Nanlaki yung mata ko at sumunod ko nalang nalaman, pinagyayayakap na nila ako. Sobrang na-overwhelm talaga ako sa ginawa nila. Sino ba namang hindi diba? After nung mga nangyari nung umaga. Whoa talaga.
“Talaga bang inisip mo na magiging busy kami sa araw ng birthday mo? Oo busy, pero sa pagpaplano ng birthday mo.”
Grabe, sobrang saya ko talaga nung gabing yun. Tawanan, kulitan, lahat na. dun na nga nagsleep over lahat eh. Well, yung barkada lang, si Kit at si Omar. sina mama kasi umuwi sa amin.
Ang saya talaga ng birthday na ito. Para bang, may something special na hindi ko maintindihan. Basta alam ko, masaya ako. Yun na yun.
Lumakad muna ako sa may garden. Hindi pa kasi ako inaantok eh kahit mag 11 na. Yung iba, hay nako, sobrang knockout talaga. Hindi ko naman sila masisisi kasi sila rin yung nagpagod para matuloy tong party eh. Thankful na ako para dun.
“Gising ka pa pala.”
Napatingin naman ako sa likod ko at nakitang naglalakad palapit sa akin si Kit.
“Ikaw rin.”
Tahimik lang kami nun tapos nakatingin sa sky. Ewan ko ba, kahit ganun hinid ako nabobore. Siguro nga dahil mas gusto kong tahimik lang dahil nakakapag-isip isip ako ng maayos. Mas okay narin naman yun.
Napalingon naman ako kay Kit tapos nakitang nakatitig siya sa orasan. Ano kayang ginagawa nito?
“Kung gusto mo nang pumasok okay lang.” Umiling lang siya nun at hindi man lang tumingin sa akin. Hmf, bahala siya.
Tahimik na naman kami pagtapos nun. Ayun, feeling ko nga makakatulog na ako eh kaya tumayo na ako. Kaya lang hinila ako ni Kit at napaupo na naman ako. Masakit yun ah!
“Saglit lang.”
Tinaasan ko siya ng kilay tapos nun eh hindi man lang ako nilingon. Saglit lang tapos ngayon eh wala naman siyang sasabihin.
“Dali Kit. Kung may sasabihin ka sabihin mo na. inaantok na ako.”
“Wait, twenty seconds nalang.” 20 seconds? Ano to countdown?
Naghintay naman ako. At after 100 years humarap rin siya sa akin.
“Happy Birthday.” ngek!? Yun lang?!
“Yun lang? sana kanina mo pa sinabi yun. Hay naku naman Kit.”
“Kung kanina ko yun sinabi eh di, hindi na siya special.”
Special? Paano naman naging special ang pagbati niya sa akin ng ganitong oras? Anong oras na nga ba? 11:45? Ano naman meron dun?
“At paano naman naging special yung pagbati mo sa akin ngayon?”
Tumayo siya tapos pinagpag yung damit niya. Wa, tama bang isnabin ako?! Magagalit na sana ako nun ng biglang inabot niya yung kamay niya tapos tinayo rin niya ako.
“According to your birth certificate, you were born on December 28, 19** at exactly 11:45 pm.” nanlaki yung mata ko. Kaya ba kanina eh hindi niya ako binabati?
Napangiti naman ako nun. May ka-sweet-an rin pala itong lalaking to eh.
“Asus. Tara na nga.” at ayun, sabay kaming pumasok sa loob.
*****
“Bakit ba kasi kelangan pa nating sunduin yung bruhildang yun eh?” pinalo ko naman si Cheeky sa braso kaya napatingin siya sa akin ng masama.
“Wag ka ngang magsalita ng masama tungkol kay Kat.”
“Totoo naman eh. I don’t like her.” Hay naku. Feeling ko dahil sa akin kaya ayaw ni Cheeky sa kanya. Well, anyway, choice kong gawin yun kaya hindi dapat nilang ilabas ang galit nila kay Kat.
“Oh, ayan na pala siya eh.”
Tumingin naman kami sa tinuro ni Vince tapos sinalubong narin si Kat.
“Grabe Andy! Namiss kita! Namiss ko kayo!”
Yumakap siya sa amin isa isa tapos nung pagdating niya kay Cheeky eh nagmake face si Cheeky habang kayakap niya si Kat. Mababatukan ko tong baklang ito eh.
Tinulungan naman na namin siya sa bagahe niya tapos sumakay na kami sa Van nina Vince.
“Buti naman at umabot ka ng walang pasok. Sigurado kung late ka dumating eh marami rami kang hahabulin.”
“Yeah, oo nga eh. Pinilit ko pa nga si dad na agahan yung balik ko eh. Syempre, mahirap na sa school tapos syempre, namiss ko kayo. Lalo na si Kit.”
Ngumiti lang ako nun kahit na alam ko sa sarili kong nasaktan ako. Hay, ang complicated naman kasi nito eh. Nakakaasar.
“Siguradong namiss ka rin nun.” at lalo naman ngumiti si Kat.
Pagtapos namin hinatid si Kat eh tambay kami sa bahay ni Marla. Wala lang. laro lang ng ps3 niya tapos kulitan at movie marathon. Naka 3 movies na nga kami eh nung maghapon na pero syempre, dahil last day na ito ng christmas break eh sinagad na namin ang pagliliwaliw.
Nakailang horror movies rin kami at comedy bago nagrequest ng chick flick kaming girls plus Cheeky. Walang magagawa sina Stephen at Vince, dalawa lang sila eh.
Pinili naman namin yung Just like heaven. Ang weird nga eh, kahit mag-iilang beses ko naring napanood yan eh iyak parin ako ng iyak pagdating dun sa nakalimutan nung babae yung guy. Hay, iba talaga ang impact nun sa akin.
Pagdating ng 10 eh nagkayayaan ng umuwi. As usual, sabay kami ni best friend Vince sa paglakad. Kwentuhan parin nga kami kahit na pagod na eh.
“Andy.”
“Ano yun?” tumigil siya sa harapan ko tapos parang nagdadalawang isip pa kung sasabihin ba niya o hindi. Anong drama nito?
“Wag ka nang gagawa ng mga moves na alam mong masasaktan ka ha?”
Nagulat naman ako dun sa sinabi niya at hindi nakasagot.
“Umm..”
“Ano ka ba Andy, tao ka lang rin. Nasasaktan ka rin kaya wag kang magpakamanhid dahil hindi ka manhid.”
“Pero..” tinignan niya ako na parang sinasabi na wag ko nang ituloy. Huminga ako ng malalim tapos tumingin ng diretso sa kanya. “I won’t do anything stupid.”
Ngumiti naman siya nun pero may pinahabol ako. “Kapag sure na ako.” this time nagmake face siya. Sobrang kilala na nga niya ako.
*****
“All volleyball varsity girls, please proceed to the volleyball court.”
Wow! Savior ko! Goodness, buti nalang at pinatawag kami. Sobrang antok na antok kasi ako magmula palang nung umaga.
Nag-excuse naman ako kaagad sa teacher namin tapos medyo nagmamadali pang umalis ng classroom. Muntikan na nga akong makabangga ng mga taong may dalang libro eh, buti nalang mabilis ang reflexes ko.
“namiss kita sobra.”
Napatigil ako. Teka, si Kat yun ah? Hay naku Andy! Ayan ka na naman sa pakikiusisa mo.
“Yeah.”
Si…Kit?
Tumigil ako tapos naglean sa wall. Nasa isang corner siguro sila kaya naririnig ko.
“Ako ba namiss mo?”
“Tinatanong pa ba yan?” Sa hindi ko malamang dahilan, nasaktan ako dun. Sobrang sakit, sa totoo lang.
“La--”
Hindi ko na sila pinakinggan pa at dumiretso nalang papuntang court. Sobrang nawala yung sigla ko kanina at feeling ko pa eh maiiyak na ako. Pero syempre, pinigil ko. Ayokong magmukhang kaawa awa.
“Andy! Kanina ka pa namin tinatawag. Ayos ka lang ba?”napatingin naman ako kaagad sa kanila tapos tumango. Yung iba eh halatang hindi nakumbinsi pero hindi nalang sila nagtanong.
Hindi na ako nakinig dun sa sinabi ni Coach. Sobrang lumilipad yung isip ko nung mga oras na yun at isang bagay lang ang parating nagrereplay sa utak ko.
“Ako ba namiss mo?”
“Tinatanong pa ba yan?”
Bakit kelangan ko pang marinig yun? Bakit kelangan ko pang magstay at makiusisa? Kasalanan mo yan Andy. Masyado ka kasing curious.
“Uy, Andy. Ayos ka lang?” Si Omar lang pala. Akala ko kung sino na.
Tumango lang ako kahit alam kong hindi totoo yun. Ayoko naman kasing sabihin na hindi at baka kaawaan lang niya ako.
“No, hindi ka okay.” napatingin lang ako sa kanya tapos yumuko na. hindi ko na napigilan at napaiyak na talaga ako.
“Ilabas mo lang yan…”
Maybe I should just…
..forget about him