Listen To My Heart

Por wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... Mais

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 32 ♥ Acapella Song

34.3K 409 54
Por wistfulpromise

Chapter 32

Pagkadating ko sa Maeda Mora noong araw ding iyon, balik ako ulit sa disguise look ko. Marami na ang estudyante sa paligid dahil magsisimula na ring magbell para sa unang klase. Walang pumapansin sa akin, isang bagay kung saan ako masaya. Bukod siguro sa tinatawanan ako ng iba dahil sa wirdo kong ayos ay yun lang. Walang nakakakilala na ako Serene Lopez na sikat na myembro ng The Intricate band. 

"Shay!" Lumingon ako sa tumawag ng disguise name ko rito sa Maeda Mora. Nakita ko si Clarisse na tumatakbo sa papalapit sa akin. Hindi ko sya pinansin at nagtuloy tuloy na maglakad.

"Shay! Hindi ka man lang marunong maghintay? My gahd. Nabingi ka na ba?" 

Inis ko syang tinuran. 

"Utang na loob Cla--" napangiwi ako sa pagkakamali ko. "Anna. Shey ang bigkay doon at hindi 'siya'y'"

"Whatever." irap nya sa akin. "Same thing. Shey, Shay, parehas lang na Retokada."

Tapos iniwan na nya akong mag-isa. How dare she! For all I know, sya ang may kasalanan kung bakit pumangit ang pangalan ko!

"Nagpapahintay ka tapos ikaw rin pala ang mang-iiwan." Sumunod ako sa kanya. Sabay na kaming naglalakad ngayon. 

"Well, may choice ba ako na sumama sayo? Wala." She bluntly stated. "Kayo lang naman nila Souta at Pietr ang kakilala ko rito." Sabagay tama sya. Forever stuck na nga yata kami sa isa't-isa. What a life. 

Papasok na kami sa una naming klase ng mapansin na tila yata umiingay sa buong hallway. May dumadaan sa gitna, nakayuko. Pinagtatawanan sya ng karamihan ng mga estudyante sa paligid habang binabato ng kung anu-ano. Noong may tumama sa ulo nya, nilingon nya ang taong nagbato nito at saka taas noong nilapitan. Takot na lumayo ang estudyanteng iyon sa kanya. 

"Lumayo kayo jan! Anak 'yan ng mamamatay tao!" 

"Balita ko napasabak na naman daw sya sa gulo kahapon. Kababaeng tao basagulero!" 

"Wag nyong kausapin iyan! Baka isunod kayo sa mga biktima nya!" 

"Salot! Walang may gusto sayo rito! Bakit kasi pumasok pa yan!" 

Mag-isa syang pumasok sa classroom, nakayuko lang sya na tila ba wala ng lakas para sumumbat sa mga taong halos pagkaisahan sya. Walang pumasok sa loob pero patuloy pa rin ang mga bulong bulungan tungkol sa kanya. Mag-isa syang umupo roon sa loob. May ibang loko lokong estudyante ang patuloy pa rin na namamato sa kanya ng kung anu-ano. Noong may nakita akong namulot ng bato sa labas, umakto na ako. Mabilis akong pumasok sa loob at saka sinalo ang bato na dapat sana ay tatama sa kanya. Gulat akong pinagmasdan ng lahat ng mga estudyanteng nakakita. Hindi ko sila pinansin at humarap doon sa babae na kapapasok lang. Iniangat nya ang ulo nya sa akin.

Sa mga mata na ipinapakita nya sa akin, parang hindi sya makapaniwala na may tumulong sa kanya. 

Ngumiti ako. "Okay ka lang ba?" 

Hindi sya nagsalita at tahimik akong pinagmasdan. Nakaawang ang kanyang mga labi dahil sa gulat. Nakatali ang buhok nya at may bangs na natatakpan ang buong noo nya. Naalala ko tuloy ang pinsan ni Rico sa kanya. 

"Sino ba yan ha? Tinutulungan nya yung salot!" 

"Baka magkakampi sila! Batuhin na rin yan!" 

Bago pa nila ako mahagisan ay inihagis ko na pabalik ang bato doon sa estudyanteng pasimuno nito. Diretso ito sa mukha nya kaya natumba sya sa sahig. Tahimik na nakatitig ang lahat ng estudyante sa akin. Sinipa ko ang isang upuan diretso kung nasaan sila. At sa isa pang upuan sa tabi ko, ipinatong ko ang ang paa ko rito. Para akong siga sa kanto dahil sa pustura ko ngayon. Kapag nakita siguro ako Reece ay papagalitan nya ako at sasabihing para akong hindi babae dahil sa ikinikilos ko. 

"Alam nyo nagsasawa na akong makita ang mga kabastusan nyo rito sa school na 'to. Para kayong hindi mga estudyante, dinaig nyo pa ang mga hayop sa zoo na walang ibang ginawa kundi kumahol ng kumahol."

May isang estudyanteng lalaki ang humakbang papaharap.

"Ano bang pinagmamayabang mo? Akala mo kung sino ka ah." Sinipa nya pabalik sa akin ang upuan na sinipa ko kanina. Napigilan ito ng paa ko kaya hindi ito nakalapit sa akin. Ngumisi ako sa kanya. Buti na lang dito sa school na ito, there's no boundaries. I can do whatever the hell I want. Walang makakapagil sa akin, walang bawal. At yun ang masaya. 

Umayos ako ng tayo at taas noo syang tiningnan. Lumapit sa akin si Clarisse at bahagyang hinila hila ang braso ko. 

"Ano ba Serene, wag mo ng patulan." Bulong nya sa akin. Hahakbang na sana ako papalapit sa lalaki ng biglang tumunog ang bell. Dahan dahang nagsipasukan ang mga estudyante sa loob pero ang lahat ng mata ay sa akin nakatuon. Umupo yung lalaki na may matalim na tingin sa akin at sa oras na yun alam ko, may bago na akong kaaway sa school na ito. 

 Dumating si Pietr at as usual, pinagtitilian sya ng mga estudyante. Tuloy tuloy lang sya sa paglalakad hanggang sa huminto sya sa harap namin ni Clarisse. May ibinulong sya saglit doon sa babaeng katabi ko. Bulong na naging dahilan para umalis sya sa upuan nya. Nagkindatan pa sila sa sa isa't-isa bago sya umupo roon sa tabi ko. 

Inaayos nya ang mga gamit nya sa bag. "Oh," sabi nya noong mapansin ako na nakaupo sa tabi nya. Kung makapagreact parang hindi nya alam na katabi ako. Psh. "Seatmate eh?" 

Mabilis na tumabi si Clarisse sa kanya. Pinapagitnaan na namin sya ngayon. 

"Hi Pietr my loves!" kaway ni Clarisse sa kanya. Ngumiti lang sya rito. Hindi ko na sila pinansin noong magsimula silang magkwentuhan at magtawanan. 

Pero teka, Pietr? Hindi man lang nya pinalitan ang pangalan nya? Kunot noo ko syang nilingon. 

"Hoy. Psst." Kung makasitsit ako sa kanya akala mo hindi ko sya katabi. Taas kilay nya akong tinuran. Ibinaba ko ang boses ko para walang makakarinig. "Hindi mo ba pinalitan yung pangalan mo para sa misyon na ito?" 

"I did." kibit balikat nitong sagot. 

"Eh bakit yung pangalan mo pa rin ang tawag sayo ni," tumingin ako sa paligid. Ichinecheck kung may nakikinig ba o wala. "Anna?" 

"I am introduced as Alexander Pietr Atillo so it's not a big deal." kibit balikat nya ulit. "Anyone can call me Alex, Alexander, Pietr, whatever." 

"Oo nga kasi Retokada." sabat ni Clarisse na nagmake-face sa akin. Humarap ulit sya kay Pietr pero this time napakalaki na ng ngiti nya. "Ang gwapo naman ng pangalan mo, kasing gwapo mo! Buti ka pa may magandang pangalan." Ibinalik nya ang matalim na tingin sa akin. "If its not because of this frea-- Retokada, my name should have been so beautiful too." 

"Ha-ha." Inirapan ko sya. Irap na napakatalim. "Sino kaya ang unang nagpangalan sa akin ng Retokada di ba? Bumawi lang ako Bagonggahasa." 

Kung hindi lang sana sya umepal, sana dala ko na ang apelyido ni Jace! Huhu. 

Hindi na sya nakapagsalita dahil pumasok na ang teacher namin para simulan ang unang klase. Gayunpaman, patago nya akong binatuhan ng papel. Inis syang bumelat sa akin noong tumingin ako sa kanya.

Inilihis ko ang tingin sa babaeng tinulungan ko kanina. Nandoon lang sya sa may gilid, tahimik na nakikinig. I wonder kung may kaibigan sya. 

Dumaan ang mga sumunod na klase at sa mga klaseng iyon, wala si Pietr. Napapansin ko na madalas ay sa unang klase lang sya pumapasok. Saan naman kaya nagpupunta ang isang iyon? Pero madalas ko ring napapansin na masyado yatang syang naging masayahin nitong mga nagdaang araw. Napakarami na nyang kaibigan dito. Madalas ko syang nakikitang nakikipag-usap at nakikipagbiruan sa mga lalaki man o babae. Noong isang araw nakita ko pang ninakawan sya ng halik ng isang babae sa pisngi. Wala syang ginawa kundi tumawa. Parang wala lang sa kanya ang nangyari. Sa ikinikilos nya parang hindi ko na sya kilala. 

Parang hindi na sya yung Pietr na nakilala ko noon. 

Sa huling klase bago maglunch, ang subject namin ay P.E. Bagong palit lang ito dahil noong first day wala naman kaming P.E subject. Mabilis kaming nagpalit ni Clarisse dahil ilang minuto na lang ay magbebell na. Sa awa ng Dyos ay nakahabol naman kami. Naabutan naming nakatayo ang mga estudyante sa loob ng gym kaya nakitayo na rin kami roon. Nasa harap ang teacher, nakatalikod sya mula sa amin. Mabuti na lang hindi pa sya nag-uumpisang gumawa ng instructions. 

May naramdaman akong nangangalabit sa akin mula sa likod kaya nilingon ko ito. Nagulat ako matapos makita ang isang pamilyar na mukha. Si Cecilia kung hindi ako nagkakamali. 

"Um, hello. Kayo yung bagong estudyante di ba? Ako nga pala si Cecilia pero tawagin nyo na lang akong Lia. Kaklase ko kayo sa Music class di ba?" 

Tumango ako sa kanya at tinaggap ang kamay nya. "Oo ako nga pala si--" 

"Shay at Anna?" sabi nya bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Tumango ako ulit. 

"Naaalala ko kayo kasi kayo yung may nakakatuwang apelyido." 

Mahina syang tumawa kaya napakamot na lang ako. Bored syang tiningnan ni Clarisse. As usual, masungit mode na naman.

"Alam kong bago kayo kaya kung may kailangan kayo rito sa school, huwag kayong mahiyang magtanong sa akin ah?" 

"Salamat Lia sa offer ah." 

Magsasalita pa lang sana ako pero naunahan ako ng teacher namin na nasa harap. Matapos magcheck ng attendance ay sinabihan nya kaming magstretch dahil may kukunin daw sya saglit sa office. Naiwan tuloy kaming lahat dito sa loob ng gym. 

Ang way ng school dito ay halos kaparehas lang sa Princeton Academy. Hindi teachers ang lumilipat ng klase kundi mga estudyante. Mula grade eight at grade twelve rin dito kaya tulad ng sa Princeton, grade eleven pa rin kami ni Clarisse. Parang college ang way ng schooling, iba iba ang mga kaklase mo sa bawat subject. Nakakatuwa nga na kaklase ulit namin si Lia. Sana pati yung babaeng tinulungan ko kanina. Sayang lang, nacucurious pa man din ako sa kanya. Gusto ko syang maging kaibigan. 

"Ah Lia pwede bang magtanong?" 

"Oo naman." sagot nya. 

"Naaalala mo ba noon doon sa unang klase natin... iyong babae binabato nila?" 

"Ah oo. Si Sofia ba kamo?" 

Sofia? Iyon pala ang pangalan nya. 

"Ano bang meron? Bakit ganun na lang sya kung tratuhin ng mga estudyante rito?" Pasimpleng lumapit si Clarisse sa amin. Alam ko tulad ko nacucurious din sya tungkol kay Sofia. 

Tumingin muna si Lia sa buong paligid bago sumagot. Hininaan nya ang boses nya. "Marami na kasing record si Sofia dito sa school. Masyado na syang maraming gulong napasok. Muntik na nga rin syang nakapatay noon eh kaya wag kayong lalapit doon. Mapanganib ang babaeng iyon. Bali-balita rin na parte raw sya ng isang gang dito sa school. Hindi ko alam kung totoo pero iyon ang naririnig ko."

Muntik nang nakapatay? Parang ang hirap namang paniwalaan sa napakainosente nyang mukha. Gayunpaman, bigla kong naalala ang blanko nyang mga mata. 

"Pero teka, diba ikaw din yung tumulong sa kanya kanina? Kinalaban mo pa nga si Deck eh. Grabe ang astig mo! Ni minsan wala pang kumalaban sa kanya dahil lahat takot. Ikaw pa lang ang una Shay!" 

Napakunot noo ako sa tuwang tuwa nyang ekspresyon. "Deck? Sino naman iyon?" Deck. Nakakatuwa naman ang pangalan nya. Parang deck of cards.

"Si Deck, yung lalaking nanipa sayo pabalik ng upuan." Oh. So sya pala iyon. Yung lalaking may masamang tingin sa akin. "Pero dapat hindi mo na sya hinamunan ng tingin." 

Hinawakan ako ni Lia sa may braso at iniharap sa may kanan. Itinuro nya ang isang lalaki di kalayuan na nakikipagtawanan sa mga kasama nya. Medjo pamilyar sya sa akin pero noong tiningnan ko ng mabuti doon ko lang narealize, sya yung Deck na tinutukoy ni Lia. Sya yung lalaki kanina sa first subject. 

Iniiwas ko ang tingin matapos syang tumingin sa direksyon namin. Ang talim talim ng mga tingin nya. 

"Kanina ko pa napapansin, kanina ka pa binibigyan ni Deck ng masamang tingin Shay." bulong sa akin ni Lia. 

"Tingin ko nga." 

"Kaya dapat mag-ingat ka rito sa school. Nakikita mo ba yung mga kasama nya sa paligid?" Tumango ako bilang sagot. "Myembro sila ng gang na pinakasikat at pinakakinatatakutan dito sa school. Si Deck ang pinaka-leader nila."

"Oh." Ito na lamang ang namutawi sa mga labi ko.

Another gang leader then. Pero sa ikalawang banda, sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Deck parang may bigla akong naaalala. Parang nakita ko na sya noon hindi ko lang maalala kung saan. 

Ibinalik ko ang tingin sa grupo nila Deck di kalayuan. Kanina pa sila tawa ng tawa. Ano kayang pinagtatawanan nila? Hindi ko na sana bibigyan ng pansin pero noong mapansin na may taong nakaupo sa baba nila. Doon ko lang narealize ang ginagawa nila. 

"Hoy tabachoy! Tumayo ka nga jan! Konting exercise pa lang ang ginagawa natin hinihingal ka na? Hahaha! Ampotek! Nanguha ka pa kasi ng P.E class! Hindi ka bagay dito!" 

"Sipain nyo yan! Haha! Hindi pa makatayo!" 

Ladladan na ang ginagawa nila pero bakit walang ginagawa ang mga estudyanteng nakakakita? Imbes na tulungan ay nakikisama pa sila sa tawanan. 

"Sino sya?" tanong ko kay Lia. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin doon sa grupo nila Deck. 

"Si Andrei." mahina nyang sagot. 

"Matagal na ba nilang ginagawa ito? Wala man lang bang tutulong? Kawawa naman iyong tao." 

Nakatayo na si Andrei mula sa pagkakasadlak nito sa sahig. Narinig kong inutusan sya ni Deck na tumakbo ng hindi umaalis sa pwesto nya. Sinunod naman nya ito. Sya na tuloy ang centre of attention ngayon. Lahat ng mga estudyante ay pinagtatawanan ang ginagawa nya. 

"Tulad na rin ng sabi ko kanina, walang kumakalaban sa gang nila Deck. Tutulong ka pero ikaw rin ang mapapahamak. Mas mabuti na lang na itikom ang bibig at makisama sa kanila. Para na rin sa ikabubuti ng lahat. Wala na rin naman tayong magagawa." 

Parang mali yata iyon. Lahat tayo may magagawa. Sa lahat ng sinabi ni Lia, iyong sumunod na lumabas sa mga labi nya ang ikinagulat ko. "Parte si Andrei ng gang nila." 

Si Andrei? Parte ng gang nila? Pero ganun ang ginagawa nila? Pinagkakaisahan at pinagkakatuwaan lang nila? Sinabi rin sa akin si Lia na araw-araw daw ay si Andrei ang pinagkakatuwaan ng grupo nila Deck. Lahat ng iutos nila ay sinusunod nya, kahit pa yung mga bagay na nagmumukha na syang tanga.

"Alam mo medjo nabobored na ako eh. Kailangan natin ng music!" sabi ng isa sa mga kasama ni Deck. "Hoy tabachoy kumanta ka nga. Ang boring kapag tahimik eh." 

Sinunod naman ni Andrei ang inuutos nya. Habang tumatakbo takbo ay sinimulan nya ang kumanta. Punong puno na ng pawis ang mukha nya, halos tumulo ito sa namumutok nyang mga pisngi. Medjo may katabaan nga sya. Sa lahat ng mga estudyante rito sa loob ng gym, sya ang may pinakamalaking katawan. May kulay ang buhok nito. Blonde sa taas, itim sa baba. Pero ano pa man ang katangian at itsura ng isang tao, hindi tama ang ginagawa nila sa kanya. 

Umalingawngaw ang tawanan sa loob dahil sa kanya. Ikinuyom ko ang mga kamay sa gilid. 

"Infairness may boses si kuya." sabi ni Clarisse na nasa tabi ko. Nakatupi ang mga braso nito sa dibdib. Tulad ko ay naroon din ang tingin nya sa direksyon nila Andrei. "Kaso medjo t*nga nga lang." 

Inihakbang ko ang mga paa papunta sa kanila pero may humila sa braso ko. 

"Shay wag." puno ang takot sa mga mata ni Lia. Umiling iling sya sa harap ko. "Wag ka ng lumapit. Mainit na ang mga mata sayo ni Deck. Mapapahamak ka lang." 

Sa di kalayuan ay napahinto si Andrei sa pagkanta dahil bigla syang napaubo. Sinipa sya ng mga kasama kaya kahit hirap ng abutin ang hininga ay kumanta pa rin sya. Kinakanta nya yung kantang Royals by Lorde. Tama nga si Clarisse. May boses sya. Lalo na yung tumuntong sya sa linya na "And we'll never be royals.."  Napatunganga ako roon. Lalo na noong nag falsetto at nagvibrato ang boses nya. Shet. Ang suave. Kung nakapikit lang siguro ang mga mata ko, aakalain kong isa syang sikat na singer. 

