Chapter 20: Thank you

1.3K 53 8
                                    

A/N: 

Happy New Year everyone! 

This year became too frustrating and depressing for me that I almost quit

masyado lang siguro ako naapektuhan sa nagyayari sa publishing house kung saan ako naka-kontrata.

Hindi ko na kasi alam kung maipu-pulish pa ang My Vampire Duke and it's been a year since nang ma-approve siya so I really doubt kung may possibility na makita niyo pa siyang printed but I'll retain the new version that was edited sa booklat.com.ph so just check it our guys under the name :AthenaNanami

anyway I'll try my best na magkaroon ng double update for the next 2 days dahil baka hindi ao makaupdate for the next 2-3 weeks so there ang haba na ng A.N. ko di ko naman sure kung binabasa niyo hahaha

But anyway Thank you for reading and supporting my stories this year.

Enjoy!


NAPAPALIT-PALIT ang tingin ni Miko sa kambal habang nakapangalumbaba sa lamesa niya simula kasi ng batiin siya ni Rian na nakasuot ng panlalaking uniform sa pangalawang pagkakataon ay hindi na siya kinausap pa ng kambal ng tadhana na bigla na lang nagdisappear sa party noong Friday.

"Ano wala ba talaga kayong sasabihin?" hindi niya maiwasang matanong. Self study sila dahil wala silang teacher pero hindi sila pinayagan na makalabas ng room kaya hindi niya maiwasang tumunganga at antayin na magsalita ang dalawa.

"Ang kulit mamaya ngang lunch wag kang unfair sa iba." Sabi ni Rian habang may kinakalikot sa cellfone nito habang si Ran ay as usual ay nakakuyakoy na naman sa desk nito, tulog.

"Ang duga naman kasi kailangan may suspense pa?" aniya saka dinukot ang cellphone sa bulsa niya, naiingit siya kay Rian ehh, bakit ba? Sandali niyang pinaglaruan ang keychain na nakalagay sa fone niya na bigay ni Ran saka ini-unlock na 'yon at naghanap ng game app na pwede niyang pagdiskitahan.

Ang kaso mabilis rin siyang na-bore sa ginagawa at ayaw naman niyang mag-aral dahil tapos na rin naman niyang aralin 'yon sa bahay nila.

"Ayoko na! bakit ang tagal mag-recess?" saka niya isinandal ang ulo sa back rest ng upuan.

"Bakit parang masyado ka yatang bored ngayon?" anito saka patuloy lang na kinakalikot ang fone nito nan nung umayos siya ng upo at inisyuso ang ginagawa nito ay may nilalaro lang palang application.

"Hangover sa laban nung Friday, pagkatapos kasi 'non wala nang exciting ang nangyari kaya eto parang lahat ng nasa paligid ko ang tagal-tagal umandar."

"I didn't partake you being a violent type Miko."

"Hindi naman ako violent ehh, sadyang may pagkakataon lang talaga na sinunmpong ako ng ganito." Aniya saka ipinatong ang pisngi niya sa desk para siyang kiti-kiti na hindi mai-stay sa isang pwesto pero namula ang mukha niya nang makita niyang nakakiling ang natutulog na mukha ni Ran sa pwesto kung saan siya nakaharap at ang payapang anyo nito ang parang nagpakabog ng malakas sa dibdib niya.

Takte ano 'yon? Hindi niya tuloy maiwasang maitanong sa sarili niya saka ipinaling ang mukha sa kabilang banda. Kung bakit naman kasi ang gwapo ng loko? Agad niyang ipinilig ang ulo, gutom lang siguro 'yon.

"Hey, Earth calling Miko? Are you there?" tawag sa kanya ni Rian.

"The number you dialled is currently unavailable please leave a message after the beep. Beeeeeeep."

Narinig niya natawa ang kausap, buti pa 'to natawa sa joke niya samantalang siya hindi pa rin matigil ang kabog sa dibdib niya.

Huminga na lang siya ng malalim at nang sa tingin niya ay kumalma na siya ay umupo na siya ng maayos saka tinignan si Rian para lang matigilan nang makita niyang nakatingin na sa kanya si Ran at nakapangalumbaba. Hindi kaya naramdaman nito ang pagtingin niya rito?

Eternal Vow (MBIAV 3)Where stories live. Discover now