Chapter 10: Another Allies

1.1K 63 15
                                    

A/N:

Heres the next chappie! And thank you ulit to yssah_009 na nagflood ng notifs ko ng tatlong araw hahaha Hope you'll like this chap :3

"BUSTED" iyon agad ang nasabi ni Kyrian nang marinig niya ang boses ni Uncle Emerso at napangiwi nang siya nang sunod na marinig ang boses ng kanyang ina agad na niyang hinahanda ang parusa nito na gagawin sa kanya.

At ayun na nga naramdaman na niya ang malakas na pingot ng ina sa tenga niya pero hindi siya makapagreklamo dahil alam naman niyang kasalanan niya ang nangyari. Napangiwi na lang siya lalo.

"You two didn't change at all aren't you? Hilig niyo pa rin na gumawa ng kalokohan kahit na ang tatanda niyo na."

"Sorry, Mom." Panabay nilang sabi ni Kieran mabilis naman na binitawan ng kanilang ina ang tenga nila.

"Buti nga." Narinig pa niyang sabi ni Emery na kakapasok lang sa sala. Halatang masama pa rin ang dugo nito sa kanya dahil pasimple ito kung mang-asar kasi hindi ito makahirit kapag siya na ang nagsimula na mang-asar ditto.

Pero bago 'yon ay agad siyang nag-sorry sa kapatid sa pamamagitan ng kanilang mind link.

Ayos lang pumayag rin naman ako hindi ba? Napangiti na lang siya sa sinabi na 'yon ng kapatid niya. Kahi nung bata sila ganon na palagi ang katwiran nito sa kanya kapag napapagalitan sila ng kanilang dalawa kasi ang totoo ay siya palagi ang pasimuno ng lahat

Napabuntong-hininga na lang si Uncle Emerson habang nakatingin sa kanila. "Kaya pala tinatanong ko si Miko kung nasaan kayo nandito lang pala kayo."

Nginitian lang niya ito saka niya narinig na magsalita si Jerome.

"Okay, can you please explain who are they? And how come..." tinignan nito ang ina nila na ngayon ay binitawan na ang tenga nilang magkapatid. "She looks like Rina?"

"Actually she's really Rina." Sabi ni Emerson.

"How—" pero agad pinutol ng asawa nitong si Lirea ang pagtatanong nito.

"Can we all settle first? Sa totoo lang nakakangawit tumayo." Aniya ni Lirea. Agad naman silang umupo sa mahabang sofa with there mother at the middle habang umupo naman si Jeronme sa single seater sofa while Emery and Uncle Emerson both decided to lean on the wall.

"Maghahanda lang ako ng merdyenda so Emerson explain everything to Jerome what the hell si happening." Ani nito saka ito pumunta na sa direksyon ng kusina ng mansion.

"So..?" expectant na tanong ni Jerome.

"This two Kieran and Kyrian twins, the one with the long hair is Kyrian."

"Hello!" aniya saka kumaway pa rito bago niya ipinulupot ang dalawang braso sa braso ng ina na napailing-iling lang sa ginawa niya. Habang napabuntong-hininga lang si Kieran sa tabi ng kanilang ina.

Sandali siyang tinignan ni Jerome saka kumunot ang noo. Noon pa lang siguro nito tuluyang nakita ang mukha nilang magkapatid dahil kakatanggal lang nila ng scarf na nagtatago sa mukha nila.

"Kieran snuck out in the restaurant to spy us, mukhang alam niya ang defenseless na bahagi ng isang protection spell dahil nakita namin siya sa itaas ng bubong. And gradually we learned na new students sila ng school at gustong kausapin si Reese from there on nakilala namin si Rina at nalaman na sila ang anak ni Seth. I will tell you the rest of the details later."

"So that explain why we almost got defeated by mere children." Narinig niyang sabi ni Lirea habang may bitbit itong tray na may laman na tea at bread.

"Sorry!" pagpaumanhin niya habang nakangiti pero sa totoo lang hindi siya nagsisi na kalabanin ang mga ito dahil magaling talaga ang tandem ng mag-asawa.

Eternal Vow (MBIAV 3)Where stories live. Discover now