Chapter 13: Right were you belong

1.1K 67 12
                                    

A/N:

Ano kaya ang mangyayari??? hmmm....

anyway dedicated to Vianielim sa walang sawa na pagpapaalala sa kin na mag UD hahaha XD

sa mga gusto pong magpadedicate comment lang heheh...

Song: Right were you Belong by Julie Anne San Jose


HALATA ni Kyrian ang kagustuhan ng kakambal niyang si Kieran na lapitan ang kanilang ama. Pero sa ngayon ang kailangan nilang gawin ay mag-antay, magobserba dahil sa mga sususnod na sandal ay magsisimula na ang plano nila.

Saka sa kasalukuyan kasi dapat na hayaan muna nila ang birthday celebrant na ma-enjoy nito ang espesyal nitong araw. Isa malaki rin ang pasasalamat nila rito sa pagpayag na gamitin ang mismongaraw ng kaarawan nito para muli nilang makita ang ama.

Itinutok na nila ang tingin sa harap ng stage at nagsimula na ang 18th roses nito. Syempre ay inuna si Uncle Emerson bilang ama ng debutante at sunod-sunod na ang mga kaibigan ni Iraine maging si Alpha Marlo at King Jeff ay kasama rin. Hindi din nagpahuli si Uncle Jerome pati narin sina Lou at Tommy nang nasa ika labing anim ay tinawag na siya.

"Hey there Ms Debutant." Nakangiting sabi niya nang iabot ang 16th roses nito matapos itong iikot ni Lou papunta sa kanya.

Tinaggap muna nito iyon bago ito humawak sa kamay at balikat niya.

"Hi, enjoying your first party?" anito nasabi kasi niya na ito ang unang beses nila ng kakambal niya na dumalo ng isang party.

Isa pa wala naman silang mga kaibigan kambal din noong mga bata pa sila pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay sila.

"Yes, I didn't expect parties like this can be so lively." Aniya habang isinasayaw ito.

"Good then, anyway... the plan will commence at midnight si Aunt Lirea na ang bahala kay Auntie at dadalhin siya sa napagusapan na lugar. Si Tito Jerome naman ang bahala kay Uncle Seth para dalhin sa lugar na 'yon." She said in a hush whisper.Sa tugtog na meron sa lugar na 'yon he doubts kung may makakarinig man sa pinaguusapan nila.

"Thank you." He said sincerely.

Sandali itong natigilan saka ngumiti. "You're Welcome, besides ang kwento sakin ni Mama malaki daw ang naging parte ni Auntie sa love story nila ni Papa added with a fact na matalik siyang kaibigan ni Mama."

"Then sabihin mo kina Auntie, quits na." nakangising sabi niya.

"Kung ano-ano talagang lengwahe ang natutunan m okay Miko ano?" pailing-iling nitong saad.

"It's fun." Aniya saka ito pinaikot.

"Next our 16th rose. Mr Seth Zaria." Sabi ng Emcee at nakita niyang sa unang pagkakataon ay utmayo sa kinauupuan nito ang kanilang ama. Hindi kasama ang dalawa nitong sa tingin niya ay bodyguard.

Muli niyang pinaikot si Iraine at saka ito ibinigay sa kanyang ama. Isang malawak na ngiti muna ang iginawad niya rito bago siya bumalik sa kinauupuan niya kasama ang mga kaibigan.

"Is that Seth Zaria?" tanong ni Tommy habang inaayos ang suot nitong salamin sa mata.

"Obviously, kakarinig lang natin kanina hindi ba?" Lou said while rolling his eyes. Napakunot lang ang noo niya sa pagiging interesado ni Tommy sa kanilang ina.

"Hindi niyo ba siya kilala?"

"Hindi Tom, at wala kaming balak na malaman."

"Hay Naku, Lou palibhasa tungkol lang mga babae ang gusto mong malaman." Sabi ni Zia saka binalingan ang katabi nito. "What about him Tom?"

Eternal Vow (MBIAV 3)Where stories live. Discover now