Chapter 12: Missing Part

1K 62 8
                                    

A/N:

Buti pa ang ALDub nagkita na etong dalawa...

Naku, naku. naku!!! Magtino na please hahaha

Picture of Ave above 

Enjoy!!!

ANG mga katok mula sa pintuan ang pumukaw sa pansin ni Seth mula sa mga binabasa niyang dokumento.

"Come in." aniya saka muling ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Pagbukas ng pintuan ay iniluwa 'non ni Drake isa sa kambal na kasalukuyang naninilbihan sa kanya bilang bodyguard kahit na kung tutuusin ay kaya naman niyang alagaan ang sarili pero dahil sa kasalukuyan ay walang pupuntahan ang magkapatid ay iyon ay ibinigay niyang trabaho sa mga ito habang nasa ilalim ng pangangalaga niya.

"Your Highness, the car is already waiting." Imporma nito sa kanya habang marahang nakayukod.

Kunot noo niyang nilingon ito nagtataka kung bakit may nag-aantay sa kanyang kotse may kailangan ba siyang puntahan?

"You will attend Lady Iraine's debut party, Your Highness." Paala nito sa kanya.

Ah...yes, he almost forgot about his goddaughter's debut. Agad na siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair.

"Wait for me in a sec magpapalit lang ako ng damit." Aniya at magalang itong yumukod saka lumabas at isinara ang pinto.

18 huh? Siguro kung nabuhay lang ang anak niya two or three months from now ay eighteen na rin ang magiging anak sana niya kay Rina.

Lumakad siya sa may book shelves at mula roon ay may inaangat siyang libro saka bumukas ang isang sikretong labasan mula sa kanyang study room.

Alam niya ang pasikot-sikot sa tila maze na lagusan at sa isang pinto na binuksan niya ay direktang nakakonekta sa isang lagusan palabas ng west wing. Kung saan dapat na nakatira ang royal family. Ang pamilya n asana bubuuin siyan kasama ni Rina na sa isang iglap, sa isang segundo at sa isang maling desisyon na nagawa niya ay nawala na lang ng parang bula.

Ang ilang daang taon na hiling niya ay napunta lang sa wala, sa kamatayan ng kanyang minamahal, sa pagkaudlot na pagsilang na anak nila ng magiging anak pa nila at ang huli ang puso niya na isinama ni Rina sa pakamatay nito.

Naglakas siya sa malaking espasyo ng receiving area ng kwarto nila ni Rina at mula roon ay tiningala niya ang malaking painting nila ni Rina na nakadisplay sa itaas ng fireplace.

Ang dalaga pa mismo ang nagsabi na gusto nitong makita ang painting na iniregalo ng mga magulang niya na nasa sala. Painting iyon ng kasal nila, nakasuot pa ang dalaga ng napakaganda nitong wedding dress while he wears the uniform of a prince in his wedding day.

Sa halos labing walong taon na lumipas na hindi niya kasama si Rina walang araw na hindi niya ito naaalala. May mga taong nagsabi sa kanya subukan niya ulit magmahal pero hindi niya kaya.

His heart already belonged to his beloved Rina and he can't create another heart just to be given in another woman because artificial heart won't satisfy another heart that is longing to be loved.

Many things changed his life became dull, lifeless and boring but he still needed to lead a coven. Kaya ang buong atensyon niya ay nakafocus lang sa pamamalakad ng palasyo.

Kaso mukhang kulang pa rin lahat ng ginagawa niya para sa iba pang maharlika. Wala naman talaga siyang pakialam sa mgareklamo ng mga ito pero dahil na rin sa impluwensiya ng mga ito ay tuluyan nang nagkaroon ng dalawang magkaibang grupo sa loob ng ccoven niya. Ang kalahati ay sumusuporta sa kanya bilang Hari at ang kalahati ay gusto siyang tanggalin at ang mga ito ang gustong magmanipula sa palasyo.

Eternal Vow (MBIAV 3)Where stories live. Discover now