Chapter 7: Debut party

1.1K 58 3
                                    

A/N:

Thank you for supporting!!!



SA ISANG iglap ay agad na tumabi silang dalawa ng kakambal niyang si Kieran sa kanilang ina.

"Ayos na bang pakiramdam mo Mom?" nagaalalang tanong agad ng kakambal niya.

Agad naman itong nginitian ng ina. "Yeah, I feel alright now, medyo sumakit lang talaga nag ulo ko." Sagot nito.

Hindi niya maiwasang makaisip ng kalokohan nang masulyapan niya si Emery. "Hey Mom I'm gonna ask you something." Isang kurap ng mata ay nasa tabi na siya ni Emery. "How old do you he is?" tanong niya saka ipinatong ang kamay sa ulo nito.

Ikiniling ng ina ang ulo nito para yata mabisitahan ng maigi ang itsura ni Emery. "Twelve or eleven, I think." Sagot ng ina saka ito tuluyang bumaba sa hagdan buntot si Kieran.

Asar natinapik ni Emery ang kamay niya. "Damn you! Tigilan mo nga ko!" galit nitong sinabi sa kanya at hindi niya maiwasang mapangisi sa inakto nito.

"Tsk, tsk, tsk. Such a dirty mouth for a kid like you."

"I f—king told you I'm already sixteen!"

Ikinurap-kurap niya ang mga mata. "Talaga?"

Tila naman parang sasabog na bulkan na ang itsura ni Emery sa sobrang pula ng mukha nito hindi niya maiwasang matawa rito.

"Rian, that's rude." Saka nito binalingan si Emery. "Pasensya ka na sa anak ko." Marahan na binatukan siya ng ina.

Kapagkuwan ay natigilan na naman ito saka nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo. "Wait, you mean she's your mother you where talking a while ago?!"

"Yup, the one and only." Nakangiting sagot niya rito.

"Parang sumakit yata ang ulo ko." Anito sapo ang noo.

"Well then can we settle now? Kailangan natin planuhin ang mga sususnod na dapat natin gawin from this point on." Napatingin silang lahat kay Uncle Emerson.

Isa-isa silang pumuwesto at siyempre katabi nila ang kanilang ina, mabilis siyang nangunyapit rito at humilig sa balikat nito. Napakurap kurap na lang siya nang mapansin niya ang isang kakaibang tingin mula kay Uncle Emerson at Aunt Reese. Nang magtama ang mga mata nito ay sabay na gumuhit ang kakaibang ngiti sa mukha ng mga ito.

"Anyway what do you mean, 'Pa. Hindi ba mas madali na lang na pumunta tayo sa London at ipakilala na siya kay King Sebastian?" sabi ni Emery saka itinaas ang paa sa may salamin na lamesa na agad na pinalo ni Iraine at mabilis naman na tinanggal ng huli pero sinamaan muna nito ng tingin ang kapatid.

"Emery, in playing in a chess board you always need to predict the resut of your own move. Sa kasalukuyang estado ng sitwasyon ni King Seth, hindi tayo dapat magpadalos-dalos."

Hindi niya maiwasang mapakunot ng noo sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Kieran.

Ramdam din niya ang pagkalito nito, alam niyang ang tanging gusto lang nito ay makita na ang kanilang ama pero mukhang hindi ganon kadaling magkaroon ng ama na pinakamakapangyarihan sa mundo.

Huminga ito ng malalim. "A king is powerful with his queen on his side, though in a chess board queen are the one who protects the king iba iyon sa realidad. At dahil walang reyna sa tabi niya it leaves a gaping hole on his army making it vulnerable added with a fact that some of his pawns want to have his throne."

"Hindi ba pwedeng diretsuhin mo na lang 'Pa?" naiinip na tanong ni Emery.

"Ikaw talaga masyado kang mainipin." Napailing na lang si Uncle Emerson habang hindi niya maiwasang makinig ng mabuti sa mga sinasabi nito. "As of now King's Seth's position is critical dahil sa pagkakagulo hindi lang sa loob kung hindi sa labas nitong pamumuno. May mga ilang royal blood ang nag-aalsa laban ditto, idagdag pa ang hindi nito pagkakaroon ng tagapagmana mas naging triple ang panganib sa buhay nito, dahil alam natin lahat na ang lahi ng mga bampira ay may kahinaan."

Eternal Vow (MBIAV 3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن