chapter 36

3K 22 0
                                    

Dumilat ako ng dahan dahan. Pagkasabing pagkasabi ko kasi nun eh pumikit ako. narinig ko pa ngang tumawa ng malakas si Keri eh at pagtapos nun eh umalis na siya. Bruha.

“Sorry kung…ngayon…ngayon ko lang nasabi. Pero honest, wala akong gusto sa kanya.”

Hindi parin kumikibo nun si Kat kaya medyo kinabahan naman ako pero ilang sandali lang rin eh humarap siya sa akin at ngumiti.

“Talaga?.”

“Oo swear. Tutulungan pa nga kita eh kung gusto mo.”

At lalo namang nagwiden yung ngiti niya sa akin. Whew, buti nalang. Ano ka ngayon Keri? In your face!

“Maraming salamat Andy.” at ayun, ayos na ang lahat.

Nauna naman akong umalis na sa kanya dahil hindi pa raw tapos yung mga pinapagawa sa kanya. Ako naman eh umuwi kaagad para makapagplano narin ng maayos. Itetext ko pa kasi kina Cheeky yung mga kelangan ayusin eh para hindi hassle pagdating ng bukas.

Inabot rin ako nun ng mga gabi sa pagpaplano ko. Buti nga at hindi napansin ni Kit eh kung di, naku po, sira ang surprise.

Nung sumunod na araw maaga akong nagising. Hindi ko na hinintay si Kit kasi sabi ko sa barkada na kelangan namin ng solid plan, hindi yung gulo gulo. Pagdating ko naman dun eh hindi na ako nagulat ng makita ko na si Vince at Stephen palang yung nandoon.

“Let me guess, si Cheeky busy pa sa concert niya sa loob ng shower, si Cheska naman eh hindi makaalis dahil dun sa lukaret na yun at si Marla eh tulog pa?”

“Memorize mo na ah.” hay nako, sanayan lang yan. Kaya kelangan mo talagang sabihin na 1 hour before eh dapat nadoon na sila kasi paniguradong late yang mga yan.

“Ano bang food yung bibilhin?”

“Well, tingin ko eh pizza nalang saka ice cream. I doubt naman na gusto niya ng cake eh diba?”

“Balloons kaya?”

“Batok gusto mo? Ilang taon na ba si Kit? Mag-6?!?”

Natawa naman sila nun. At ayun, nagplano pa kami ng gagawin para mamaya. Mga 30 minutes before the bell eh dumating na yung Amazing twins at si Sleeping beauty.

“WOW! Ang aga niyo ah! Grabe.” inerapan lang ako ni Cheeky at natawa naman ako dun. Tuluy tuloy yung pagpaplano namin hanggang sa magbell na.

*****

“Dali na! Turuan mo muna ako.” grabe itong Kit na ito, ang hirap kumbinsihin. Mapilit eh!

“Diba sabi ko naman sa iyo na sa bahay nalang?! grabe naman ito!! 

“EHH!! Gusto ko ngayon na!” Tinaasan naman ako ni Kit ng kilay tapos kumunot yung noo niya. Sumunod ko nalang nalaman eh tinuruan niya na ako dun sa isang lesson ko na sobrang gets ko naman. 

“Ah so ganyan pala yun?”

“Grabe ka. Kanina ko pa sinasabi yun sa iyo eh ngayon mo lang nagets?!”

“Well sorry ha! Hindi kasi ako kasing talino mo!” tinalikuran ko naman siya nun. Tama, pampatagal rin ito.  

“Nakakairita ka alam mo yun?” tinignan ko siya ng masama tapos umirap. “Oi Stripes, ano pang gusto mong ipaturo?”

“Wag na. Naiirita ka na eh diba?”

Nakita ko naman siyang nag-roll ng eyes tapos lumapit sa akin.“Dali bago magbago isip ko. Sige ka.”

Hmf! Kung hindi ko lang talaga kelangan na I-keep ka dito eh kanina pa kita nilayasan. 

Mga matagal rin siguro kaming nandoon sa classroom. Grabe, ang tagal magprepare nina cheeky ah, ano bang ginagawa nila?

♪ If I could escape

And re-create a place as my own world

And I could be your favorite girl

Forever, perfectly together

Tell me boy, now wouldn't that be sweet? ♪ 

“Hello??” napansin kong nakatingin sa akin nun si Kit kaya naman tumalikod ako. “Grabe tagal niyo ah! O siya.”

Binaba ko narin yung phone tapos nun eh humarap na ulit kay Kit. “Ay kapagod! Tara uwi na tayo.”

“Kanina lang ayaw mo umuwi tapos ngayon…”

“Fine! Eh di wag!” konting drama rin no. Alam ko namang hindi ako matitiis niyan eh. Wahaha, kafal eh no?

  “Nagdrama pa, tara na!” Weird niya ah, birthday na birthday eh mas masungit yata siya ngayon. 

Naglakad narin kami nun, ang bilis nga niya eh. Ano bang meron sa kanya ngayon at parang mas masungit siya compared sa ibang araw? Malakas ba period niya ngayon o menopause na talaga siya?

Pagdating namin sa bahay eh inunahan ko naman siya sa may gate. Kumunot yung noo niya pero hindi ko naman siya pinansin. “Mauuna ka tapos hindi mo man lang bibilisan ang pagbukas. Dalian mo nga!”

“Bakit ba ang atat mo? Allergic ka ba sa labas?!”

Binuksan ko yung gate tapos diretso na kami papuntang front door. Dahan dahan kong binuksan yung pinto tapos…

*POP!*

*POP!*

“HAPPY BIR[/color=darkgray]THDAY!”[/color]

Napangiti ako sa kanila tapos nun eh tumingin kay Kit. Nagulat ako kasi hindi man lang siya nakangiti or anything. Mas mukhang…galit pa nga siya.

“Anong ibig sabihin nito?”

“Birthday mo ngayon diba? Eh di party para sa iyo.” pero hindi parin siya ngumiti. May dapat ba akong malaman?

“BAKIT? SINABI KO BANG MAGPARTY KAYO!?” at pagtapos nun eh umakyat na siya. Lahat kami nagulat sa ikinilos niya at natahimik. Napayuko lang ako nun dahil feeling ko akong may kasalanan.

“Andy…”

“Andito na ka----teka, anong nangyari dito?” inexplain naman nila yung nangyari kanina.

“Sorry Andy.” bakit siya magsosorry hindi naman niya kasalanan yun diba? Umiling lang ako pero hinawakan niya yung kamay ko. “Hindi ko kaagad nasabi sa iyo na…hindi nagcecelebrate ng birthday si Kit….” 

Yun ba? Yun ba ang dahilan kung bakit ganoon nalang siya kung makareact? Bakit…bakit hindi ko alam yun? 

Napayuko naman ako nun. Ganun ko ba talaga siya hindi kakilala kahit matagal tagal narin kami magkasama? Tumalikod ako sa kanila tapos lumabas ako ng bahay. Tinawag nga nila ako pero hindi ko sila pinansin. Naramdaman ko na ngang sumakit yung paa ko pero hindi ko pinansin yun. 

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit…bakit parang ang sakit sa akin na wala man lang akong alam sa kanya? Siguro nga dahil parang kaibigan ko narin siya. Pero…parang…iba eh. Parang hindi iyon ang talagang dahilan ko. Parang…parang…

Hindi. Hindi pwedeng mangyari yun. 

Tumingin ako sa paligid ko. Nasa park na ako. Ang layo ng inabot ko at sobrang sakit naman ng paa ko kaya umupo narin ako sa swing. Hay, bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Naiinggit ako kay Kat kasi kilala niya si Kit. Oo aaminin ko yun pero bakit yun ang nararamdaman ko? Bakit?

Hindi kaya…?

May nararamdaman ako para sa kanya?

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon