100 DAYS?!?

By whenimetyou

305K 2.3K 204

We’re going to live under the same roof for 100 days. Ang maganda dun eh kapag tapos na yung 100 days and we... More

100 DAYS?!?
Prologue
chapter 1
Chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 57
chapter 58
chapter 59
chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
chapter 65
chapter 66
chapter 67
chapter 68
chapter 69
chapter 70
chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
chapter 76
chapter 77
chapter 78
chapter 79
chapter 80
Epilogue

chapter 43

3.2K 23 1
By whenimetyou

Basura?! Ang kapal naman niya! “Basura ka diyan! Kapal mo ah!”

Kinuha ko ng mabilisan yung flower tapos umakyat na ako. Grabe nakakabwisit siya ah. 

Ginawa ko naman kaagad yung mga assigment ko at syempre, nagliwaliw na pagkatapos nun. 

*TOK TOK TOK*

“Pasok!”

Bumukas yung pinto at agad naman akong napatingin dun sa pumasok. Hmf, siya lang pala. Ano na naman kelangan niya ngayon? 

“Bakit?” sabi ko sa kanya, ni hindi ko man lang siya nililingon at patuloy lang akong nagsusulat ng kung anu-ano.

“Sa amin na sumasama si Kat.” bigla naman ako napatigil dun sa sinabi niya. Bakit niya sinasabi sa akin ito?

“Ah, ganun ba?”

“Hindi na siya nakapagsabi sa inyo kasi madalas daw kayong nawawala kaya pinasabi nalang niya..” nawawala? Classmate naman namin siya ah, bakit hindi niya sabihin sa klase? 

Ano ba Andy, ayos lang yan. At least magkasama na sila. 

“Ah..” napatingin naman ako sa kanya at nagtaas ng kilay.“May kelangan ka pa?”

“Kanino galing yan?” sabi niya tapos tinuro yung blue na flower. Hmf! Sasabihin niyang basura tapos tatanungin kung kanino galing. Hibang ba siya?

“Hindi ko alam.” kumunot yung noo niya nun tapos napahinga siya ng malalim.

“Alam kong nilait ko yan, sorry, pero di nga, kanino nga galing?”

“HINDI ko nga ALAM. okaY?”

“Then paano mo nakuha yan?”

“Yun nga rin pinagtataka namin eh. Paano napasok sa loob ng locker ko..”

“Wala ka bang pinagsabihan ng combination mo?”

“De susi yung lock ko.” nagkatinginan naman kami bigla kasi pareho kaming napabuntong hininga. 

Teka nga, ano pang ginagawa nitong lalaking to dito? “May kelangan ka pa ba?”

“Bakit ba parang atat ka yatang paalisin ako?” parang lang ba? Hindi ba talaga ganun kahalata?

“Kasi po gusto kong matulog na…pwede?”

Wala na siyang nagawa nun at umalis nalang. Alam kong parang mali yata yung nagawa ko pero ayos narin yun. Makakabuti rin yun para sa akin…I hope.

*****

Araw araw eh nakakatanggap ako ng blue rose. Hindi na sa locker siya nakalagay kung di sa ibang places na. minsan nga eh, iniiwan sa teachers table tapos may pangalan kong nakalagay dun. Nasanay narin ako. Parang normal thing nalang siya kung makakakita ako sa kung saan saan.

Nagtaka naman yung mga kaibigan ko kung bakit tinatago ko pa yun eh hindi ko naman kilala yung nagbigay. Ang sabi ko lang, ang cute kasi ng color eh. Saka syempre, sayang naman, kung ikaw ba na bihirang makatanggap ng flowers eh itatapon mo yung binigay sa iyo? Nuh-uh.

“Hoy babae.”

Napatingin naman ako kina Cheeky. Oh, bakit sila nakatitig sa akin?!

“Bakit?”

“Kanina ka pa tulala diyan ah.”

“Huh?”

“Anu ba yan. Tama na nga kakaisip dun sa blue rose. Ikaw ah.”

Tumawa naman sila tapos ako eh nagkunwaring nagtampo pa. After nung break namin pinatawag yung volleyball players. May game na naman kasi kami next week eh, last game namin para sa year 200* tapos ang susunod na eh next year.

Ayun, pinagsasabi lang na may training na naman, magkakaroon pa nga daw ng Saturday training dahil bigatin daw talaga yung makakalaban namin. 

“Salamat talaga Kit!” teka, tama ba narinig ko? Kit daw? Nyek! Ano naman paki ko diba? Pero…pero…sadyang mausisa talaga ako eh. “Ito na siguro ang magiging best present mo para sa akin.”

Present? Wait lang, ang pagkakaalam ko eh si Kit hindi basta bastang nagbibigay ng kung anu-ano. Sino naman kaya yang girl na kausap niya? Naku! Sana si Kat nalang yan.

Medyo nagtago ako sa corner dahil lumakad malapit sa akin sina Kit. Swerte ko nga at tumigil sila malapit lang, nakita ko naman kung sino kausap niya. 

“ikaw ah, naaalala mo pa talaga yung favorites ko ah.”

Buti nalang talaga. Tinry ko naman tignan yung reaction ni Kit pero, what do I expect? Siya yata ang dakilang taong parating NR (no reaction).

“Si mom ang nagsabi na bigyan kita ng ganyan.”

Lahat yata ng babaeng involved kay Kit eh kaclose ng mom niya. Wait, ako ba involved talaga sa kanya?

“Ah, si Tita talaga...” pansin ko naman na medyo lumungkot pa yata siya nun. 

Walang hiya talaga itong Kit na to, kahit kelan laging palpak…

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkakiliti sa may binti. Tinry kong kamutin pero parang…umalis? Tinignan ko yung binti ko at napalaki naman yung mata ko. Ohmygallywow! I-

“IIIIIPISSSSSSSSSSSS!!!!!”

Nagtatatalon ako bigla doon, hindi naman sa takot ako sa ipis, sadyang diring diri lang talaga ako dun. Ang baho kasi tapos crunchy pa pag pinatay mo. Ugh, kadiri.

“Andy?”

Bwisit! Bwisit na ipis naman yan oh! Nahuli tuloy ako! Darn!

“Ah…ah…Ah…hi Kat! Andiyan pala kayo. Napadaan lang kasi ako dito eh…ano…kasi ano eh…may i-ipis na gumapang sa binti ko…so…ayun…alam niyo na…kadiri eh…diba?” nginitian ko sila pero alam kong halata naman nila na nakikiusisa ako.

“Bakit ka nakikinig sa usapan namin?”

“Kapal mo rin no?! At ano naman makukuha ko kung makinig ako? Aber??”Nilagay ko yung kamay ko sa bewang ko tapos tumingin sa kanya, may matching irap pa ng mata. 

“Bakit hindi ikaw ang magsagot niyang tanong mo? Halata naman eh. Nakikiusisa ka. Hindi ba tinuro sa iyo na masama gawin yun?”

“Sabing hindi nga ako nakikinig eh!”

Nairita naman ako sa kanya. Pero teka nga, tama naman siya eh! Talaga namang nakikinig ako sa usapan nila. Hay, naku. That’s pride.

“Talaga lang.”

“Kit tama na. Baka napadaan lang talaga si Andy.” buti pa si Kat, nagpapauto---este naniwala sa sinasabi ko.

“Kilala ko yan, natural na mausisa yang babaeng yan.” tapos dinuro pa niya ako na parang sobrang kilala niya ako. Hmf!

“Hmf! Asus, para namang kilalang kilala mo ako! Hoy Mr. Kit Tasello! Sinasabi ko sayo, hindi mo ako kilala okay?!!” umirap na naman ako tapos dinuro rin siya. “At wag mo nga akong duduruin!”

“Hindi daw.” ang laki talaga ng problema nitong lalaking to. Ugh!!

“Bahala ka! Kung ayaw mo maniwala eh di wag!”

At pagtapos nun eh syempre, walk out ako. Mahirap narin umalis kapag nagtagal pa ako dun. Alam niyo na, baka lalong maghinala pa. Mabuti na at may nauto---este naniwala na sa akin kahit isa lang sa kanila.

“Yo Stripes” 

Nagulat naman ako kasi bigla bigla siyang susulpot sa harpa ko. May lahi yatang kabute itong lalaking to eh.

“Kaw pala.”

“Saan ka?” 

“Andito sa harap mo.” tinaasan niya ako ng kilay tapos nun eh parang yung mukha niya naging mapang-asar.

“Wait lang…wait lang…” humawak pa siya sa dibdib niya nun tapos kung anu anong arte ang pinaggagawa. Gusto ko siyang batukan sa totoo lang. “Ehem…ayan…tatawa na ba ako?” 

Pinalo ko siya sa braso niya. “Ang sama mo!” At tama bang tawanan lang ako? Hmf! 

“Kasi naman, kung magjojoke ka eh siguraduhin mong nakakatawa.” tinignan ko lang siya ng masama tapos nun nagpeace sign naman. Haha! Takot!

“Uy sige, una na ako. May mga assignments pa kasi kami eh.”paalis na sana ako nun ng higitin niya bigla yung kamay ko. 

“Ops, teka lang. Sama ako.” 

“Yoko nga.” 

“Bakit naman?” 

“Eh sobrang lapit na nga ng bahay namin dito eh, bakit kelangan pa ng paghahatid?” 

Nagkamot siya ng ulo nun tapos parang humawak sa baba niya. (yung bang style ng nag-iisip) “Andami mong dala oh.” 

“So?” 

“Hay naku Andy.” sabi niya na may matching palo sa ulo. Sana nga nasaktan siya. Joke! “Minsan pinagtataka ko kung babae ka ba talaga o lalaki.” 

Aba! Ang yabang nito ah! “Nyeh.” 

“Alam mo kasi, ang normal girl gusto pa yung nagpapahatid. Ikaw? Anong gusto mo? Mas gusto mo yung nahihirapan ka. Asus.” 

Nagpamewang naman ako nun tapos tumingin sa kanya ng seryoso. “Well excuse me for not being that vulnerable!”

“Tapos ayan, magagalit ka. Tss.” gusto kong batukan itong lalaking to. Nagpipigil lang ako.

“Oh Andy! Andito ka pa pala.” napatingin naman ako sa kanya tapos ngumiti. Kasama pa nga niya si Mr. masungit na nakasimangot eh, sinimangutan ko lang rin siya. 

Napansin rin yata ni Kat na magkasama kami ni Omar kaya nagsimulang mang-asar. “Ikaw Andy ha…hindi ka nagsasabi na Omar ka pala.”

Nanlaki naman yung mata ko dun. Ako?! Omar?! EWWW!!!

Umiling iling naman ako nun tapos natawa lang siya. “It’s not like that, swear.”

Ngumiti lang si Kat. Hay, naku, kanina naniwala siya sa akin, bakit ngayon ayaw na niya? Huhuh, kawawa naman ako.

“Tara, baka gabihin tayo.” may balak yata itong ihatid si Kat ah…good for him, mukhang di ko na kelangan pang tumulak ng malakas ah.

Papaalis na kami ni Omar nun ng biglang may humila sa kamay ko. “Bakit?”

   

“Uwi na tayo.” eH? Asar naman tong lokong to. Akala ko pa naman hindi na ako mahihirapan. 

“Hatid mo na si Kat, ayos lang ako.”

“Hindi ko naman tinanong kung ayos ka ah.”

Nakakabanas na ito ah, bakit ba parang ang bitter niya sa akin?! Dahil lang ba dun sa pakikinig ko sa usapan nila? Hay naku.

“Bye Kat. Tara OMAR.” tapos hinila ko yung braso ni Omar. Nakakainis kasi siya eh. 

Binilisan ko yung lakad ko nun tapos nung medyo nakalayo na kami eh napatigil narin ako. 

“Sorry Omar ah…nadamay ka pa. nakakainis kasi si Kit eh.”mabagal lang kami maglakad nun tapos nakayuko lang ako. Ewan ko ba, medyo nalulungkot ako na hindi ko alam. Ang gulo talaga.

“Alam mo yun…may mga times kasi na…ewan ko…naguguluhan ako eh. Hindi ko na masyadong maintindihan yung mga nangyayari ngayon. Lalo na sa sarili ko. Ang gulo talaga. Minsan gusto ko lang mawala lahat ng ito bigla. Yun bang, takasan lahat ng to. Alam ko namang mali yung pagtakas pero minsan, yun nalang yung paraan eh. Gusto kong lumayo. Dun! Sa malayong malayong lugar. Wala akong pakielam kung abutin ako ng ibang galaxy, basta gusto ko sa malayo.” hay, pati si Omar speechless narin. “Magsalita ka nama---”

“Tara, punta na tayo sa ibang galaxy.”

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 213K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
790 176 13
A Young Adult Crime Romance - NOVEL VERSION "Kung babalik siya sa akin sigurado ka bang pipiliin kita? Please don't hurt yourself. You're far more th...
88K 1.2K 64
After an accidental kiss, she will be my girlfriend for 100 days...