So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 46 : Revelation - Unsure

15.1K 292 79
By Ytianity

GOOD NEWS: May something dito.

BAD NEWS: Hindi yun katulad ng ine-expect niyo. Hehe. :)))

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

Masaya na sana yung gising ko after nung party ko eh. Na-badtrip lang ako nung makita ko na kasama din namin sa kama si Jake. Gusto ko sana siyang itulak nun, kaso nakapagitna sa amin si Allen eh.

"Karl, paabot nga ng ballpen ko! Hindi mo naman binalik sa akin eh." narinig kong sabi ni Allen kaya natauhan ako.

Kinuha ko yung ballpen niya at iniabot sa kanya.

Hindi naman siya nagsulat bagkus ay inilabas niya ang cellphone niya, sinalpak ang earphone sa tenga niya at parang may pinanunuod siya.

Maya-maya lang ay tawa na siya ng tawa kaya naintriga kaming tatlo. Lumapit kami sa kanya pero tinaob naman niya ang phone niya sa desk. Ang damot!

"Ano ba yan?" tanong ni Jason.

"Cellphone." sagot ni Allen.

"Tanga, yung pinanunuod mo!" sabi naman ni Jason.

"Secret! Bagong taon na, usisero ka pa rin!" sagot naman ni Allen sa kanya.

"Eh ikaw, bagong taon na, bakla ka pa din." sabi naman niya kaya nakatanggap siya ng masamang titig mula sa akin at kay Allen.

"Leche! Susumbong kita kay Diane! Sabihin ko may kahalikan ka at nakita ko yun!" pagbabanta naman ni Allen kay Jason at nabakas namin ang takot.

"Tangna, wag! Bubugbugin ako nun!" takot na takot na sabi nito kay Allen na parang nagmamakaawa.

"Exactly! Papabugbog talaga kita kay Diane pag inaway mo pa ako." sabi pa niya.

"Oh sige, hindi na. Ibibili kita ng juice, gusto mo?" tanong sa kanya nito at tumango naman siya.

Over the holidays ay wala akong balita sa mga kaibigan ko. Si Allen lang kasi ang focus ko. Kanina ko nga lang nalaman na nagkakasundo na ng maigi sina Jason at Diane, pero hindi pa rin sumasagot ang huli. Hahaha. Kawawang Jason. Ngayon lang siya nanligaw ng matagal. Base kasi sa record ko, isang linggo ang pinakamatagal niya. Ang pinakamabilis? 5 MINUTES! Eh ngayon, lagpas dalawang buwan na pero nganga pa rin siya! Hahaha.

Nung umalis si Jason ay lumapit naman ako kay Allen.

"Ano ba yang pinanunuod mo, Babe?" tanong ko sa kanya, yung mahina lang. Yung kaming dalawa lang ang magkakarinigan.

"Wala po!" mahina at nakangiti niya namang sagot tapos ay binulsa na niya ang phone niya.

Tinitigan ako ni Allen ng masama, nung lumapit pa ako lalo ng upo sa kanya, tapos ay tinitigan niya ang direksyon ni Jomar na parang tinuturo ito sa akin. Napalingon naman ako kay Jomar at nakita siyang nakatalikod sa amin.

Humarap uli ako kay Allen at bumulong sa kanyang ayos lang yan. Hindi kami mapapansin ni Jomar dahil busy ito sa paglalaro.

Marahan kong inakbayan si Allen tapos ay hinalikan siya sa pisngi. Umamba siyang kukutusan ako pero hindi niya itinuloy.

"Par, hindi ako tanga." biglang sabi ni Jomar kaya nagmamadali kami ni Allen na lumayo sa isa't-isa.

"Ha!? Ano yun, Par?" tanong ko sa kanya.

Huminto siya sa paglalaro at binulsa ang phone niya tapos ay humarap siya sa amin. Buti na lang at nakalayo na ako kay Allen.

"Mahihirapan lang kayo." sabi niya sa akin, hindi, sa aming dalawa pala ni Allen.

Napalingon ako kay Allen ng puno ng pagtataka, pero ganun din ang nabakas ko sa mukha niya.

Nilingon ko ulit si Jomar at tinitigan sa mata.

"Anong sinasabi mo, Par?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga siya tapos ay tumayo siya at nagpamulsa. Nilapitan niya kami at huminto sa harap namin.

"Kailan pa? Gaano na katagal?" magkasunod niyang tanong na ipinagtaka ko lalo.

"Kung ano man yan, mukhang labas ako dyan ah? Iwan ko muna kayo, gusto niyo?" sabat ni Allen tapos ay kinuha niya ang bag niya at tumayo.

"You're not going anywhere, Allen. Kasama ka sa issue na 'to." seryosong sabi ni Jomar kay Allen kahit na sa akin siya nakatitig.

Nangingimi namang umupo si Allen habang tinititigan sa mukha si Jomar.

"Par, ano ba yun? Ano ba yang mga pinagtatatanong mo?" tanong ko ulit sa kanya.

Bumuntong-hininga ulit siya tapos ay tumingin siya sa paligid. Nandito kasi kami ngayon sa dulo ng hallway.

Nung masigurado niya atang walang tao ay nilingon niya kami.

"Gaano na kayo katagal ni Allen?" tanong niya sa akin na ikinagulat namin parehas ni Allen.

Napatayo pa si Allen tapos ay napatingin siya sa mukha ko na puno ng pag-aalala.

"Par, ano bang sinasabi mo? Hindi ka namin maintindihan." palusot ko sa kanya. Pero, in truth, natatakot na din ako. Paano niyang nalaman na kami nga ni Allen?

"Ako pa ba ang gagawin niyong tanga? Alam niyo namang sa ating apat, ako ang pinaka-observant. At sa lahat ng pagkakataon ay nakikita ko kayo. Palagi kayong magkadikit. Palagi kayong kuntento na kayo lang ang magkasama. Minsan pag badtrip ang isa, hindi pwedeng hindi din badtrip ang isa. Pag masaya ang isa, halata naman sa isa na masayang-masaya din siya. At nakumpirma ko lahat ng hinala ko nung birthday party mo, Par. Akala niyo hindi ako nakikinig pero maya't-maya mo siyang tinatawag ng 'Baby'. Tapos ang talim pa ng mga titig mo kay Jake habang kaakbay niya si Allen. Ngayon, sabihin niyo. MALI BA ANG HINALA KO?" seryoso niyang sabi pero hindi bakas ang galit sa boses niya. Parang gusto niya lang ng kaliwanagan sa mga nangyayari.

Tumayo din ako at lumapit kay Allen. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa harap ni Jomar.

"Par, we've been together for almost 10 months." sagot ko sa harap ni Jomar. Naramdaman ko ang pagpisil ni Allen sa kamay ko kaya pinisil ko rin ang kamay niya para pakalmahin siya.

Nagulat kaming parehas ng mapasigaw si Jomar ng 'Shit!'.

"Par, sorry, ayaw kong sabihin na kami kasi natatakot kami sa magiging reaksyon niyo. Hindi kami handang mahusgahan lalo na ninyo." pagpapaliwanag ko kay Jomar.

Ramdam ko yung panginginig ni Allen kaya binatawan ko ang kamay niya at inakbayan siya.

"It's okay, kung hindi nila tayo tanggapin. As long as I got you, kaya kong harapin ang lahat." mahina kong sabi kay Allen.

Biglang may bumatok sa akin kaya lumingon ako.

"Gago! Ako pa ang aakusahan mo na mapanghusga? Kailan mo ba nakitang diniscriminate ko si Allen o ang iba pang bakla? Tangna, may kapatid din akong bakla kaya anong karapatan ko para manghusga diba? Ang punto ko lang, bakit hindi niyo sinabi sa amin o kahit sa akin lang? Alam niyo namang tatanggapin ko lahat ng desisyon ninyo eh, as long as alam kong dun kayo sasaya. Hindi naman ak---" hindi na namin siya pinatapos ng pagsasalita ni Allen dahil niyakap na namin siya.

"Hindi ka galit?" tanong ni Allen.

"Hindi. Pero medyo nagtatampo ako dahil nagsikreto kayo sa akin." sagot naman niya.

"Sorry na, Tay! Ang akala namin kasi magagalit ka pag nalaman mong may relasyon kami eh. Gusto na talaga naming umamin sa inyo kasi nahihirapan na din kami, kaya lang pinangunahan talaga kami ng takot eh. Lalo pang marami pa naman ang judgmental at sobrang kitid ng utak." sabi pa ni Allen habang nakasubsob sa dibdib ni Jomar.

Kumalas ako saglit at tinapik sa balikat si Jomar.

Tinitigan niya ako at nginitian.

"Par, salamat sa pagtanggap. Hindi naman namin aakalaing ganito ang magiging reaksyon mo eh. Salamat talaga! Mabuti na lang at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo." buong-puso kong pagpapasalamat sa kanya. Halos maiyak na nga ako eh. Hindi lang talaga halata. Hehehe.

Tinapik niya rin ako sa braso at pinatong ang kamay niya sa balikat ko.

"Par, tayo-tayo ang magkakaibigan tayo pa ba ang mag-iiwanan? I may not seem like it pero natutuwa ako sa inyo. Sana nga pag nakakita si Greg ng lalaking para sa kanya, gusto ko yung katulad ng isa sa inyo." sabi niya pa nang nakangiti.

Nginitian ko ulit siya at tinanguan.

"Salamat talaga." sabi ko na lang tapos ay nakuntento na akong titigan si Allen na nakayakap pa rin kay Jomar. Sobra talagang thankful siya kasi tinanggap kami ng kaibigan namin.

Pero, isa lang si Jomar. Paano namin haharapin si .....

ALLEN'S POV

"..... JASON?" biglang tanong ni Jomar nung ihiwalay niya ako sa katawan niya.

"Matagal na din naming pinag-iisipan yun eh. Pero, parang hindi pa tama. Alam mo naman kung gaano kagalit sa mga bakla yun diba? Lalo na't kaibigan niya pa. Tch." sabat naman ni Karl.

"Par, malalaman at malalaman niya din 'to. Pag pinatagal niyo pa, baka lalo lang siyang magalit. Baka sabihin pa niyang hindi siya pinagkakatiwalaan kaya huli niyang nalaman. Kung ako sa inyo, kausapin niyo siya ng masinsinan. Marunong naman umintindi yun eh, kailangan niyo nga lang ipaunawa ng maigi kasi medyo may kakitiran nga utak nun." sagot naman ni Jomar.

At dun na ako nagsimulang mag-alala.

Paano kung hindi makinig sa amin si Jason? Paano kung hindi siya pumayag sa relasyon namin ni Karl? Paano kung magalit siya sa amin? Paano kung ---

"Okay lang yan! Kaya niyo 'to. Nandito ako pag kailangan niyo ng tulong. Kaibigan natin si Jason. Naniniwala akong malalampasan niyo 'to." biglang sabi ni Jomar habang ginugulo ang buhok ko at tinatapik naman si Karl.

Nangiti ako dahil napaka-comforting ng mga pinagsasasabi niya.

Bigla siyang umupo at dumekwatro.

"Nag-sex na ba kayo?" bigla niyang tanong.

"TANGNA MO! Hindi pa kami nagga-ganun!" hiyang-hiya kong sabi sa kanya.

Si Karl naman, nakatahimik lang at nakangiti. Yung tipong parang sinasabi niya na nagsisinungaling ako!

Sinuntok ko yung braso niya at pinanlakihan siya ng mata.

"What?" tanong niya lang sa akin na para bang sinasabi niyang wala siyang dapat sabihin o itanggi.

Nilingon ko ulit si Jomar at sinabing hindi talaga nangyari yun. Wala pang nangyayaring ganun sa amin. Pero parang pati siya, hindi na naniniwala sa akin.

"Karl! Sabihin mong hindi pa tayo nagse-sex! Gago ka! Mamaya kung ano isipin ni Jomar eh." pagpupumilit ko naman kay Karl.

"Bakit? Ano ba dapat ang isipin ko? Diba sabi mo, hindi pa kayo nagga-ganun? Eh bakit ganyan ka maka-react?" tanong naman sa akin ni Jomar.

"Eh hindi ka naman naniniwala eh." sabi ko naman.

"Naniniwala ako." sabi niya.

Pero nung titigan ko siya sa mata, parang nagpipigil siya ng tawa.

"Seryoso. Naniniwala ako. Natatawa lang talaga ako sa'yo." nakangiti niyang sabi tapos ay inilabas niya na naman ang cellphone niya.

Mangungulit pa sana ako kaso bigla namang dumating si Jason.

Seryoso ang mukha niya nung iabot niya sa akin yung suhol niyang juice.

"Masama ata ang ang loob mo eh. Sige wag na, sa'yo na yang juice mo." pagtatampo kong sabi sa kanya.

Nawala naman yung seriousness sa mukha niya at bigla siyang ngumiti.

"Hindi. Hindi. Napagod lang ako sa pag-entertain ng mga hot girls sa baba kanina. Ang dami! Dinumog ako na para bang mga bubuyog!" pagkukwento niya naman exaggeratedly.

Kinuha ko yung juice at binuksan ang takip nun saka ako tumungga. Pagkatapos kong uminom ay inabot ko kay Karl ang bote para makainom siya. At saka para mag-kiss na rin kami kahit indirectly lang. Hahaha.

Umupo si Jason sa tabi ko at bumuntong-hininga. Nagulat ako sa kinilos niya. Kasi, on a normal day, hindi siya umuupo sa tabi ko. Palaging si Karl at Jomar ang katabi niya. Hindi naman sa pinandidirihan niya ako, pero nasanay kasi siyang yung dalawa ang kadikit palagi eh kaya hindi ko siya masisisi.

"May problema ka, wag ka nang magpalusot." bulong ko sa kanya.

Para naman siyang nagitla at tinitigan ako ng may pangamba sa mata.

Umiling siya at pilit itinanggi na wala ngang problema, pero halata kasi sa mata niya eh.

"Wala 'to, promise. Pagod lang talaga ako." nakangiti niyang sabi tapos ay nag-slouch siya tapos ay napatitig sa malayo.

May problema 'to, no doubt. Hindi ko nga lang alam kung ano. Siguro hindi pa nga ito ang panahon para isabay ang pasabog namin ni Karl. Baka pumutok na lang bigla 'to tapos mag-amok na parang si Hulk! Ahahaha.

Next time. May panahon naman para sa lahat ng bagay eh. Sana nga lang, okay siya sa ganung panahon. Tss.

Tinapik ko na lang siya sa balikat at tinanguan.

"Pag hindi mo na kaya, nandito lang kaming mga kaibigan mo ha? Handa ka naming tulungan anytime." nakangiti kong sabi sa kanya tapos ay bumuga siya ng hangin saka ako tinanguan.

"Salamat p're. Wala 'to." sabi niya lang. At talagang pinanindigan niya ha?

KARL VINCENT'S POV

"Tangna naman nito ni Jomar eh! Nakaka-gago na!" inis na inis na sabi ni Allen na nasa tabi ko ngayon habang ako ay nagda-drive.

Napagkasunduan naming sa bahay siya matutulog ngayon kaya nagpaalam agad kami sa mama niya.

"Bakit? Anong sabi?" tanong ko sa kanya.

"Pinipilit akong magkwento ng tungkol sa relasyon natin. Baka daw kasi umuwi ang kapatid niya dito sa Pilipinas at humingi ng tulong sa kanya." sagot naman niya tapos ay ibinulsa niya ang phone niya.

"Ayaw mo nun? Kahit papaano ay nakatulong tayo kay Jomar? Parang bayad na din natin sa paglilihim natin sa kanya." sabi ko sa kanya na para bang kinokonsensiya ko siya.

Napa-'Tss' naman siya tapos ay tumukod siya sa may bintana.

"Oo na. Magku-kwento na. Kukwento ko lahat, pati yung lasing ka tapos ang akala mo imagination mo lang ako." sabi niya bigla kaya iginilid ko ang sasakyan saglit.

"Oh bakit ka tumigil?" tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot dahil pinipigilan ko ang nararamdaman ko ngayon. HIYA.

"Karl, bakit tahimik ka?" tanong niya pa sa akin tapos ay hinawakan niya ako sa braso.

Hindi ako makalingon sa kanya dahil pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko. Grabe naman kasi eh. Bakit pinaalala pa?

Naramdaman kong nawala ang kamay niya sa braso ko at dumampi ito sa baba ko.

"Harap ka nga sa akin." utos niya tapos ay hinawakan na niya ng tuluyan ang baba ko at pilit akong inihaharap sa kanya.

Nanlaban ako at pilit na iniiwasang mapalingon sa kanya.

Nakakahiya kasi talaga yung eksenang yun para sa akin eh. First time confession ko yun sa kanya at lasing pa ako. Tapos first kiss ko din yun sa lalaki at inakala ko pang ilusyon lang siya. Nakakahiya talaga!

"Karl? Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" tanong niya at napailing naman ako bilang sagot.

"Wala kang sakit? So, ano yang pamumula mo? Nahihiya ka? O kinikilig?" tanong niya kaya napabalikwas ako ng tingin sa kanya.

Napa-'Ahh' siya na para bang na-realize niya kung bakit ako namumula ng ganito.

"Nahihiya ka dun sa ginawa mo. Nung lasing ka at nagtapat ka sa akin at hinalikan mo ako dahil ang akala mo ay ilusyon lang ako." pagpapa-alala niya pa kaya lalong nag-init ang mga pisngi ko.

"Grabe, Karl. Nahihiya ka pa sa eksenang yun? Eh tayo naman na ah? Nagbunga na ang ginawa mo nun." sabi pa niya.

"Eh hindi naman ako sa'yo nahihiya eh. Kay Jomar. Nakakahiya pag nalaman niya pa yun. Sabihin pa nun, ako ang unang bumigay." mahina kong sabi sa kanya.

"Hasus! Oh sige, tatanggalin ko na yung part na yun. Basta ba wag lang mapahiya ang Baby ko sa mga kaibigan namin." buong lambing naman niyang sabi tapos ay kinurot niya ang pisngi ko.

Masakit yun pero tiniis ko na lang kasi baka magbago ang isip niya at ikwento pa ang part na yun kay Jomar. Mas masakit naman sa ego yun! Nakakahiyang malupit!

"Sa tingin mo ba, matatanggap tayo ni Jason?" biglang tanong ni Allen.

Nagpalinga-linga ako saglit na parang may hinahanap.

"Saan galing yun?" pabiro kong tanong. Bakit naman kasi ganun ang tanong? Nangangamba ba siya?

"Ang alin?" tanong niya sa akin.

"Yung nangangambang boses?" sagot ko naman tapos ay nakangiti ko siyang binalingan ng tingin.

Tumikwas na naman yung dulo ng labi niya at inisnab ako. Hahaha.

"Eh kasi naman eh. Sinong hindi mangangamba? Si Jason yun eh. Nakita ko na kung gaano niya kaayaw ang mga baklang lumalapit sa kaibigan niya." pagdadahilan niya.

"Pero, kaibigan ka niya diba? Nagalit ba siya sa'yo? Pinaramdam niya bang ayaw niya sa'yo? Oo, ayaw niya sa mga bakla, pero exemption ka dun. Iba ka kasi sa mga nakilala niya, sa mga nakilala namin." sabi ko sa kanya, trying to comfort him.

Bumuntong-hininga siya na parang galing sa hukay, ang lalim kasi eh, tapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Hope you're right. Sana nga matanggap ni Jason kung anumang meron tayo ngayon." seryoso niyang sabi habang tinititigan niya ang magkahawak naming mga kamay.

Inangat ko yung akin at nilagay sa batok niya para kabigin siya papalapit sa labi ko.

I gave him a light peck on the lips then pinitik ko ang tenga niya.

Napaatras siya at napatakip ng tenga niya.

"You worry too much kasi." sabi ko na parang tinutukso ko pa ang pag-aalala niya.

"Lul mo! Sadista ka lang sabihin mo!" ganti naman niya.

Gusto kong barahin yung sinabi niya, pero may naisip akong mas magandang paraan para gawin yun.

Pinaandar ko na nang mabilis yung sasakyan ko para makarating agad kami sa bahay. Hindi muna kami nag-usap para makapag-focus ako sa daan.

Nung maka-parl na ako sa garahe ay agad na bumaba si Allen na sinalubong naman ni Mommy.

Nagtaka ako. Why is Mom clad in an attire she doesn't wear anymore?

"Uhm, Mi? Saan punta? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko sa kanya habang bakas na bakas sa mukha ko ang 'unbelievable' look.

"Dad and I are going on a vacation. It's somewhere down south kaya ganito ang suot ko." sagot naman niya na mukhang excited na excited. Sabagay, ngayon na lang naman sila magbabakasyon ng magkasama eh.

"WAIT! DAD'S HERE!?" then does that mean na nandito din si Claire?

"Yeah. Pero hindi niya kasama si Claire. May klase pa kasi sila at kailangan niyang tapusin yun." sabi ni Mommy at naramdaman kong parang lumungkot si Allen.

"Allen, are you alright?" tanong ni Mommy. See? Apektado pa rin siya sa isyu na yun.

"Okay lang po. Medyo napagod lang po siguro ako sa mga activities namin sa school." palusot ni Allen tapos ay yumuko siya.

"Buti naman. Oh siya, mauna na ako. Baka hinihintay na ako ng Daddy mo eh." nakangiti niyang sabi tapos ay lumabas na siya ng gate at sumakay sa kotse niya.

Kinawayan na lang namin siya ni Allen habang paalis ang sasakyan niya.

Nung mawala na siya sa paningin namin ay hinawakan ko ang kamay ni Allen at hinila ko siya papasok ng bahay hanggang sa kwarto ko.

Itinulak ko siya sa kama tapos ay lumabas muna ako para pagsabihan si Manang na late na kami kakain dahil may gagawin pa kaming project sa taas at hindi kami pwedeng gambalain. Pinagbawalan ko din siya na umakyat sa taas kasi baka may malaman siya eh. Hehehe.

Bumalik ako sa kwarto at nakita ko si Allen na nakaupo sa gitna ng kama at parang nanunuod na naman ng video mula sa phone niya.

Dahan-dahan akong pumasok para hindi niya ako marinig at makita. Dumikit ako sa pader na parang ninja tapos ay lumapit ako sa likod niya. Nakita kong may dalawang lalaki sa video pero hindi ko maaninagan ang mga mukha. Nandiri ako sa paraan ng paghahalikan nila pero parang may something sa katawan ko na parang nag-init at nagustuhan ang eksenang nakikita ko. Ano ba 'to!? Nandidiri ako sa video ng dalawang lalaking naghahalikan, pero pag kami naman ni Allen, parang ayoko naman siyang tigilan. Baliw na talaga ako.

Bigla ko na lang hinablot sa kamay niya yung phone at itinaas ito sa ere! Napatili siya sa sobrang pagkabigla pero umikot siya para agawin din sa akin yung cellphone niya.

"Akin na yan! Bubugbugi kita pag hindi mo binigay sa akin yan!" sabi niya sa akin kaya natawa lang ako.

Ako? Bubugbugin niya? Eh kung siya kaya ang bugbugin ko? Tutal at nasa kama naman na kami eh. Hahaha.

Pinatong ko yung kamay ko sa isang balikat niya at malakas siyang itinulak dahilan para mahiga siya. Agad akong umupo sa tiyan niya para hindi na siya makawala. Kahit anong pilit niyang kumawala ay hindi niya magagawa dahil mas malakas ako sa kanya. Inipit ko na rin yung kamay niya para hindi na talaga siya makapanlaban. Sinubukan kong panuorin yung video pero nagpupumiglas si Allen.

"Babe, saglit lang! Panuod kahit konti. Halos maya-maya mo na lang 'to pinapanuod eh tapos bigla kang tatawa kaya naku-curious ako. Panuod lang, please?" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Bahala ka. Wag kang magagalit sa makikita mo ha?" sabi niya lang tapos ay tumigil na siya sa pagpupumiglas at lumingon sa kabilang side.

/ Allen. / narinig kong sabi ng isang lalaki sa video kaya tinutukan ko na yun.

Pero pucha! Si Jake 'to ah? At saka .... saka .... saka ..... AKO!?

Ako!? Kahalikan ko si Jake? Pucha! Anong kagaguhan 'to!?

"Allen! Ano 'to!? Bakit si Jake ang kahalikan ko? Nakakadiri!"

"Wow ha!? Ako nga, araw-araw mong kahalikan pero hindi ka nandidiri eh." kalmado niya lang na sabi na para bang hindi siya nandidiri sa fact na ang boyfriend niya ay kahalikan ang bestfriend niya.

"What the hell, Allen! Ikaw, mahal ko! Si Jake, gusto kong ipatapon sa malayo dahil kaagaw kita sa kanya. Gusto mong matuwa pa ako sa nangyari?" medyo naiinis ko nang nasabi sa kanya.

"Sorry na, okay? Hindi ko naman kasalanan eh. Kayo ang lasing eh." pagdadahilan naman niya.

"Eh bakit mo 'to ginawa?" tanong ko sa kanya.

"Para pagbatiin kayo?" unsure niyang sagot.

"Pagbatiin? Kami? Never na kaming magkakabati nun as long as konektado ang isa sa amin sa'yo." sagot ko naman.

"Bahala ng nga kayo. Malalaki naman na kayo eh. Basta ba wag kayong mag-aaway sa harap ko. Ayokong nag-aaway ang mga kaibigan ko." sabi niya lang kaya initsa ko sa likod yung phone niya.

"Gago! Yung phone ko! Pag yan, nasira, babayaran mo yan!" sigaw naman niya sa akin.

"Papalitan ko yan, Babe! Mas maganda pa dyan." pagmamayabang ko sa kanya.

"Talaga? Talaga? Gusto ko yung katulad ng sa'yo para sosyal! At saka para kunwari may couple phone na tayo." nakangiti niyang sabi na para bang nagde-daydream siya.

Minsan talaga, napaka-bata nitong taong 'to.

Bigla na lang akong yumuko at hinalikan siya sa labi.

"I love you, Babe." nakangiti kong sabi sa kanya nung kumalas ako sa labi niya.

"I love you, too." sagot naman niya.

"Teka, nagda-doubt ka pa rin ba sa akin about kay Claire?" bigla kong naitanong sa kanya.

"Aba'y natural! Boyfriend mo engaged sa iba, sinong hindi magda-doubt diba?" sagot niya naman sa akin sarcastically.

"Gusto mong patunayan ko kung gaano kita kamahal?" nakangisi kong tanong. Say yes! Say yes!

"Oo naman!" mabilis niyang sagot.

Umalis ako sa ibabaw niya at umupo sa kama. Tinitigan ko siya sa mata na para bang sinusuri ko kung handa ba siya sa itatanong ko.

I clasped my hands together 'cause it's getting clammy. I can't seem to stay in my place 'cause I feel nervous about this. Seryoso na ako this time. Handa na akong gawin ito ngayong gabi. With or without occassion.

"Ninenerbiyos ako sa'yo! Ano ba yun? Paano mo patutunayan?" tanong niya sa akin.

Pumikit muna ako saglit at huminga ng malalim. It's now or never!

Dumilat ako at tumingin sa mata niya.

"ALLEN, I WANT TO MAKE LOVE TO YOU TONIGHT."

ALLEN'S POV

Here we are, lying on his bed. Well, actually, ako lang ang nakahiga, siya kasi, NASA IBABAW KO!

Tumanggi akong makipag-sex sa kanya, pero sinabi ko namang okay sa akin kung hawak-hawak ang peg. I mean, handjobs. Hindi pa kasi ako handa sa pagpasok ng ano niya sa butas ko eh. Hindi pa ako nakakapag-prepare para dun. At saka, mas maganda kung anniversary gift ko yun sa kanya, para mas maramdaman niyang special talaga siya sa akin.

"Ahhh! Karl, wait! Ahhh!" nasambit ko na lang dahil biglang sinaklob ng labi niya ang kaliwang utong ko, samantalang ang kanan nama'y pinaglalaruan ng kanyang kamay.

Lalong nag-iinit ang katawan ko sa ginagawa niya!

Hindi siya tumitigil sa ginagawa niya kaya lalong naglumikot ang katawan ko at pilit na umaangat para dikitan ang katawan niya. Para kasing magnet yung init ng katawan niya, ang sarap dikitan.

Tumigil siya sa pagsipsip sa kaliwang dibdib ko kaya kumalma ng bahagya ang katawan ko. Nagkatitigan kami ng mata sa mata habang naghahabol ako ng hininga.

Hindi pa ako nakakabawi ng hangin ay pumulupot sa batok ko ang kanang kamay niya at napasabunot sa buhok ko dun. Napasinghap ako dahil sa marahang paghila niya sa buhok ko pero pagbukas ng bibig ko ay siya namang saklob din ng bibig niya dun. Ipinasok niya ang dila niya parang binubuyo akong makipag-espadahan sa kanya. At dahil sa nadadala na rin ako ng init na nararamdaman ko ay lumaban ako.

Mainit, pero masarap sa pakiramdam. Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw ang kasiyahan ko dahil magkakaroon ako ng tanda na mahal nga ako ni Karl.

"I love you." sabi ko sa kanya nung humiwalay ako.

"I love you, too." sagot niya tapos bigla niyang hinablot ang kamay ko at ipinasok ito sa shorts niya.

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
174K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...
151K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
310K 10.4K 46
Walang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!