Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 31 ♥ Love is in the air

34.1K 396 29
By wistfulpromise

Chapter 31

Serene's POV

Makalipas ang ilang araw, bago ako pumunta ng Maeda Mora, dumiretso muna ako sa Princeton Academy. Ilang araw pa lang ang nakakalipas pero namiss ko agad itong school. Dumiretso ako sa band room dahil gusto kong sorpresahin si Jace. 

Paliko na ako noong makasalubong ko si Mia. Mag-isa syang naglalakad pero noong makita ako, inismidan nya ako sabay irap. Natatawa akong napasinghal dahil sa ikinikilos nya. Bago pa man makalayo ay nahawakan ko ang braso nya at iniharap sa akin. 

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Binitawan ko naman sya agad. Pinagpag nya ang uniform na akala mo sa sandaling pagkakahawak ko sa kanya ay napasahan ko na sya agad ng mikrobyo.

Humalukipkip ako sa kinatatayuan ko sabay ngisi. "Long time no see." 

"I know, but I hope I didn't see you." ginaya rin nya ang postura ko.

Natatawa ako sa kinikilos nya. Sya pa ang may ganang magsungit at pagtaasan ako ng kilay. Pasalamat nga sya at marami akong ginagawa ngayon dahil kung hindi, matagal ko ng ipinataw ang parusa ko sa kanya.

"Minsan na nga lang tayo magkita ganyan ka pa." 

"Dapat ba akong maging masaya?" taas kilay nyang saad. 

Umayos ako sa pagkakatayo ko at taas noo syang sinagot. "Kahit nagpanggap ka man lang sana di ba? Para kunwari friends tayo." Friends. Yuck.

"Friends? Over my dead body." Mapakla syang tumawa. "Kailanman hindi ko magiging 'friend' ang umagaw sa crush ko. Hmph, dyan ka na nga!" 

Lalayo na sana sya pero hinila ko ulit ang braso nya pabalik sa akin. Inilapit ko ang mga labi ko sa tenga nya. 

"Maswerte ka busy ako ngayon. Tandaan mo, hindi pa tayo tapos." 

Hindi ko na hinintay ang sagot nya dahil naglakad na ako palayo. Sa mga labi ko, hindi ko mabura ang ngisi ko rito. 

Papasok na sana ako sa loob ng band room ng marinig ko ang boses ni Jace. Nagtago ako saglit sa may pader malapit sa pinto. 

"Hindi yata nalinisan ang mga salamin ngayon." 

Sumilip ako ng kaunti sa may pinto at nakita ko sya na nakatayo sa harap ng malaking bintana ng band room. Nakaside view sya mula sa akin at nasisikatan ng araw ang mukha nya. Pinagmamasdan nya ang daliri na may alikabok. 

"Konting alikabok lang yan 'tol, arte nito." 

"Baka noong nalinisan nadumihan agad. Alam mo naman, mabilis bumalik ang alikabok." 

Boses na kung hindi ako nagkakamali, nanggaling kay Rico at Nathan. May narinig pa akong mahinang tawa mula sa loob. Mukhang kumpleto yata sila ngayon ah. 

"Hindi pa kayo nasanay kay Jace. Maarte naman talaga yan eh." 

"Ewan ko ba jan, parang babae!" 

"Saan nga ba kasi si love of your life at nagmumukmok ka jan 'pre? Pati alikabok pinapansin mo sa kabagutan mo!" 

Pinagpag na ni Jace ang alikabok sa daliri nya. Akala ko nga ay makikita nya ako noong umikot sya para harapin ang mga kasama. Buti na lang hindi. 

"Jace sama ka mamaya ah. Labas tayong apat. Wala ka namang lakad mamaya diba?" 

"Wala sa ngayon, pero mamaya meron." 

"Sungit nito."  

"Kalalabas lang natin noong natanggap tayo sa basketball team diba?" 

"Yah. Pero syempre iba na naman yung ngayon. Guys night out with lots of chickababes on my side." May narinig akong pumito. "Exciting!"

Muling nagsalita si Jace. "Psh. Labas ako jan." 

"May pupuntahan ka ba? Saan? Isama mo naman kami!"

May narinig ako na tunog ng isang zipper. So nag-aayos pala ng bag si Jace. Lalabas na kaya sya? 

 

"Hoy Jace! Sagot ka naman jan." 

"Meron."

"Eh saan?" tanong na kung hindi ako nagkakamali, nanggaling kay Rico. "Hoy. Jace." 

"Bakit ba ang kukulit nyo?" 

May narinig akong tumawa. Malalim ang boses kaya nakatitiyak akong galing naman ito kay Shane. Narinig ko rin ang boses ni Niel sa loob. 

"Someone is not in a good mood here."

"Baka namimiss lang si panda nya?"

"Eh nasaan ba kasi si babes? Nakapagtataka yata na hindi sya pumasok ngayon?" 

Wala na akong narinig na sagot mula kay Jace. Nakarinig ako ng mabigat na yabag ng mga paa papunta sa direksyon ko. Nagtatawanan pa rin sila sa loob at patuloy sa pang-aasar. Bago pa tuluyang makalapit ang yabag na naririnig ko, napagdesisyunan ko ng lumabas sa pinagtataguan ko. 

Tinakpan ko ang mukha ko sabay harang sa pinto at bukas nito. "Bulaga!" 

Kulang na lang ay mapatalon sya sa gulat. Si Jace, tulad na rin ng inaasahan ko. Tawa ako ng tawa dahil napaka-epic ng mukha nya. I caught him out off guard there. Halata na wala sya sa sarili nya. Usually kasi kahit anong panggugulat ang gawin ko hindi ko sya magulat. Ito pa lang ang una. 

"Aist! Serene naman eh! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Pinitik ko ang noo nya. "Aray!" 

"Iyan ka na naman eh. Kauma-umaga, ay. Tsk tsk. Busangot na naman ang mukha mo." 

Tuwang tuwa akong binati nila Rico na nasa loob.

"Babes lambingin mo nga muna iyang polar mo na bi-polar. Nagsesenti eh!" Noong sinabi ito ni Rico, binatuhan sya ni Jace ng hawak na maliit na bola. Nakailag si Rico kaya asar na asar ang mukha ni Jace. Muli silang nagtawanan sa loob.

"Kitams! Ayun ang ebidensya!"

"Sinabi mo pa. Namiss ka yata!"

"Highblood na naman eh."

Kinawayan ko silang lahat bago muling humarap kay Jace. Nakakatuwa talaga sila. 

"Namiss mo ako?" hindi ko mabura ang ngiti sa mukha ko. 

Inismidan nya ako. Luh. Kita mo 'to. "Psh. Naniwala ka naman sa kanila." 

Naku, naku. May nagtatampo rito. Dahil sa sobrang busy namin this past few days, kapag inaalok nyang sunduin ako sa Maeda Mora tumatanggi ako. Kadalasan kasi ay ginagabi na kami ng uwi. Tapos alam ko naman na pagkatapos ng school ay diretso na rin sya sa opisina nila. Kapag susunduin pa nya ako, byabyahe na naman sya. Ayoko syang mapagod dahil kailangan nya ring magpahinga. Hanggang text at call na lang tuloy kami ngayon. 

"Alam mo polar deny epek ka pa eh. Ayan na nga 'yung mga ibedensya mo o," itinuro ko sila Rico na kumakaway kaway sa likod nya. Mayroong nakakalokong ngisi sa mga labi nila. "Ano? May masasabi ka pa ba?" Hindi sya sumagot. Ay, tsk tsk. Minsan talaga daig pa nya ang bata sa katigasan ng ulo. Hinila ko ang kamay nya.

"Bakit?" taka nyang tanong. 

"Basta. Sumunod ka na lang!"

Hinila ko sya papunta roon sa rooftop kung saan kami madalas tumatambay. Buti na lang bago dumiretso dito ay bumili ako ng tinapay at dalawang hot chocolate. Iniabot ko ang isa sa kanya. 

"Sinusuhulan mo ako." His tone is not a question but a fact. Humaba tuloy ang nguso ko dahil sa sinabi nya.

"Bakit ayaw mo? Akin na kung ganun." 

Kukunin ko na sana yung hot chocolate pero agad nyang inilayo ito sa akin. Pasimple nya itong hinigop. Nung humarap na sya sa akin, nakita ko ang ngisi sa mukha nya.

Tinawanan ko sya.

Si Jace talaga parang kanta ni Katy Perry. Hot 'n cold. Una mainit tapos bigla biglang lalamig. Napapakamot na lang ako. 

"Kamusta? Wala pa ring pinagbago?" tanong ko. Nakatayo kami habang nakatayo malapit sa may railings ng rooftop. Tahimik naming pinagmamasdan ang buong paligid habang humihigop ng mainit na tsokolate. 

"Hmm." Tango nya. 

"Sa Maeda Mora ganun pa rin. Alam mo bang unang araw pa lang mababaliw na ako? Sobrang layo sa Princeton Academy! Ang titigas ng mga ulo ng mga tao roon at ang babastos sa mga teachers!" Tapos ikwinento ko sa kanya lahat ng naexperience namin doon ni Clarisse noong mga nagdaang araw. Pinagbuntunan ko na nga yata sya ng lahat ng galit ko dahil sa mga tao roon. Noong matapos ako, tinawanan nya lang ako. 

"Konti tiis lang. Pinili mo 'yan eh." Sumimangot ako at nangalumbaba. Sabagay, tama naman sya.

"Ano bang pwedeng gawin para mabago ko sila? Akala ko madali, mahirap pala." Ginulo gulo ko ang buhok ko. Ang sakit sa bangs ng problema ko!

"Gawin mo sa paraan kung saan sa tingin mo tama." sabi nya matter of factly. Humigop ulit sya sa iniinom. "Hindi ka naman ba pinapabayaan ni Souta?" 

Umiling ako. "Good." sabi pa nya.

"Kahit naman wala sya kaya ko naman ang sarili ko."

"I know that. Pero hindi mo maalis sa akin ang mag-ingat. Hindi pa rin nahuhuli si The Highest. Kailangan mong alagaan ng mabuti ang sarili mo." 

"Yes boss!" sumaludo ako sa kanya. 

Huminga sya ng napakalalim. "Sorry ah."

"Saan?"

"Pasensya na kung mahigpit ako. Pasensya na ang kulit kulit ko." ibinaba nya ang tingin na hawak na tsokolate.

"Naiintindihan ko kaya wag ka ng mag-emo dyan." pabiro kong sinuntok ang braso nya. Hindi man lang sya gumalaw. 

Nagtuloy tuloy pa ang kwentuhan namin. Kwinekwento nya sa akin na may malapit na raw ang big game nila sa basketball kaya todo practice sila ngayon. Sa band naman ay papractice practice na lang din. Pero kahit gaano man kasaya ang tono ng boses nya, hindi ko pa rin maiwasang mapansin ang lumalaki nyang eyebags sa mga mata. 

 Hinawakan ko ang mukha nya at masinsinan itong tiningnan. 

"Aminin mo nga sa akin polar, natutulog ka pa ba?" Tinanggal nya ang kamay ko sa mukha nya at saka ito hinawakan. Matipid syang ngumiti. 

"Don't worry about me."

Bumitaw ako sa kanya. Don't worry about me? Nakadrugs ba sya? Malakas kong pinitik ang noo nya. Parang sira eh.

"Don't worry me ka jan. Jace okay ka lang? Malamang mag-aalala ako sayo! Kumakain ka pa ba? Nangangayayat ka na rin yata eh." Hinawakan ko ang magkabilaan nyang pisngi. Bahagya syang natawa dahil dito.

"Serene naman eh. Ginagawa mo akong baby." sabi nya habang tinatanggal ang kamay ko sa mga pisngi nya.

"Baby ka naman talaga ah. Baby ko." 

Sa oras na lumabas iyon sa mga labi ko ay natawa ako. Pambihira! Napaka-cheesy nun ah!

"Uh. Serene. Just to keep in mind, masaya na ako sa polar." 

Tumawa ako ng mas malakas pa sa inaasahan. Bakit ba takot na takot syang matawag ng ibang pangalan bukod sa polar?

"But seriously Jace, ano ba talagang nangyayari? May problema ba?" 

Bumuntong hininga sya ng napakalalim. Tumingin sya sa mga mata ko. Sa mga tingin nyang iyon parang pinag-iisipan pa nya kung dapat nga ba nyang sabihin ito sa akin o hindi. 

"Sa office, medjo may konting problema lang. Pero wag kang mag-alala maayos ko rin iyon." 

"Sigurado ka? Basta kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako ah. Baback-upan kita pramis! Wag mo lang akong pagsolve-in ng math." 

This time, tumawa na talaga sya. He lovingly fixed my hair, I can see it in his eyes. Inayos nya ang magulo kong bangs na ginulo ko kanina. Wala akong magawa kundi mapatitig sa kanya. 

"Yun lang ba?" tanong ko. Humarap na sya ngayon sa magandang tanawin sa paligid. Nakapikit ang mga mata nya habang nilalanghap ang sariwang hangin. Tahimik syang nagsalita. 

"Lately, nagkakaroon ako ng mga panaginip na akala ko matagal ko ng naibaon sa limot." Lumapit ako sa kanya. Merong lungkot sa boses nya na gusto kong pawiin. "Sa tuwing nagigising ako sa panaginip na iyon hindi na ako makatulog. Iyon siguro ang dahilan kaya lagi akong puyat." 

Bago nagsalita ay pinili ko muna ang mga sasabihin ko. 

"Tungkol saan ba ang napapanaginipan mo?" Dahan dahan kong tanong habang pinagmamasdan sya.

Hindi sya sumagot. Tumango na lamang ako sa sarili dahil naiintindihan ko naman kung ayaw nyang sabihin. Masyado siguro itong sensitive na pag-usapan para sa kanya. Kung hindi man ngayon, maghihintay ako kung kailan sya handang sabihin ito sa akin. Aalukin ko na sana syang umalis nang bigla na lamang syang nagsalita. 

"Tungkol kay mama. Tungkol sa taong may kinalaman ng pagkamatay nya ilang taon na ang nakakalipas."

Nakita ko pa kung gaano humigpit ang pagkakahawak nya sa may railings. Halos mamuti ito na tila ba nanggigigil sa galit. Kinuha ko ang kamay nya at hinawakan ito ng mahigpit. Masaya ako na nakakapag-open-up na sya sa akin. Hindi ko nga inexpect na may sasabihin pa sya. Akala ko mananatili lang syang tahimik. 

 Tumingin sya sa akin. 

"Don't be too hard on yourself. Magiging ayos din ang lahat." ngumiti ako sa kanya. Meron sa mga tingin nya na hindi ko maintindihan. His face is unreadable. Napakaraming emosyon na hindi ko mawari. 

Bigla nya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap ng napakahigpit. Ibinaon nya ang ulo sa leeg ko. Noong una medjo nagulat ako sa ginawa nya kaya hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Maya't maya, dahan dahan kong iniangat ang mga kamay para yakapin din sya. Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. 

"Aalis ka pa ba? Wag na. Dito ka na lang sa tabi ko." tahimik nyang bulong. Kung hindi siguro kami malapit sa isa't-isa ay hindi ko pa maririnig. 

Natawa ako ng konti. "Akala ko ba hindi ka na baby? Kaya mo na yan. Kailangan ko pang bumalik sa Maeda Mora. Alam mo naman ang sitwasyon ko di ba?" 

Kahit hindi ko man makita ay ramdam kong nakangiti sya ngayon. Lumipas pa ang ilang minuto bago ulit sya nagsalita. 

"Kung sumama na lang kaya ako sayo?" 

"Pwede ka naman ba?" Naramdaman ko ang pagtango nya sa balikat ko. "Hindi ka kaya mapatrobol kay Aiden nyan? Di ba tuwing uwian sinusundo ka nya rito papunta sa office nyo? Baka mamaya magulat na lang sya wala ka na rito sa school. Malayu-layo pa man din ang school nila Souta dito. Tapos may band at basketball practice ka pa na kailangang pagtuunan ng pansin. Hindi ka naman basta basta na lang pwedeng umalis dito." 

Bumuntong hininga sya ng napalalim at malungkot na humarap sa akin. 

"Why life needs to be so complicated?" reklamo nya. 

"Kailangan eh." ngumiti ako. "Anong silbi ng buhay kung walang challenges? Ang buhay parang kwento sa libro. Kailangan may twist at problema dahil kung wala ang lahat ng iyon, boring. Ganun ang logic Mr. Alvarez." biro ko pang untag sa kanya. 

 Iling syang natawa sa sinabi ko. Inilahad nya ang isang kamay para hawakan ko, maluwag ko naman itong tinanggap. Noong muling naputol ang distansya namin sa isa't-isa, pasimple nya akong ninakawan ng halik sa pisngi bago muling ikinulong sa mga bisig nya. 

"Kung ang buhay ay para ngang isang kwento sa libro, sana sa pagtatapos ng huling pahina... kahit ano pa ang mangyari... kasama pa rin kita." 

Huminga ako ng malalim. Ang bango bango nya talaga kahit kailan. Ano kaya ang secret? Kahit ano yata ang mangyari hindi ako magsasawang yakapin sya. Sandali akong natahimik sa mga posibilidad na bigla na lang pumasok sa isipan ko.

"Pero paano kung... Paano kung naisipan ng author ng buhay natin na maglagay ng twist at gawing hindi happy ending ang kwento natin? Anong gagawin mo?" Noong lumabas na iyon sa mga labi ko hindi ko na mapigilan ang sarili na macurious sa magiging sagot nya.

Ano nga ba ang mangyayari kung nagkaganun? 

"What do you mean by 'unhappy ending?'"

"Paano kapag may isa sa atin ang umalis. Ako o ikaw, walang makakapagsabi." huminto ako saglit. "Paano kapag nawala ako? Paano... kung ako ang umalis?" 

Sa kalagayan namin ngayon lalo na ang pagiging gangster leader namin... hindi talaga maiiwasan na may mangyari. Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw... sa susunod na yugto ng buhay namin. Tanging Dyos lang, wala ng ng iba. 

"Papasok ako ng kumbento." sagot nya na nakapagpakunot ng noo ko. 

"Kumbento? Bakit naman doon?" 

"Kung aalis ka, mas pipiliin ko na lang mabuhay mag-isa."

Ibubuka ko pa sana ang bibig ko sa susunod kong tanong nang bigla na lang syang magsalita. Inalis nya na ang pagkakayakap sa akin at muli akong hinarap. 

"Hay! Tama na nga iyan! Iba na lang ang pag-usapan natin." Tumawa sya pero parang pilit. Ibinalik nya ang tingin sa tinitingnan naming magandang view sa baba habang hawak hawak pa rin ang kamay ko.

 
 

Mas mahigpit ito kaysa kanina.

Pinagmasdan ko ang nakangiti nyang mukha, hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang napakaseryoso nyang tinig noong sinagot nya ang huli kong tanong. Nakarinig ako ng alarma at takot. Tinig na ni minsan ay hindi ko pa narinig sa kanya. 

"Pagkatapos ng graduation natin may plano ako." ngiti nya sa akin. Isinauli ko rin ang ngiting iyon sa kanya. 

"Ano?" 

"Papasyalan natin ang buong Pilipinas tapos sabay tayong gagawa ng maraming kalokohan." Ngumiti sya ng pagkalaki laki at hindi ko mapigilang mapatitig dito. Para syang bata na excited na excited sa naiisip.

"Talaga? Kalokohan tulad ng?" 

"Ewan. Kung ano ang maisipan natin. Bahala na." Kibit balikat nya. "Tapos, pagkatapos nating malibot ang buong Pilipinas lilibutin naman nating ang buong mundo. Mula Asya, Australia, Europa, Africa hanggang North America at South America! Pupuntahan natin lahat iyon!" 

Sa totoo lang ay ngayon ko lang sya nakitang sobrang excited na tulad nito. Iwinawagwag pa nya ang kamay sa ere na parang may invisible map doon at ipinapakita nya sa akin ang mga lugar na gusto nyang puntahan. Sa postura nya at sa mga mata nya na puno ng ambisyon, para syang isang mananakop. Nagliliwanag ang mga mata nya sa pagkakaisip pa lang ng mga ideya na nasa isip. 

"Buong mundo talaga?" tawa ko dahil sa nakikitang excitement sa mukha nya. "Hindi ba masyadong marami iyon?" 

"Wala namang imposible di ba?" 

"Sabagay. Kung pupunta tayo sa North America hindi mo na kailangang magbayad ng magtu-tour sa atin dahil ako mismo ang magtu-tour sayo roon!" 

"Talaga?" 

"Naman! Lalo na sa Canada. Ililibot kita kung saan ako tumira at lumaki. Ipapakita ko sayo lahat ng mga kalokohan na ginawa namin doon!"

Hindi na talaga mabura ang ngiti ko sa mukha ng dahil sa kanya. Para kasing sakit ang ngiti nya, nakakahawa! 

"Sinabi mo yan ah." 

"Promise!" sagot ko sabay kindat. Itinaas nya ang isang kamay at nagpinky promise kami sa isa't-isa. Tapos ipinagpatuloy pa nyang sabihin sa akin ang lahat ng plano nya. His eyes are full of dreams, so alive... so happy. At masaya ako na sa lahat ng planong iyon ay kasama ako. 

Sana laging ganito. Sana lagi syang masaya. Hanggang ngayon ay napapatitig pa rin ako sa kagandahan ng ngiti nya. Mga ngiti na habang buhay kong hihilinging makita. 

 .ılı.wistfulpromise.ılı. 

Dedicated sa reader na mahal na mahal ko ^___^ <3 

~Ole! 

-G.Jade

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
479K 10.3K 72
Siya si Crystal Ice Lee. Isang babaeng cold,Hindi nagpapakita ng emosyon, walang awa,brutal at kinatatakutan ng lahat. Isa siyang gangster queen at m...
23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
32.4K 528 58
Sa murang edad, nakasaksi ako ng isang madugong krimen. Hindi basta bastang krimen ang nakita ko sapagkat iyon ay ang pagpatay nila sa aking ina. Ang...