Chapter 5: The Witch's tears

1.1K 65 4
                                    

A/N:

Ito na ang next chap! excited with this one hehe


HINDI mapigilan ni Kyrian na humagalpak ng tawa sa itsura ng mga kasama nila tanging si Kieran lang ang hindi nagulat habang iiling-iling sa kanya. Kaso 'yung mga kasama nila, muli lang siya natawa ng malakas.\

"You freaking Omake! How the hell we didn't notice it?!" Ani ni Zia habang tinuturo siya.

"Well..." nakangiting sabi niya saka nagkibit balikat.

Sunod-sunod na violent reaction ang nakuha niya sa mga ito, pero 'ni isa man lang doon ay hindi naman nakaka-offend. Mukhang ang mga taong 'to hindi sila basta-basta naghuhusga pero mukhang hindi ng mga ito palalampasin na ang lalaking katulad niya ay kasing ganda ng isang babae. Tumigil lang ang mga ito nang marinig ang palakpak na galing kay Sir Emerson.

"Well, then kids were not here para i-interoggate niyo si Mr. Angellus. Isa pa malapit nang matapos ang lunch break, so ano? Do you think these two can enter the DC? Despite some circumstances?" "Payag ako!" nakapalingon sila kay Lou.

"Oh anong nakain mo at nagbago ang isip mo sa loob ng mga..." tumingin si Zia wrist watch nito. "Five minutes."

"Hmmp, ang ayaw ko lang namna sa lahat ay 'yung mga nagkukunwari at hindi nagsasabi ng totoo." Kapagkuwan ay tumingin ito sa kanya.

"At halatang ganon kang klaseng tao pero kahit ganon mukha naman na mabait ka." Saka lumabas.

"Hoy, hindi pa tayo tapos ditto." Awat ni Zia.

"Panget! Bumalik ka rito!" sabi ni Miko.

Napapahiya naman na bumalik ito sa loob. "Pa-cool ka masyado babalik ka rin naman." Komento ni Tom.

"Saka kaya lang naman niyan napansin na lalaki si Kyrian kasi mahilig sa babae." Si Zia.

"Tama, tama." Sang-ayon naman ng dalawang kaibigan nito.

"Mga kaibigan ko ba kayo?" sa isa nanahimik ang mga ito sabay sagot.

"Hindi."

"Pinagkakaisahan niyo ko." Maktol nito.

Napangiti na lang tuloy siya sa pagkakagulo ng mga ito. Baka nga tama ang sinabi ng mga kaibigan nito kasi hindi basta-basta mapapansin ng ibang tao nababae siya sa isang tingin pa lang. Nakakatuwang mga tao.

"Well, it settled then, pero may konti tayong problema." Tumingin ito sa kanila. "Disciplinary Comittee wasn't really a club rather an umbrella org of the student council. Lahat ng mga miyembro ditto ay dapat na may official org, it was a rule." Anito.

Pero pakiramdam niya kaya lamang nito ginawa 'yon ay para pahirapan lang sila ng kapatid niya.

"Well, about that." Napatingin sila kay Iraine. "If you don't mind pwede kayong sumali sa Supernatural research Club."

"What? Iraine." Reklamo agad ng ama nito. Napatingin siya rito, nagtataka bakit kaya parang hindi man lang ito sumakay sa trip ng tatay nito?

"Come on, pwede 'yon isa pa wala naman masyadong ginagawa sa club namin and we need extra members."

"Ayun, kaya naman pala ehh.." sabi ni Zia.

"Pwede 'yon hindi ba? Sali na kayo para makapasok kayo sa DC." Nakangiting sabi ni Miko.

"Sige payag kaming sumali kung ano mang club 'yon, para matapos na 'to." sabi ni Kieran sa nababagot na tono. Pero hindi niya maiwasang mapangiti dahil namumula ang dulo ng tenga nito tanda na naapektuhan ito sa ngiti ni Miko kanina.

Eternal Vow (MBIAV 3)Onde histórias criam vida. Descubra agora