So Into You (BxB)

Galing kay Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... Higit pa

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 45 : Lust - Lips

15.2K 274 72
Galing kay Ytianity

This chapter was made by me and @Histriounico. Magka-chat lang kami nung una eh, ewan ko ba kung bakit niya naisip 'to. Pero ginusto ko din naman eh, kaya nagpatulong na ako. Hahaha.

And, like niyo naman yung fan page ng 'So Into You' sa FB. La lungs. Ginawan kasi ni @SunnyMoonie ng ganun itong gawa ko eh. Salamat nga pala! :))

Anyways, read on! Pasensya na kung medyo kakaiba. Mej kakaiba mga gumawa eh. Hahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Finally! Natyempuhan ko din si Jake sa school!

*FLASHBACK*

"Baby, punta lang ako sa klase nina Jake ha? Aabangan ko siya dun para mainvite ko siya sa birthday party mo." paalam ko sa boyfriend ko na nagsusulat ngayon dahil nalimutan niyang gumawa ng assignment.

Yung dalawa naman, nawawala. Si Jason, baka lumandi na naman. Baka isumbong ko na yun kay Diane pag ako nabanas eh. Si Jomar, MIA, nawala din. Hindi nagsabi kung saan nagpunta eh.

Biglang hinawakan ni Karl ang kamay ko nung tumayo ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit, Babe?" tanong ko sa kanya.

"Balik ka agad ha?" sabi niya.

"Baka abroad?" sarcastic ngunit pabiro kong tanong sa kanya na nginitian niya lang.

Tumayo siya at umamba ng halik. Pero agad ko siyang itinulak sa dibdib at tumingin sa paligid.

"Sorry. Hindi ko matiis eh." nakangiti niyang sabi nang mapansin niya sigurong tinitignan ko ang paligid. Baka kasi may nakatingin at makita yung ginawa niya.

"Lul ka! Libog mo na!" sabi ko naman sa kanya tapos ay kumawala ako sa hawak niya.

"Hindi mo naman ako masisisi eh. Ganun kita ka-gusto eh. Saka malibog na ba pag nanghingi ng halik?" nakangisi niyang sagot kaya pinitik ko yung noo niya.

Inanto! Nag-iinit pisngi ko sa pinagsasasabi niya!

"Ge na! Alis na ako. Mamaya mawala na naman si Jake eh, may sa palos pa naman yun!" sabi ko naman sa kanya tapos ay tinapik ko siya sa balikat.

"Sige. Ingat, babe ha? Si Jake yan, alam kong deads na deads yan sa'yo." paalala niya na medyo ikinangiti ko.

Hanggang ngayon, pinagseselosan niya pa din si Jake? Imba 'tong lalaking 'to! Mahal na mahal talaga ako! Hahaha.

Masaya ko nang binabagtas ang daan papunta sa building ng mga Engineering students ng makita ko ang isa sa mga kaklase ni Jakey-baby na iniluwa ng pinto ng canteen.
 
Nilakihan ko ang mga hakbang ko para maabutan ko siya.

"Kuya, nasaan si Jake?" tanong ko sa kanya.

Kumagat muna siya nung Japanese cake na hawak niya tapos ay humarap siya sa akin.

"Nandun sa taas. Sa room namin. Diba ikaw yung boyfriend niya?" sagot niya sa akin na ikinabigla ko.

Saan galing yung 'boyfriend'?

"Boyfriend po? Ako? Ni Jake? Hindi po. Bestfriend ko lang po yun." sagot ko naman.

Napaling naman yung bigat ng ulo niya sa kanan tapos parang naguluhan siya.

"Hindi ikaw? Pero sigurado ako na ikaw yun eh. Base kasi sa description niya, ikaw na ikaw yun." sabi pa ni kuya tapos kumagat uli siya nung pagkain niya.

"Hindi po. May boyfriend na po ako at hindi po si Jake yun." sagot ko naman.

"Sigurado ka? Kasi, kaya daw siya walang GF at iniiwasan niya ang mga babae sa klase namin ay dahil daw sa'yo." dagdag pa ni kuya.

Ano ba pinagsasasabi ng lalaking 'to?

Nilagpasan ko na lang siya at nagtungo na lang sa room nila.

Mula sa pinto ay nakita ko si Jake na nasa dulo at may nakasalpak na earplugs sa tenga niya. Ni hindi man lang niya napansin na tinititigan siya ng lima sa mga babae na nasa loob ng kwarto. Seryosong-seryoso yung mukha niya habang nakatingin sa labas ng bintana na para bang may iniisip.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumingon at titigan ako sa mata. Wow! Paano niya nalamang nandito ako nang wala man lang nagsasabi sa kanya? May kapangyarihan na ba siya?

Biglang napalingon yung mga babae sa akin at parang nawala yung pag-asa sa mga mata nila. Bakit? Dahil ba sa bakla ako at na-realize nilang wala silang pag-asa sa akin? Hahaha. Yabang ko na talaga!

Tumayo si Jake at lumabas sa kabilang pinto.

Akala ko ay lalapitan niya ako pero wala, hindi niya ako pinuntahan. Nakita kong naglalakad siya sa kabilang daan palayo sa akin.

Hinabol ko siya pero sadyang malalaki yung hakbang niya na parang nagmamadali. Dumaan siya sa hagdan kaya sigurado akong bababa siya.

Pagbaba ko ay wala naman siya, kaya nag-CR muna ako para maghilamos. Kaka-stress hanapin 'tong lalaki na 'to!

Pag-angat ko ng mukha ko ay siya namang kita ko kay Jake na kalalabas lang mula sa isa sa mga cubicles.

Napa-lingon ako sa kanya at parang natulala siya. Nung lapitan ko naman siya ay parang nagdilim ang tingin niya at nagbago ang mood niya.

"Jake." bungad ko tapos ay tinangka kong abutin ang kamay niya. Umiwas siya ng tingin gayundin naman sa tangka kong paghawak sa kanya.

Hinawi niya ako tapos ay lumapit siya sa lababo para maghugas ng kamay.

Ako, natulala lang dahil sa ipinapakita niyang attitude patungo sa akin.

Never na umiwas sa akin si Jake. Kung iiwas man siya ay dahil lang yun sa mali ang nakikita niya. Hindi rin niya ako hinahawi na gaya ng ganito. Hahawiin niya lang ako kapag alam niyang nasa panganib ako at hindi para isantabi lang.

Mula sa likod niya ay naisip kong tanungin siya.

"May problema ka ba sa akin, Jake?"

Bigla siyang natigil sa pagpupunas ng kamay niya at saglit akong tinignan sa mata gamit ang salamin. Tapos nun ay lumabas siya ng CR.

Hindi ko alam kung ano mahihinuha ko sa titig niya sa akin pero, nakaramdam ako ng galit, inis, sakit at saka pagmamahal dun sa tingin niya.

Nung mahimasmasan ako sa pag-iisip ay lumabas ako ng CR at binalak na habulin si Jake.

Pero, laking gulat ko nang mabunggo ko siya paglabas na paglabas ko ng CR.

"Jake." mahina kong sabi dahil natakot ako sa titig niya. Walang ka-emo-emosyon! Parang hindi si Jake 'tong kaharap ko ngayon!

Bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako papunta sa isa pang building ng university na kung saan ang mga room ay air-conditioned at medyo sound-proofed.

Tumingin si Jake ng kwartong bakante habang mahigpit niya akong hawak sa braso na ikinapipilipit ko na sa sakit.

Nung makakita siya ng isa ay pumasok kami roon at halos ihagis niya ako sa sobrang lakas ng pag-itsa niya sa kamay ko.

Sinara niya rin ang pinto at ni-lock ito.

"Jake? Anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya habang hinihimas ko yung braso ko.

Nilagpasan niya lang ako tapos ay yung kabilang pinto naman ang ni-lock niya.

"Jake! Ano ba kasing ginagawa natin dito eh!?" paasik ko nang tanong sa kanya. Nakakairita na kasi eh.

Una, hindi niya agad ako nilapitan kanina. Pangalawa, ang sama ng mga titig niya tapos hinawi pa niya ako. Pangatlo, bigla niya lang akong hinila at dinala dito. Tapos, ito naman? Ayaw niyang sabihin kung ano ang problema?

Nanlaki na lang ang mata ko nang biglang may humawak sa mga balikat ko at itulak ako sa pader hanggang sa mapako ang likod ko dun.

Nakatingin si Jake sa akin ng masama at mariin ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"Jake! Masakit!" sabi ko sa kanya habang pinipigil kong mapamura sa sakit dahil sa ginagawa niya.

Bigla niyang inihampas ang mga kamay niya sa pader sa magkabilang gilid ng ulo ko. Nakulong ako sa pagitan niya at ng pader.

"At ano ang tingin mo sa akin? HINDI NASASAKTAN!? Hindi ako bato, Allen, para mangyari yun. Nasasaktan ako. Masakit! MASAKIT NA MASAKIT!" galit na galit niyang bulyaw sa akin.

"J-jake? A-a-ano ba 'to? N-n-n-nata-natatakot na ako s-sa'yo." takot na takot kong tanong sa kanya.

Bigla na lang bumaba yung kaliwang kamay niya at gumapang ito sa likod ko. Hinapit niya ako palapit sa kanya at pinagdikit ang katawan namin.

Hindi ko mapigilang mailang sa pagkakadikit ng katawan namin. Ngayon lang kami nagkadikit ng ganito. Pero mas nangibabaw yung takot kasi hindi ganito yung Jake na kilala ko. Mas agresibo siya ngayon at parang puno ng galit.

Yung kanang kamay naman niya ay biglang humawak sa likod ng ulo ko at napakuyom siya sa may buhok ko.

Pinilit niyang ilapit ang mukha ko sa mukha niya pero hindi ko siya hinayaan. Nanlaban ako at pinilit kong ilayo ang ulo ko mula sa kanya. Pero dahil sa well-developed na 'tong lalaking 'to ay nahirapan akong gawin yun!

Nung hindi ko na kaya at feeling ko ay talagang susubasob na yung labi ko sa labi niya, ay sumigaw ako.

"JAKE!"

Yun lang at napahinto naman siya na para bang sinampal siya ng nanay niya mula sa pagkakatulog.

Tinitigan niya ako sa mata at nakita ko roon ang sakit. Binitawan niya ako at lumayo siya mula sa akin. Umupo siya sa isa sa mga upuan at itinukod ang siko sa mga hita niya. Napatakip siya ng mukha tapos ay huminga siya ng malalim.

"Ano bang problema mo, Jake? Hindi ikaw 'to. Bakit nagiging agresibo ka na ata?" tanong ko sa kanya.

Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa akin.

"Dahil 'to sa'yo." seryoso niyang sagot tapos ay napakuyom siya ng kamao.

"Dahil sa akin? Bakit? Ano bang ginawa ko?" tanong ko ulit sa kanya. Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya eh.

Tumayo siya at nilapitan uli ako. Bigla na lang nag-react yung katawan ko na umatras at sumandal uli sa pader.

"Matagal ko nang alam na boyfriend mo yung Karl na yun." sabi niya at napatigagal ako.

Paano niyang nalaman?

"Nung pumunta kami parehas sa bahay niyo? Nalimutan mong nandun ako mula nung dumating yung lalaking yun! Hindi ko sinasadyang makinig pero mabuti na ring nagawa ko. Kasi aasa at aasa lang pala ako sa wala." seryoso niyang sabi na lalong nagpagulo ng utak ko.

Anong aasa? Does he mean na ....

"May gusto ka sa akin, Jake?" tanong ko sa kanya na para bang ngayon lang sumampal sa akin ang katotohanan.

"Allen, paulit-ulit? Tangna, high school pa lang tayo, malapit na malapit na tayo sa isa't-isa. Hindi mo ba mahalata? Dun pa lang higit na sa kaibigan ang turing ko sa'yo. Halos buong school nga ang tingin ay mag-syota tayo tapos, ikaw, kaibigang nilalandi lang ang tingin mo sa akin? Ngayong mas matanda na tayo, akala ko aamin ka na rin sa sarili mo at sasabihing mahal mo din ako. Pero nagkamali pala ako. Wala lang sa'yo yung tagal ng samahan. Ang mahalaga kasi sa'yo ay yung kung sino ang unang lalapit sa'yo at makikipag-harutan." sagot niya at medyo nainis ako sa huli niyang sinabi.

"Ano tingin mo sa akin, Jake? Malandi? Oo, si Karl ang unang lumapit sa akin pero hindi ko naman siya agad pinakitaan ng interes nun eh. Kung ano ang nakikita mo sa amin ngayon, pinaghirapan naming makuha yun mula sa isa't-isa." sagot ko naman sa kanya kaya napaatras uli siya at napaupo sa upuan.

"At ano yung ginagawa ko? Sa loob ng mahigit 5 taon, Allen, sa tingin mo hindi ko pinaghihirapang kunin yang pagmamahal mo? Pasuko na ako, pero naisip ko na, 'Ay, hindi, bakit ko 'to susukuan? Eh mahal na mahal ko 'to eh'. Ganun. Tapos, yan ang sasabihin mo sa akin ngayon? Na pinaghirapan niyong kunin mula sa isa't-isa ang kung ano mang meron kayo ngayon? That's bullshit!" medyo ramdam ko yung galit at lungkot sa tono niya.

Tumayo siya at pumunta sa kabilang side ng kwarto at sumandal sa pader doon

"Wala na ba talaga akong pag-asa sa'yo?" mahina niyang tanong.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Ramdam ko yung pagpigil niya sa mga hikbi niya.

"Jake, we still have our friendship. Anong pinag-aalala mo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Naramdaman kong pinaglalayo niya ang katawan namin kaya medyo niluwagan ko yung yakap ko sa kanya.

"But I want you more than that." malungkot niyang sabi at nakita kong mamasa-masa ang kanyang mata.

"Jake, I'm sorry kung hindi ko agad na ipinagtapat sa'yo ang tungkol sa amin ni Karl. Sorry din kung patuloy kitang pinapaasa, hindi ko naman kasi alam eh. Sorry din kasi sa tingin ko ay hanggang pagkakaibigan na lang talaga tayo." malumanay kong sabi sa kanya na para bang inaalo ko siya mula sa kalungkutan niya.

Umiling siya tapos ay pinahid niya ang patulo na niyang luha gamit ang likod ng kanyang kamay.

"Karl's having a party. Do you want to come?" bigla kong naitanong sa kanya out of the blue.

He let out a sob tapos ay humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mata.

"Kukunin kita mula sa boyfriend mo na yan. Ipapadama ko sa'yong ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon." seryoso at matatag niyang sabi na para bang isa iyong sumpa.

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Pero nawala iyon dahil ngumiti siya.

"May alak ba?" bigla niyang tanong.

"Duh! Definitely! Ang tatanda na nung mga yun 'no!" sagot ko naman sa kanya, never minding the fact na nagalit siya kani-kanina lang.

"I'll come." sagot niya kaya napangiti ako at nayakap siya.

"Thank you, thank you, thank you, thank you!" masayang-masaya kong nasabi sa kanya habang yakap ko siya.

"But on one condition ...."

*END OF FLASHBACK*

And that was to stay beside him the whole freaking day of the party! Or else, walang Jake dito ngayon.

Mi ultimo pagpunta lang sa CR, kailangan kasama pa niya ako! Pero nasa labas lang ako ng CR, hinihintay siya. HIndi ko tuloy malapitan si boyfie! Hays.

Halos mabutas na nga ako sa talim ng titig sa akin ni Karl eh. Pero anong magagawa ko? Ginusto ko 'to eh. Gusto kong sumama si Jake. Eh di sundin ang kondisyon niya!

"Baby! Lumayo ka naman kay Jake kahit konti. Para kang aso niya eh." medyo lasing namang sabi ni Diane sa akin.

Si Diane lang dapat ang babae dito, pero nagulat ako nang makita ko si RR na kadikit ni Jomar! Hindi naman na ako sinunggaban ni RR at parang kay Jomar na siya naka-focus. So, yung prospect ni Jomar is si RR? Astig ha? Hehehe.

"Shut up, Diane! Dito lang sa tabi ko si Allen at wala nang aagaw pa sa kanya mula sa akin!" bigla namang sabi ni Jake kay Diane tapos ay inakbayan ako na para bang ayaw niya akong ipahawak sa iba at tinitigan si Karl.

Gumanti naman si Karl ng titig kaya hinampas ko ng mahina ang tiyan ni Jake at ngumiti naman sa direksyon ni Karl.

"Ang kukulit niyong magkakaibigan 'no?" biglang sabat ni Jason kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Pare-parehas kaya kayong mga isip-bata! Si Allen ata ang panginoon niyo eh." dagdag pa niya kaya nakatanggap siya sa akin ng mala-shuriken na titig.

"Mahal ko si Allen eh." sabi ni Jake kaya nahampas ko ang sikmura niya at pinanlakihan siya ng mata.

"Saan galing yun? Kulit talaga ng mga 'to!" sabi pa ni Jason.

Medyo boring yung party dahil kami-kami lang ang nandun. Hindi pa kami masyadong nag-uusap kasi may kanya-kanya kaming pinagkakaabalahan. Sabi ko nga kay Karl, i-invite yung iba naming kaklase. Pero ayaw niya talaga. Baka daw kasi magkabukingan eh. Mahirap na.

Pero kahit na boring yung party ay nalasing pa rin ang mga kumag. Si Karl, tumabi na rin sa akin at hinahawakan yung kamay ko pag walang nakatingin. Si Jake naman, parang gago na akbay ng akbay sa akin. Alam naman niyang boyfriend ko si Karl eh, parang tini-trigger niya pa yung isa na manlaban at makipag-talo sa kanya.

Eh pag nangyari yun, baka hindi makapagpigil itong si Karl at mabulgar kami sa buong barkada. Kaya kahit paano ay pinapansin ko si Karl para naman kumalma siya.

"Hooooy! Bakiiit paaarrrrang hindi paaaa ummmmiinom ssssiii Aaalllllllleeeennnn?" langong-langong naitanong ni Jason.

"Gago mo! Hindi ako umiinom!" sagot ko naman sa kanya.

"Ang unnnnffffaaaiiiirrrr mooooo! Lahat kami uminom eeeeeh." sabi pa niya tapos ay nagsalin siya ng alak sa shot glass.

Inabot niya sa akin ito at ...

"Uminom ka para kay Karl! Regalo mo na para kay Karl yan! Sige na!" sabi niya at napatingin naman ako kay Karl habang hinahawakan yung shot glass.

Ngumiti siya kaya parang nagkaroon ako ng lakas ng loob na gawin yun. Regalo ko na din naman kay Karl eh.

Nung tutunggain ko na yung maliit na baso ay may humawak ng braso ko at hinila sa akin ang shot glass. Narinig ko na lang ang tunog ng hampas ng puwit ng baso sa mesa nung lumingon ako.

Ininom ni Jake?

"Epal naman nito ni Jake! Bakit mo ininom?" tanong ni Diane sa kanya habang hinahampas siya sa braso.

"Hindi pwedeng uminom si Allen." seryosong sagot ni Jake.

"Epaaal! Ang tanda na ni Allen eh." sagot naman ni Diane.

"Oo nga naman p're! Pwede nang uminom si Allen eh." sabat naman ni Jason habang nagsasalin uli ng alak sa shot glass.

Inabot uli ni Jason sa akin yung shot glass na kukunin ko naman sana kaya lang ay si Karl naman ang kumuha at uminom ng laman nun.

"Hala siya! Bakit mo ininom? Tagay ni Allen yun eh." tanong ni Jason.

Ngumiti si Karl at ibinalik ang shot glass kay Jason.

"Eh nauhaw ako eh. Hehehe." halata na rin ang pagkalasing sa boses ni Karl pero lumingon siya sa akin ng nakangiti tapos ay bigla siyang kumindat. Nag-init naman ang mga pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Sa tuwing tatagayan ako ni Jason ay nag-aagawan ang dalawa. Wala pa tuloy akong naiinom! Nagpatuloy ang ganun, hanggang sa pare-parehas na silang sumuko at puro landian na lang ang nagaganap sa dalawang pares.

Biglang humigpit ang akbay sa akin ni Jake kaya napatingin ako rito. Bigla ko ring naramdaman ang paghigpit ng hawak ni Karl sa kamay ko kaya siya naman ang nilingon ko.

Pinanlakihan ko siya ng mata na parang nagtatanong at bigla na lang niyang idinantay ang ulo niya sa balikat ko. Pero dahil dun din nakapatong ang kamay ni Jake ay itinulak nito ang ulo niya.

Nangunot ang noo niya sa direksyon ni Jake pero nawala din iyon nung tumitig siya sa akin.

He leaned in closer tapos ay bumulong siya.

"Samahan mo ako sa CR, dun sa kwarto ko."

Nasulasok ako sa amoy ng alak galing sa hininga niya pero at the same time ay parang kinuryente ang buo kong katawan nang dumampi ang hininga niya sa tenga ko.

Marahan kong tinanggal ang kamay ni Jake at umusog ng kaunti. Buti na lang at lasing na ang lalaking yun kaya hindi na niya napansin ang ginawa ko.

Tumayo ako at hinantay si Karl. Pero nakita ko lang siya na nakasandal sa sofa at parang natutulog na. Nilapitan ko siya at marahang tinapik sa pisngi.

"Karl, Karl, Karl." marahan kong paggising sa kanya para paalalahanan siyang magsi-CR siya.

Nagdilat siya ng mata at tinitigan ako sa mata.

"Allen?" nakangiting tanong ni Karl sa akin.

Tumango naman ako at marahan siyang inalalayan para tumayo.

"Saan tayo pupunta, Babe?" mahina niyang tanong sa akin nang makatayo na siya.

"Sa kwarto mo." mahina ko namang sagot sa kanya.

Bigla na lang niyang ipinulupot ang isa pa niyang kamay sa baywang ko at hinapit ako palapit sa katawan niya.

"Bakit, Babe? Gusto mo na bang gawin natin yun? Handa ka na ba? Matagal ko na ring pinag-iisipan ang pakikipag-sex sa'yo eh. I love you." lasing niyang sabi which turns out na parang sine-seduce niya ako.

Tinampal ko ang noo niya at mahina siyang tinulak palayo sa katawan ko. Ang init kasi ng katawan niya eh. Nakakadala! Hahaha.

Inalalayan ko na siya paakyat sa hagdan pero natigilan ako ng may biglang humablot sa laylayan ng shirt ko.

Si Jake!

Paano niya ako nasundan ng ganyan kalasing ang itsura niya? Halos nakapikit na siya at parang hindi na kayang tumayo.

Iniupo ko muna si Karl sa hagdan tapos ay binalingan ko ng atensyon si Jake.

"Jakey, bakit ka sumunod? You should have stayed there." mahina kong sabi sa kanya tapos ay tinignan ko ang sala.

Mukhang nagkakaseryosohan na sina Jomar at RR. Sina Diane at Jason naman ay nagbubulungan at nagbubungisngisan. Buti hindi nila napansin na wala na kaming tatlo?

"Bakit ka umalis?" tanong niya ng nakapikit.

Hindi niya pala nakitang karay-karay ko si Karl? Very good!

"Pupunta lang ako ng CR." sagot ko na lang sa kanya.

"Sasamahan kita. Ayokong makitang magkadikit na naman kayo ng boyfriend mo. Nasasaktan ako." sabi niya.

Awww, kawawa naman 'tong lalaking 'to! Bakit kasi sa akin pa 'to na-inlove eh. Ang dami-dami namang babae dyan.

"Halika na, bumalik na tayo sa kanila." sabi ko habang pinipilit ko siyang tumayo. Umiling siya sa akin at hinawi ang mga kamay ko.

"Sasamahan kita sa CR." sabi niya, halata talagang lasing na lasing na.

"Dyan ka lang muna. May gagawin lang ako saglit. Babalikan kita." sabi ko sa kanya tapos ay si Karl naman ang nilapitan ko.

"Sige lang. Hihintayin kita kahit gaano katagal." sabi naman niya na parang may subliminal message sa sinabi niya.

Itinayo ko si Karl na mukhang hindi na rin kayang tumayo mag-isa tapos ay umakyat kami papunta sa kwarto niya. Ipinasok ko siya sa CR at hinayaang gawin ang dapat niyang gawin. Kaya naman niya sigurong tumayo saglit at buksan ang zipper niya para makaihi, diba?

Binalikan ko si Jake na mukhang hindi nakatiis at pinilit na akyatin ang hagdan. In fairness, naka-tatlong baitang din siya ha? Hahaha.

Bigla kong hinawakan ang braso niya at pinilit siyang itayo.

"Allen! Ang tagal mo." sabi niya.

Lul mo, Jake! Wala pa ngang limang minuto eh.

"Halika na, matulog ka na kaya? Hindi mo na kaya eh. Sige na." pag-aya ko naman sa kanya tapos ay inakyat ko din siya sa taas para i-check naman si Karl.

Nandun siya sa kama, nakaupo. Buti nakalabas siya ng maayos?

Anyways. Lumapit ako sa kama at inihiga doon si Jake. Agad din siyang umupo at niyakap ako.

"I love you, Allen." bulong niya sa akin.

Kumawala ako sa yakap niya at iniayos siya ng upo. Nilingon ko si Karl at mukhang ayos naman ito.

Yumuko ako para tanggalin ang mga sapatos nila. Pero saktong pagyuko ko ay parang nagitgit ako kaya pinilit kong lumingon.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kaya bumaba ako sa kama at napasambit ng ....

"OH GOD!"

Kasabay ng mga iyon ay dinukot ko ang phone ko sa bulsa.

KARL VINCENT'S POV

Sinabi ko kay Allen na samahan ako sa CR sa kwarto ko, pero ang totoo ay gusto ko siyang makasama dun buong magdamag. Kahit walang mangyari sa amin ngayong gabi ay ayos lang.

Dahil sa sobrang kalasingan ay napaupo ako sa gilid ng kama ko. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagbagsak sa kama ko kaya natiyak kong tinabihan ako ni Allen.

Ngayong kaming dalawa na lang ang narito ay maso-solo ko na siya.

Abot-tenga ngayon ang ngiti ko dahil kasama ko siya sa kwarto ko ngayong birthday ko.

Naaninagan kong nakaiwas ang tingin niya sa akin kaya may namuong plano sa utak ko.

It's my chance to give him a passionate kiss.

I smirked and closed my eyes before I landed on something soft. It didn't matter kung anuman ang gumalaw sa tabi ko at bakit may hampas ng hangin kanina pero sigurado ako na gustong-gusto ko yung feeling ng labi niya sa labi ko.

Pero, bakit ganun? Parang iba yung labi na hinahalikan ko lagi, kesa labi ngayon? Oh well, I don't know what's Allen been doing to his lips, but, Allen is Allen. AND I FREAKING LOVE HIM SO MUCH!

"OH GOD!" I heard him say. I want it so much, I want you so much.

Now I’m going to devour your lips, Allen. Be ready. HAHAHA.

Dahil sa sobrang pagkalango ko sa alak, kahit hindi ko man mamukhaan si Allen ay nagugustuhan ko talaga yung lambot ng labi niya.

I gently kiss his upper lip. He groaned after I slightly bit and nibbled his lower lip. That let him moan a bit louder.

Shit! It's making me horny.

We separated momentarily and I watched him lick his lips. I immediately kissed him again after seeing him do that.

I can't fully trace Allen's feature, but, I was sure as hell that his lips was more visible than any part of his face.

Oh! The sensation he's giving me now is letting the lion out of me.

Unti-unti kong naramdaman yung urge na maging agresibo para mas magawa ko ang lahat ng gusto ko.

Napasabunot ako sa kanya para kontrolin yung mga halik namin. At sa pagitan ng mga iyon ay pareho kaming napapaungol dahil sa kaligayahan.

Pinilit kong ipasok ang dila ko sa bibig niya para maramdaman ko ang init nito but Allen won't just let me!

He also fought for dominance! Damn this man! Mukhang pahihirapan ako nito ah?

I felt his hands touched my body. From my trunk going down to my waist. Then, I stopped and looked at his lips. I grinned in full lust when I saw him smile.

The sensation that I am feeling now is heightened so, I took his hands away from my waist and positioned them above his head and pinned him down.

I continued kissing him and started to rub my hand on his thigh which made him hiss.

We separated our lips again dahil hingal na hingal at nauubusan na kami ng hininga. We gasped for air but I didn't stop there. I, again, started owning his mouth until I reach his neck and began sucking on it.

Ipinasok ko ang kamay ko sa shirt niya at nilakbay nito ang buo niyang katawan hanggang sa madako ito sa matigas na umbok.

Marahan ko iyong pinisil-pisil para paligayahin din siya.

Nung magpakawala siya ng malakas na ungol ay doon naging madilim ang buong paligid.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

HAPPY NEW YEAR! :))

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
207K 4.3K 33
CAN ANOTHER LOVE TAKE AWAY THE PAIN? "THE BROKEN MAN'S GAME" M2M INTENSE DRAMA SERIES DATE STARTED: JUNE 20,2015 (SATURDAY) DATE FINISH: JULY 18,2015...
574K 12.8K 33
BOYXBOY GAY YAOI ~ Si PRUE (Pru) ay isang simple at masayahing bading na nag iba ang takbo ng buhay at naging mala Roller Coaster ride mula ng may ma...
309K 8.8K 37
[COMPLETED] Not every love story ends with a "and they live happily ever after" Date started: May 15, 2014 Date Finished: November 22, 2016 Story C...