Bigla ulit syang napahinto dahil hingal na hingal na sya sa patuloy na pagtakbo at pagkanta. Sa nakikita kong mukha ni Deck, mukhang hindi sya masaya. 

"Sinong nagsabing pwede kang huminto?" sabi ni Deck. Sinipa nya si Andrei sa tyan. 

"Tama na yan." sabi ko pero walang nakarinig. 

Hindi sumagot si Andrei kaya sinipa nya ulit ito. Nagsitawanan ang mga estudyante sa paligid. 

"Pagod ka na tabachoy? Hindi pa pwede. Nasimulan mo na eh. Kailangan mong tapusin yung kanta. Anong masasabi nyo roon classmates?"

"Tama! Kanta pa!" sagot pa ng halos lahat ng nasa loob. Nagsitawanan ang mga kasama ni Deck. 

"Tama na yan!" mga salitang tila walang nakakarinig. Muli kong ikinuyom ang mga kamay ko. Sinimulan ko ulit ang maglakad papunta sa kanila.

"Di ba pangarap mong makaduet yung idol na idol mo?" sabi ulit ni Deck kay Andrei. May nakakalokong ngiti sa mga labi nya. Isang ngiti na gusto kong masuka. "Ano na nga ba ulit ang pangalan nun? Serene diba? Si Serene Lopez?

Napahinto ako sa kinatatayuan ko. 

"Psh! As if namang mangyayari yun! In your dreams tabachoy! Hahaha!"

"Duet daw! Haha! Kung nandito man si Serene, hindi ka bibigyan ng pansin nun!"

"Marami ka pang kakaining bigas bago mo makaduet ang isang Serene Lopez!"

Muli nyang sinimulan ang pagkanta mula sa simula. Isinasabay nya ang pagpitik ng kamay sa kinakanta nya. 

Masyadong okupado ang isip ko ng mapansin na sumasabay na rin ang pagtapik ng paa ni Clarisse sa kinakanta ni Andrei. Noong tumingin ako sa kanya, tinaasan nya ako ng kilay na tila ba nagsasabi ng 'What?' Sa bawat linyang kinakanta ni Andrei ay ang pagpitik din ng kamay nya. 

Ibinalik ko ang tingin sa kanila. Pagkatapos, sinimulan ko rin ang pagpitik pati na rin ang pagtapik ng paa sa sahig. Tumingin ako kay Clarisse at nagsingisian kami sa isa't-isa. 

Huminga ako ng napakalalim. Noong tumuntong na sya sa lyrics na 

(Now playing --->) 

"But every song's like gold teeth, grey goose, trippin' in the bathroom..." 

Ibinuka ko ang bibig ko at nakisabay sa kanya para kumanta. Sa sobrang gulat ay napahinto pa si Andrei sa pagkanta dahil sa hindi inasahang boses. Gayunpaman, ipinagpatuloy pa rin nya ang pagkanta. Hindi lang sya ang nakatingin sa akin ngayon, buong klase na. 

Ipinagpatuloy namin ni Clarisse ang pagpitik na naglilikha bilang musika namin. Sabay na kami ni Andrei na kumakanta ngayon. Hindi alam ng mga kaklase namin kung saan titingin. Sa loob ng gym, tanging boses namin ang namumukod tangi. 

"Tama na. Ihinto mo na ang pagkanta Andrei." Narinig kong utos ni Deck sa kanya. Napangisi na lang ako ng hindi nya sinunod ito at nagpatuloy lang sa pagkanta. "Sabi ng tama na eh!" Mas lalo pa nitong nilakasan kaya pati ako ay ganun din ang ginawa ko. Masaya akong nakikita na nanggigigil na si Deck sa galit sa kinatatayuan nya. Marahil ay nasaktan ang pride nya dahil ni minsan, wala pang sumuway sa kahit anong inuutos nya. 

Tuloy tuloy lang kami sa pag-aacapella hanggang sa maya't maya ay may narinig kaming tunog ng isang gitara. Halos lahat kami ay tumingin kung saan ito nanggagaling. Nagulat ako ng makita si Pietr na nakatayo sa may pinto ng gym, nakastrap sa katawan nya ang gitara at may ngiti na halos lahat ng babae ay natunaw sa pagkakakita lang nito. 

"And we'll never be royals..." ulit namin ni Andrei sa chorus. Pati si Clarisse ay nakisali na rin. Sya yung nagdadagdag ng kulot kulot sa mga linyang kailangan nito. Nagsysynchronized sa hangin ang mga boses namin, pagpitik, pagtapik sa sahig at ang pagtugtog ni Pietr sa dalang gitara. 

Nandoon na kami sa part ng kanta kung saan malapit na sa huling pag-awit namin para sa pinakahuling chorus. Sa ikalawang pagkakataon, ginulat kami ni Pietr ng i-rap nya ang mga linyang ito. Lumutang ang boses nya, pati si Clarisse ay napanganga. Hindi naman kasi ito nira-rap pero sa ginawa nya, bumagay ito sa kanta. Kinanta namin sa huling pagkakataon ang chorus at nang matapos, bumalik ang katahimikan. Pero ang lahat ng tingin ay nasa aming lahat na, halos lahat sila ay nakanganga at puno ng gulat sa mga mata. 

Sunod sunod ang yabag ng mga paa ang papunta sa direksyon ko. Kwinelyuhan ako ni Deck sa damit. Hindi maipagkakaila ang galit sa mga mata nya. 

"Hoy transfer student. Kapag sabi kong tama na, tama na. Hindi ka ba marunong umintindi?" tinanggal ko ang kamay nya sa damit ko pero mahigpit ang pagkakahawak nya rito. Hindi ko ibinaba ang tingin ko, mata sa mata, tahimik kaming naglalaban dito. 

Maya't-maya pa ay nakita ko na lang ang malakas nyang pagbagsak sa sahig. Inihampas ni Pietr ang dalang gitara sa gilid ng mukha nya. 

Sa may malapit na distansya, nakita ko ang asul nyang mga mata. 

"D-diba s-si Pietr Ashen yun ng T-the Intricate Band?" 

"Oh my god."

"Sabi ko na nga ba sya yun eh! Ayaw nyo kasing maniwala!" 

Lumapit ang mga kasamahan ni Deck sa kanya at tinulungan syang tumayo. Pinunasan nya ang pumutok nyang mga labi. Sinubukan akong hawakan ng mga kasama nya sa magkabilaang kamay pero naunahan ko sila. Tig-iisang suntok lang, bagsak agad sila. 

Katahimikan ulit ang nanaig sa buong paligid hanggang sa...

"Ano pang ginagawa nyo? Huliin nyo 'yang dalawang yan!" galit na galit na utos ni Deck sa lahat ng kasama na nasa loob.

Susugod na sana ako ng bigla na lang may humawak sa kamay ko. Hindi ko na ito nagawang bawiin pa ng bigla na lang nya akong hinila palabas ng gym. Sa may likod namin ay ang mga galit na galit na grupo ng gang ni Deck at ang mga naghihiyawang babae na fan ni Pietr na walang ibang gusto kundi kainin kami ng buhay sa mga tingin pa lang nila. 

Bago kami tuluyang makalabas ay napunta ang tingin ko kay Andrei. 

I smiled at him. 

***

Please do read my other story titled "THE SEVENTH ROSE" 

Join our group LTMSOfficialGroup and Like us on FB LTMSOfficial :)

Lots of love Listeners <3 Thank you for reading my stories! Keep insping always! 

~OLE! ~(^O^)~

.ılı.G.Jade.ılı.

Continuar a ler

Também vai Gostar

1.4M 48.7K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
3.6M 159K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
1.2M 36K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
20.2M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...