♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 23 & 24
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

She Played Her Part ♡ Chapter 6

17.7K 176 91
By nyghtdreamer

Chapter Six

Cedric's POV

Aist! 'Kainis naman 'to si Ella. Ayaw pang umuwi! Gabi na kaya!

Nandito pa rin kami sa park ng subdivision. Kung hindi lang ako nag-aalala sa kanya, iniwan ko na siya, eh. Ang tigas kasi ng ulo.

"Ella, umuwi na tayo," aya ko sa kanya for the nth time. Nakakainis na talaga!

"Ayoko nga sabi! Kung gusto mo ng umuwi, edi umuwi ka!" Kung gaano ko karaming beses siyang inaya umuwi, ganoon din karaming beses niya ako sinagot ng ganito.

Nakakapikon talaga itong batang 'to! Napakatigas ng ulo! Paano pa kaya kapag lumaki pa siya? Baka kahit parents niya hindi na niya sundin.

Wala akong magawa kundi mag-stay dito kasama siya. Kasi nga baka kung anong mangyari sa kanya kapag iniwan ko siya. Kunsensiya ko pa.

Nakaupo lang siya sa swing habang ako nandito nakaupo sa kalapit niyang bench. Mukhang wala pa talaga siyang balak umuwi.

Nangangawit na puwit ko kauupo rito sa bench, makahiga na nga lang. Ginawa kong unan ang isa kong braso at ipinangtakip ko naman ang isa ko pang braso sa mata ko.

"Hoy, Cedric! Tumayo ka nga d'yan!" bigla na lang sigaw ni Ella.

Anak naman ng megaphone 'tong batang 'to, o! Ang lakas ng boses! Hindi ko siya pinansin at nagtulug-tulugan na lang ako kaysa sitahin ko siya.

Narinig ko ang pag-ingit ng chain ng swing. Tumayo yata siya dahil nakarinig din ako ng mga hakbang na palapit sa akin.

"Hoy, Cedric! Hindi ka ba talaga tatayo?!" sigaw na naman niya.

Tsk! Bahala siya! Kung kanina pa kami nakauwi, edi sana ang sarap na ng higa ko sa kama ko ngayon. Baka naghihilik na rin ako.

Tumahimik rin naman siya kaagad nang hindi ko siya pinansin. Mabuti naman. Ang sakit kaya sa tainga ng mga sigaw niya. Gabi na pero ang hyper pa rin ng boses niya. Nakakabulabog sa mga tao.

Maya-maya ay tahimik pa rin. Nakikiramdam naman ako dahil baka bigla na lang siyang umalis at hindi ko alam kung saan magpunta. Mas lalo akong mahihirapan kung makikipagtaguan siya sa akin.

Maya-maya pa ulit aymay narinig akong pagsinghot at kasunod niyon ay ang sunud-sunod na paghikbi. Napadilat at napabangon naman ako.

Bakit bigla na lang umiyak itong batang 'to? Wala naman akong ginawa, ah? Nananahimik na nga ako at siya nga itong naninigaw, kanina siya pa ang may ganang umiyak?

Aist! Napaka-annoying na bata!

"Ella, ano na naman ba? Hindi na nga kita pinipilit umuwi, 'di ba? Bakit ka umiiyak?" mahinahon kong tanong. Pinilit ko talagang huwag magmukhang galit ang boses ko kahit asar na asar na ako. Baka kasi lalo lang siyang mag-tantrums.

Napapabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko maisip kung paano ko siya napagtitiisan. Daig ko pa ang yaya na nag-aalaga ng sutil na paslit kung makapagpasensiya ako sa kanya.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Noon ako lumapit sa kanya at itinayo ko siya mula sa halos pagkakalumpasay niya sa ground. Hindi naman siya nagpumiglas at tumayo rin siya.

Hay... parang bata talaga.

"H'wag ka na ngangumiyak. Para ka namang bata, eh," pagpapatahan ko pa sa kanya.

"Bata pa naman talaga ako, eh! Kaya nga ayaw mo akong ligawan, 'di ba? Kasi sabi mo, bata pa ako!" Sigaw na naman niya sa pagitian ng kanyang mga hikbi.

Oh, god... Halos maisubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya. She was asking me to court her and I can't believe it! She's not just young, she's too immature to enter a relationship and I am not also ready to babysit her all the time. She's annoying. She's hard-headed. She does what she wants. She's a brat!

"Ella, naman..." pinilit ko pa ring maging mahinahon sa pagsasalita."You're my little sister and—"

"I don't want to be you little sister!" she hissed. "I want to be your special girl, Ceddy!"

Anak naman ng aso't pusa ng kapit-bahay naming, o! She's only thirteen pero mga ganitong bagay na ang alam niya. Samantalang 'yong mga kaedaran niyang babae, naglalaro pa ng Barbie o bahay-bahayan at lutu-lutuan.

Kung mapagsamantalang lalaki lang siguro ako, I'll just grab her offer. But I am not like that! Yeah, she's special to me. Kaya nga nagtitiis ako sa mga ginagawa niya. She's also more like a sister to me, pero hindi ba pwedeng hanggang doon na lang muna? She's too young. Masyado pang maaga para pagbigyan ko ang mga gusto niya. Isa pa, makakapaghintay naman ako.

"Ella, listen to me," nagpapaunawang sabi ko sa kanya.

"Ayoko kung sasabihin mo lang naman na little sister lang ang tingin mo sa'kin," sabi niya at tinakpan pa talaga niya ang magkabilang tainga niya.

See? Hindi pa talaga siya puwede makipagrelasyon. She doesn't even know how to listen. She only cares about what she wants.

"Ella, makinig ka..." seryoso ko nang sabi sa kanya. "Last na 'tong mga sasabihin ko sa'yo at kapag hindi ka nakinig sa'kin... you'll never get the chance to be my girl."

Nakakaubos na ng pasensiya pero kung hindi ko siya dadaanin sa maayos na usapan, walang mangyayari. Ipagpapatuloy niya lang ang pagiging brat niya hanggang sa makuha niya ang gusto niya.

Tinanggal naman niya kaagad ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa magkabilang tainga niya kahit parang labag sa kalooban niya na gawain iyon.

"Ella, bata ka pa—" Napahinto ako. Tinakpan na naman kasi niya ang mga tainga niya.

Pinagmasdan ko siya ng ilang sandali. Parang ayaw niya na talagang makinig sa sasabihin ko. Kaya tumalikod ako sa kanya at nag-umpisang maglakad palayo.

"H-hoy! Saan ka pupunta?" may pagkataranta niyang tanong.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Kung ayaw niya rin lang makinig sa mga sasabihin ko, hindi ko na siya pipilitin. Pababayaan ko na lang na lagi siyang ganyan. Sayang lang ang effort ko.

Hay... Bakit ba kasi nagpipilit pa akong intindihin niya ang mga sinasabi ko kahit alam ko namang hindi niya iintindihin at ayaw niya talagang intindihin?

"Cedric!" tawag niya pa sa akin.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Narinig ko ang mabilis niya paglakad, o siguro ay tumatakbo na siya. Malamang hinahabol niya na ako. Wala naman akong balak makipaghabulan sa kanya kaya hindi ko binilisan ang paglalakad ko.

"Cedric..." tawag niya ulit sa akin nang maabutan ako.

Hindi ko pa din siya pinansin. Kapag naman nagsalita ako, hindi niya rin naman pakikinggan. No use.

"Cedric, naman, eh..." nagmamaktol niyang sabi na may kasama pang paghikbi. "Makikinig na ako."

"H'wag na lang, Ella. Hindi mo rin naman iintindihin kahit makinig ka," parang wala lang na sabi ko.

Nakatingin lang ako sa daan at ayoko siyang tingnan dahil alam kong madadaan niya lang ako sa pag-iyak-iyak niya at ayokong mangyari iyon hangga't maari. Masyado na siyang nasasanay na pinagbibigyan palagi. Kaya lalong nagiging brat.

"Promise, iintindihin ko na." Lumakas ang mga hikbi niya.

Tsk! Ito talaga ang pinakaayaw ko, eh. Idinadaan ako sa iyak! Kahit anong pigil ko sa sarili ko na huwag humarap sa kanya ay hindi ko pa rin nagawa.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Napahinto rin siya. Iniangat ko ang mukha niya mula sa pagkakayuko at nakita kong medyo namumugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Pinunasan ko ang mga pisngin niya na basa ng luha.

"H'wag ka na umiyak," wika ko habang patuloy lang siya sa pag-iyak. Mukhang may gripo ang mga mata niya kung makapaglabas ng luha. "Pigilan mo na ngang umiyak, Ella!" naiinis ko nang sabi.

Naiinis ako hindi dahil sa pagiging brat niya. Naiinis ako dahil masyado niyang inaabuso ang kahinaan ko. Yes, kahinaan ko ang makakita ng babaeng umiiyak!

"Sorry na, Ceddy..." sumisinghot-singhot pa rin niyang sabi.

Pinagmasdan ko muna siya. Kung ibang bata lang siguro siya, baka kanina ko pa siya iniwan at hinayaan na lang dito.

Nakakainis lang kasi! Bakit ba siya nagkagusto sa akin kaagad? Puwede namang ako lang muna ang may gusto sa kanya at hihintayin ko na lang siyang lumaki. Tapos saka na lang niya ako gustuhin kapag malaki na siya at pwede ko na siyang maligawan.

Nahihirapan na nga akong pigilan itong nararamdaman ko para sa kanya, eh. Tapos lalo pa niya akong pinahihirapan dahil alam kong gusto niya rin ako.

'Hindi pa puwede,' iyan ang lagay namin ngayon. Hindi pa puwedeng maging kami dahil sobrang bata pa niya. Marami pa siyang bagay na dapat matutunan bago pumasok sa isang relasyon at ganoon rin naman ako. I don't want us to end up broken because we were not yet ready for a relationship. So, I have to be patient.

"Ella, bata ka pa..." umpisa ko. "Hindi mo pa kayang pumasok sa relasyong gusto mong pasukan, kaya hindi ko ibibigay 'yon sa'yo ng agad-agad," mahinahon kong paliwanag at nakita kong nakikinig nga siya kaya nagpatuloy pa ako. "H'wag mong madaliin ang sarili mo. I-enjoy mo muna ang pagiging bata. Kasi kapag tumanda ka na, mami-miss mo 'yan. H'wag mo muna isipin ang pagkakaro'n ng boyfriend. Darating din tayo d'yan. P'wede naman ang magka crush, pero... sa'kin lang."

Tumango lang siya at gusto ko sanang maging seryoso pa rin sa harap niya para hindi niya gawing biro ang mga sinasabi ko pero napangiti ako. I expected na aangal siya sa huling sinabi ko pero hindi niya ginawa.

"Ayokong magpipilit ka ulit sa'kin na maging boyfriend mo ako, okay?" paglilinaw ko pa sa kanya. "Darating tayo roon," patuloy ko.

Tumango ulit siya at this time ay nakangiti na.

"But promise me na makikipaglaro ka pa rin sa'kin kasi sabi mo i-enjoy ko ang papaging bata ko, 'di ba? Hindi naman kasi ako mag-e-enjoy kung hindi ikaw ang kalaro ko. Promise mo rin na liligawan mo ako at ako ang pakakasalan mo. Promise mo rin na walang kang magiging girlfriend na iba bukod sa'kin paglaki ko. Promise mo rin na ako lang din ang crush mo," tuluy-tuloy niyang sabi at napanganga na lang ako.

What the heck?! Tama bang kinausap ko siya ng tungkol sa ganito? Nagsisisi na yata ako kaagad!

"Ella—"

"Cedric, promise me!" she demanded. Hinawakan pa niya ako sa braso at inalog-alog pa iyon.

Ang childish pa talaga! Cute naman sana ang pagiging childish niya kung hindi lang annoying madalas. Nang hindi ako sumagot ay binitawan niya na rin ako.

"Ayaw mong mag-promise?" tanong niya na lukot na naman ang mukha nang hindi ako sumagot.

Napabuntong-hininga ako. What can I do?

"Okay... I promise," sincere kong sagot. "I promise na ikaw lang ang liligawan ko kapag twenty-five years old ka na," dagdag ko pa.

"What?!" mataas ang boses niyang tanong at nanlalaki pa ang mga mata niya na parang may nakakagulat sa sinabi ko. "Twenty-five years old?!" ulit pa niya.

Tumango naman ako. Anong problema sa sinabi ko?

"Dapat kapag twenty-five na ako, pakakasalan mo na ako! Hindi liligawan pa lang!" Nakasigaw na naman siya at natutulili na naman ang mga nakakaawa kong tainga.

I sighed in defeat. "Fine! I'll court you when you reach the age of eighteen and I will marry at the age of twenty-eight."

"Yehey!" Nagtatatalon pa siya sa tuwa.

Hindi ko alam kung tama bang mangako ako sa kanya. Pero kung iyon ang hinihingi niya para lang maging normal siyang bata, sige na lang! Ah, ewan! Ako na yata ang mas nagiging abnormal sa aming dalawa!

But that promise would be hard to keep. Lalo na't guwapo ako at napakaraming tukso sa paligid ko. But I'll try my best to keep it and not to break it.

"Pero mangako ka rin sa'kin na kuya lang muna ang magiging tingin mo sa'kin ngayon. At h'wag na h'wag kang tatanggi, kundi babawiin ko lahat ng promise ko sa'yo!" pagbibigay kundisyon ko sa kanya.

Napahinto naman siya sa pagtalun-talon at parang saglit na nag-isip. Maya-maya ngumiti ulit siya.

"Okay, kuya Cedric!" masiglang sabi niya at bigla na lang siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

Iniwan niya na ako roon at patalun-talon na siyang naglakad sa daan pauwi ng bahay habang napatulala ako sa pagkabigla.

"H-hey!" malakas kong sabi nang matauhan ako pero hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Lumingon naman siya sa akin. "Yes, kuya Cedric?"

"Sumira ka na agad sa promise!" I retorted.

"That was just a kiss for my big bro!" sagot niya at tumakbo na palayo.

∞∞∞

Lianne's POV

"Have you seen that, Babe? Cedric is so sweet!" kinikilig kong sabi kay Mark.

Kanina pa kami nandito sa park at nasaksihan namin lahat ng pag-uusap ni Ella at Cedric. Dito kami dumiretso imbis na sa bahay dahil gusto kong maglakad-lakad. Kaya heto... nakita ko kung gaano ka-sweet si Cedric kahit ang sungit-sungit!

Gusto niya rin naman pala si Ella. Ayaw niya pa lang manligaw dahil alam niyang mga bata pa sila. Yay! Ang sweet talaga! He's very willing to wait for Ella!

Siguro kung dati pa ako nagkagusto kay Mark at katulad ako ni Ella, baka dati pa kami. Dahil mapagsamantalang lalaki siya! Natawa na lang ako sa naisip.

"Sus! Mas sweet pa ako kay Cedric, 'no," pagyayabang naman niya.

I know, right?! Kaya nga super pinagselos mo ako kanina at super sinuyo mo rin ako ng mga salita mo pagkatapos.

Pero... iba kasi ang pagiging sweet ni Cedric sa sweetness ni Mark, eh. Ewan ko kung anong pinagkaiba, pero basta! Magkaiba! Ang cute cute kasi nilang dalawa ni Ella tingnan! Pero sige na nga! Pareho ng sweet ang boyfriend ko at si Cedric.

"Eat more," sabi ni Mark at sinubuan ako ng fishball.

Ito na ata ang favorite namin kainin simula ng maging kami. Ang cheap pero ito na yata ang pinaka masarap na pagkain. Charot!

"Ang cute cute ni Ella!" Pumapalakpak pa ako na parang bata.

"Yeah, and just like you, she's stubborn," he commented.

Tinignan ko siya ng masama. Pupurihin ako tapos biglang lalaitin?!

Parang hindi naman niya nakitang masama ang tingin ko sa kanya at susubuan pa ulit ako. Tiningnan ko lang iyong fishball na nakatapat sa bibig ko.

"Eat more," sabi na naman niya.

"Ayoko na. Parang ako na lang yata ang kumain, eh! Busog na ako," rekalamo ko at tumingin ako sa ibang direksyon.

"Ngayon mo lang napansin?"

Ano?! Ako lang talaga ang kumain noon?! Napatingin ulit ako sa kanya at ngumiti lang siya sa akin na parang nang-aasar pa.

"Ubusin mo na 'to. Limang piraso na lang, o." Itinapat na naman niya sa bibig ko iyong nakatusok sa stick ng fishball.

Kung itusok ko kaya sa kanya iyong hawak niyang stick?!

"Sige na. Kain na, Babe." Pilit niya pa sa akin.

"Ayoko na! Sabi mo noong nakaraan may bilbil na ako!" padabog kong sabi.

"Eh, ano naman?! Kahit naman may bilbil ka mahal pa rin naman kita, 'di ba? Wala akong pakialam kahit tumaba ka pa, kasi I love the weigh you are."

Ugh... Kainis itong lalaking ito! Ang daming alam! Puro kalandian pa and worst, sa akin niya ginagamit iyon! Or... worst nga ba?

"Hay naku... ewan ko sa'yo!" Tumayo ako pero hindi pa ako nakakaisang hakbang ay nahawakan niya na ako sa baywang and he pulled me closer to him.

"I love the way you eat. Makita lang kitang kumakain ng marami nabubusog na ako, eh. Ang takaw mo kasi," bulong niya sa tainga ko.

Nakakainis talaga! Kahit nilalait niya na nga ako, kinikilig pa din ako! Ang buwisit!

"Umuwi na nga tayo," sabi ko na lang. Papatayin mo na naman ako sa sobrang kilig, eh, dugtong ko pa sa isip ko.

Naglakad na kami ng tahimik sa daan habang magka-holding hands. And after a not so long walk, at malapit na kami sa bahay, ay saka lang ulit siya nagsalita.

"Babe, do you know what love for me is, except from you and me?" tanong na lang bigla ni Mark.

Tumingin ako sa kanya na may nagtatanong na mga mata. Ano na naman kaya ang banat niya? Pero, shoot! Umpisa pa lang ng banat niya, kinikilig na ako!

"Love is gentle, love is kind."

Eh? Napatanga ako nang hindi niya na dugtungan iyon. Iyon lang 'yon? Pagkatapos kong kiligin ng sobra sobra, iyon lang 'yon? Advance pa nga iyong kilig ko tapos... hay... nilipad na lang bigla ng hangin iyong kilig kong nag-uumapaw.

"And because it is gentle and kind, love is slowly losing up my mind," he said suddenly nang hindi na ako nag-e-expect na may karugtong pa ang sinasabi niya kanina.

Nang tumingin ako sa kanya ay nagtama ang mga paningin naming. I shivered because of that intense glance of him.

"And I'm really lost in you," dagdag na bulong niya pa.

Na-speechless ako! Hindi ko alam kung paano magre-react o kung dapat ba akong mag-react. Pakiramdam ko namumula ako mula ulo hanggang paa dahil uminit ang buong paligid. Damn this guy with the super sweet tooth!

Pinisil niya ako sa pisngin bago niya ako hinila papasok sa bahay namin at noon ko lang din napansin na nasa tapat na pala kami kanina ng bahay.

Oh, yes... nakakawala sa sarili ang ma-in love!

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 14.9K 72
Para sa mga bawal pa makipagrelasyon. Para sa mga nakipaglaban sa ngalan ng pag-ibig. Para sa mga pusong minsang napuno ng takot. Para sa mga pusong...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
254K 17.3K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...