chapter 24

3.3K 26 0
                                    

KIT! My savior! Wah! Buti dumating tong lokong ito. Pero teka, umalis pala siya?!

Hinawakan naman ni Kit yung magkabilang braso ko tapos nilagay ako sa gilid niya. “Excuse lang ha, pero binayaran kasi ako para gawin to kaya gusto ko lang matapos tong trabaho ko kaya wag niyo nang patagalin.” Nagsimula naman siyang lumapit sa akin tapos kinuha pa niya yung wrist ko pero nagulat nalang ako ng biglang pinalo ni Kit yung kamay niya.

“Wag mo ngang mahawak hawakan ang fiance ko!”

Whoa! :O teka, sinabi ba niya talaga yun?! Si Krisantimo Ivann Tasello ba talaga yan?!

“Kit, katuwaan lang ito, wag mo namang seryosohin.” tumawa tawa pa nun si Myka at ako rin eh nakitawa pero mas mukhang sumama pa yata yung tingin ni Kit.

“Wag kang makielam dito!” nakita ko namang tumungo si Myka. 

Okay, tama na! Dapat nang pigilan si Kit! “KIT Stop it!!”tumingin lang siya sa akin pero tapos nun eh bumalik yung tingin niya dun sa lalaki. Lalapit na sana siya at mukhang susugod pero buti dumating si Vince.

“Anong nangyayari dito?”

“Yan kasing mayabang nating SC President. Akala mo kung sino.”

Tumingin sa akin nun si Vince  tapos parang nagtataka pa. Nagshrug naman ako nun tapos tinapik niya sa balikat yung guy. 

“Sige pare, bumalik ka na dun.”

Tumango lang yung lalaki tapos bumalik na dun sa booth nila. Whew! Muntik na yun! Napatingin naman ulit ako kay Myka tapos syempre lumapit ako sa kanya. Umiiyak na pala siya.

“Myka…”

“Ayos lang ako Andy…”

At pagkatapos nun eh tumakbo na siya paalis. Darn it! nakakainis naman! Bakit ba lahat ng plano ko puro palpak?! Humarap ako kay Kit nun. Inis na inis talaga ako sa inaasal niya kay Myka.

“Bakit mo naman siya ginanun?!” pero hindi niya ako inimik. Ang ginawa lang niya eh tinalikuran ako tapos iniwan niya ako.

“Andy…” 

“Nakakainis siya Vince!”

Maghapon siguro akong nakabuntot kay Vince. Ewan ko ba, isa pa yan sa habit ko eh, kapag inis na inis ako eh mostly bubuntot ako kay Vince. Ewan ko ba, para kasing nacocomfort niya ako kahit na wala siyang ginagawa. Galing niya no?

“Andy ayaw mo pang umuwi?” 

Medyo gabi na nun. 6 pm to be exact at heto parin kami ni Vince sa school. Wala pa kasi talaga ako sa mood para harapin si Kit eh. Nakakainis kasi talaga siya eh. 

“Sa inyo muna ako Pot…”

Tumango naman siya. Okay lang naman sa parents niya yun kasi magkakilala na naman kami eh. Siguro sa bahay namin (nina mama) muna ako matutulog ngayon. Pampalipas oras lang at para lumamig lang yung ulo ko. 

Pagdating namin sa bahay nina Vince eh bumati lang ako sa parents niya tapos diretso na kami sa kwarto niya. Pagpasok namin eh higa kaagad ako sa kama niya. Hindi rin ako feel at home no?

“Hoy at sino nagsabi na pwede kang humiga diyan?!?” 

“Bahala ka Vince! Hindi mo ako mapapaalis dito!” tapos nagtalukbong ako dun sa comforter niya. Naramdaman ko naman bigla na dumagan siya sa akin. Takte, ang bigat nitong lokong to!

“WAAAAH!!!”

“Madali naman akong kausap Andy eh. Okay lang na hindi ka umalis diyan…pero hindi rin ako aalis dito.” waaa…mamamatay yata ako dito! 

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon