LOVE AND PAIN(Completed)

By Wild_Amber

926K 25.5K 671

AIVAN "Sefh" GUERRERO->mahilig tumuklas ng iba't ibang uri ng inumin. Kaya naman dahil sa kanya ay mas lumawa... More

TEASER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
LOVE AND PAIN

Chapter 10

27.1K 820 21
By Wild_Amber

HALOS basagin ni Sefh ang lahat ng mahawakan niyang gamit sa loob ng kwarto niya matapus niya mapanood sa TV news ang balitang nalalapit di umano niyang engagement kay Vivian Salazar. At dahil sa takot ng kanyang ina ay tinawagan nito ang kuya ni Sefh na si Lexx maging ang iba nilang mga pinsan ay napasugud din.

"I will kill the person who made that bullshet news. I swear God, mapapatay ko." Anito sabay laklak niya ng alak sa buting hawak niya. Pawis na pawis na ito dahil sa pagwawala niya.

"Lexx, gumawa ka naman ng paraan para mapatahan mo ang kapatid mo. Natatakot ako, baka mapano ang kapatid mo." Halos makaawa ng kanilang ina kay Lexx. Kaya nayakap agad ito ng binata sa takot na mapano ang kanilang ina.

"Tita, don't worry. Hahanapin ko po ang taong nasa likod ng bullshet news na yan. Wala kaming pakialam kahit tanggalan kami ni lolo ng mana. Kung susuwayin namin siya sa kagustuhan niya. Hindi namin pinangarap na maikasal sa taong hindi namim mahal." Ani Greg. Aaminin nitong playboy nga siya pero hindi niya pinangarap maikasal sa babaeng hindi niya gusto at lalong-lalo ay hindi niya mahal. Kaya nga ng makita niya si Sarah ay hindi na niya ito pinakawalan pa. Dahil sa unang pagkakataon ay tumibok ang puso niya sa dalaga.

"Pinaimbistigahan ko na rin ang buong backround ng pamilya ni Moran Salazar. Wag lang talaga siya magkakamaling gumawa ng bagay na pagsisihan niya sa tanang buhay niya." Ang nakakuyom na saad ni Lexx sa mga ito.

"Kailangan natin magtulungan. Ayaw kung makita si Sefh ng ganyan. I know at ramdam kung mahal niya yung tinutukoy niyang si Cinderella." Sabat naman sa mga ito ni Wayn.

Ang pag-uusap nila ay biglang natigil ng lumabas si Sefh sa kwarto niya at pasuray-suray ito dahil sa kalasingan. Kaya mabilis itong tinakbo ni Aus mula sa hagdan upang wag ito mahulog.

"H-he-ey....I'm g-gey-tting e-eng-gaged w-with th-that b-bitch." Anitong nabubulol sa pagsasalita dahil sa kalasingan niya.

"Y-yasmiiiiin."

Ani Sefh at bigla naman nagkatinginan ang magpipinsan. Ang lahat ay nagtatanong ang mga mata kung sino si Yasmin.

"Cinderella, I'm g-getting e-engaged. Kaya ba h-hindi kana nagpakita kasi alam muna rin?" Kausap nito ang kawalan sabay kuha niya ulit ng alak na siyang naratnan ng kanyang ama na kasama ang pinsan nilang si Haide.

"Bro, enough. Lasing kana." Awat ng kuya niya sa kanya.

"H-hindi p-pah a-ako lash-sing k-kuya. T-tingnan mo." Anito sabay tayo niya ngunit muntik na siyang matumba mabuti na lang ay nahawakan agad ito ni Ryne at Brexx.

At dahil sa nakikita ni Brexx sa pinsan niya ay biglang nag-igting ang mga ngipin niya sa galit. Hindi naman makapagsalita si Haide dahil sa naratnan niyang kalagayan ng pinsan niyang si Sefh.

Dahil sa namumuong galit sa dibdib ni Brexx ay mabilis itong umalis at lumabas ng bahay. Agad nitong tinawagan ang mga taohan niya. Siya si Brexx Guerrero at wala itong sinasanto kahit sino. Wala itong takot pumatay kung kinakailangan. Ayaw niyang nakikita si Sefh na nasasaktan. Pinsan niya ito kaya handa niya itong tulungan. Aanhin niya ang lakas niya kung hindi niya magamit para sa taong kadugo niya.

"K-kung kai-lan, you feel in love with someone. Your in a complicated situation." Ani Sefh na tila nahimasmasan ng painumin ni Jaiden ng black coffee. "May-be, kaya ako tinakbuhan ni Yasmin dahil masasaktan lang siya sa akin kung nanatili siya." Anitong tila doon lang niya maiibsan ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pag-amin niya ng nararamdaman.

At dahil sa narinig ay biglang natutup ni Haide ang bibig. Sinasabi na nga ba niya e. Tama ang pakiramdam niya noong nakita niya si Yasmin.

"Sefh, may itatanong lang ako sayo ha." Ani Haide na agad lumuhod sa harapan ni Sefh sabay hawak niya ng magkabilang pisngi ng pinsan. Tumango naman ito bilang sagot kay Haide.

"Okay. Si Yasmin ba ay kasing tangkad ko. At ang katawan niya ay parang katawan ni Kaye. Ang buhok niya ay kulay black na lampas likod. Bilugan ang maamo niyang mukha at mahaba ang mga pilik mata niya. Maputi siya at kapag ngumiti siya ay tila kumikislap ang buo niyang mukha. She is simple but beautiful?" Sunod-sunod na tanong ni Haide. Hindi naman makapagsalita si Sefh sa tanong ni Haide dahil hindi naman ata ito nagtatanong kundi naglalarawan ng isang tao.

"Y-you know her. Where is she. I'm begging you, please tell me." Bigla nitong makaawa kay Haide.

"I saw her in New York." Sagot nito. "Kuya, please help me. Gusto kong makita si Yasmin. Please, kuya." Makaawa nito kay Lexx ng balingan niya ito.

"Baka hindi mo na siya makikita sa New York. Dahil ang sabi niya ay this week siya babalik ng Pinas dahil tapos na ang trabaho niya doon. May kumpanya kasi ang pinsan niya sa US at nagkaproblema. Kaya kinailangan niyang lumipad patungong New York para tulungan ito." Paliwanag ni Haide kay Sefh.

"Alam mo ba kung saan siya tutuloy dito sa Pinas?" Muli ay tanong nito at isang iling lang ang sinagot ni Haide. Kaya biglang bumagsak ang mga balikat ni Sefh sa pagkadismaya. Maging si Haide ay gusto niyang kutusan ang sarili dahil hindi man lang niya ito inaalam kung saan ito nakatira dito sa Pilipinas. Maging complete name nito ay hindi man lang niya naitanong o inalam, how stupid.

Gusto sanang sabihin dito ni Haide ang isang bagay na natuklasan niya sa New York. Ngunit mas pinili na lang niyang itikom ang bibig. Dahil alam niyang kapag sinabi niya yun ay baka mas lalong masiraan ng ulo ang pinsan niya sa pag-iisip kay Yasmin at paghangad na makita itong muli.

"Calm down, makikita rin natin si Yasmin." Ani Brexx sabay tapik nito ng balikat ni Sefh. Si ginoong Alejandro naman ay nag-igting na ang mga ngipin nito sa galit. Ayaw niyang nakikita ang bunso niyang nasasaktan o ni isa man sa mga anak niya.

SAMANTALA matapos matawagan ng pinsan ni Yasmin na si Rolly ang kakilala nila sa Italy na inaalok ng trabaho doon si Yasmin ay agad nitong ibinalita ang napag-usapan nila sa kanya. At gaya ng sabi ni Rolly ay hinihintay parin siya ng mga ito. Kaya naman agad ipinadala ni Yasmin ang mga documents niya sa Italy na kailangan upang maaprobahan ang paglipad niya patungo doon sa pamamaitan ng email. At dahil nga gustong-gusto ng naturang kumpanya si Yasmin ay agad naaprobahan ang papers niya, 24 hour lang ang inilagi niya sa Pilipinas ay muli siyang lumipad patungong Italy.

"Doon tayo magsisimula, baby. Kakayanin natin ito basta wag ka lang bumitaw kay mommy. Mahal na mahal kita, kaya gagawin ko ang lahat para sayo." Kausap nito ang impis niyang tiyan bago siya huminga ng malalim.

Paglapag ng sinasakyan niyang eroplano sa Italy ay ang panibagong buhay at yugto na kakaharapin niya. Alam niyang hindi madali ang gagawin niya at naging pasya. Pero yun na lang ang tanging alam niyang paraan para takasan ang lahat. Hindi niya kayang ipagsiksikan ang buhay at sarili niya sa taong naging dahilan kung bakit may buhay na nasa sinapupunan niya ngayon.

Tama na para sa kanyang nagpakatanga siya minsan. Kung hindi siya lumaklak ng alak ay siguro wala siya ngayon sa setwasyon na meron siya ngayon. Kaya ayaw niyang manisi ng iba sa sinapit niya. Tanggap na niya ang lahat at ang kailangan na lang niyang paghandaan ay ang mangyayari sa hinaharap. Dahil alam niyang hindi kailan man maitatago ang isang lihim. Kaya gusto niyang paghandaan ang lahat bago dumating ang oras na yun.

Matapos makuha ni Yasmin ang mga bagahe niya ay agad siyang lumabas ng paliparan.

"Benvinute qui in Italia signora." Anang guard sa exit ng airport na ang ibig sabihin ay 'welcome here in Italy ma'am'. "Grazie." Sagot niya dito.

Agad na tumawag ng taxi si Yasmin nang tuluyan siyang makalabas ng airport. Hindi naman nagtagal ang taxi at huminto ang taxi driver sa tapat niya.

"Dove sei signora?" Anang taxi driver kay Yasmin ng makasakay siya sa loob ng taxi na ang ibig sabihin sa salitang Filipino ay 'Saan po kayo ma'am?'

"Vi prego di portare a questo indirizzo."(Paki hatid po ako sa address na ito). Anito sabay abot niya ng kapirasong papel sa taxi driver.

"Va bene, signora." Anang taxi driver na ang ibig sabihin ay 'sige po, ma'am'.

Habang sakay si Yasmin ng taxi ay napapangiti siya. Ilang taon na ba siyang hindi nagagawi dito sa Italia. Sa pagkakatanda niya ay noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang dahil sa tuwing holidays ay dito sa nagcecelebrate mag-anak. Meron silang bahay sa Italy dahil ang ina nito ay may dugong Italian. Ngunit ng mamatay ang magulang niya ay ipinagkatiwala na niya ang bahay nila sa kapatid ng kanyang ina. Kaya nasisiguro niyang magugulat ito kapag nakita siya nito maging ang iba nilang kamag-anak na nakatira sa Italy.

"Baby, nandito na tayo sa Italy. Sorry, kung hindi mo magigisnan paglabas mo sa mundong ito ang daddy mo. Hindi na dapat e. Meron na siyang ibang magiging pamilya. Don't worry, kaya ka naman buhayin ni mommy mag-isa." Kausap nito ang impis niyang tiyan.

Maya't maya ay pinunas nito ang kanyang mga luha sabay ngiti nito. "Dahil sa letseng pag-ibig na yan e nagiging iyakin na ako. Ano ba yan, mabuti pang walang pag-ibig dahil walang sakit sa ulo at heart ache." Anitong naiiling.

Makalipas ang ilang minutong byahe ay huminto ang sinasakyang taxi ni Yasmin sa tapat ng may kalakihan ding bahay. Kaya maingat siyang bumaba matapus niya silipin sa labas ang naturang bahay. Agad din naman ibinaba ng taxi driver ang mga gamit niya.

"Grazie." Pasalamat nito sa taxi driver matapus siyang maybayad dito. Nguminga muna siya ng malalim bago niya inihakbang ang mga paa at nagdoor bill sa labas bahay na kinatatayuan niya.

"Chi è?(sino yan?)." Tanong ng sumagot sa entercom.

"Sono io, Yasmin(It's me Yasmin)." Sagot dito ni Yasmin. Makalipas ang ilang sigundo ay bumukas ang pinto at lumuwa doon ang isang ginang.

"Yasmin, è che voi?(Yasmin, ikaw na ba yan?)." Paniniguro ng ginang kay Yasmin.

"Sì, sono la zia(Opo, ako nga po tita)." Anitong nakangiti. Kaya mabilis itong niyakap ng ginang.

"Dio, se si è giovani. Perché si appena andato. Vieni dentro(Diyos, kung bata ka. Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan. Halika sa loob)" Anang ginang sabay akay nito kay Yasmin matapus niya itong tulungan sa dala niyang bagahe papasok sa loob ng bahay.

"Grazie. Come stai?(Thank you. Kumusta po kayo?)" Anito sa ginang. "Sto bene, cara(Ayos lang ako, hija)" Sagot nito kay Yasmin.

"La più bella, cara(Mas lalo kang gumanda, hija)" Puna ng nakangiting ginang kay Yasmin. "Si cresce buono come tua madre(Lumaki kang kasing ganda ng iyong ina)" Dagdag nitong turan kay Yasmin na napangiti.

Nang marating nila ang loob ng bahay ay napangiti agad si Yasmin dahil walang ipinagbago ang loob nito. Gaya parin ito noon. Bahagya nitong huminga ng malalim ng makita niya ang larawan ng kanyang ama't ina na naroon. Ilang taon na niyang hindi nakakasama ang mga ito. Miss na niya ang magulang ngunit alam niyang kahit saan man siya makarating ay nasa tabi niya ang mga ito. Saktong kakapain niya ang suot niyang kwentas ay bigla siyang napakunot ng hindi niya yun makapa sa kanyang leeg. Bigla siyang kinabahan kung saan niya naiwala ang kwentas niya. Bigay yun ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Kaya lagi niya yun suot kahit saan siya magpunta. Bigla siyang napabuntong hininga dahil naiwala niya ang kwentas na bigay ng kanyang ama at maging ang pagkababae niya ay nawala sa kanya ng parang isang bula.

TBC.

➡Ayan, next time ulit....mag-aaral muna ako ng ibang lingwahe at baka sapatosin niyo ako kapag mali-mali ang tinipa ko dito. Kung baga e maging ten-ten-ten ang thirty.....hahaha!!!!! Sa meron mga tanong dyan e wag mahiyang magtanong sa inbox ko dito sa wattpad at FB dahil wala rin akong hiya minsan....hahaha!!!!
.
.
Grazie.
.
.
.
Chao.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
5.6M 353K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
1.4M 34.1K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...