chapter 51

3K 22 1
                                    

Nanlaki yung mata ko at sumunod ko nalang nalaman, pinagyayayakap na nila ako. Sobrang na-overwhelm talaga ako sa ginawa nila. Sino ba namang hindi diba? After nung mga nangyari nung umaga. Whoa talaga.

“Talaga bang inisip mo na magiging busy kami sa araw ng birthday mo? Oo busy, pero sa pagpaplano ng birthday mo.”

Grabe, sobrang saya ko talaga nung gabing yun. Tawanan, kulitan, lahat na. dun na nga nagsleep over lahat eh. Well, yung barkada lang, si Kit at si Omar. sina mama kasi umuwi sa amin. 

Ang saya talaga ng birthday na ito. Para bang, may something special na hindi ko maintindihan. Basta alam ko, masaya ako. Yun na yun.

Lumakad muna ako sa may garden. Hindi pa kasi ako inaantok eh kahit mag 11 na. Yung iba, hay nako, sobrang knockout talaga. Hindi ko naman sila masisisi kasi sila rin yung nagpagod para matuloy tong party eh. Thankful na ako para dun. 

“Gising ka pa pala.” 

Napatingin naman ako sa likod ko at nakitang naglalakad palapit sa akin si Kit. 

“Ikaw rin.” 

Tahimik lang kami nun tapos nakatingin sa sky. Ewan ko ba, kahit ganun hinid ako nabobore. Siguro nga dahil mas gusto kong tahimik lang dahil nakakapag-isip isip ako ng maayos. Mas okay narin naman yun. 

Napalingon naman ako kay Kit tapos nakitang nakatitig siya sa orasan. Ano kayang ginagawa nito?

“Kung gusto mo nang pumasok okay lang.” Umiling lang siya nun at hindi man lang tumingin sa akin. Hmf, bahala siya. 

Tahimik na naman kami pagtapos nun. Ayun, feeling ko nga makakatulog na ako eh kaya tumayo na ako. Kaya lang hinila ako ni Kit at napaupo na naman ako. Masakit yun ah!

“Saglit lang.” 

Tinaasan ko siya ng kilay tapos nun eh hindi man lang ako nilingon. Saglit lang tapos ngayon eh wala naman siyang sasabihin.

“Dali Kit. Kung may sasabihin ka sabihin mo na. inaantok na ako.” 

“Wait, twenty seconds nalang.” 20 seconds? Ano to countdown?

Naghintay naman ako. At after 100 years humarap rin siya sa akin. 

“Happy Birthday.” ngek!? Yun lang?!

“Yun lang? sana kanina mo pa sinabi yun. Hay naku naman Kit.” 

“Kung kanina ko yun sinabi eh di, hindi na siya special.” 

Special? Paano naman naging special ang pagbati niya sa akin ng ganitong oras? Anong oras na nga ba? 11:45? Ano naman meron dun?

“At paano naman naging special yung pagbati mo sa akin ngayon?” 

Tumayo siya tapos pinagpag yung damit niya. Wa, tama bang isnabin ako?! Magagalit na sana ako nun ng biglang inabot niya yung kamay niya tapos tinayo rin niya ako.

“According to your birth certificate, you were born on December 28, 19** at exactly 11:45 pm.” nanlaki yung mata ko. Kaya ba kanina eh hindi niya ako binabati? 

Napangiti naman ako nun. May ka-sweet-an rin pala itong lalaking to eh. 

“Asus. Tara na nga.” at ayun, sabay kaming pumasok sa loob.

*****

“Bakit ba kasi kelangan pa nating sunduin yung bruhildang yun eh?” pinalo ko naman si Cheeky sa braso kaya napatingin siya sa akin ng masama.

“Wag ka ngang magsalita ng masama tungkol kay Kat.”

“Totoo naman eh. I don’t like her.” Hay naku. Feeling ko dahil sa akin kaya ayaw ni Cheeky sa kanya. Well, anyway, choice kong gawin yun kaya hindi dapat nilang ilabas ang galit nila kay Kat.

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon