Train to Daegu | bts m.yg

VANlLLAZEN

240K 12.5K 9.9K

Magagawa mo kayang bumaba sa lugar na matagal mo ng gusto, kung paglabas mo.. lahat ay hindi na kagaya ng ina... Еще

Train to Daegu
Station ● 1
Station ● 2
Station ● 3
Station ● 4
Station ● 5
Station ● 6
Station ● 7
Station ● 8
Station ● 9
Station ● 10
Station ● 12
Station ● 13
Station ● 14
Station ● 15
Station ● 16
Station ● 17
Station ● 18
Station ● 19
Station ● 20
Station ● 21
Station ● 22
Station ● 23
Station ● 24
Station ● 25
Station ● 26
Station ● 27
Station ● 28
Station ● 29
Station ● 30
Station ● 31
Station ● 32
Station ● 33
Station ● 34
Station ● 35
Station ● 36
Station ● 37
Station ● 38
Station ● 39
Station ● 40
Station ● 41
Station ● 42
Station ● 43
Station ● 44
Station ● 45
Station ● 46
TALK
Station ● 47
Station ● 48

Station ● 11

5.4K 296 84
VANlLLAZEN

   Nabalik ako sa diwa ko nang may maramdaman akong umaalog sakin. Dahan-dahan akong bumangon at inayos yung buhok ko. Bahagya pa akong nagkusot ng mga mata ko dahil sa antok. Umaga na pala. Panibagong araw na hindi namin alam ang mangyayari.

Kinapa-kapa ko yung sarili ko kung mainit pa ako at salamat sa gums at hindi na. Hindi na ako mainit, super hot na ako. Nakasuot pa din sakin yung jacket ko at pinagpapawisan na din ako ngayon, hindi na din naman masama at mabigat yung pakiramdam ko kaya siguro pasalamat na din ako kay hyung.

Bahagya akong lumingon kay Nathan para siguraduhing siya yung umaalog sakin, pero hindi. Ang kabayo eh nakanganga pa at ang sarap ng sandal niya. Feel at home, sarap ipatapon sa Han river.

Himala naman ata na nauna akong magising kaysa sa kaniya? Kapag naunang gumising ang isang poging Cody Min sa isang kabayong Nathan Jung ay dapat maitala na sa mga book of records! Once in a lifetime opportunity din yun!

Lumingon ako sa kabilang gilid ko para makakita ng WALA. PUTEK! SINONG WALANGYA YUNG GUMISING SAKIN?

"Peste." Bulong ko sabay kuha ng bag ko mula sa baba. Binuksan ko yung bulsa para kuhain yung toothbrush ko, siguro hindi naman puno yung CR? Hindi pa naman kasi gan'un kaaga. Pasilang pa lang yung araw.

Inalog ko si Nathan para gisingin na din, hindi pwedeng maghiwalay kami ngayon. Baka magwala nanaman yan at hanapin ako.

"Nathan, ang haba ng baba mo. Gumising ka na." Mahina kong sabi. Tulog pa kasi yung ibang tao, tanging yung pag-iyak lang nung baby yung naririnig ko at si Kyle lang ang napansin kong gising.

Napapikit na lang ako nang madiin nang hindi man lang kumilos si Nathan, bagsak na bagsak ang loko! Bwisit.

"Nathan, restroom lang ako. Wag mong isipin na tumalon sa bintana ah? Kasi hindi kita pipigilan." Umaasa kong maririnig niya yang sinabi ko.

Tumayo na ako at pumunta sa restroom, malaki naman ito kaya kahit nandyan pa ang anim na tao eh magkakasya. Wag mo lang isama si Timothy at Nathan. Pakiramdam mo may gyera.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay may dalawang tao ang nasa sink kaya nakapila tuloy ako. Boset. Sumakto pa na dalawa para talaga hindi ako makagamit, bakit ba kasi dalawa lang yung sink? Dapat tatlo eh. Tss.

Ang pogi ko talaga.

Saktong pagkaalis na pagkaalis nung dalawa ay ako na yung gumamit, ako lang mag-isa dito kaya YEHETT!

Humarap ako sa salamin para makita ang nakapagwapo kong mukha. As usual, gwapo pa din. Medyo lumalaki lang yung eyebags ko, yung pwede nang maging abs.

Nagtoothbrush na ako nang mapagtanto ko na para pala akong tanga dito.

"Oo, nakita ko na nga! Kanina pa, bakit ba paulit ulit ka?"

Napalingon ako sa likod ko nang may pumasok na dalawang lalakeng hindi ko na dapat hinayaang makapasok pa.

PAANO NAGING MAGKASAMA SI NATHAN AT TIMOTHY?! Hindi ko talaga dapat iniiwan si Nathan, nakakahanap at nakakahanap siya palagi ng paraan para guluhin yung buhay ko! At ang malala pa dito, nagsama pa ng siraulo.

"Hyung!" Napapikit ako nang mariin nang sabay pa nila akong tawagin. Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Isang baliw at isang siraulo, nagsama para guluhin ang buhay ko.

"Hoy! Makahyung ka dyan, close kayo?" Banat ni Nathan, tinignan naman siya ni Timothy nang masama.

"Pake mo?" Sagot naman ni Timothy. Ugh! Hindi ako makalabas dahil nakaharang sila sa pintuan, rinig na rinig dito sa loob yung sigawan nilang dalawa.

"Eh magpinsan kaya kami! Ikaw nga dapat tinatanong ko kung close ba kayo!"

"Close nga kami, bakit? Inggit ka siguro. Kung ikaw kasi ang pinsan ko baka itinakwil na kita, matagal na."

"Wow ah, kung pinsan kita baka hindi ko pa matanggap. Lugi kaya ako."

"Malamang, pogi kasi ako tapos kabayo ka."

"Baka ako ang pogi dito tapos ikaw, leader ng kulto."

Napakaingay po nila. Ang sarap nilang lunudin sa bowl nitong CR. Akala mo nasa kabilang bundok ang kausap! Hindi ko alam baka rinig na nga sila sa labas, hindi man lang inisip na baka may iba na isiping baliw sila. Nakakasira ng career.

"Ano bang ginagawa niyo dito?!" Sigaw ko na nagpatahimik sa kanilang dalawa. Sabay silang tumingin sakin at saka nagpeace sign. Ilayo niyo sakin 'tong mga 'to at baka makapatay ako nang wala sa oras.

"Hoy! Ano daw ginagawa mo dito!" Sigaw ni Nathan kay Timothy.

"Ikaw kaya tinatanong! Ano daw ginagawa mo dito!" Sigaw naman pabalik ni Timothy. Napaface palm na lang ako sa kanila, susme. Ano ba ang nagawa ko at nakakaranas ako ng araw araw na pagkasira ng ulo?

"Alam niyo, kung nandito lang kaya para manggulo sakin.. mas maganda kung lumabas kayo, buksan niyo yung pinto at tumalon palabas nitong train."

"Ikaw kasi eh.."

"Ikaw 'yon, bobo!"

"Babang 'to, bakit ako? Baka ikaw!"

"Kupal na sira-ulo 'to, damay mo pa ako sa pagkabaliw mo."

"Mahaba baba mo!"

"Takas sa mental!"

"Maluwag turnilyo sa utak!"

"At least ako may utak, eh ikaw? Walang utak!"

Magsasalita nanaman sana ako nang bigla na lang may tumikhim mula sa likod nila.. OH MEN! THANK YOU FOR SAVING ME! Ay, tama ba? hehe.

"Would you perhaps mind to leave some space for us to walk? It's kinda.. uh? You know, hard to enter."

Napanganga kaming lahat nang magsalita si Kyle, oo si Kyle Kim. Yung walangyang abogado na English nang English. Kailangan ko na tuloy ng blood donor dahil malapit na akong mauBUSAN ng dugo.

"Ano daw sabi? Perhaps daw? Kaano-ano yun ng grasshoppers?" Sabi ni Timothy kay Nathan.

"Baka magpinsan!" Sagot naman ng gagong si Nathan.

Haps?

Hops?

Putanginang koneksyon nyan.

"Umalis daw kayo sa dadaanan niya." Napataas ako nang kilay nang magsalita naman yung kasama ni Kyle. Babae ito at hindi ko siya kilala at wala na akong balak kilalanin.

"Althea? Wag ka ngang ganyan." Masungit na saway ni Kyle. Napairap naman yung kasama niya.

Agad na umalis sa pintuan yung dalawang ugok at salamat naman at hindi na sila nagtalo pa.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" Inis na tanong ko d'on sa dalawang baliw. "Nakakagulo kaya kayo, mamaya makatawag pansin pa kayo." Inis na sabi ko saka binigyan sila ng tig-isang batok.

"Magt-toothbrush sana ako." Sabay nilang sabi. Nagtinginan pa nang masama yung mga baliw.

"Aba! Bakit gaya-gaya ka?!" Sabay nanaman nilang sabi.

"Ang pangit mo!"

"Mas pangit ka!"

"Ugh! Bakit ka ba nanggagaya?"

Lalabas na sana ako pero nakarinig ako ng mga katagang nagpatahimik sa kanila mula d'on sa babaeng kasama ni Kyle..

"You two are cute."

   Napahawak ako sa cellphone ko nang magring ito bigla, pero imbis na sagutin ay napatitig na lang ako dito. Napakuyom ako ng kamao ko at huminga nang malalim, mas maganda nang sagutin ko kaysa sa pabayaan ko na lang.

"Sino po yan?" Napalingon ako kay Hannah na katabi ko ngayon. Magkatabi kasi si Nathan at Timothy ngayon, hindi na nga mapaghiwalay ang mga loko. Kasama pa nga nila si Brian at aaminin kong nagsisinungaling ako kapag sinabi kong sila ang PINAKATAHIMIK SA BUONG TRAIN. OO! NAPAKATAHIMIK PO NILA, SOBRA.

Nung una pa nga eh hindi ako pumapayag na lumipat.. ang kaso lang dito eh kapag hindi ako lumipat, makakatabi ko si Timothy at Nathan. Torture sakin 'yon!

"Ah wala 'to, saglit lang ako sa canteen ah? Dyan muna kayo." Sabi ko at saka lumakad na papuntang canteen. Mas maganda kung kakausapin ko siya nang wala sa harapan nung mga bata, baka marinig pa nila yung kung anu-ano kong sasabihin.

Natapos yung pagriring nung cellphone ko pagkapasok ko sa tahimik na canteen pero tumawag uli si Deserei, ilang ring pa at naisipan ko na itong sagutin.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyon kong sabi. May zombie man na pagala-gala sa labas ay nasa state of moving on pa din ako! Excuse her, masyado akong pogi para hindi magmove on!

"Cody, ligtas ka ba dyan?"

"Nagsasalita pa ako nang deretso, siguro oo ang sagot ko di'ba?"

"Cody alam kong hindi gan'on kadali na mapatawad ako pero sana maintindihan mo ako ngayon."

"Naiintindihan naman kita eh, yung ginawa mo lang yung hindi." Diretso kong sagot.

"You cried because of me. I'm sorry."

"You cried because of yourself too, so would you mind to apologize to yourself and think of finding your lesson instead of talking to me?" Ay huta English, pwede nang pang international. Do I sound real?! Yehey!

"Cody, nasa Daegu na ako. Naghihintay ako ng pagdating niyo."

"Pakihanap naman yung pake ko, nasama na ata sa basurahan kasama ng pagmamahal ko sayo."

Narinig ko siyang napatahimik dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam pero hindi ko na talaga gustong makausap pa siya, bumabalik lang lahat yung sakit na nararamdaman ko. Siya at siya pa rin talaga pero ano bang magagawa ko? Nagbunga yung kataksilan niya sakin.

Binabaan ko siya ng tawag dahil wala naman na kaming dapat pang pag-usapan. Bakit ba sa tuwing si Deserei ang tumatawag ay nagkakaroon ng signal?! Bakit kapag ako ang tatawag kayla eomma ay nawawalan? Ganyan ba kalupit sakin si tadhana? Bakit ba ang sama niya sa mga poging katulad ko?

Umupo ako sa counter at saka umorder ng beer. Hindi kagaya kahapon ay may attendant naman na dito at salamat sa Diyos at hindi zombie kagaya ng mga attendant kahapon.

Napansin ko lang na.. hindi ko siya napansin kahapon dito at dalawa na lang yung attendants na nakikita ko. Yung matanda at yung isang lalake, mukhang hindi ko siya napansing paikot-ikot kahapon.

"Siguro nagtataka ka kung sino ako." Natatawa nitong sabi. Teka? Nabasa niya yung nasa isip ko? "Hindi ako nakakabasa ng isip pero ganyan din kasi yung reaksyon nung babaeng pumasok dito kanina." Putek! May sa demonyo ba 'tong babaeng 'to?!

Napagpasyahan ko na lang na wag siyang kausapin at ipagpatuloy yung pag-inom ko, hindi naman ako madaling malasing kaya okay na okay pa.

"Hay nako, sir.. hindi mo talaga ako makikita kasi ako yung captain nitong train!"

Nanlaki yung mga mata ko at otomatikong napaubo dahil sa sinabi nung babae. CAPTAIN?! Eh mukha ngang mas bata pa siya sakin, usually sa mga captain ng train ay puro matanda na. At huta! Babae siya, once in a blue moon 'yon.

"Surprised? Oo ako nga kasi 'yon, actually first time ko 'to. My mum and dad are the real captains! They're here too, kasama ko sa captain's room pero ako pa din yung nagpapatakbo nitong buong train." Hindi naman siya madaldal 'no?

Yung tipong kahit alam kong alam niya na wala akong pake sa sinasabi niya ay nagagawa pa niya talagang magkwento. Ito na ata ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo, yung ubod ng daldal.

"You're not talking! Or I'm just so talkative? I feel like I'm going to thrown up again." Bigla na lang siyang umupo sa harapan ko kaya medyo napaatras ako. Tss.

"I'm Andy Lee, 22! You are?" Tinignan ko yung kamay niya na nakalahad sa harapan ko. Inisip ko muna kung tatanggapin ko o hindi pero tinanggap ko pa din naman sa huli. I have no choice, ayoko namang mapahiya siya nang dahil sakin.

"Cody Min, 24." Maikli kong sagot. Ngumiti naman ito nang pagkalapad-lapad kaya nakita ko yung braces niya na up and down. Wi arae, wi wi arae.

"You're kinda famous, madalas kitang marinig na pinag-uusapan ng mga kapatid ko." Natatawa niyang sabi. Ngumiti naman ako sa kaniya sabay tumikhim.

"Ah.. yung kamay ko." Napatawa ako nang mahina dahil hindi pa pala niya binibitawan yung kamay ko. Maging ako, hindi ko agad napansin dahil na din sa kakadaldal niya.

"Oops, sorry." Sabi niya at saka tumawa. Binitawan na niya yung kamay ko at saka yumuko, hindi ko naman maiwasan na mapansin yung namumula niyang pisngi. Eh?

Uminom uli ako d'on sa beer na hawak ko at saka pinagtuunan yung pansin sa labas na tanaw ko mula dito sa bintana, nasa bukid pa din kami. Sigurado akong maya-maya pa ay dadaan na din kami sa city, hindi ko na alam kung ano ang makikita namin d'on. Natatakot ako at kinakabahan, baka himatayin nanaman si Nathan.

Dalawang araw pa bago kami makarating ng Daegu. Madami pa kasing dadaanan yung lane namin, kung kumuha sana kami ni Nathan ng normal passenger train edi sana dalawang araw lang yung byahe. Ang dami naming iniikutan. Patagal nang patagal, pakaba nang pakaba ako sa mga mangyayari.

Hanggang ngayon hindi ko pa din talaga lubos maisip kung totoo ba na may mga zombies sa labas, parang scene lang sa mga movie yung nagaganap eh. Kung masamang panaginip lang 'to, sana magising na ako.

"You're dumbfounded."

Nabalik ako sa sarili ko nang bigla na lang akong kalabitin ni Andy. Nakapatong yung ulo niya sa kamay niya habang nakaharap sakin. Awkward tuloy yung feeling na ganito siya kalapit sakin.

Napalayo ako sa kaniya nang bigla na lang itong lumapit sakin patungo sa mukha ko. Pero laking gulat ko nang muntik na akong malaglag pero hindi natuloy nang hawakan niya ako sa kwelyo ko.

ANO BA 'TONG PINASOK KO?!

Napalitan yung blangko niyang mukha ng pagngisi, tila ba nakahanap siya ng dagang mabibiktima.

"You're handsome, do you know that?"

Hell.

Alam kong gwapo ako pero ayoko naman ng pinupuri ako, hindi ko kasi alam kung magpapasalamat ba ako o tatanggi sa kaniya.

"Ah.. eh.. s-salamat?" Umayos na ako ng upo ko at saka lumagok ng beer nang paulit-ulit. Gusto ko nang makaalis dito at nang malayuan ko na 'tong babae.

"Nauutal ka ata? Saka nagmamadali ka ba?" Napahinto ako sa paglagok nang hawakan niya yung likod ko. Bwisit! Sinusubukan ba niyang landiin ako? Kasi kinikilabutan na ako sa kaniya eh.

"Umm.. pwede layo ka ng kaunti? Baka kasi tamaan ka kapag itinaas ko yung braso ko." Sabi ko at nagpilit ng tawa. Lumayo naman siya pero mukhang hindi siya kumbinsido.

Nagulat ako nang lumapit nanaman siya. Iiih, ano ba?! Hindi ba zombie 'to?!

"Ang gwapo mo talaga.." Naramdaman kong nagtaasan yung mga balahibo ko dahil sa kaniya.

Susko, ngayon ko lang 'to sasabihin. Sana po si Nathan o si Timothy na lang yung kasama ko.

"Para lang po sa kaalaman niyo na canteen 'to, hindi flirting area."

Napalayo siya sakin nang bigla na lang may magsalita sa likuran namin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Masyadong nakakakaba yung kilos nitong babaeng 'to.

"Miss, isang Soju nga." Umupo sa tabi ko si Jessie kaya medyo naamoy ko yung alak sa kaniya. Teka, lasing na siya?!

"Pero ma'am, kakainom niyo lang po kanina. Mahigpit pong ibinagbabawal ng mga staffs ang pag-inom ng mahigit pa sa tatlong bote ng alak."

"Nakadalawa pa lang naman ako ah?!"

"Nakatatlo ka na, ma'am." Ngumisi pa sa kaniya si Andy kaya napataas ako ng isang kilay. Uh.. nag-aaway na ba sila? Aawat na ba ako?

"Okay.. kung ayaw mo naman akong bentahan, dito na lang ako manghihingi.. KAY CODY. Alam ko namang hindi niya ako matatanggihan." Ako lang ba o talagang nilagyang diin niya yung pagtawag sakin? Saka bakit parang nag-iiba na yung tono ni Jessie?

"Jessie, hindi nga kasi pwede." Teka? Magkakilala sila? Parang ang sarcastic kasi nila sa isa't-isa eh.

Napako ako sa kinauupuan ko nang magtinginan sila nang masama. Uh.. mukhang may hindi talaga magandang nangyayari dito? Tatawag na ba ako ng pulis?

Eh pulis na nga si Jessie. Shet.

Nawala yung tumahimik na paligid nang bigla na lang akong hawakan ni Jessie sa braso at saka sumandal sakin. Humarap siya kay Andy at saka ngumiti.

"Nga pala, Andy! Meet Cody, MY BOYFRIEND."

Whut the hell........

- - - - -

A/N: Ngayon lang po ulit nagupdate dahil WALANG NET SA PINAGBAKASYUNAN NAMIN. Torture yun dahil FB lang ang access ko. OUTDATED AKO SA PREVIEWS AND HQ's SA TWITTER. SHEMAY.

Продолжить чтение

Вам также понравится

BREAKING THE RULES

Фанфик

6.4K 283 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
7.7K 433 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
My bosniac Girl MJ

Фанфик

1.2M 23.8K 56
just for fun
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...