Chapter 2

4.6K 37 2
                                    

“DETENTION FOR 2 WEEKS?! AT BAKIT NAMAN!?”

Did I say worth it? Baka masyado lang akong nagandahan sa painting nung mga oras na yun at bigla kong nakalimutan na sasabunin ako ng nanay ko kapag nalaman niyang nagkadetention ako.

“Eh ma…kasi yung batchmate ko sinabi niyang b*tch ako sa harap ng lahat ng highschool students present dun sa gym.”

Humawak naman si mama sa ulo niya at ako eh napatingin lang sa taas. 

“Ano naman ginawa mo?”

Aba, at bakit yata parang interested itong sister “dearest” ko?

“Ni-spike ko yung bola papunta sa kanya.”

And to my greatest shock, ngumiti siya. Whoa…

“Nicely done. Pwede ka naman palang hindi ikahiya eh.”

At pagtapos nun eh umalis na siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi niya o ma-offend dahil parang pinaparating niya na kinakahiya niya ako. hindi narin ako nakapili kasi nagsalita na ulit si mama.

“Hay naku kayo talaga! Parehong pareho kayong magkapatid!”

“Ew! Wag mo akong itulad kay Ate Cass ma! Hindi ako maarte’t malandi!”

Binatukan ako ng nanay ko nun at yun, pinaakyat na sa kwarto ko. Siguro nga naawa na siya sa akin at hindi na niya ako pinarusahan pa. Pagdating ko naman sa kwarto ko eh nag-internet kaagad ako. Nagdalawang isip pa nga ako kung mag-ym ba ako o wag nalang pero napili kong mag-ym nalang. Ewan ko, may kakaiba kasi eh…

cuteboi: hey!

Napangiti ako bigla nung nag-im siya. Hay, ang weirdo mo Andy.

sassygirl: ei

cuteboi: oh, bkt prang d k yata mkulit ngeon?!

Natawa naman ako sa kanya. Paano, nung isang araw kasi nakikipagtalo ako sa kanya na mas makulit ako eh, tapos ngayon sobrang iba. Hay, and it’s all thanks to Keri. 

sassygirl: ala sa mood eh

cuteboi: ashu. Mood dw

sassygirl: nvm. So wacha doin?

Matagal tagal din siguro kaming nagchat nun. Pagtingin ko sa orasan eh 9 na pala. Teka, bakit parang hindi yata sila nagyaya kumain? Wag mong sabihin parusa ko ito?

Bumaba ako at nakita kong may nakahandang pagkain dun. Si ate Cass naman eh nakaupo sa sala.

“Si Mama?”

“umalis, may pinuntahan, hindi ko alam kung saan.”

Aba, kumpleto. Kaya pala walang tumatawag eh. Kumain narin ako nun tapos sinabayan pa ako ni Herc. Hindi kami nagpansinan kasi siya eh nag gameboy habang kumakain at ako naman eh wala sa mood para sermonan siya. 

Pagkaakyat ko sa taas naligo lang ako ulit at natulog na. Hay, ano naman kayang mangyayari bukas?

****

2nd day ng foundation week. Tuwang tuwa pa yung school namin kasi panalo kami sa game kahapon. Natouch nga ako sa mga teammates ko kasi inuwi nila yung isang bola mula dun sa school na iyon. Pasaway tong mga to.

“Ano ba yan, bakit niyo dinekwat??”

“Ano ka ba, at least man lang kahit hindi ka nakasama eh feel mong nakarating ka doon dahil may bola ka nila.”

Natawa naman ako sa kanila at syempre nagpasalamat narin. Walang classes ngayon, lahat busy sobra sa mga booths nila. At syempre, kami rin magbabarkada busy sa sarili naming booth. At alam niyo ba kung ano yun? 

100 DAYS?!?Where stories live. Discover now