chapter 78

3.4K 27 0
                                    

Siguro nga paraan narin niya yung ng pagsabi sa akin na si Kat na ang pinipili niya. Hindi narin naman ako nagulat pa nun, siguro nga, somewhat expected ko na na mangyari yun. Pero hindi ko parin maipapagkaila na nasaktan ako nun. Mga ilang oras rin siguro akong umiyak nun sa bahay. Grabe no? ang galing talaga ng timing niya eh. saktong 2 days before the graduation. Ayan tuloy, hindi na ako masyadong makakaconcentrate.

Last day na ngayon ng pagiging 4th year student ko. Oo, bukas na yung graduation at pati narin yung championship. Nakakakaba nga eh. syempre, gusto rin naming seniors na kasama sa varsity na at least, bago kami umalis ng school eh manalo muna kami o kaya maging champion.

“Oh Andy, hindi ka ba sasama kina Cheeky? Ngayon sila mamimili ng damit para sa grad ball niyo diba?”

Tumingin lang ako sa mama ko tapos umiling lang. “Hindi nga po ako pupunta diba?”

Naisip isip ko rin naman kasi kahit papaano. Hindi ko narin kasi naman nakita yung point ng pagpunta ko dun eh. para sa akin, parang wala lang ang grad ball slash prom o kung ano pa man ang gusto nilang itawag dun. Sure sinasabi nila na last night mo na yun para makasama mga batchmates mo pero sa kuhanan ng card eh magkakakitaan parin naman kayo eh.

“Ikaw nga, kaya ba hindi ka pupunta diyan sa grad ball niyo eh dahil kay Kit?”

Tinignan ko lang si Mama nun at umiling. Well, partly siya yung reason pero tinatamad lang talaga akong pumunta.

Tinigilan rin naman ako ni mama sa mga tanong niya tapos ako eh bumalik na sa pagbabasa ko ng libro.

Buong umaga siguro akong nandoon sa sala na nagbabasa. Tatayo lang ako kung magugutom o kaya mauuhaw. Sabi nga ni Herc eh, inaagawan ko daw siya sa pwesto niya. Usually kasi siya ang nakaglue sa sala kasi naglalaro siya ng kabit niya na PS3.

“Eeeh…ate naman eh…bakit hindi ka nalang dun sa kwarto mo magbasa…hindi naman magbabago yan kapag lumipat ka ng pwesto eh..”

“Hay nako Herc. Sabi ngang ayoko lumipat eh. bakit hindi ka nalang dun sa asawa mong gameboy at bukas ka nalang maglaro ng ps3? Wala naman ako buong umaga eh…” Bakasyon na nga pala nila ngayon. Swerte nga eh. gusto ko narin siguro magbakasyon. Para malayo na mula sa mga problema ko ngayon.

“Eehhh gusto ko ngayon maglaro eh..saka pupunta pa yung mga kaibigan ko.”

Naawa naman ako sa kanya at umalis narin dun. Sabi pa nga ni mama eh himala daw na napakiusapan ako ng kapatid ko. Sabi ko lang eh people change. Hindi ba? 

Dun naman ako sa kwarto namin nagstay hanggang maglulunch na. kung hindi pa nga ako tinawag ng katulong eh baka dun lang ako sa kwarto. Ewan ko ba, hindi ko lang talaga feel na lumabas nitong araw na ito.

Pagkababa ko naman eh nakarinig ako ng ingay pero hindi ko na tinignan. Hawak hawak ko parin kasi yung libro ko at saka alam ko namang barkada lang yan ni Herc so wala narin akong paki kung bakit sila nag-iingay.

Uupo na sana nun ako sa may table namin at kakain nang biglang may pumalo sa akin sa braso. Pagtingin ko eh sina Cheeky pala.

“Bruha ka. Ganoon ka ba bumati ng kaibigan?”

“anong ginagawa niyo rito? Akala ko ba nagshopping kayo?”

“MAGshoshopping palang at dapat kasama ka.”

Ngeeeh…ano naman gagawin ko dun? Wala naman akong kelangan bilhin eh.

“Asus, tutunganga lang ako sa mall no!”

“bakit ka naman tutunganga eh bibili tayo ng dress para sa iyo.”

“Para saan pa eh hindi rin naman ako pupunta ng prom!”

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon