GANGSTER ROYALTIES: Love and...

By Kirudesu

1.8M 52.8K 8K

Trouble wasn't unusual in Khali Vernon's life. Being the trouble herself she was penalized and was sent back... More

GANGSTER ROYALTIES: Love and Misadventures
PROLOGUE
CHAPTER 1. I'M BACK
CHAPTER 2. MARVEL HIGH
CHAPTER 3. NO ESCAPE
CHAPTER 5. AGAIN
CHAPTER 6. A RED FLAG
CHAPTER 7. THE FOUR DRAGONS
CHAPTER 8. A FALLEN ANGEL
CHAPTER 9. THE KING
CHAPTER 10. GIRL FROM NOWHERE
CHAPTER 11. AWE
CHAPTER 12. TROUBLE
CHAPTER 13. BLACK ORDER
CHAPTER 14. BEWILDERED
CHAPTER 15. DOMAIN
CHAPTER 16. SUDDENLY
CHAPTER 17. FISHY
CHAPTER 18. NEED
CHAPTER 19. YOU WILL KNOW
CHAPTER 20. WAITING
CHAPTER 21. FOUND
CHAPTER 22. THE QUEEN
CHAPTER 23. STAR RANKED
CHAPTER 24. A DATE?
CHAPTER 25. CONFESSION
CHAPTER 26. UP AND DOWN
CHAPTER 27. WORRIED
CHAPTER 28. FLATTERED, FLUSTERED
CHAPTER 29. PROTECT
CHAPTER 30. WATCHING OVER
CHAPTER 31. POWERLESS
CHAPTER 32. HINDRANCE
CHAPTER 33. MOVE
CHAPTER 34. ALWAYS AROUND
CHAPTER 35. ENVY
CHAPTER 36. PSEUDO
CHAPTER 37. INTENTION
CHAPTER 38. SHE'S NOT COLD
CHAPTER 39. MISSING YOU
CHAPTER 40. EYES, EYES BABY
CHAPTER 41. CHILL
CHAPTER 42. JEALOUSY
CHAPTER 43. MEMENTO
CHAPTER 44. CLOSER
CHAPTER 45. HIDE AND SEEK
CHAPTER 46. RUN, DEVIL, RUN
CHAPTER 47. I LIKE YOU
CHAPTER 48. WITHOUT HIM
CHAPTER 49. DISTRICT XII
CHAPTER 50. STRANGE
CHAPTER 51. MEN IN BLACK
CHAPTER 52. INTERHIGH
CHAPTER 53. THAT KIND OF GAME
CHAPTER 54. THAT GIRL
CHAPTER 55. REASON
CHAPTER 56. UNCONTROLLABLY FOND
CHAPTER 57. MVP
CHAPTER 58. BWISITORS
CHAPTER 59. SHE CARES
CHAPTER 60. REMATCH
CHAPTER 61. RESTRAIN
CHAPTER 62. WARMTH
CHAPTER 63. ALMOST
CHAPTER 64. TEARS
CHAPTER 65. CHANCE
CHAPTER 66. SUSPICIONS
CHAPTER 67. GAME OF LOVE
CHAPTER 68. SURREAL
CHAPTER 69. RING
CHAPTER 70. IN OR OUT
CHAPTER 71. SAFE NOT
CHAPTER 72. RUSH
CHAPTER 73. WRATH
CHAPTER 74. CALL OF DEATH
CHAPTER 75. ANTICIPATED
CHAPTER 76. OPERATION: BREAK THEIR BONES
CHAPTER 77. SURPRISE
CHAPTER 78. BITE THE BULLET
CHAPTER 79. SHE'S GONE
CHAPTER 80. PLEASE, COME BACK
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 4. ACQUAINTANCE

26.5K 858 145
By Kirudesu

CHAPTER 4. Acquaintance

THIRD PERSON POV

I wished for a peaceful day, didn‘t I? Khali thought, and let out a deep sigh.

Sa huli ay Detention room lang din ang kinahantungan ni Khali.

Sinubukan pa niyang tumakas gaya ng utos ni Jaemin ngunit malas nga naman dahil sakto ring dumating ang SSC President sa cafeteria.

Khali thought that the most powerful students in Marvel High right now would be them, and she won‘t dare to challenge them if she wants a peaceful stay.

Kaya naman sumama nalang siya sa kanila ng walang imik.

Wala siyang pakialam kahit pa ang mga kasama niya sa loob ng detention room ay mga gangsters at delinquents, ang tanging laman lang ng isip niya ay ang mga salitang...

Lagot na naman ako kay Izu.

Siguradong dagdag parusa na naman ang aabutin niya kapag nakarating ang balita sa kaniyang kuya, na unang araw niya palang sa bagong paaralan nito ay na-detention na naman agad siya.

Dahil sa pagkabahala na baka makarating ito sa kapatid niya ay hindi na nito alintana ang masasamang tingin galing sa mga kasama niya sa loob ng detention room.

Ngunit hindi sumagi sa isip niya na pagsisihan ang ginawa niyang iyon kanina.

She hates it when someone is hurting Jaemin, when she couldn‘t even pinch her.

Nagtaka siya kanina dahil hindi naman siya sinaktan ng Student Council gaya ng ginawa nila sa classmates niya.

Naisip niya kung mga lalaki lang ba ang ginagamitan nila ng dahas kapag hinuhuli nila? Sabagay, rin naman siya pumalag kanina.

Pinikit niya ang mga mata niya dahil tila nagsisimula na itong mairita sa mga nakikita niyang mga kasama niya sa loob na kanina pa siya tinititigan mula pagpasok niya.

What‘s wrong with these thugs? Ngayon lang yata nakakita ng tao.

Nagtataka ang mga kasama ni Khali sa loob ng detention room kung anong ginagawa niya—ng isang nerd sa loob ng detention room.

Bakit at paano siya napunta dito?

Anong ginawa niya?

Alam kasi ng mga students dito na ang mga nerds ang isa sa madalas na nabu-bully’ng students sa Marvel High.

Hindi kasi sila marunong lumaban at i-depensa ang mga sarili, kaya naman lagi silang pinag-di-diskitahan ng mga delinkwente, na siyang dahilan ng pagkakulong nila sa detention room kapag nahuli.

Maging si Gabriel Zamora, na isa sa mga kaklase niya ngayon ay nagtataka rin kung bakit nasa loob siya.

Hindi naman siya mukhang lampa sa paningin nito, pero wala rin naman sa itsura niya ang pagiging marahas.

Napanguso ito dahil ang isa pang pinagtatakahan niya‘y kung bakit parang hindi man lang siya nakita ni Khali o kaya nama‘y hindi lang talaga siya nito pinapansin.

Sabagay, wala naman sa itsura niya ang pala-bati.

Kanina pa kasi si Gabriel sa loob—na-detention siya dahil sa pakikipag-away niya sa kaklase niya—pero hindi man lang dumadako ang tingin ni Khali sa kaniya.

Bagaman isang nerd ang itsura niya ngayon ay hindi ibig-sabihin na kagaya siya ng mga nerd na kadalasan ay mahina, naaapi at duwag.

“Bakit may nerd sa loob ng detention room? Just what did she do to be dragged in this place? This is the first time ever that I‘ve seen a nerd inside this prison.” wika ng isang babae.

“Sa pagkakaalam ko, kilala ko lahat ang mga lampang nerd sa school na ‘to, but I don‘t seem to recognize her.” ang sagot ng kaibigan niya at saka sila nagtinginan.

“She might be new, and she‘s already here. Interesting, don‘t ‘ya think?” nakangiting sagot ng babae. “Why don‘t we find out ourselves?”

Sa tinginan palang ng magkaibigan ay tila nagkaintindihan na ang mga ito.

Nakangising lumapit ang dalawang babae kay Khali. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang isa at nagbalak agad na hilain ang buhok ni Khali.

Ngunit sa hindi inaasahan ay bigla nalang nagsigawan ang mga babae malapit sa bintanang gawa sa bakal. Pati ang mga babaeng nagbabalak ng masama kay Khali ay nakiusyoso na rin doon.

Minulat ni Khali ang mga mata at dali-daling binati ni Gabriel ito.

“Hello, Khali!”

Nanatiling blanko ang ekspresyon ni Khali habang inaalala kung saan niya nakita ang lalaking bumati sa kaniya.

“Hi.” sagot ni Khali nang mapagtanto niyang kaklase niya pala ito, at seatmate niya pa.

Kaya pala pamilyar. A niya sa kaniyang isip. Nakikilala niya ito sa mukha, ngunit ang pangalan niya‘y hindi nito matandaan.

Ngumiti si Gabriel nang matamis, ngunit si Khali ay ganon parin ang reaksiyon kaya naman bahagyang natawa si Gabriel. Bahagyang napakunot naman ang noo ni Khali sa inasta ng kaklase.

“Bakit ka napunta rito?” nagtatakang tanong ni Gabriel kay Khali.

Hindi marinig ni Khali ang sinasabi nito dahil sa ingay ng mga babaeng nakadungaw sa labas. Maging ang ibang kalalakihan ay nakiki-usyoso rin.

“What happened?” Khali asked.

May ipis siguro. biro ni Khali sa kaniyang isip.

“It‘s probably the 4D.” sagot naman ni Gabriel.

Fordi? Fordi... saan ko na nga ba ulit narinig iyon?

*♡♤*

Makaraan ang ilang oras ay na-release na rin ang ilang students mula sa pagkaka-detention. Kasama na sina Khali at Gabriel.

Dahil diyan, makakaabot pa sila sa kanilang PE Class ngayong hapon.

Inaya ni Gabriel si Khali na sumabay na sa kaniya sa pagpunta sa Pearl—ang building kung saan matatagpuan ang locker rooms.

Kung tama ang pagkakaalala ni Khali, nasa Pearl rin ang pinagmamalaki ni Jaemin na swimming pools ng Marvel High.

“Here‘s the gym, Khali.” Gabriel Zamora said and pointed at the massive wall at Khali‘s right.

Ang laki...

“Dito na tayo dumaan. Meron din namang pinto dito papunta doon sa Pearl.” ani Gabriel saka ngumiti.

Hindi na ito nagsalita at sumunod nalang sa kaniya. Tutal siya ang mas nakakaalam sa school na ‘to.

Ang laki ng gym. Sigurado si Khali na libo-libo ang kayang i-occupy nito.

There‘s even two court, each for basketball and volleyball.

Nakita nila ang mga kaklase na nakabihis na kaya dumiretso na kaagad sila sa Pearl upang makapagbihis na rin.

Khali scanned the locker room to check in case Dianne and friends were there to ambush her but fortunately, there was no other people inside aside from her.

Hindi man ang grupo ni Dianne ang tumambad sa kaniya sa lockers, grupo naman ni Hannah ang sumunod sa kaniya.

Napansin ni Khali iyon ngunit ipinagsawalang-bahala niya nalang.

Nang buksan niya ang lockers niya ay may maharas na nagsara nito. Hinarap niya si Hannah na ngayon ay may ngisi sa labi. Tila may masamang binabalak.

“What do you need?” Khali asked with her usual cold tone.

“Aba, matapang, bes!” a ng isang alipores.

“Let‘s get it done, shall we?” Khali suggested.

Hindi man gusto ni Khali na mapaaway, hindi niya rin naman gusto na laging may gumugulo sa kaniya.

Alam niyang pangalawang beses niya nang made-detention pag nagkataon. Pero hindi naman siguro malalaman ng SSC kung walang magsusumbong...

She‘ll just have to make sure that these people won‘t talk. Besides, they‘re the only students in the lockers right now and it‘s a perfect timing...

Habang nakatitig si Khali kay Hannah ay may kakaibang naramdaman ang huli.

A threat...

Aside from her cold eyes, her aura is giving off a bad vibe.

Dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman, itinuon ni Hannah ito sa galit.

Marahas na hinigit ni Hannah si Khali at isinandal sa lockers na siyang gumawa ng malakas na ingay.

“Hindi mo ba ako kilala, ha?!” Hannah shrieked.

Khali remained on her poker face that made Hannah even more furious. Khali stared at Hannah‘s arm and back to her furious face.

Should I snap her neck off or just her fingers? Khali thought.

Akala ng apat na kababaihan ay sila nalang ang natitirang tao sa locker room sa ngayon ngunit hindi nila inaasahan ang pagdating ng isa pa.

“Hoy, Hannah, itigil mo nga ‘yan.” the girl said with a serious tone.

Nakita nito ang kalagayan nila ngayon. At sa unang tingin palang ay malalaman nang pinagkaka-isahan talaga nila si Khali Vernon. Ngunit ang huli ay hindi man lang nito nakitaan ng takot o kaba.

Maging si Khali ay napalingon sa gawi niya upang makita kung sino siya.

“H‘wag kang makialam dito kung ayaw mong madamay, Kianna.” banta ni Hannah.

As if matakot naman si Kianna sa kaniya? Pareho lang silang babae, hindi siya takot sa mga btch na tulad niya!

Sa katunayan, matagal na rin itong naiinis sa babaeng ‘to, akala niya kung sino siya kung umasta sa classroom. Mahilig talaga silang pagtulungan ang mga Marvelian na sa palagay nila ay kaya nila.

Nakakagigil ha! Kianna thought.

If Khali remembers it right, that girl is also from her class. The girl who keeps looking at her...

Since Khali‘s eyeglasses dropped on the floor earlier, Kianna could clearly see her face right now. And there was nothing she could see...

It was expressionless despite the situation she was in.

Hindi tuloy malaman ni Kianna kung kailangan pa ba niya ng tulong.

Kianna is pretty sure that there is really something about that nerd. Honestly, she doesn‘t even look like a nerd. Naging nerd lang talaga ang tawag nila sa kaniya sa klase dahil sa kaniyang salamin sa mata.

Actually, there‘s this cool aura from her which is not usual for a nerd at all.

Binitawan ni Hannah si Khali at binaling ang atensiyon niya sa babae. Nanatili si Khali sa kaniyang posisyon nang agad na bumaling sa kaniya ang mga alagad ni Hannah.

Palapit si Hannah kay Kianna nang matigilan siya dahil sa isang nagsalita.

“What is going on here?”

Lumingon si Kianna sa kanyang likuran at nakita doon ang isang babaeng nakangiti. Kianna quickly noticed the distinctive hairstyle that the girl had.

She had pigtails like Harley Quin‘s, minus the hair color. She was wearing an armband with a Supreme Student Council written on it.

“Hannah, I think we should go. That‘s the SSC Secretary!” one of her friends hissed.

Sumunod naman ang isa pang babaeng nakasuot rin ng armband, one of their Sergeant-at-arms.

Hannah rolled her eyes heavenwards due to annoyance. Lumingon siya kay Khali at tinapunan ito ang masamang tingin.

“Hindi pa tayo tapos.” Hannah told Khali.

Habang paalis na sila ay sinadyang banggain ni Hannah si Kianna sa balikat. Hindi na lamang ito pinansin ni Kianna at mabilis na pinuntahan si Khali.

Pinulot niya muna ang eyeglasses nito sa sahig bago ito lapitan.

Just like what happened in the classroom, Kianna saw how calm she was as if nothing happened, pinagpag lang niya ang kaniyang uniform.

Napansin rin ni Kianna ang band aid sa kaliwang pisngi nito habang inaabot ang kaniyang salamin sa mata.

Anong nangyari sa pisngi niya?

Nagkatitigan si Kianna at Khali ng ilang segundo bago tanggapin ng huli ang salamin. At sa sandaling iyon, nakaramdam ng kaba si Kianna. Hindi na tuloy niya nagawang magtanong pa kay Khali.

Just what is this girl‘s deal? She‘s even more intimidating without her eyeglasses on...

*♡♤*

KHALI‘S POV

I like the schedule of our PE Class in this school. Dalawang oras lang naman at dalawang araw rin ito, Tuesday and Friday.

Which is quite great. Hindi na ako mabo-bored sa buong araw dahil sa diretsong academic class.

I‘m not really fond of sports pero maganda ring itong pampalipas oras. So, I kinda play sometimes.

May dalawang klase ng pang ibabang PE uniform: jogging pants at 2-inch above the knee na shorts, more like a jersey shorts.

Pinili ko nalang suotin ‘yung shorts dahil palagay ko ay mas magiging kumportable ito sa paglalaro.

Sa gilid ng basketball court kami pumwesto, since iyon ang sabi ni class rep. Habang ang ibang sections or year naman ay naglalaro ng volleyball sa gitna.

“Makakalaro kaya ulit natin ang 4-A? Sana um-attend si King!”

“Asa ka pa.”

Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan. Sadyang malakas lang sila mag-usap kaya naririnig ko hanggang dito sa pwesto ko.

Pero, ano raw? King?

May hari dito? Seryoso?

Well, maybe it‘s not that impossible in this school? After all, the Marvelians came from wealthy families.

Or Perhaps his name? What a lame name he has then.

“KYAAAAAAAH!!!”

I closed my eyes and almost covered my ears because of the loud screams they made in an unknown reason.

Just what the heck is happening? May multo ba?

Bakit ba ang hihilig nilang sumigaw?! Kahapon din, sa mall, may nagtitilian. Pati kanina. Uso ba dito ‘yun? Parang mga timang lang.

Napalingon ako sa kung saan sila nakatingin at nakita ang isang grupo ng estudyante. More like a whole class. They‘re wearing the same uniform as us, a gray uniform with black linings.

Baka sila na ‘yung 4-A na sinasabi nila. Because somehow, I feel like they‘re all big timers and look like smart dudes.

Palapit sila sa gawi namin. Nakita ko si rin Jaemin na kumakaway sa‘kin. So, Class A nga sila.

“OMG! Ang gwapo ni Pres CK!” rinig kong sabi ng kaklase namin.

Pres? President?

I scanned the group and found the SSC President who caught me slapping Dianne with a tray...

Seeing this reaction from the crowd, they must be some sort of a rolemodel in this school.

Well, they‘re the most influential students in this school, after all. Someone a normal student like us wouldn‘t dare to oppose...

And speaking of freaking SSC, ang sabi nila ire-report daw nila ang nangyari sa guardian ko. Lagot na talaga. Tsk.

Lalo pang lumakas ang hiyawan nang may sumulpot pang tatlong mukhang maaangas na lalaki mula sa doorway ng gym.

Artista lang? -__-

“WAAAAH, ANG 4D!”

Fordi? Fordi na naman? Ah... I remember now. Sila rin ‘yung pinagkakaguluhan sa mall.

Tutal nasa tapat naman ako ng entrance, nilingon ko na din ‘yung mga artista kuno.

Habang naglalakad sila, akala mo mga artista talaga. Nasa gilid ‘yung mga fans habang pinagkakaguluhan sila. Nag-make way rin ‘yung iba para makadaan sila.

‘Yung pinaka-matangkad, diretso lang ang tingin at mukhang masama ang mood.

‘Yung nasa gitna naman, mas maliit lang siya ng ilang centimeter sa mga kasama niya, but he‘s also tall, nakangiti lang ito.

While the guy on the left side keeps on winking and giving a flying kiss to his fans, kaya mas lalo silang nagkaka-gulo. He‘s definitely enjoying the fame.

“What‘s fordi?” I asked.

Baka kasi isa rin sila sa mga kailangan kong iwasan because I could clearly see their influence in this place right now.

“It‘s Four Dragons.” my classmate corrected, showing her four fingers at me.

So, they are FOUR DRAGONS. But there are only three of them. Where‘s the other one, then?

“Bakit wala pa rin si Trevor?” pabulong na sabi ni Ashley.

Trevor? Sino na naman ‘yun? Tch. Is he one of the dragons?

After a couple of minutes na tila walang humpay na hiwayan ay natigil rin ito, napagod siguro sa kasisigaw.

Nag umpisa na rin si Sir mag salita. May mga in-explain lang siya.

Automatically 95 ang grade ng each members sa team na mananalo sa activity na ‘to at 75 naman kapag natalo. Siya rin ang pipili ng mga maglalaro.

Hindi naman siya tinatamad mag-grade, eh no?

Pero mukhang respetado naman ang gurong ito, kumpara sa ibang mga guro namin. Dahil todo sila sa pakikinig sa tuwing nagsasalita siya.

“Coach, may bago pala kaming classmate.” sabi ng di-pamilyar na boses ng lalaki.

Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa amin ni Ashley pati na rin ang ibang section dahil nakuha nito ang atensiyon nila.

“Fuckshit, the nerd caught his attention!”

“Aish, btches!”

“Feel na feel naman nung blonde haired.”

I didn‘t bother to look for the guy who spoke. What‘s with these girls anyway? They‘re making everything a big deal. Tsk.

But who the hell was that jerk? Thanks to him, all of them are already looking and talking about us. In a bad manner...

“Introduce yourselves.” the teacher ordered. Parang ngayon niya lang din talaga kami napansin.

Dahil sa‘kin siya nakatingin, ako muna ang sumagot. “Khali Vernon.” I said.

“Height?” he asked.

“5'2...” I guess.

He stared at me from head to toe before he beckoned me to come closer. Then, bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya habang nakatingin parin sa akin.

“You‘re around 5'6.” he said.

Oh, really? It‘s been a long time since the last time I checked my height, so...

“Weight?”

“I‘m not sure.” I haven‘t check my weight, too. Umiling lang ito. Just what does that mean?

“Go to clinic and check your height and weight after your class.” aniya. “Ikaw?”

“I‘m Ashley Tan, sir.” sabi naman ni Ashley. “5'3 and 43 kg.” sagot niya.

She has the same height with Jaemin.

“Team B...” he said. “Tan, Hernando, Chen, Vernon and Jacinto.” anunsyo niya habang nakatitig sa kanyang manipis na notebook.

Basketball daw ang lalaruin...

I‘m not really good in this kind of stuff, and I don‘t even know the rules of this game, but I know at least some of it‘s basic rules.

“And for the Team A, Torres, Diaz, Delos Reyes, Yamashita and Flores.” pagbabanggit naman niya sa mga apelyido ng taga ibang section.

Those family names are familiar. I think I‘ve already heard it before...

Yes, the Yamashita Hotel. I wonder if she‘s connected to that?

“Hindi kami maglalaro coach?” a guy from the back asked. It was the same voice who spoke earlier. Nilingon ko siya ng konti.

He has this messy brown hair. He‘s not that fair but he‘s not tan either. He‘s one of the dragons.

Wait... he is kinda familiar.

“Mamaya.” sagot ng guro.

They called him coach, perhaps he‘s a coach of a particular team in this school.

“Okay class, ‘yung mga binanggit ko, step forward. Para sa mga hindi naman, tumabi na kayo at mag uumpisa na ang laro.” a ng guro na agad naman naming sinunod.

Matatangkad pala ang mga pinili ni Sir sa kabilang grupo. Isn‘t it unfair? -__-

Though, I couldn‘t care less.

Ako ang in-assign sa jump ball at mas malaki ng konti sa‘kin ang makakatapat ko.

I really don‘t care about the grades or about losing or winning. It doesn‘t matter to me. Hindi ako madalas seryoso sa mga bagay na hindi ko gusto, especially if it‘s not family related.

“Oh my god, Khali! I don‘t know how to play this! I‘m afraid of balls!” naghi-hysterical na sabi ni Ashley.

“How about you play with my balls instead!” someone from the crowd of Class 4-A shouted.

Nagtawanan ang klase nila. Ashley raised her middle finger to him.

“You still have time to back out.” sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Pumito ang guro kasunod ng paghagis ng bola sa ere. I bended my knees and jumped.

My opponent is tall but she can‘t jump that high, her body is too heavy for her, kaya natapik ko ‘yung bola papunta sa teammate ko.

Napansin kong nalaglag pala ang salamin ko kaya hinanap ko kung saan ko nalaglag, pero nang makita ko ito ay durog-durog na kaya hinayaan ko nalang.

I forgot to remove it before the game...

Binalik sa akin sa bola at pinasa ko rin agad ito sa kakampi na malapit sa ring. Pero halatang nataranta ito kaya sinenyasan ko siyang ibalik nalang sa‘kin ang bola kaya agad niya namang ginawa.

Mabilis kong inihagis sa ere ang bola bago pa man makalapit ang kalaban sa‘kin.

Luckily, pumasok ito sa ring. 3-points shot for the starting point.

Nabigla ako‘t napalingon sa paligid dahil biglang umingay. Nagsisigawan sila.

Napansin ko ring ang dami yatang nanonood?

Baka kasi akala nila ay maglalaro na ng basketball ang mga idols nila. Unfortunately, hindi pa.

My usual game play is in harsh way, we get bruises, scratches and cuts on the lips, just to get or keep the ball from the enemy... but since I am playing with high school brats now, I think I should play it softly.

Tumakbo kami papunta sa ring ng kalaban. The PE teacher blew the whistle again to continue the game.

Nasa kalaban ang bola, dini-dribble niya ito at mukhang marami siyang alam sa larong basketball base sa tindig at mga galaw niya. Hinintay ko siyang makalapit ngunit hindi na yata mangyayari iyon dahil umakto na siyang magshu-shoot.

Nakita ko ang pagka-gulat sa mukha niya nang matapalan ko ang bolang inihagis niya sa ere, nakuha ko ito at drinibble hanggang sa makalapit ako sa ring namin at umiskor.

Hindi niya siguro namalayang nakalapit na ako sa kanya.

Am I too fast or they‘re just too slow? Should I slow down so that they can keep up with me? It‘s getting boring already.

Pagkatapos na pagkatapos ng laro ay lumabas agad ako sa gym. Pwede na raw kaming umalis dahil tapos na ang laro namin.

Gusto ko nang kumain.

Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil may babaeng humarang sa akin.

“Hi, Khali!” bati niya. I greeted back and I recognize her...

“I‘m Kianna Hurtle, nice meeting you again!” masiglang pagpapakilala niya.

She‘s one of my classmates, and the person who helped me earlier. I kinda thank her for being meddlesome, at least I avoided further conflict because of her.

×××

Continue Reading

You'll Also Like

26K 587 22
MONSTROUS : There's A Monster Inside You _____ A high-school student with unexplainable dreams about herself, tries to uncover what it really is. All...
141K 5K 92
WELCOME TO SAINT CELESTINE HIGH SCHOOL! Isang skwelahan kung saan mayroong section na naiiba sa ibang Section. Section na pinangungunahan ng lalaking...
15.2K 355 12
Zoe, at 16, is the only girl among the Hamilton siblings. After returning to the Philippines to study at the university with her older brothers, she...
3.9M 97.9K 66
[ BOOK 1 ] I'm THE QUEEN, Bitch! - SBF |Book2: His Gangster Queen| โ™” [ HIGHEST RANK ACHIEVE: ] #1 in ACTION #6 in RANDOM