chapter 42

3.1K 21 0
                                    

“Hinila hila mo ko at pinilit na magcutting classes para lang pumunta sa isang carnival??! Nahihibang ka na ba Omar?!”

Nginitian lang ako nung loko tapos hinila na naman ako papuntang entrance. Siya nagbayad nung entrance fee naming dalawa. Dapat lang no! sabit lang naman talaga ako dito eh.

“Take this Andy, as your rest day. Away from all your worries.”

Napatingin lang ako sa kanya tapos tumingin sa paligid. Hindi rin ganoon karami yung tao. Paano, may pasok eh. Lumibot kami ni Omar nun sa mga stalls muna. Syempre, kelangan naming magpalit ng damit diba, ayokong magkarecord nu. Papatayin ako ng nanay ko kung ganun man ang mangyari.

Nakabili kami ng damit. Simple white shirt na may logo nung carnival tapos shorts. Ang weird nga namin eh, parehong pareho pa suot namin kaya pinagtitinginan kami nung tao.

“Sabi na sa iyo eh yung blue nalang yung akin eh.”

“Sus, wag mo na silang pansinin. Inggit lang sila kasi wala silang makasama na gagawin yung ginagawa natin ngayon.”

Natawa naman ako dun. Tumuloy na kami papunta dun sa first ride. Pinili namin yung rollercoaster na napakaraming loops. Una nga eh natatakot pa si Omar, akalain mo, siya yung lalaki tapos siya pa yung takot. Naku naman po. Aheheh.

“Hinding hinding hinding hindi ko na talaga sasakyan yung ride na yun!” exagge naman ito, ang saya nga eh! Parang babaliktad lahat ng laman loob mo! Waheheh.

“Ano ka ba Omar! Ang saya nga nun eh!”

“Masaya?! Masaya ba ang tawag mo sa pagpapaikot ikot sa iyo to the point na halos isuka mo lahat ng nasa loob ng katawan mo?!”

Pinalo ko lang siya tapos pumunta na kami sa next. Dun kami sa parang bungee jumping na stall. Natawa nga ako dahil kelangan ko talagang hilahin si Omar para lang matry namin yun. Biruin niyo, kumapit pa siya sa poste ah. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh.

“Bwisit ka Andy! Wala ka bang ride na kinakatakutan?!”

Umiling lang ako tapos siya eh parang napaupo dun sa bench sa tabi namin. “Well sorry ka! Ako pa kasi ang sinama mo eh.”nginitian ko siya tapos nun eh tumabi sa kanya.

“Deal tayo Omar.”

“Deal? Anong deal?”

“Dapat, by the end of the day eh matapos natin ang lahat ng rides sa carnival dito. LAHAT. As in LAHAT, pati yung mga kiddie rides.”

Nanlaki yung mata niya sa akin tapos tumayo siya. “ano? Payag ka?”

“Baliw ka alam mo yun?”

“Yeah, I know.”

“2 down.” napatingin ako sa kanya at nakitang nakangiti siya sa akin habang inaabot yung kamay niya. Kinuha ko yung kamay nyia tapos tumakbo na kami papuntang iba pang rides. This is going to be a fun day for sure.

*****

“Kapagod!” umupo kami sa bench ng sabay. Mag 6 narin nung mga oras na yun at nung time lang na yun kami natapos sa lahat ng rides. When we said all, we meant ALL of it. Yung mga tao nga dun eh pinagtitinginan kami lalo na nung sumakay kami sa tea cups na mga bata talaga yung kasya. Magkaiba nga kami ng teacup ni Omar eh dahil sa laki namin.

“Note to self, wag na wag isama ang isang Andy Ongpauco kapag nagpunta ng carnival.” Pinalo ko lang siya nun at nagtawanan kami. 

“Thanks Omar.” Thank you dahil kahit ngayon lang eh nakalimutan ko yung mga pinoproblema ko.

Umalis narin kami nun ng mga 6:30. may pasok pa nga bukas eh, malay ko lang kung anong mangyayari sa akin. Marami sigurong homework at quizzes akong namiss. Hay, pero ayos lang. Worth it naman.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon