Eternal Vow (MBIAV 3)

By IamNadiaLucia

48.9K 1.9K 268

Paths are crossed, Fates Entwined, Lovers Reunited, And the Fulfillment of a Promise Of Forever More

Eternal Bond
Author's Note
Chapter 1: Transferee Students
Chapter 2: Memories
Chapter 3: Majestic Palace
Chapter 4: Disciplinary Committee
Chapter 5: The Witch's tears
Chapter 6: Best friends Forever
Chapter 7: Debut party
Chapter 8: Crossdresser?!
Chapter 9: Meet the Miravelez
Chapter 10: Another Allies
Chapter 11: Let's start the party
Chapter 12: Missing Part
Chapter 13: Right were you belong
Chapter 14: Fire and Ice
Chapter 15: For the love we have
Chapter 16: Enemy or Ally?
Chapter 17: Reunion
SPECIAL CHAPTER: Union of hearts
Chapter 18: My Immortal
Chapter 19: Family Bonding
Chapter 20: Thank you
Chapter 21: School Fest
Chapter 22: Vitalis Family
Chapter 23: Hello's and Farewell's
Chapter 25: New beginnings
Chapter 26: Ascension of Heirs
Chapter 27: Dance of the Wallflowers
Chapter 28: Collecting Memories
Chapter 29: Awaiting storm
Chapter 30: A Rainy Tragedy
Chapter 31: Truth and devastation
Prologue
To Fans!

Chapter 32: Cowardly Decisions

909 47 4
By IamNadiaLucia

A/N:

Eto na talaga 'yon! malapit na siyang matapos!!!

Pero seryoso naloka ako sa chapter na to >_<

#sakitsaheart

Enjoy~

NAGISING si Kieran sa sariling kwarto habang nakatunghay ang nag-aalalang mukha ng kanyang ina.

"Mom, what happenend?" aniya saka sinubukang itukod ang siko niya sa kama dahil nakadapa na naman siya. Kaso hindi naman niya nagawa dahil parang mag kung ano ang bigla na lang humigop sa lakas niya.

"You fainted bumukas din ang sugat mo dahil nagpumilit kang tumayo. Ano bang naisipan mo at alam mo na ngang sariwa ang sugat mo nagpumilit ka pa ring tumayo." His mother scolded him.

"Sorry." Aniya sabay naalala niya si Miko. "Is Miko, okay?"

Isang katahimikan ang naging sagot sa tanong niya hanggang sa binasag ito ng isang hindi pamilyar na boses.

"She already calmed down after your assured her." Nagpatulong siya sa kapatid na makaupo na agad naman nitong ginawa mabuti naman at hindi ito nakipagtalo sa kanya sa pagkakataon na 'yon.

Nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng doctor's robe sa tinign niya ay ito si Dr. Rey na siyang gumagamot sa kanya.

"I hear a but."

"She waked up and became hysterical kaya naman wala silang nagawa kung hindi ang i-sedate siya."

"What happened to her?"

"Trauma." Natigilan siya sa sinabi nito. "Mukhang na-trauma siya sa nangyari sa'yo lalo pa at aware Miko na siya ang may kasalanan. In her mind she thought she killed you, sa tingin ko rin ang malakas na ulanang nagti-trigger ng memory niyang 'yon. Ang obviously ikaw lang ang makakapagpakalma sa kanya which na hindi naman natin magagawa dahil sa kundisyon mo ngayon. Kailangan mo munang magpagaling kami na muna ang bahala sa kanya maliwanag ba?"

He reluctantly nod eventhough the only thing that he wants right now is to go on Miko's room and comfort her. At ang tanging magagawa lang niya sa kasalukuyan ay magpagaling.

IT'S been three days, three torturous days eversince they knew Miko suffered a psychological trauma. Kieran can heard Miko's scream even from afar, it's calling his name until her voice became hoarse.

Hindi rin nakaganda ang masamang panahon dahil sabi ni Dr. Rey parang isang recording ang tunog ng kulog, kidlat at ang malakas na bayo ng ulan sa utak ni Miko. Na parang paulit-ulit ang mga pangyayari sa utak nito.

Iyon din ang naging dahilan kaya hindi makaalis sina Lou sa palasyo bagaman wala na si Uncle Emerson at Uncle Renan dahil may sari-sarili itong mansion sa London. Habang ang iba ay nauna nang umalis nitong nakalipas na araw nang medyo naging maayos ang panahon panandalian.

Gustong-gusto niyang puntahan si Miko pero nakabantay ang kapatid niya noonng pangalawang araw nga ay kinailangan pa siyang patulugin ng sariling ama para hindi na siya manlaban pa.

Kaya naman ngayon nagawa na niyang makakuha ng go signal kay Dr. Rey ay mas mabilis pa siya sa alas-kwatro na pinuntahan niya si Miko.

Nang nasa tapat na siyang kwarto nito ay huminga muna siya ng malalim at saka dahan-dahang binuksan 'yon. Nakita niya ang nahihimbing na itsura ni Miko, maputla ito at humpak ang mga pisngi ang sabi sa kanya ni Anne ay hindi ito kumakain maliban kung subuan ito mismo ng huli.

Hindi niya alam kung anong pwede niyang gawin para mawala ang sakit na nararamdaman nito. Umupo siya sa tabi ng kama nito at hinawi niya ang nakatabing na buhok sa mukha nito.

Pagkatapos ay may naalala siya, ang sabi ni Dr. Rey memorya nito ang nagti-trigger ng trauma ang memorya nito tungkol sa kanya. Paano kung, paano kung burahin na lang niya 'yon? Magiging maayos na kaya si Miko?

"Kung ako sa'yo kung ano mang binabalak mo wag mo nang gawin." Napalingon siya sa nagsalita at nagulat siyang 'ni hindi man lang niya naramdaman ang presensiya ni Anne. Tahimik lang itong nakatayo sa pintuan bago siya nilapitan.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Aniya pero tumutok na ang mga mata niya sa nahihimbing na si Miko.

"Compulsion." Natigilan siya sa paghaplos sa mukha ni Miko. "I know all vampires have that, at sinasabi ko sa'yo hindi makakabuti ang gusto mong gawin. Hindi para sa kanya, hindi para sa'yo."

"But what if that's the only way to bring her back?"

"But what if it can also be the reason na mawala ang dating Miko na kilala natin?"

May punto 'to pero ayaw niyang makita na nahihirapan si Miko. "Ayokong nakikita ko siyang ganito.

"Miko is strong, ang kakayahan niyang mag bounce back sa kahit anong masamang mangyari ang isa sa mga unique qualities niya. Trust her Kieran she can overcome this." Anito saka ipinatong ang kamay sa balikat niya.

Anne's right he shouldn't do it because he could suffer a huge consequence that may hurt him at the very end.

"Okay." Aniya.

"Good, anyway bantayan mo muna siya kailangan ko kasing tawagan si Ama dahil hindi ko pa rin alam kung kailan titigil ang bagyong 'to." Saka siya nito iniwan.

For the rest of the day ay hindi niya iniwan si Miko, kung hindi nga lang siya tinawag ng kanyang ina para kumain at uminom ng dugo ay hinding-hindi siya aalis sa tabi nito.

Hanggang sa gabi ay nagising na lang siya sa isang malakas na sigaw mula sa pagkakayukyok niya sa tabi ng kama ni Miko.

Miko is trashing in the bed as she scream like a bloody murder mabilis naman na sumampa siya sa kama at niyakap si Miko.

"Shh its okay, I'm here Miko." Nang maramdaman siguro nito ang katawan niya ay mahigpit siya nitong hinawakan sa likod at nangunyapit sa t-shirt niya at hindi na niya ininda pa ang sugat sa likod niya na naramdaman niyang nagdugo na naman.

Kumalma na si Miko pero tila may naramdaman siguro itong mainit na likido sa kamay nito at agad nitong tinignan.

"NOOOO!" nanlaki na lang ang ma mata ni Kieran nang makita niyang may bahid ng dugo ang mga kamay ni Miko na lalong nagpahysterical rito saka malakas siyang itinulak. Nakita niyang mahigpit nitong sabunutan nito ang sariling buhok at kalmutin ang mga braso.

Agad naman niyang pinigilan ito pero mukhang mali ang ginawa niya dahil lalong umiyak ito at ang sunod na lang niyang napansin ay dumating na si Dr. Rey para turukan ito ng sedative.

Mabilis naman na kumalma si Miko at saka muling bumalik sa pagkatulog habang siya naman ay malakas ang kabog ng dibdib at hindi pantay ang paghinga. Para siyang tumakbo ng marathon pero imbes na sagutin ang mga nagtatanong na tingin nila Lou ay mabilis siyang lumabas at dumiretso sa sarili niyang kwarto.

Parang nakakaloko lang na nagreply sa utak niya ang nangyari kay Miko. The horror look on her face as the blood were on her hands. Umupo siya sa sofa saka napahilamos sa mukha. He can't do this, he can't bear on what's happening to Miko, a victim of circumstances and she's suffering alone.

"Ran." Narinig niyang tawag ng kapatid.

Mula sa pagkakayuko ay itinaas niya ang paningin para makita ang kapatid na may hawak na first aid kit.

"Dumudugo ang likod mo palitan natin ng bandage." Saka ito tumabi sa kanya habang siya ay tinaggal ang butones ng suot niyang polo shirt.

"I- I don't know what to do anymore." He whispered in agony.

"You don't know to do anything Ran, just be there for her. Everything will be okay." Anito saka tahimik na pinapatuloy ang ginagawa for the first time ay parang mas gusto pa niyang mag-ingay ang kapatid kaysa tahimik ito.

Pagkatapos 'non ay nagdesisyon na itong umalis leaving him in the train of his own thoughts.

Then bumalik siyang muli sa kwarto ni Miko, wala na ang mga sina Lou ibigsabihin ay nagsibalikan na ang mga ito sa pagtulog. Saka siya lumapit rito, there are still fresh tracks of tears in her face and he can't bear to see it.

Parang may kung anong pumipiga sa dibdib niya at hindi siya makahinga, Hindi niya kayang makita ng ganito si Miko, he wants to see her smiling as her eyes twinkled in delight not like this a pale looking girl with a fresh tears in her face.

Nilapitan niya ito, Oo at binalaan na siya ni Anne sa balak niyang gawin kanina lang pero hindi niya kayang makita ng ganito si Miko, hindi niya kaya.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya saka siya umupo sa sa kama sa mismong tabi ni Miko. His face descend in hers as he planted a kiss in her forehead before putting it on his.

"Forget about me, forget about Kieran Angelus, Kieran Alexis Zaria or Kier. Forget everything that happened between us, those memories and lastly that nightmare." He whispered in her ear. Then he felt her breath became calm then her color are starting to show again.

"What did you do?" for the second time ay muli na na namang nakalapit si Anne without him noticing.

"Isang bagay na dapat kanina ko na ginawa." Aniya saka hinaplos ang mukha ni Miko bago tumayo at hinarap si Anne.

"Idiot! Bakit mo ginawa 'to?!" sigaw nito sa kanya saka siya nilapitan at malakas na sinuntok.

Tinaggap niya lang 'yon at kahit na ramdam niya ang tila pagkakadislocate ng panga niya hinayaan niya lang 'yon na gumaling mag-isa.

"I just don't want her to suffer." He whispered in defeat.

"You don't want her to suffer? O ayaw mo lang na masaktan ka dahil sa nakikita mo?" pagkatapos ay dinuro siya nito. "Napaka selfish mo! Hindi mo ba naisip kung bakit ikaw lang ang kayang makapakalma kay Miko sa kabila ng hystericals niya? Dahil mahalaga ka sa kanya, alam mo bang pangalan mo lang ang tinatawag niya tuwing binabangungot siya? Alam mo bang sa lahat sa atin ikaw ang pinaka kailangan niya pagkatapos tatakbuhan mo lang ang lahat?" narinig niya ang paggaralgal ng boses nito pero nagpakatatag ito.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam? Sa nakalipas na mga gabi kaya ko nagpagaling agad dahil naririnig ko ang boses niya na tinatawag ako. Pero hindi ko kayang makita siyang ganyan."

"Tanga! Napakatanga mo Kieran! Sinayang mo lang ang pagkakataon na pwede mo siyang makasama, sinayang mo lang lahat ng memories na nakasama mo siya at sinayang mo lang ang panahon ninyong dalawa dahil sa ginawa mo!"

Napayuko na lang siya dahil sa totoo lang tama naman lahat ng sinasabi nito, sinakripisyo lang niya ang lahat para lang kay Miko. Kahit ang mga memoryang alam niyang ayaw nitong mabura sa alaala nito.

"You're a fool Kieran don't you know na hindi lang ikaw ang magsa-suffer sa consequences na 'to? Maging siya, araw-araw sa buhay niya mararamdaman niyang parang may kulang, parang may mali at alam mo kung bakit? Dahil isang bahagi ng memorya niya ang nawawala. Isang bahagi ng pagkatao niya at ikaw ang may kasalanan! Good job Kieran, Good Job sa katangahan na ginawa mo!" anito saka lumabas ng kwarto at padabog na isinara ang pinto.

Habang siya ay tila naghihina na napaupo sa kama ni Miko, pero hindi niya pinagsisihan ang ginawa dahil alam niyang iyon ang makakabuti kay Miko. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Hungkag at paulit-ulit na nagi-echo sa tenga niya ang mga sinabi ni Anne. Hanggang sa namalayan na lang niyang nanlabo ang paningin niya kasunod ng mga maiinit na likidong pumatak sa mga mata niya and for the first time since he became a teenager,he wept.

Sa sumunod na araw nalaman na lang niyang umalis na sina Anne and eventhough Miko is unconscious they still manage to bring her back to the Philippines habang siya naman ay hindi na nakita pa ang pag-alis ng mga ito dahil sa lagnat na nakuha dahil sa sugat niya.

Pero isang bagay ang ipinangako niya sa sarili, hindi ito ang huling beses na makikita niya si Miko.

SINULYAPAN ni Anne si Rian na nakangiting kumakaway sa kanila na sinuklian niya ng isang tipid na ngiti. Pinagmasdan niya itong mabuti itinatak sa isip ang mukha nito dahil alam niyang ito na ang huling beses na maari niya itong makita.

Naalala niya ang mga sinabi kay Kieran sa totoo lang ay parang sarili niya ang sinasabihan niya. Kung hindi lang siya makasarili at sinabi niya kay Rian ang totoo siguro ay may magandang resulta na pwedeng mangyari.

Pero iniisip niya ang katayuan nito bilang isang prinsipe at siya bilang isang necromancer na hindi alam ang pinagmulan. Sigurado siyang hindi siya tatanggapin sa society na kinabibilangan nito at ayaw niya itong mahirapan kung sakali man na iyon ang mangayari.

Kaya ngayon eto siya tinatakbuhan ang katotohanan na siya at si Rian ay para sa isa't-isa. Mamahalin ito ng malayo hanggang sa makapilil ito ng babaeng mas karapat-dapat ditto.

Hindi katulad ng mga bampira na malalaman ang soulmates nila pagtungtong sa tamang edad. Ang mga necromancer na katulad nila ay nalalaman ang kanilang lifemates sa unang tingin pa lamang kaya naman ibinigay niya kay Rian ang kaisa-isang bagay na iniingatan niya. Ang sarili niyang kaluluwa na nakapaloob sa mismong kwintas na ibinigay niya rito.

Kaya naman kahit saan ito magpunta mararamdaman pa rin niyang magkasama silang dalawa. Kung sakali mang ma iba itong mahalin okay lang dahil ito ang consequence ng actions niya.

Katulad ng ginawa ni Kieran she also need to suffer and she knows that what they have choosen are there cowardly decisions.


Harrieth Alois

Continue Reading

You'll Also Like

873K 27.2K 56
Series 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na na...
17.9K 751 36
Louisiana quit her job as an agent in an organization called Sierra. It was for the safety of her members. Pero mas lalo lamang palang magiging kompl...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
Se Agapó By Meiji

Teen Fiction

9.5K 231 32
R+18 this story is not suitable for young readers like you. "I can save a dozen of people not a thousand"- Meiji Yoghurt Si Kyle ang isa sa mga magag...