawa ko ang daily routine ko, pero ngayon, mas earlier na kasi mas maaga ang allotted time para sa first subject ngayong senior high compared nung grade 10 pa ako.

By 5:45 am, ready to go na ako. Naka-uniform na ako, suot ko na 'yung lucky charm kong bracelet na binili kong 25 pesos sa bayan, nakapag-polbo at pabango na rin ako.

Nagpaalam na ako kay nanay, "Nay alis na ako."

"May baon ka na?" Tanong niya.

"Oo nay. Pakisabi kay kuya Lance at Mac umuna na ako."

Umalis na ako.

Hindi ako sanay na humahalik sa cheeks ng nanay ko at hindi rin naman siya sanay na halikan niya ako sa cheeks. Anuba kayo, hindi namin nakasanayan ang mga ganyang bagay. Siguro dahil sa environment na kinalakihan namin. Haha.

Pero, hindi man ako rich kid na katulad nung ibang estudyante dyan na naka-Huawei P30 pro o Samsung Galaxy S10+, ikinagagalak ko na na pinalaki ako ng mga magulang kong may dangal at respeto sa sarili.

Pagkarating ko sa may labasan ay sumakay na ako ng tricycle at dumiretso sa school.

Pagkarating ko sa school, ay hindi ko malaman kung saang gate ako papasok.

Putek, mas malaki pa 'to sa inaasahan ko! Balita ko sa mga kapit-bahay namin, malaki talaga ang school na 'to pero nagulat ako nang makita ko na ito sa personal.

Pumasok na ako at dumiretso sa gymnasium. Pagkapasok ko sa loob, nakita ko ang pila ng sandamakmak na mga estudyante at may mga nakikita akong placards na may nakasulat na 'ICT 1 - Computer Programming, ICT 2 - CSS, HE - 3, STEM - 1' and so on.

Actually, alam ko na kung saan ako pupunta. Sa ICT 1 - Computer Programming. Ayun kasi ang kinuha kong strand at specialization, at nakita ko na rin naman ang sections sa fb page ng school na 'to.

Nakipagsiksikan ako sa maraming estudyante papunta sa pipilahan ko. At syempre, ang pagka-fresh ko kanina ay nawala na. Feeling ko amoy balisang galunggong na ako. Pawis na pawis na kasi ako dahil wala namang aircon dito dahil public nga.

Hindi pa man ako nakakarating sa pila namin ay narinig ko nang sinabi nung announcer na pumunta na kami sa kani-kanilang room.

And then, there. Napatigil ako sa pwesto. Nakatayo na lang ako dito at hinayaan ko ang sarili kong bangga-banggain ng mga estudyante rito.

Nakakainis! Wrong timing naman 'tong announcer na 'to.

Hinintay ko munang kumonti ang mga estudyante atsaka ako nag-umpisang maglakad papuntang room ko. Alam ko na naman ang room number ko. Ang problema ko ngayon ay hahanapin ko pa kung saan ito.

Umabot rin siguro ng fifteen minutes ang paghahanap ko ng room ko at nang finally, mahanap ko na ito ay huminga muna ako ng malalim. And...

...syempre I breathed out. Alangan namang pumasok ako ng room nang naka-hold ang hininga ko, 'diba? Mamatay pa ako.

Pagkapasok ko sa loob at wala pang teacher dahil, syempre, first day. Alam ko rin na maaga pa. Pero feeling ko late na ako dahil naghanap pa ako ng room.

Naghanap ako ng bakanteng upuan, at pinili ko ang malapit sa bintana dahil first of all, nakasanayan ko nang umupo sa ganoong part.

Pagkaupo ko sa aking armchair ay saka ko lamang naramdaman ang tunay na essence ng first day of class. And first day of senior high pa. It feels exciting and great at the same time.

Pinagmasdan ko ang mukha ng mga bago kong kaklase.

And yes, infairness may mga may itsura akong kaklase dito. Siguro kasi 'yung iba sa kanila galing sa private school. 'Yung mga kaklase ko kasi nung grade 10 feeling ko mga isang ubo na lang. Parang kasama pa nga ako doon eh.

Nang makita ko ang mga magaganda at gwapo kong kaklase ay bigla akong na-anxious. Pakiramdam ko nagmukha akong basahan dito. Charot.

I wander my eyes around my new classmates and I judge them based on their looks, pero 'yung judge na fictional lang. Wala naman akong sinisiraan sa kanila sa imagination ko.

Until some random guy entered the scene -- he's tall, he's white and handsome. Nang pumasok siya, naagaw niya ang atensyon naming lahat.

Napaayos pa ng upo 'yung mga babae sa harapan nang madaanan sila nung lalaki at ako? Wala lang. Nakatingin lang ako sa kanya. He seems familiar but I don't really care about him.

But I admit, sobrang gwapo niya. Para siyang isang fictional character. Every girls ideal guy.

He's looking for a vacant seat at tumingin siya sa part ko kaya napaiwas ako bigla ng tingin. Then, suddenly, someone occupied the vacant seat beside me.

Hindi ko na siya tiningnan dahil alam ko naman na siya 'yun. At expected ko na talaga na tatabi siya sa akin. O diba, haba ng buhok ko! Muli, charot.

Without making him notice me, I tried to sneak a glance at him. Konti lang. At saka ko nakita na ang gwapo niya pala talaga. Evident ang pagka-brown ng mata niya at mahaba ang eyelashes nya. Matangos ang ilong niya at makinis ang mukha nya. And, yeah, ang tangkad niya. Siguro athlete sya.

Umiwas na ako ng tingin at ibinaling ko lang ang tingin ko sa bintana. Lalo akong na-anxious. Nakakainis. Kung kanina feeling ko amoy balisang galunggong ako, ngayon naman nagmukha akong daing dito.

Para malibang ko ang sarili ko ay kinuha ko ang rubiks cube sa aking bag. Inumpisahan kong buuin ang base. Color white. Habang binubuo ko 'yung rubiks cube, I can sense na tumitingin-tingin siya sa akin, and that made me concious. Parang may gusto siyang itanong na something.

Nang mabuo ko na 'yung rubiks, ay tinitigan ko lang ito. Ano nang gagawin ko? Guguluhin ko ulit? Kaloka. Ano, uulit na naman ako?

Ibabalik ko na sana sa bag ko 'yung rubiks nang biglang magsalita 'tong katabi ko.

"Amin na guluhin ko." Sabi niya.

Wow, nagsasalita pala siya? Haha. Medyo nabigla man ako nang bigla niya akong kausapin, I still manage to be nice to him.

Ibibigay ko na sana 'yung rubiks nang may maisip ako.

"U-uhm, marunong ka bang magbuo?" I asked him.

"Medyo. Marunong pero hindi mabilis." Sabi niya.

I gave him a small smile at ginulo ko 'yung rubiks then binigay ko ito sa kanya.

Binuo niya ito sa loob lamang ng... less than one minute I think?

Leche, napaka-humble naman niya para sabihing marunong lang siya pero hindi mabilis! Ikaw na ang taong pinaka-humble sa balat ng tupa. Char.

"Hindi ka marunong lang. Magaling ka," I told him.

Ngumiti lang siya at lalong lumabas ang ka-gwapuhan niya. Puro compliment ang natatanggap niya sa imagination ko and I think deserve niya 'yun kasi totoo naman.

"Ok, ako naman ang gugulo then buuin mo."

Pagkagulo niya nung rubiks cube, ibinigay na niya ito sa akin at saktong dating naman ng isang teacher. Putek.

Binalik ko 'yung rubiks sa bag ko.

"Mamaya na lang." He mouthed. I just smiled.

"Good morning class!" Sabi nung teacher.

"Good morning, sir..."

"Carlo."

"Sir Carlo."

"Ok take your sit."

"Thank you."

Sa mga ganitong pagkakataon, ine-expect ko na wala masyadong gagawin dahil first day naman. Aba walanjo, 'yung mga sumunod na subject may pa-seat work agad agad! Pamatay pa! More on expectations tapos meron din naman na lesson proper agad.

"Ang unisex naman ng pangalan mo. Nicole Yate." Sabi nitong lalaking katabi ko.

Actually, hindi naman sa pagiging suplado pero nagtataka ako kung bakit parang interested siya na kausapin ako. I-I mean, it's odd, 'diba? Usually kapag napasok ako sa school ng wala akong kilala wala namang pumapansin sa akin. Nasanasan ko na kasi 'yan dati.

"Drew. Drew Ferrer." Pakilala niya.

I smiled, "Paano mo nalaman pangalan ko?"

"Nakita ko sa papel mo kanina."

"Ahh," I nodded at inalis ko na ang tingin ko sa kanya.

"Bakit parang ang sungit mo sa 'kin?" Tanong niya na ikinabigla ko.

Masungit ba ako? Hindi naman a. Ganito lang talaga ako kapag bored.

"Ha? Hindi naman. Ganito lang talaga ako," I said.

"Socially awkward?" Sabi niya.

I smile, "Galing mo dun."

Then he smiled as well.

Ibinalik ko uli ang tingin ko sa board kahit puro pangalan lang ng teacher ang nandun. Nakaramdam kasi ako ng pagkailang.

Mabilis lang naman na natapos ang 3 subjects, at ngayon, lunch na. Nag-umpisa na silang magligpit ng mga gamit nila at isa-isa nilang nilisan ang room.

Ako? Hindi na ako nag-aksaya ng energy para tumayo. May baon naman akong lunch.

"Hindi ka kakain?" tanong sakin ni Drew.

"H-ha? Ahh, kakain." Sabi ko.

He look at me, confused, "May pack lunch ka?"

I nodded.

"I see." Sabi nya at umalis na siya.

Bumuntong hininga ako. Kinuha ko na pack lunch ko at tinitigan ko muna ito. Napatingin ako sa paligid, 'yung iba meron ng circle of friends. Nagtatawanan, kwentuhan.

Kanina, sinabi sa akin ni Drew na ang sungit ko daw sa kanya. Dito ako napaisip. Totoo ba? Masungit ba ako? Kaya ba walang nakikipagkilala sa akin at siya pa lang? Parang hindi naman.

Sa akin, hindi naman big deal. First day pa lang naman. Normal lang na hindi pa nila ako kausapin. Eventually makikilala ko rin naman sila isa-isa.

Bubuksan ko na sana 'yung baon ko pero nagulantang ang mundo ko nang may lumapit sa aking dalawang babae.

"HI BEEEEEH!" Sabay nilang sabi.

Takte, muntikan na akong atakihin sa gulat dalawang 'to. Hindi ko lang pinahalata.

Ngumiti ako ng pilit, "H-hi rin."

Napatingin ako sa pagkain ko at inaya ko sila, "Kain kayo."

Parehas silang ngumiti, "Mamaya na kami. Ahm, may tanong kami." Sabi nung isang babaeng petite.

"A-ano 'yun?"

"Kinakausap ka ba nung katabi mo?" Tanong naman nung isa.

"O-oo.. Bakit?" I answered.

They raised their eyebrows, "Really?!"

"Bakit parang nagtataka kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Wala lang, kanina kasi tinry namin mag-approach ni Jaycel sa kanya ang kaso, tiningnan lang kami. Feeling tuloy namin napahiya kami kanina sa canteen," Sabi naman nung babaeng medyo payat pero maganda rin na parang disappointed na disappointed.

"Ah.. Baka nagulat lang."

Oo. Kasi kahit ako nagulat sa inyong dalawa eh.

"Ano nga ulit pangalan mo kuya?" Tanong nung Jaycel.

Napatingin ako sa pagkain ko. Mukhang maya-maya pa ako makakakain.

"Nicole Yate. But, call me Nate instead,"

"Ahh Nate. Ang cute ng pangalan mo." Sabi uli ni Jaycel.

I chuckled, "Pangalan lang."

"Pati yung may-ari nung pangalan!" Sabi nung medyo payat. Ngumiti ako.

"Oo nga, ang cute ng dimples mo." Sabi ni Jaycel.

Ngumiti ako at muli akong tumingin sa pagkain ko. Parang gusto kong mainis pero hindi ko magawa kasi wala naman silang masamang ginagawa. They're both nice actually.

Natahimik kami saglit.

Jaycel cleared her throat, "Uhm.. Nate? Pwedeng...favor?"

"A-ano yun?"

"Pwedeng palit tayo ng seating arrangement? Ako na lang diyan para makatabi ko si Drew!" Kinikilig na sabi ni Jaycel.

"Tapos ako, dito sa bakante sa likod para makausap ko rin siya!" Sabi naman nung petite girl na diko pa alam ang pangalan.

Pinigilan ko ang sarili kong wag umirap. Eh kung sana sinabi na lang nila kaagad, 'diba? Ayun lang naman pala eh. Pinaikot-ikot pa.

"Ok." Sabi ko.

Ililigpit ko na sana ang pagkain at gamit ko nang biglang may sumingit sa eksena.

"Hey,"

Napalingon ako sa nagsalita. It's Drew. May dala siyang isang tray na may laman na lunch.

Medyo natulala yung dalawang babae at parang na-hypnotize sila. Umalis sila sa pwesto ni Drew at medyo napa-tabi sila dahil umupo na si Drew sa upuan niya.

"Anong ginagawa mo? Upo." Sabi niya at bakas ang tigas sa pagsasalita niya.

Napatingin ako dun sa dalawang babae. They look hopeless.

"Ahm Drew, may balak sana akong lumi--"

"Kain na tayo. 'Wag mong pag-hintayin ang pagkain. Tingnan mo 'yang pagkain mo oh, lalangawin na," sabi niya.

Napatingin naman ako sa pagkain ko. Kanina pa nga ito nakabukas. Kanina pa kasi dapat ako kakain, kaso hindi talaga ako makakain. Nagugutom na rin ako.

Wala na akong gumawa at umupo na lang ako.

Napatingin uli ako dun sa dalawang babae and I gave them a sorry look.

"Sana permanent sit na natin 'to. Para wala nang lipatan," sabi ni Drew.

Umalis na 'yung dalawang babae, at medyo naawa naman ako sa kanila.

Bumuntong-hininga na lang ako at nagsimula na ring kumain.

"Bakit hindi ka sa canteen kumain?" I asked him.

"Ayoko dun. Masyadong crowded." He smiled.

"Bakit parang ang bilis mo naman nakabili ng lunch?" Tanong ko uli.

"A-ahh, nagpa-reserve ako kaninang umaga." Sabi niya at ngumiti uli siya.

Ang hilig naman niyang ngumiti. Siguro kung babaeng marupok lang ako, crush ko na agad 'tong lalaking 'to. Well, why not? He's nice and handsome. Sana nga lang hindi siya peke.

Ang dami kasing pekeng tao na nagkalat diyan sa tabi-tabi.

Masasabi ko na it's really odd na may kumakausap sa akin ngayon unang araw pa lang ng pasukan. Hindi kasi ako sanay. At isang gwapong lalaki pa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-attract.

Yes. I'm a gay. Ewan, naa-attract rin naman ako sa mga babae lalo na pag kalog at cute, pero mas lamang pa rin ang female hormones sa akin, haha. Hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil first of all, hindi ko naman choice na maging ganito. Kung ano 'yung feeling ko na ako, ayun na 'yun. Hindi ko na pinilit magpaka-lalaki.

I am Nicole Yate Oliverio, 16.Meron akong tatlong kuya. Yung panganay ay 22 years old, pangalawa ay 20 years old at ang pangatlo ay 18 years old. Tapos ako. Oh, diba? Lumaki ako nang may tatlong lalaki sa amin pero naging ganito pa rin ako.

At para sa kanila? Wala lang. Hindi ko sila hinihingian ng opinyon. Wala naman silang sinasabing masama tungkol sa akin at hindi ko rin naman maramdaman na ikinakahiya nila ako. Ang totoo madalas pa nga nila akong ipagmalaki sa mga tropa nila.

Oo minsan inaasar nila akong bakla. Hindi pala minsan, palagi. Pero kapag seryosong usapan na at napupunta sa akin ang usapan, wala namang problema sa kanila. That's why I love them very much kahit na madalas kaming mag cat fighting tatlo.

Isa lang akong simpleng tao na may simpleng pangarap -- ang maibalik ang paghihirap ng mga magulang ko sa akin hangga't nabubuhay pa sila.

At lalo pa akong na-urge sa pangarap ko nang mamatay ang tatay ko noong moving up ko. Grabe, ang saya ko na 'nun eh. Excited na akong ibalita sa kanila na top 1 ako tapos parang bumagsak sa akin ang mundo sa nalaman ko.

Saktong saktong pagdating ko sa bahay para sabihin sa kanila ang good news, mga tulala silang lahat. And that's when I knew na na-cardiac arrest si tatay at namatay siya.
Iniyak ko lang ang lahat nun. Ni hindi ko masyadong naapreciate 'yung mga medals na natanggap ko.

Pero hindi ako nagpatinag. Hindi ako sumuko. Sabi ko sa sarili ko -- kailangan kong tatagan. Kailangan kong masuklian ang paghihirap ng nanay ko bago siya mawala. I have to give them the best future I can give them.

Now that I'm already a senior high schooler, I noted to myself: one step at a time. Makakarating din ako sa tuktok.

Pagdating naman sa lablayp, naku, wag nyo na akong kausapin. Madalas akong magka-crush but I'm not into entering a relationship. Ayoko munang magkaroon ng commitment. Saka na kapag mature na mature na ako. At pag handa na ako. At kung may darating.

Kasi kapag hinanap mo, minadali mo, lalong hindi magpapakita sa'yo.

Kaya naman, study first muna ako ngayon.

Pero biruin nyo 'yun? Nakakain pala ang salita. Dahil sa istoryang ito, mararanasan kong magmahal. Ang mahalin. Ang makaramdam ng sakit.

Pain.

And I can't complain -- 'cause I am not the one who holds my life. It's the future, time, and destiny; all at the same time.

And pain accompanies them.

~*~

PAIN
by Yaoistorywriter
Jul. 2019


NOTE: Hi, Kuya Y here. Today's March 3, 2022. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang mababasa niyong story ay napakajeje. This is the very first story I have written (novel) kaya naman asahan nyong napaka-cliche nito at may mga times na maiinis talaga kayo sa characters dahil sa inaasal nila at mga desisyon nila sa buhay. Ganoon kasi ang naramdaman ko nung nire-read ko ulit ito ngayon. Kaya naman, kung babasahin nyo pa lang ito, take your time na wahahaha. I'll try to revise this story for the nth time para pulido na pati plot. Hindi ko alam kung kailan but I'm sure, magkaka-urge at magkaka-urge akong i-revise ulit ito.

Yun lang mga labs, salamat!



This story is fictional. Walang kahit anong pangyayari sa kwentong ito ang nangyari sa totong buhay. Ang pangalan ng tao, lugar, at karakter sa kwentong ito ay mula sa imahinasyon ng author at kung may kaparehas man ito sa totoong buhay ay nagkataon lamang ito.


Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...
121K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...
5.1K 297 43
But sunddenly when he looks at the mirror , he always saw a girl and that's what he see as his reflection. He chose to be strong in the hardships he...
115K 3.6K 33
Highest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto ni...